Professional Documents
Culture Documents
Ang Paglilitis Ni Mang Serapio
Ang Paglilitis Ni Mang Serapio
Ang Paglilitis Ni Mang Serapio
Ni Paul Dumol
Dalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Narito ho kayo upang panoorin ang isang paglilitis,
dahila’y ang krimen ng isang pulubing huling- huli namin. Si Mang Serapiong pisak at surutin.
(Tatakbo sila sa kanilang mesa.) Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito ang nasasakdal! Dalhin dito
ang nasasakdal! Dalhin dito agad!
(Hahalakhak, hihiyaw, at papalakpak ang mga Pulubi. Hihilahin ng dalawang bantay si Mang Serapio
sa gitna ng silid at iiwan doon. Katahimikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang
waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may
kapangyarihang, tulad namin.
Ikalawang Tagapagtanong: Tumindig ka nang matuwid!
Serapio: Gusto ko lang malaman kung ano ang krimen ko. (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: A, problema mo na ‘yon. (Sa mga manonood) Pag-aaruga ng bata ang krimen
niya. (Biglang titindig ang tatlong saksi)
Unang tagapagtanong: (Sa mga manonood) Krimen sapagkat ang pag-aaruga ng bata ay
panunuksong gumasta.Samakatuwid nawawalan ng pera ang federacion. Nahuli siya ng tatlong
kasapi nitong federacion. Narinig siyang nagsasalita sa anak niya at alam pa nila ang pangalan ng
anak niya- Sol. Pormalidad na lamang itong paglilitis.
Unang tagapagtanong: Ang parusa niya ay nais panoorin nitong mga pulubi. Siya’y bubulagin.
(Bubungisngis at tatawa ang mga pulubi) Ginoong Serapio, mabuti ba’ng tulog mo?
Serapio: Oho.
Unang tagapagtanong: Magaling! Handang-handa ka sa paglilitis mo. Ilang araw mo nan g suot ‘yang
kamisedentro mo?
Hukom: (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang podium) Ituloy ang paglilitis! (Sa mga
manonood) Sa siyam na taon sa federaciong ito bilang hukom, wala pa akong nakikilalang
tagapagtanong na kasindaldal nitong dalawa. (Pupukpukin nang dalawang beses ang kanyang
podium) Ituloy ang paglilitis?
Serapio: Ho?
Serapio: Serapio.
Serapio: Oho.
Serapio: Classificacion?
Unang Tagapagtanong: Kasama ng sayaw o kundi nama’y kanta nang madla’y maaliw at bigyan ka ng
kwarta?
Unang Tagapagtanong: Maaari naman ding nagkukunwari ka, ika’y ipinaglihi sa isang palaka.
Ikalawang Tagapagtanong: O kung hindi naman ika’y isang palso, ngunit isang palsong palsipikado.
Dalawang Tagapagtanong: Pakunwaring bingi, bulag, pilay, pipi, madla’y madaya man ikaw nama’y
yayaman. ‘yan ang uring pakunwari.
Hukom: Patibayan na ninyo ang krimen niya. (Biglang tindig ang tatlong saksi)
Tatlong Saksi: (Sa mga manonood) Patibayan na ang krimen niya. Patibayan na ang krimen niya.
Dalawang Tagapagtanong: Isang babaing bumahagi sa puso mo? (Sandaling tigil) Babaing nakasal sa
harap ng altar, sa opisina ng gatpuno, o iba pang lugar. (Katahimikan)
Unang Tagapagtanong: O ano? Malinaw na malinaw ang tanong ngayon. May asawa ka ba noon?
(Katahimikan) Ginoong Serapio, nakapagtataka ‘yang katahimikan mo.
Serapio: Oo.
Mga Pulubi: (Biglang titindig ang mga pulubi’t papalakpak) Magagaling! Magagaling! Magagaling!
(Yuyuko ang mga tagapagtanong)
Dalawang Tagapagtanong: Payat na payat, tuyung-tuyo pa. Walang alinlangang wala na siyang katas.
Serapio: Oho.
Dalawang Tagapagtanong: Ayos!
Ikalawang Tagapagtanong: Umupo ka. Malalaman mo rin. (Aakayin siya ng bantay sa kanyang upuan.
