Professional Documents
Culture Documents
Panahon NG Hapon
Panahon NG Hapon
Panahon NG Hapon
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng
Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sumibol ng husto ang panitikan sa wikang tagalog at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan
gamit ang katutubong wika noong panahong ito dahil ipinagbawal ng mga Hapon ang
paggamit ng wikang Ingles. Ipinagbawal din ang mga magasing ingles tulad ng Tribune at
Free Press.
Maikling Kwento
Ang Tula
Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang
pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na
napakaikli ng haiku, ito’y dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim
na damdamin at di mapasusubaliang kariktan
Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Ito’y maikli ring
katulad ng haiku ngunit ito’y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong
pantig.
Ang Dula
Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap ng kahit na
kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang
mga artista ng puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalak’t
maliliit na teatro tuloy ay nagsipaglabas ng dula.
Nobela