Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

Sa bahaging ito, matutunghayan ang mga resulta ng isinagawang pamimigay ng

mga talatanungan at pakikipanayam sa mga kalahok sa pag-aaral. Sinuri at sinayasat

nang mabuti ng mga mananaliksik ang bawat kasagutang ibinahagi ng mga tagatugon.

Ilalahad din dito ang mga interpretasyon tungkol sa mga datos na nalikom sa hangaring

tuklasin ang baryasyon at barayti ng Wikang Tagalog na ginagamit ng Lungsod ng

Lucena at Munisipalidad ng Mauban.

Talahanayan 1 : Personal na Datos ng mga Respondente

Lucena Mauban

Personal na Impormasyon f f

Kasarian

Lalaki 4 1

Babae 1 4

Kabuuhan 5 5

Edad

11-20 1 0

21-20 0 0

31-40 0 3

41-50 2 1

51-60 2 1

61 at pataas 0 0
Kabuuhan 5 5

Karanasang Pang-edukasyon

Elementarya 0 0

Sekondarya 0 0

Senior High School 0 0

Kolehiyo 2 4

Iba pa 3 1

Kabuuhan 5 5

Lugar ng Tirahan

Lucena 5 0

Mauban 0 5

Kabuuhan 5 5

Ipinapakita sa talahanayang ito ang personal na datos ng mga respondente mula

sa Lungsod ng Lucena at munisipalidad ng Mauban. Sa unang datos tungkol sa

kasarian, makikitang mas marami ang kalalakihang tumugon na may walampung

porsyento (80%) mula sa Lucena kumpara sa bayan ng Mauban na may dalawampung

porsyento (20%) lamang. Saklaw naman ng kababaihang tagatugon mula sa Mauban

ang mas malaking bahagdan na may walampung porsyento (80%) samantalang may

dalawampung porsyento (20%) lamang ang bilang ng tagatugon mula sa Lucena. Sa

nalikom na datos ukol sa edad ng tagatugon mula sa Lucena, dalawampung bahagdan

(20%) ang may edad 11-20 at may tig-apatnapung bahagdan (40%) ang nasa saklaw

41-50 at 51-60 taong gulang. Sa kabilang banda, may animnapung bahagdan (60%) o 3
tagatugon ang may edad 31-40 at tig-dalawampung bahagdan o tig-isang respondente

(20%) ang nasa 41-50 at 51-60 taong gulang na mula sa bayan ng Mauban.Sa

batayang karanasang pang-edukasyon naman, makikita na mas malaki ang porsyento

ng mga respondente na nakapagtapos na ng pag-aaral at may trabaho na mula sa

Lucena na may animnapung bahagdan (60%) kaysa sa mga respondente mula sa

Mauban na may dalawampung bahagdan (20%) lamang. Samantalang mas malaki ang

bilang ng mga tagatugon mula sa Mauban na kasalukuyang nag-aaral pa sa kolehiyo

na may walumpung porsyento (80%) kumpara sa bilang ng mga respondente mula sa

Lucena na may dalwampung porsyento (20%) lamang.At base sa huling datos tungkol

sa tirahan, may tiglimang tagatugon lamang sa dalawang bayan ang bumubuo sa tig-

isandaang porsyento mula sa talahanayan.

Talahanayan 2: Pagkakaiba ng mga salita sa bayan ng Lucena at Mauban

Sa Kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga

respondente sa lungsod ng Lucena at municipalidad ng Mauban tungkol sa mga

salitang katumbas ng wikang Tagalog.

Talahanayan 2.1: Katumbas ng Tantrum sa Wikang Tagalog

Tantrum

Lucena Mauban

Busisi 2 1

Alburoto 3 4
Iba pa 0 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, animnapung porsyento (60%) ang

nagsasabing alburoto ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang tantrum.

Apatnapung porsyento (40%) naman ang nagsasabi na busisi. Samantalang sa

Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang nagsasabi na alburoto ang

katumbas sa wikang tagalong ng salitang tantrum. Dalawampung porsyento (20%)

naman ang nagsasabi na busisi. Samakatuwid, pitongpung porsyento (70%) ang

nagsasabi na ang katumbas ng salitang tantrum sa wikang Tagalog ay alburuto.

Samantalang tatlompung porsyento (30%) naman ang nagsasabi ng busisi. Pinapakita

rito na mas kilala o gamitin ang salitang alburoto na katumbas sa wikang tagalong ng

salitang tantrum kumpara sa salitang busisi sa dalawang bayan.

