Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AMA,INA,ANAK,ASAWA

Isang tekstong impormatibo ni Jessica G. Baasis

Gaano ng ba kahalaga ang pag-boto ng isang botante? Maraming tao ang nakikinig sa
pahayag ng isang tumatakbong politiko sa larangan ng gobyerno. Mga tumatakbong politiko na
paulit-ulit na nanunungkulan sa bayan o lalawigan ng Pilipinas. Kapansin-pansin din ang mga
mag kakamag-anak na nanunungkulan sa gobyerno at ito ay sumasalamin sa political dynasty.

Ang political dynasty ay isang malaking bahagi ating kasaysayan, maging hanggang sa
ngayon ay makikita pa rin sa ating gobyerno. Sa madaling salita, ito ay mga grupo ng pulitiko na
nagmula sa iisang pamilya. Ang mga pamilyang ito ay madalas na nag-uumpisang tumakbo sa
panlalawigang antas at kalaunan ay sisikaping lumahok sa pambansang antas at iba pang
posisyon na may pulitikal na katanyagan. Ang mga political dynasties ay karaniwang may
malakas na baseng suporta mula sa lalawigang kanilang pinagmulan at maging sa mga lugar na
kalapit nito. Ang miyembro ng isang political dynasty ay hindi limitado sa gawaing pulitikal.
Sila ay matatagpuan na kalahok din sa mga aktibidad kagaya ng negosyo at kultura.

Ilan sa mga kilalang political dynasties sa Pilipinas ay ang mga pamilyang Ampatuan,
Aquino, Estrada, Marcos, Ortega, Roxas, at Duterte. Sa kasalukuyan, wala pang legal na
dokumento o batas ang opisyal na nagpapakahulugan sa political dynasty. Anti-Dynasty Bill sa
Kongreso noong Pebrero 2, 2016. Dahil sa tumataas na bilang ng mga political dynasties,
karamihan ng mga posisyon sa gobyerno ay hinahawakan ng mga pulitikong kasapi ng isang
political dynasty.

Ilan din sa mga kilalang political dynasties ng lokal ay ang pamilyang Dacayo na si
Heraldo D. Dacayo na umupong mayor sa bayan ng Solano, Nueva Vzcaya noong 1992 ng
Hulyo hanggang 1998 ng Hunyo. Nagpatuloy ang kanilang panunungkulan sa bayan nang
ipagpatuloy ito ng kaniyang anak na si Atty. Philip A. Dacayo bilang mayor noong 2007 ng
Hulyo hanggang 2016 ng Hunyo sapagkat siya’y nahalal na maging Bise-Mayor. At ipinasa niya
ang kaniyang posisyon sa kaniyang asawa na si Eufemia A. Dacayo na nanungkulan noong 2016
ng Hulyo hanggang sa ngayon.

Mayroon bang pagbabawal sa Saligang Batas laban sa mga political dynasty, o ang
paghahalal at pag-upo sa mga posisyon ng gobyerno ng magkakamag-anak? Ayon kay Atty.
Noel Del Prado, bagaman ginagarantiya ng Saligang Batas ang "pantay-pantay" na pagkakataong
tumakbo ang bawat indibidwal, nakasalalay lamang sa mga mambabatas ang pagbibigay-
depinisyon sa political dynasty, at ang pagbabawal nito sa batas. Paliwanag niya "mainit" ang
naging debate sa pagtatanggal ng political dynasty nang binabalangkas pa ang 1987 Constitution
kaya umano ipinaubaya na lamang sa mga mambabatas ang paglalagay ng depinisyon dito -
bagay na gustong baguhin umano ng Consultative Committee ng binabalangkas na federal
charter. "Ayon sa kasaysayan, hindi 'yan ipapasa ng tao na laban sa kanilang interes kasi sila-
sila 'yung naandiyan na kabilang sa mga pamilya," ani Del Prado sa "Usapang de Campanilla"
nitong Lunes. Narito lamang ang nakasaad sa Article 2, Section 6 ng Saligang Batas patungkol
sa political dynasty: "The State shall guarantee equal access to opportunities for public service,
and prohibit political dynasties as may be defined by law." Sa ngayon, sa Sangguniang Kabataan
elections pa lamang ipinagbabawal ang political dynasty, batay sa SK Reform Act na ipinasa
nitong 2016.

Sa kasalukuyan, hati ang pagtingin ng mga Pilipino ukol sa political dynasty. Subalit
mapapansin na ang mga pulitikong bahagi ng isang political dynasty ay may makabuluhang
kalamangan kumpara sa mga taong nagsisimula pa lamang sa pulitika sa kadahilanang ang
kanilang pamilya ay may katanyagan at impluwensya. May mga makabuluhang katibayan din na
iminungkahi na ginagamit ng mga political dynasties ang kanilang posisyon at pagiging
dominante upang sila ay magpayaman. Isa pang maaaring kahantungan ng political dynasty ay
ang posibilidad ng pagkakabuo ng status quo at manaig ang kanilang personal na interes at
ihiwalay ang kanilang mga sarili sa mga taong dapat na kanilang pinaglilingkuran.

You might also like