Susulat ang Ikalawang tagapagtanong sa kwaderno.) (Sandaling tigil)
Serapio: (Sa mga manonood) Yaon din ang pangalan ng namatay niyang ina- Sol, Consuelo. Namatay
ang kanyang ina nang siya’y ipanganak. Ang aming unang anak at namatay pa ang ina, isang dalagang
tahimik na may ngiting nagmumungkahi ng simoy at tubig ng batis. Ang pagpanaw niya’y pagsapit ng
kalungkutan. Dalawang hiyaw ang tumaginting sa aming silid sa gabing yaon: ang aking hiyaw ng
hapis ng pagkamatay ni Sol, at ang hiyaw ng takot na naisilang na Sol, na naging larawan ng kanyang
ina: maputi, maitim ang mga mata, madalas na nakangiti, lundag nang lundag kapag inuwian mo ng
kendi, matamis, at laruan. Sana’y nakita ninyo siya. At ang kanyang halakhak, ang kanyang halakhak.-
,Sol, Sol.
Ikalawang Tagapagtanong: Nais pang talunin ang radio. (May mga papel na ibinigay ang Unang
Tagapagtanong sa Hukom)
Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (pPapalakpak nang dalawang beses ang Ikalawang
Tagapagtanong)
Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya ‘yung “Sol” na ‘yun. (Ibibigay ng isang
bantay sa Ikalawang Tagapagtanongang isang kahon)
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga instrumentong ginagamit
namin sa pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang nagtatalumpati siya, maglalapg siya sa mesa ng
martilyo, pait, malaking gunting, tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon)
Kahangahanga itong federacion: ubod ng karunungan at pag-uunawa, sapagkat sa katotohanan ay
pagkakawanggawa ang mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya. (Maglalapag siya
ng bareta sa mesa) ipalagay nating bulag ang kriminal at nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi
ba tataas pa ang kita niya kung pilay rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang siya ang makikinabang.
Ang federacion din, sapagkat tataas ang kanyang abuloy sa federacion. ’Yan ang tinatawag kong
maunawaing parusa: ang pinarurusahan at nagpaparusa ay kapwa nakikinabang. (maglalabas siya
ngicepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang icepick.
Serapio: Ha?
Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag. Madali lang. Sanay na itong guwardiya.
Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang turukin.
Serapio: Pagbulag?
Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si Serpio)
Unang Tagapagtanong: ‘Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang Tagapagtanong ang
mga instrumento ng parusa, ang malaking aklat, at ang kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)
Serapio: Krimen?
Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabay-sabay ang mga
sumusunod na talumpati)
Serapio: Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Bitiwan n’yo ako! Nagsisinungaling kayo.
Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan n’yo ang ulo niya!
Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang nais mong
malaman?
Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking aklat mula sa sahig)
Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang tagapagtanong sa
plataporma, bubuksan ng Unang Tagapagtanong ang malaking aklat, at hahanap ng pahinang
mababasa ang dalawang Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ang krimen ni Mang Serapio.
Dalawang Tagapagtanong:
Dalawang Tagapagtanong:
Serapio: Tatlong taon nang patay. Sinagasaan ng dyip. Patay na siya. Patay.
Unang Tagapagtanong: Tunay na malungkot ang iyong kuwento. Pinipiga mo ang aming puso.
Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi na nanubok sa’yo,
araw, gabi.
Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan, ngunit kung ikaw ang
sinungaling – (Sa mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong saksi. (Titindig ang tatlong saksi)
Serapio: Buwaya!
Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng mga Bantay si Serapio
at hihilahin sa sulok ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar ng mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa
plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil)
(Sa Saksi)Ngayon, mga ginoo nitong marangal na federacion, sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita
kagabi.
Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa kilikili niya, at
susulyap-sulyap sa kana’t kaliwa, takot wari ko na makita siya.
Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kami’t narinig namin siya.
Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.
Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula.
Serapio: Si Sol, ang aking ‘”buhay” na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!
Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi) May isa ba sa inyong
nakakita sa “buhay” na anak ko? Wala!
Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa buong linggong
nanubok kami. (Bibigkasin nang sabayang sumusunod na talumpati. Lalapitan at kakausapin si
Serapio isa-isa ang mga manonood.) At kaya namin alam na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat -
Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!
Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras au naririnig namin siyang paulit-ulit na
nagsasabing, “Heto na, Sol, kumain ka na’t isuot mamaya ang damit mong pula,” at inuulit niya ito
gabi-gabi.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang mga kasangkapan
ko!
Serapio: Ha!
Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin n’yo siya rito! Dudustain pa ninyo ang alaala niya.
Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Serapio: Dalhin n’yo rito ang anak ko, kung buhay pa siya! At bulagin n’yo ako.
Unang Tagapagtanong: Kami’y nagpadala na, ginoo, kanina pa, ng dalawang kasapi nitong federacion
sa iyong barung-barong upang agawin ang anak mo sa karaniwang oras ng pag-uwi mo. Nakabalik na
sila. (Sa mga bantay) Nasaan sila? (Titindig ang dalawang Pilay)
Unang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling ka- (Hahampasin ang dalawang Pilay ng kanyang
baston. Susukot ang mga Pilay)
Ikalawang Pilay: Itong baul ho, o. (Kakaladkarin nila ang baul sa hilagang gilid ng acting area.)
(Katahimikan)
Ikalawang Tagapagtanong: Nakakandado. (Sandaling tigil) Buksan ninyo ang baul. (Pupukpukin ng
Pilay ng martilyo nang dalawang beses ang kandado ng baul)
Serapio: Wala ‘yang laman! Wala ‘yang laman! Isang lumang baul na nakita ko lang sa basurahan.
Unang Tagapagtanong: Nagsisinungaling ka, Ginoong Serapio. Bagung-bago ang kandado. Wala ni
isang bakas ng kalawang. Ikaw ang nagkandado nitong baul.
Unang Tagapagtanong: Kung ganoon, Ginoong Serapio, hindi mo daramdamin ang pagbukas naming
rito. (Sa Pilay) Buksan ang baul. (Dalawang hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi!
Serapio: Huwag!
Unang Tagapagtanong: titignan natin. Ituloy ang pagbukas. (Apat na hampas ng martilyo)
Serapio: Hindi n’yo dapat pakialaman ’yan! Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Unang Tagapagtanong: Sasabihin ko sa’yo kung ano ang malalahad pagbukas namin nito! Katibayan
ng krimen mo!
Serapio: Wala kayong matutuklasan diyan. (Uulitin niya ang linyang ito habangnagsasalita ang unamg
Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ano ang tinatago mo riyan? Ang mga damit ng anak mo? Ang mga laruan
niya? Ituloy ang pagbukas! (Patuloy ang mga hampas ng martilyo habang nagsasalita ang Unang
Tagapatanong at si Serapio)
Serapio: Huwag!
Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko kayo sa pulis!
Ibubunyag ko kayo at ang inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong pandaraya sa madla!
Ibubunyag ko ang inyong pagmamalupit sa aming lahat; ibubunyag ko ang inyong sadyang
pagpapabaya sa mga matatandang kasapi! Ibubunyag ko itong federacion sa pulis! (Katahimikan)
Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong sa’yo, Ginoong Serpio,
wala! (Kakaladkarin si Serapio ng mga Bantay sa patimog-silangang sulok ng acting area. Lumupagi si
Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw mo’y di
maririnig; ang bawat kilos mo’y mabibigo, walang papansin sa’yo. Dumaing ka pa, at bukas
makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga
pulubi) Tandaan ninyo ‘yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At
ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang
inyong mga mata; kung kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y
nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na
ito, ang bawat daliri ninyo’y isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito,
ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag
sumali ka sa federciong ito. Buksan ang baul!
(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng mga hampas
ng martilyo ang karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).
Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan. Balewala sa inyo
ang laman niyan. (sandaling tigil) Hindi naman ninyo mauunawaan. Hindi naman ninyo
mauunawaan. Kung tangkain kong magpaliwanag, kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit,
hindi naman ninyo mauunawaan. Pagtatawanan lamang ninyo ako. Anong masasabi ko sa inyo?
(Sandaling tigil) Nabubulok na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat,
nabubulok na buto. (Masisira ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang Tagapagtanong sa
baul. Titindig ang ilang Pulubi. Itataas ng unang tagapagtanong ang isang manika.)
(Patuloy ang tawanan ng mga pulubi habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin ng tanawin ang
mga linya ni Serapio.)