Talahanayan 2.2:

Grandfather

Lucena Mauban

Amama 1 0

Lolo 4 5

Iba pa 0 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, walompung porsyento (80%) ang

nagsasabing lolo ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang grandfather.

Dalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na amama. Samantalang sa


Municipalidad ng Mauban, isangdaang porsyento (100%) ang nagsasabi na lolo ang

katumbas sa wikang tagalong ng salitang grandfather. Samakatuwid, siyamnapung

porsyento (90%) ang nagsasabi na ang katumbas ng salitang grandfather sa wikang

Tagalog ay lolo. Samantalang sampung porsyento (10%) naman ang nagsasabi ng

amama. Pinapakita rito na mas kilala o gamitin ang salitang lolo na katumbas sa wikang

tagalong ng salitang grandfather kumpara sa salitang amama sa dalawang bayan.

Talahanayan 2.3: Katumbas ng shortperson sa Wikang Tagalog

Short Person

Lucena Mauban

Pung-gok 0 1

Bag-as 1 1

Pandak 4 2

Bansot 0 1

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, walompung porsyento (80%) ang sumagot

ng iba pa na nagsasabing pandak ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang short

person. Dalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na bag-as. Samantalang

sa Municipalidad ng Mauban, apatnapung porsyento (40%) ang sumagot ng iba pa na

nagsasabi na pandak ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang short person.

Tigdadalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na pung-gok, bag-as, at

bansot. Batay sa datos na ito, mas gamitin sa bayan ng Lucena ang salitang pandak

kaysa sa bayan ng Mauban. Samakatuwid, animnapung porsyento (60%) ang


nagsasabi na ang katumbas ng salitang short person sa wikang Tagalog ay pandak.

Samantalang binubuo ng mga salitang pung-gok, bag-as, at bansot ang natitirang

apatnapung porsyento (40%). Pinapakita rito na mas kilala o gamitin ang salitang

pandak na katumbas sa wikang tagalong ng salitang short person sa dalawang bayan.

Talahanayan 2.4: Katumbas ng lamp sa Wikang Tagalog

Lamp

Lucena Mauban

Simbo 0 4

Bangyaw 0 0

Sulo 1 0

Lampara 3 0

Gasera 1 0

Bunsol 0 1

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, animnapng porsyento (60%) ang sumagot

ng iba pa na nagsasabing lampara ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang lamp.

Tigdalawampung porsyento (20%) naman ang sumagot ng iba pa na nagsasabi na sulo

at gasera. Samantalang sa Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang

sumagot ng iba pa na nagsasabi na simbo ang katumbas sa wikang tagalong ng

salitang lamp. Dalawampung porsyento (20%) naman ang sumagot ng iba pa na

nagsasabi na bunsol. Batay sa datos na ito, ipinapakita na hindi gamitin ang salitang

simbo sa bayan ng Lucena bagkos mas ginagamit nila ang salitang lampara.
Samakatuwid, makikita na may pagkakaiba ang gamit o pagkilala sa wikang tagalong

ng salitang lamp.

Talahanayan 2.5: Katumbas ng agry sa Wikang Tagalog

Angry

Lucena Mauban

Busangot 0 1

Barino 3 4

Galit 2 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, animnapung porsyento (60%) nagsasabing

barino ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang angry. Apatnapung porsyento

(40%) naman ang sumagot ng iba pa na nagsasabi na galit. Samantalang sa

Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang nagsasabi na barino ang

katumbas sa wikang tagalong ng salitang angry. Dalawampung porsyento (20%) naman

ang nagsasabi na busangot. Samakatuwid, pitompung porsyento (70%) ang nagsasabi

na ang katumbas ng salitang angry sa wikang Tagalog ay barino. Samantalang binubuo

ng mga salitang busangot at galit ang natitirang tatlompung porsyento (30%).

Pinapakita rito na mas kilala o gamitin ang salitang barino na katumbas sa wikang

tagalong ng salitang angry sa dalawang bayan.

