Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kayrina E.

Ponce

BEED - 3B
Hanggang Sa Muli Nating Pagkikita

Unang lalaking aking nagisnan, nakilala at minahal ng lubusan

Ang unang bisig na sa akin ay umalalay

Ang unang lalaking minahal ako nang tunay

Na hindi ipagpapalit sa anumang bagay

Lakas mo ang aking naging gabay.

Ika'y nahsilbing haligi ng tahanan

Nagtrabaho't kumayod nang lubusan

Ngunit pag-aaruga sa amin ay hindi kinalimutan

Kaya't pagmamahal nais naming suklian

Sa aming amang sa amin ay bumuhay.

Nagtitiis hindi kumain,

Kapag kami'y may kailangang bilhin

Sakripisyong inaalay mo sa amin

Sa lahat ng pagkakataon ay hindi nabibitin

Upang ang pamilya ay may makain.

Salamat sa regalong bigay ng Diyos Ama

Isang mabuting ama't mapagmahal na asawa

Magandang lalaki ang panlabas na itsura

Larawan ng isang mabuting kaibigan

Tapat, maaasahan at laging masasandalan.


Kayrina E. Ponce

BEED - 3B

Sa iyong pagpanaw nang di inaasahan

Aamining kong ako ay nagdamdam

Dahil ako'y nabigla sa iyong naging paglisan

Na para bang panaginip lamang

At sana nga ay panaginip nalang.

Tatlong taon na din ang lumipas

Alam naming ikaw ay masaya na

Walang hanggang ligaya sa piling ng Maylikha

Ang tangi naming dalangin at ninanasa

Mamamalagi kang buhay sa aming ala-ala.

Dakila ka aming Ama!

Buong buhay mo ay inilaan para sa iyong pamilya

Maraming salamat sa lahat ng hirap at saya

Kainlanma'y 'di ka malilimutan sapagkat ikaw ay mahalaga

Sapagkat mahal na mahal kita!

Hanggang sa muli nating pagkikita.

You might also like