Serapio: Sol! Sol! Anak. Anak. Sol. Anak. Ang buwan. Ang bituin. Ang langit. Sol. Sol. Anak. Ang bituin.
Ang hangin. Sol. Ang langit. Hangin. Sol ko. Anak. Diwa. Imahen. Kristal at buhay. Buhay. Buhay. Sol.
Anak ko. (Hihina ang tawanan ng mga Pulubi. Titigan ng buong korte si Serapio.) Larawan ni
Consuelo. Sol na anak ni Sol. Sol. Kristal at diwa. (Tahimik ang buong korte.) Diwa. Diwa. Ang buwan.
Ang bituin. Ang langit. Ang hangin. Ang sinag. (Mapapansin ng Unang Tagapagtanong ang mga
mukha ng mga Pulubi.) Ang araw. Sol! Ang araw! Sol! Ang araw! Son na anak ni Sol! Consuelo. Anh
jangin…ang araw…sol(Aagawin ng unang tagapagtanong ang manika.)
Ikalawang Tagapagtanong: (Matinis) Tatay ka ng trapo? (Tatawa ng malakas ang mga Pulubi. Matinis
ang tawanan nila.)
Serapio: Ang anak ko ay maganda! At buhay. Buhay. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng
araw.
Unang Tagpagtanong: Kapok! (Hahagutin niya ang manika; katahimikan; Biglang lulundag si Serapio
sa Tagapagtanong.)
Serapio: Bitiwan mo siya! (Tatakbo ang TAGAPAGTANONG sa kanyang mesa’t ihahagis ang manika sa
mga Pulubi.)
Unang Tagapagtanong: Kunin mo siya! (Sisigaw ang mga Pulubi’t sasaluhin ang manika sa iba’t ibang
sulok ng silid habang nagsisigaw at nagsisitawiran. Hahabulin naman ni Serapio ang manika.
Mahahagis ang manika sa sahig, ngunit bago mapulot ni Serapio ang manika, sisigaw ang Unang
Tagapagtanong.)
Bulagin natin siya! Bulagin! (Uulitin ng mga Pulubi ang sigaw…Kakaladkarin nila si Serapio sa
plataporma. Lahat sila’y nagsisigaw at nagtatawanan. Biglang maririnig ng mga manonood ang hiyaw
ng binulag na Serapio. Biglang tatahimik ang mga Pulubi’t lalayo kay Serapio. Babangon si
Serapio.Duguan ang kanyang mukha. Duguan din ang mga kamay ng ilang mga Pulubi; gayundin ang
kanilang mga damit. Walang-imik ang mga Pulubi’t si Serapio. Susuray-suray na lalakad si Serapio.
Mararapa siya’t gagapang. Aapuhapin niya ang manika. Biglang lalabas ang mga Pulubi maliban sa
tatlo. Papalibutan nila si Serapio kasama ng mga tagapagtanong. Mahihipo ni Serapio ang manika,
ngunit bago niya makuha ito, sisipain ng isang pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio.
Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa. Biglang titigil ang mga Pulubi’t Tagapagtanong. Lalabas ang mga
Pulubi. Aakapin ni Serapio ang manika. Wala siyang imik.)
Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas ng silid. Aayusin
ng mga Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)
Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong; Katahmikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo kung bakit kami
napilitang parusahan si G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga kasaping magkaroon ng mga haraya, ng
mga pangarap, na di naman matutupad at dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niya’y
nakasisira sa mga kasapi nitong federacion. Tinutulungan lang naming sila nang parusahan namin si
G. Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano mang federacion ay
nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira nitong kaayusan ay mapanganib. Ang
ginawa ni Mang Serapio’y salungat sa aming mga batas. Ang ginawa niya’y pulos malisya.
Ipinagtanggol lang naming ang aming kapwa tao. Ito’y dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na
maunawaan. (Katahimikan.)
Bali-bali na an gaming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang napakataas na pader na
kongkreto. Marahil ay ibinitin na nga ni Mang Serapio sa harap naming ang susi sa aming piitan,
ngunit napakahirap hiwain ang sarili’t ilahad ang pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang
nasang lumipad at hanapin ang sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit na diwa’y mahinang
wumawagayway lamang. (Lalabas siya.)