Talahanayan 2.6: Katumbas ng boastful sa Wikang Tagalog

Boastful

Lucena Mauban
Uslo 0 0

Buslog 4 2

Mayabang 1 0

Hambog 0 2

Butog 0 1

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, walompung porsyento (80%) nagsasabing

buslog ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang boastful. Dalawampung porsyento

(20%) naman ang sumagot ng iba pa na nagsasabi na mayabang. Samantalang sa

Municipalidad ng Mauban, apatnapung porsyento (40%) ang nagsasabi na buslog ang

katumbas sa wikang tagalong ng salitang boastful. Apatnapung porsyento (40%) ang

sumagot ng iba pa na nagsasabi na hambog. Dalawampung porsyento (20%) naman

ang sumagot ng iba pa at nagsasabi na butog. Samakatuwid, animnapung porsyento

(60%) ang nagsasabi na ang katumbas ng salitang boastful sa wikang Tagalog ay

buslog. Samantalang binubuo ng mga salitang mayabang, hambog at butog ang

natitirang apatnapung porsyento (40%). Pinapakita rito na mas kilala o gamitin ang

salitang buslog na katumbas sa wikang tagalong ng salitang boastful sa dalawang

bayan.

Talahanayan 2.7: Katumbas ng fetch sa Wikang Tagalog

Fetch

Lucena Mauban

Kaon 2 4
Sundo 3 1

Iba pa 0 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, animnapung porsyento (60%) ang

nagsasabing sundo ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang fetch. Apatnapung

porsyento (40%) naman ang nagsasabi na kaon. Samantalang sa Municipalidad ng

Mauban, walompung porsyento (80%) ang nagsasabi na kaon ang katumbas sa wikang

tagalong ng salitang fetch. Dalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na

sundo. Samakatuwid, makikita na may pagkakaiba ang gamit o pagkilala sa wikang

tagalong ng salitang fetch.

Talahanayan 2.8: Katumbas ng fetching water sa Wikang Tagalog

Fetching Water

Lucena Mauban

Igib 5 4

Kadlo 0 1

Iba pa 0 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, isangdaang porsyento (100%) ang

nagsasabing igib ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang fetching water.

Samantalang sa Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang nagsasabi

na igib ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang fetching water. Dalawampung

porsyento (20%) naman ang nagsasabi na kadlo. Samakatuwid, siyamnapung


porsyento (90%) ang nagsasabi na ang katumbas ng salitang fetching water sa wikang

Tagalog ay igib. Samantalang sampung porsyento (10%) naman ang nagsasabi ng

kadlo. Pinapakita rito na ang dalawang bayan ay may pagkakatulad sa paggamit o

pagkilala sa salitang igib na katumbas sa wikang tagalong ng fetching water.

Talahanayan 2.9: Katumbas ng crooked sa Wikang Tagalog

Crooked

Lucena Mauban

Kimaw 1 4

Kilo 2 1

Pingkaw 1 0

Baliko 1 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, apatnapung porsyento (40%) ang

nagsasabing kilo ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang crooked.

Tigdadalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na kimaw, pingkaw, at

baliko. Samantalang sa Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang

nagsasabi na kimaw ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang crooked.

Dalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na kilo. Samakatuwid, makikita

na may pagkakaiba ang gamit o pagkilala sa wikang tagalong ng salitang crooked.

Talahanayanan 2.10: Katumbas ng cover sa Wikang Tagalog

Cover
Lucena Mauban

Saklob 1 4

Taklob 3 1

Takip 1 0

Ayon sa datos na nalikom sa Lucena, animnapung porsyento (60%) ang

nagsasabing taklob ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang cover.

Tigdadalawampung porsyento (20%) naman ang nagsasabi na saklob at takip.

Samantalang sa Municipalidad ng Mauban, walompung porsyento (80%) ang nagsasabi

na saklob ang katumbas sa wikang tagalong ng salitang cover. Dalawampung

porsyento (20%) naman ang nagsasabi na taklob. Samakatuwid, makikita na may

pagkakaiba ang gamit o pagkilala sa wikang tagalong ng salitang cover.

Talahanayan 3.1: Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Wikang Tagalog ayon sa Kahulugan

Weighted
Verbal Interpretation
Mean

Mayroong mga salita sa bayan ng Lucena at

Mauban na pareho ng istruktura ngunit


3.7 Sumasang-ayon
magkaiba ng kahulugan. (hal. Bakas –

Mauban: mamuhunan ; Lucena: marka)

Mayroong mga salita sa bayan ng Lucena at


4.4 Lubhang Sumasang-ayon
Mauban na may higit isang kahulugan.
Mas malalim ang mga salita gayundin ang

kahulugan sa bayan ng Mauban kumpara sa 4.2 Lubhang Sumasang-ayon

bayan ng Lucena.

Ang kahulugan ng mga salita ay mas

madaling magbago o madagdagan sa bayan 3.8 Sumasang-ayon

ng Lucena kumpara sa Mauban.

