Professional Documents
Culture Documents
Kurogut Namtamana Nga Filipino
Kurogut Namtamana Nga Filipino
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo
(death,life)
Naturalismo
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang
epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga
tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.
Humanismo
Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao.
Romantisismo
Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.
Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang
kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.
Mordernismo
Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na
hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay
hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon
ng mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa
mga tao gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya
ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong
sapat lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng
malalimang pagsusuri at pag-unawa.
Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda
ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Pisikal
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng
akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y
naghari sa panahon ng amerikano.
Moralismo
Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng
literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di
mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.
Sosyolohikal
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon,
lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila
bilang boses ng kanyang panahon.
Biyograpikal
Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal
niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
Sikolohikal
Ayon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg
na lumulutang sa ibabaw ng langit papuntang kalawakan at sa ibang mga planeta.
Arkitaypal
Ayon kay john loui medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na
may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay
kolektibong
Ang Tunay na Sampung Utos ng Dios
Una. Ibigin mo ang Dios at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay: ang Dios na
siyang bukal ng boong katotohanan, katoiran at kalakasan; ang paghahangad
ng puri ang siya lamang makapigil sa iyo sa pagbubulaan at makapipigil na huag
kang suminsay sa daan ng katowiran at laging magtaglay ng kasipagan.
Yka apat. Ibigin mo ang iyong Inang bayan nasa kaikalawa ng Dios at ng iyong
puri at higit sa iyong sarili, sa pagka’t siya ang nakaisaisang Paraisong
pinaglagyan sa iyo ng Dios sa buhay na ito; siya lamang ang pinaiikawan ng
iyong lahi; na kaisa-isang mana mo sa iyong pinagnuno; at siya lamang
inaasahan ng iyong angkan; dahil sa kanya’y nagtitikim ka ng kabuhayan,
pagsinta at pag-aari; natatanawan mo ang katimawaan, kapurihan sa Dios
Ykalima. Pagpilitan mo ang katimawaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili, at
papaghariin mo sa kanya ang bait, ang katowiran at kasipagan; sa pagka’t kun
tyimawa siya ay matitimawa rin ikaw at ang iyong kamag-anakan.
Ykaanim. Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sa pagka’t ikaw lamang
ang tunay na makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghal, ang
kanyang kasarinla’y siya mo naming kalayaan o kaluwagan, ang kanyang
pagkasulong ang kayamanan mo sa lahat ng bagay at ang kanyang
pagkatanghal ang siya mo naming sariling kabantugan at kabuhayang walang
hangan.
Ykapito. Huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang pangyarihan nino
mang tawona hindi sa lagay ninyong magkakababayan, pagka’t ang boong
kapangyariha’y sa Dios nagmumula at ang Dios ay sa konsiencia ng bawa’t isa
nangungusap; kaya’t ang tawong ituro at ihalal ng mga konsiencia ng
sangkabayanan ang siya lamang makapagtataglay ng tunay na kapangyarihan.
Ykawalo. Ihanap mong pilit ang iyong bayan ng Republica, yaon baga ang lahat
na namamahala ay palagay ng bayan, at huag isipin kailan man ang Monarquia,
ang pagkakaroon baga ng hari; sa pagka’t ang hari ay walang binibigyan ng
kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang, upang maitayo niya ang kanyang
sariling angkan na siyang pangagalingan ng lahat na maghahari; hindi ganito
ang Republica na nagbibigay ng kamahalan at karapatan sa lahat palibhasa’y
ang kabaitan ang pinaiiral, at ang baya’y nagiging dakila alang-alang sa
kalayaan o kaluagan, at marilag at masagana gawa ng kasipagan.
Unang tagobilin. Walang itinuro sa atin ang namahalang Kastila at ang mga
paring religioso, kundi ang itaas natin sa isang balobalong langit ang ating mga
mata at ang boo nating pag-iisip, upang bayaan natin sila sa pagtatamong
mahinusay ng mga kagalingan dito sa lupa. Dahil dito’y hindi nila inibig na
makakita at makabasa tayo ng mga librong magpapatalastas sa atin ng mga
katotohanang ito, na kun maganap natin ay matatamong walang sala ang ating
kaginhawahan sa buhay na ito at sa kabila ang ating kalualhatian at
kabuhayang walang hangan.
Ykalawang tagubilin. Ang bayan ay hindi lamang ang provincia, hindi rin yaong
bayang sakop ng provincia at hindi rin naman ang lugal na pinangangkan sa
bawa’t isa. Ang lahat na provincia, ang lahat ng mga bayan at ang lahat na lugal
na pinangangkan sa kangino mang taga Filipinas, kahit ano ang mga
sinasampalataya niya at ano man ang wika, ito ang siyang tunay na bayan o
Ynang bayan nating mga taga rito sa Kapuluan.