Dasalan at Tocsohan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Sipi mula sa

“Dasalan at
Tocsohan”
Ni Marcelo H. Del Pilar
1.
Konteksto
2.
Anyo
Tema
Kabalintunaan ng mga tinuturo ng simbahan(prayle) at ng
kabanalan noong panahon ng Kastila
□ Ginamit ang mga dasal at paniniwala ng mga prayle
upang maipakita ang matinding kabalintunaan ng
pagiging banal ng mga prayle sa Pilipinas

4
Buod

5
Buod

6
Ang Tanda
Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin, Panginoon
naming Fraile, sa manga bangkay namin, sa ngalan nang Salapi at nang
Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.

7
Pagsisisi
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at
sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang
pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na
inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina
muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang
balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang
dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala
nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa
mahal na pasyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya
naua.
8
Ang Amain Namin
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang
kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo
cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong
pagungal para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo
kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
Amen.

9
Ang Aba Guinoong
Baria
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I
sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higuit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina
nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at
cami ipapatay. Siya naua.

10
Ang Aba Po Santa
Baria
Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan.
Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong
Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis
dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming
manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago
matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing
Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami
ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.

11
Ang Manga Utos Nang Fraile
(Ang Sampung Utos ng Prayle)
Sa makabagong pagbabaybay
Ang mga utos nang Prayle ay sampu:
Ang nauna: Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.
Ang ikalaua: Huwag kang magpapahamak o manumba ng ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Manalangin ka sa Prayle Linggo man at piyesta.
Ang ikapat: Isanla mo ang katauhan mo sa pagpapalibing sa ama't ina,
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.
Ang ikanim: Huwag kang makiapid sa kanyang asawa.

12
Ang Manga Utos Nang Fraile
(Ang Sampung Utos ng Prayle)
Sa makabagong pagbabaybay
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Anh ikaualo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itangi ang iyong ari.
Itong sampong utos ng Prayle'y dalawa ang kinauuwian.
Ang isa: Sambahin mo ang Prayle lalo sa lahat.
Ang ikalawa: Ihain mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya nawa.
Ang mga kabuhungang asal, ang pangala'y tontogales ay tatlo.
Igalang mo ...
Katakutan mo... Ang Prayle
At pagmanuhan mo ...
13
Tayutay
pangungutya satire

Simbolismo
Juxtaposition

14
3.
Conclusion
Conclusion
- Ipinapakita ni Del Pilar ang kalagayan ng lipunan noong panahon ng mga
Kastila kung saan inaabuso ng mga prayle ang kanilang kapangyarihan
sa pagnakaw ng pera at pagkamkam ng mga ari-arian ng mga Pilipino.
Maaaring dito nagsimula ang mga kaisipang korupsyon sa simbahan at
panggagahasa ng mga pari. Kapansin-pansin rin ang pagkakatulad ng
mga paglalarawan ni Del Pilar sa prayle at ang paglalarawan ni Rizal sa
mga prayle sa kanyang dalawang nobela.

16
Conclusion
- Ayon sa mga parody napapakita nito ang hypocrisy ng
simbahan o mga prayle noon. Ang paggamit ng mga parodya
at pagiba sa konteksto ng dasal ay nagpapakita na parang
joke ang pralye o simbahan dati sa pamamaraan ng pagiging
hindi makatotoo.

17
Conclusion
- Ipinapakita na ang mga sakripisyo at mga salapi na
kinokolekta ng simbahan ay hindi napupunta sa Diyos at sa
halip ay sinasamsam ng mga prayle at Kastila

18
Conclusion
- Naipapakita ni Del Pilar (author) mula sa mga parody ang
kanyang tingin sa mga Prayle. Ginagawa niya silang
katawatawa dahil sila ay hypocrites o kaya balik-harap in
terms of religion and their beliefs

19
Conclusion
- Ang mga dasal na ito ay naging paraan para kay Del Pilar
ang kaniyang tingin sa mga Prayle. Ang tingin na ito sa mga
Prayle ay hindi ugnay sa turo ng simbahan at ang mga
Prayle ay ang mga “boss” makikita ito sa parody ng ten
commandments

20

You might also like