Nakakaapekto ang estado ng isang lugar sa

pag--‐unlad ng mga wikang natatangi sa 3.7 Sumasang-ayon

kanilang lugar.

Legend:

1.00-1.79 LUBHANG HINDI SUMASANG-AYON


1.80-2.59 HINDI SUMASANG-AYON
2.60-3.39 NIYUTRAL
3.40-4.19 SUMASANG-AYON
4.20-5.00 LUBHANG SUMASANG-AYON

Inilalahad sa Talahanayan 3.1 ang pagkakaiba at pagkakatulad ng wikang

Tagalog ayon sa kahulugan. Ayon sa mga nakalap na datos, ipinapakita ng weighted

mean na 3.8 na Sumasang-ayon ang mga tagatugon na mayroong mga salita sa bayan

ng Lucena at Mauban na pareho ng istruktura ngunit magkaiba ng kahulugan.

Halimbawa nito ay ang salitang ‘bakas’ na may kahulugang mamuhunan sa bayan ng

Mauban, subalit marka naman ang ibig sabihin nito sa bayan ng Lucena. Ang resultang

ito ay nakabatay sa pag-aaral ni Lavov, na ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng

iba’t ibang porma upang masabi ang isang kahulugan. Ukol sa 4.4 na weighted mean

naman, Lubhang Sumasang-ayon ang mga tagatugon na mayroong mga salita sa


bayan ng Lucena at Mauban na may higit isang kahulugan. Sa weighted mean na 4.2,

Lubhang Sumasang-ayon ang karamihan na may mas malalim na mga salita at

kahulugan sa bayan ng Mauban kumpara sa bayan ng Lucena. Tulad ng naunang datos

na may 4.2 Weighted mean, Lubhang sumasang-ayon din sila na ang kahulugan ng

mga salita ay mas madaling magbago o madagdagan sa bayan ng Lucena kumpara sa

Mauban. Nakabatay ang mga resultang ito sa teoryang variotionist ni Lavov et al

(1968), na sinasabing ang wika ay lagi nang may pagbabago. Ang iba’t ibang paraan ng

paggamit ng malalalim na salita ay makikita sa lebel ng gramatika, sa varayti ng wika,

sa iba’t ibang istilo, dayalekto at rejister ng wika na gamit ng indibidwal na tagapagsalita

sa pagitan ng dalawang bayan. Ipinapakita naman ng 3.6 na weighted mean na

Sumasang-ayon ang mga tagatugon na sadyang nakakaapekto ang estado ng isang

lugar sa pag--‐unlad ng mga wikang natatangi sa kanilang lugar. Hinggil sa pangkalahatang

resulta, nalikom ng mananaliksik ang perspektibong Sumasang-ayon na may weighted

mean na 4.04. Pinatutunayan lamang nito na tunay na may pagkakaiba at pagkakatulad

ng wikang Tagalog ayon sa kahulugan nito.

Talahanayan 3.2: Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Wikang Tagalog ayon sa Istraktura

Weighted Qualitative Description

Mean
Ang mga salita sa bayan ng Lucena ay may

pagkakaiba sa mga salita sa bayan ng Mauban

sapagkat kahit magkasingkahulugan ang mga ito 4 Sumasang-ayon

ay magkasaliwat naman ang buong ispeling.

(hal. maaliwalas at maginhawa)

Ang mga salita sa bayan ng Lucena ay may

kaibahan sa mga salita sa bayan ng Mauban


3.8 Sumasang-ayon
sa aspeto ng paggamit ng mga patinig. (hal.

init at inet)

Ang mga salita sa bayan ng Lucena ay may

pagkakaiba sa mga salita sa bayan ng


3.2 Niyutral
Mauban sa aspeto ng paggamit ng mga

katinig. (hal. kakampi at kalampi)

Ang mga salita sa bayan ng Lucena ay may

kaibahan sa mga salita sa bayan ng Mauban


4.1 Sumasang-ayon
sa larangan ng pagpapantig. (hal. ma--‐ta--‐mis

at ma--‐tam--‐is)

Ang mga salita sa bayan ng Lucena ay may

pagkakahawig sa mga salita sa bayan ng

Mauban dahil ginagamitan ang mga ito ng 4.1 Sumasang-ayon

iisang salitang--‐ugat. (hal. napakalamig at

kalamig)

1.00-1.79 LUBHANG HINDI SUMASANG-AYON


Legend: 1.80-2.59 HINDI SUMASANG-AYON
2.60-3.39 NIYUTRAL
3.40-4.19 SUMASANG-AYON
4.20-5.00 LUBHANG SUMASANG-AYON

Sa Talahanayan 3.2 ipinapakita ang antas ng pagsang-ayon at di-pagsang-ayon

ng mga tagatugon ukol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng wikang Tagalog ayon sa

istruktura nito. Sa weighted mean na 3.8, mapapansin na Sumasang-ayon ang mga

respondente na may pagkakaiba sa anyo ng mga salita sa pagitan ng dalawang bayan

sapagkat kahit magkasingkahulugan ang mga ito ay magkasaliwat naman ang buong

ispeling tulad ng maaliwalas at maginhawa. Sa aspeto naman ng paggamit ng mga

patinig gaya ng salitang init o inet at katinig tulad ng kakampi at kalampi, parehong

Niyutral ang persepsyon ng mga tagatugon na may magkatulad din ng weighted mean

na 3.2. Sa weighted mean na 4, Sumasang-ayon din ang mga tagatugon na may

kaibahan ang mga salita sa larangan ng pagpapantig tulad ng ma--‐ta--‐mis at ma--‐tam--‐is.

Nakabatay naman sa weighted mean na 4.2 na Lubhang Sumasang-ayon ang

karamihan na may pagkakahawig sa anyo ng mga salita ang dalawang bayan kapag

ginagamitan ang mga ito ng iisang salitang ugat gaya ng napakalamig at kalamig na

mula sa salitang-ugat na ‘lamig.’ Sa pangkalahatang weighted mean na 3.68,

Sumasang-ayon ang mga tagatugon na may pagkakaiba at pagkakatulad sa anyo o

istruktura ng mga salita sa bayan ng Lucena at bayan ng Mauban. Inilalarawan lamang

dito na tunay na may pagkakaroon ng varyasyong leksikal ng wikang Tagalog sa

pagitan ng dalawang bayan.


Talahanayan 3.3: Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Wikang Tagalog ayon sa gamit

Weighted
Verbal Interpretation
Mean

Matatas na nagagamit ng mga taong nakatira

sa isang munisipalidad ang kalipunan ng

mga salitang natatangi sa kanilang lugar 4.1 Sumasang-ayon

kumpara sa mga taong nakatira sa isang

lungsod.

Madalas na mas nagagamit ng mga taga--‐

lungsod ang salitang Ingles at iba pang


4.3 Lubhang Sumasang-ayon
banyagang wika kumpara sa mga taga--‐

munisipalidad.

Mas madaling mahaluan o

maimpluwensiyahan ng bagong

pamamaraan ng pagsulat o pagsasalita ang 4.2 Lubhang Sumasang-ayon

mga taga--‐lungsod kumpara sa mga taga--‐

munisipalidad.

Mas madalas gamitin sa pakikipagnegosyo

ang wikang Tagalog sa bayan ng Mauban 4 Sumang-ayon

kumpara sa bayan ng Lucena.

Mas ginagamit ang wikang Tagalog sa


3.8 Sumasang-ayon
pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa bayan
ng Mauban kumpara sa Lucena.

Legend:

1.00-1.79 LUBHANG HINDI SUMASANG-AYON


1.80-2.59 HINDI SUMASANG-AYON
2.60-3.39 NIYUTRAL
3.40-4.19 SUMASANG-AYON
4.20-5.00 LUBHANG SUMASANG-AYON

Ayon sa talahanayang 3.4 na ipapakita ang mga datos na nakalap tungkol sa

pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Tagalog ayon sa gamit. Ang estado ng isang

bayan ay isa sa nakakaapekto sa paggamit ng wikang Tagalog ngunit ilalahad dito ang

mga tugon ng respondente ukol dito. Sa weighted mean na 4.1 ipinapakita na ang

dalwang bayan ng Lucena at Mauban ay sumasang-ayon na matatas na nagagamit ng

isang municipalidad ang mga salitang natatangi kumpara sa mga tumitira sa lungsod.

Samakatuwid ang mga salitang ginagamit ng mucipalidad ng Mauban ay mga salitang

natatangi kumpara sa lungsod ng Lucena. Sa kabilang banda lubhang sumasang-ayon

ang mga respondente na mas nanagagamit ng mga taga lungsod ang salitang ingles at

iba pang banyagang salita kumpara sa mga taga municipalidad, na may weighted mean

na 4.3. Lubhang sumasang-ayon muli ang mga respondente na may weighted mean na

4.2. Ipinapakita na mas madaling mainpluwensyahan ng bagong pamamaraan ang

pagsulat at pagsasalita ng mga taga lungsod kumpara sa municipalidad. Samakatuwid

ang estado ng isang bayan ay nakaka-impluwensya sa pagkakaiba ng salitang

ginagamit ng mga nakatira dito. Sa weighted mean na 4 kung saan sumasang-ayon ang

mga respondente na madalas gamitin sa pakikipagnegosyo ang wikang Tagalog sa


bayan ng Mauban kumpara sa bayan ng Lucena. Sa kadahilanan na tayo ay nasa sarili

nating bansa na may kasanayan sa paggamit ng wikang Tagalog, hindi natin maiiwasan

na gumamit ng wikang banyaga dahil may mga diyalekto tayong ginagamit kung saan

inaayon natin ang wikang gagamitin sa taong kinakausap natin mapalungsod o

municipalidad man ito. Sa kabilang banda, sa weigthed mean na 3.8 kung saan

ipinapakita na sumangsang-ayon ang mga respondent na madalas ginagamit ang

wikang Tagalog sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa bayan ng Mauban kumpara

sa Lucena. Dahil sa na kalap na tugon ayun ditto, ipinapakita na hindi lang ang

makabagong pamamaraan ang nagiging dahilan sa pagkakaiba ng mga salitang

ginagamit sa isang bayan kundi maging estado din nito. Ipinapakita lamang dito na may

pagkakaiba at pagkakatulad sa wikang Tagalog ayon sa gamit ang dalwang bayan.

Talahanayan 4: Epekto ng estado ng isang bayan sa pagkilala at paggamit ng mga

salita na natatangi sa kanilang lugar.

Sa talahanyan na ito tutuklasin ang pag-iral ng epekto ng isang estado ng isang

bayan sa pagkilala at paggamit ng mga salita na natatangi sa kanilang lugar na may

hangaring tuklasin ang baryasyon at barayti ng Wikang Tagalog na ginagamit ng

Lungsod ng Lucena at Munisipalidad ng Mauban.

Groups Count Sum Average Variance

KAHULUGAN 5 19.8 3.96 0.103

ISTRUKTURA 5 19.2 3.84 0.143

GAMIT 5 20.4 4.08 0.037

(Hindi ko alam kung ito bang ang dapat ipakita   )


Ayon sa talahanayan bilang apat (4), base sa tuntunin na pagkakaiba at

pagkakatulad ng wikang tagalog ayon sa kahulugan, ang sig-value (0.103) ay mas

mataas sa p-value (0.05) na nagpapahiwatig na walang makabuluhang pagkakaiba ang

bayan ng Lucena at Mauban pagdating sa kahulugan ng salitang kanilang ginagamit.

Samakatuwid ang estado ng isang lungsod at municipalidad sa pagkilala ng kahulugan

ng isang salita ay hindi nagkakaiba. Gayundin ang ipinapakita sa tuntunin na

pagkakaiba at pagkakatulad ng wikang tagalog ayon sa istruktura, na nag pakita ng sig-

value (0.143) na mas mataas sa p-value (0.05) na nagpapahiwatig na walang

makabuluhang pagkakaiba ang bayan ng Lucena at Mauban pagdating sa istraktura.

Inilalahad dito na ang estado ng isang bayan ay hindi dahilan upang lubhang magkaiba

sa pagkilala at paggamit ng salita ayon sa Istraktura sa paggamit ng patinig, katinig at

pagpapantig. Subalit, base sa tuntunin na pagkakaiba at pagkakatulad ng wikang

tagalog ayon sa gamit, makikita na mas mababa ang sig-value (0.037) kumpara sa p-

value (0.05). Ipinapahiwatig nito na may makabuluhang pagkakaiba ang estado ng

isang bayan sa pagkilala at paggamit ng mga salita. Inilalahad dito na pagdating sa

lungsod madalas ang mga nakatira dito na gumamit ng mga wikang banyaga. Mas

madaling maimpluwensyahan ng makabagong pamamaraan ang pagsulat at

pagsasalita ng mga taga lungsod kumpara sa mga taga municipalidad. Sa paggamit ng

mga wikang banyaga ng mga taong nakatira sa isang bayan makikita kung anong

estado meron ang kanilang bayan. Kumpara sa isang municipalidad ang mga salitang

ginagamit nila ay natatangi sa kanilang lugar kung saan nagpapakita na ang isang

municipalidad ay hindi madaling mainpluwensyahan ng mga bagong salita.

You might also like