Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Masusing Banghay – Aralin sa Pagtutro ng FILIPINO II

I. Layunin: Nakikilala at nabibigkas nang wasto ang mga salitang may diptonggo. (-aw at -iw)

II. Paksang-Aralin

A. Mga Salitang May Diptonggo

B. Patnubay ng Guro ph. 127-128, Kagamitang Mag-aaral ph. 337-340

C. mga larawan, activity sheet, flash cards, laptop

III. Pamamaraan

A. Paghahanda

a. Balik-aral

Ilarawan at pahulaan:

Pipili ang mga bata ng isang bagay mula sa mystery box. Ilarawan at pahulaan ito sa kaklase, (Hindi
ipapakita ng “It” ang kanyang nabunot na bagay.

Ito ay maliit na bulaklak. Mabango at maputi at ito ay ginagawang kuwintas.

- Sampaguita

b. Pagganyak:

Anu-ano kaya ang puwede nating gawin para sa palatuntunan sa pagtanggap ng isang bisita na darating
sa paaralan?

- magpapalabas ng sayaw

c. Paghawan ng Balakid

Pag-aralan natin ang kahulugan ng nga sumusunod na salita. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Natuwa ang mga panauhin sa magandang pasalubong sa kanila ng mga tao sa paaralan

a. bisita c. magulang

b. guro d. mag-aaral

- bisita

2. Napakaganda ng katutubong sayaw.

a. makaluma c. makabago

b. sinauna d. makakalikasan

- sinauna

B. Paglalahad
a. Pagbibigay ng pamantayan sa Pagbasa

b. Pagbasa sa Pagganyak na tanong

Bakit naghahanda ang mga mag-aaral sa Paaralang Elmentarya ng Zambales?

c. Pagbasa sa kuwento ng Guro

d. Pagsagot sa Pagganyak na tanong

e. Pagtalakay sa kuwento

Bakit naghahanda ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Zambales?

- para sa pagdating ng bisita

Sino-sino ang darating nilang bisita?

- Sina Dr. Wainer at Gng. Smith, mga Amerikanong guro

Ano ang inihanda nila para sa mga bisita?

- katutubong sayaw

Ano ang mga salitang may salungguhit?

- sisigaw

sayaw

aliw

Ano ang napansin mo sa mga salitang ito?

- salitang may diptonggo (-aw, -iw)

3. Pagpapayamang Gawain

Gamit ang mga pantig sa loob ng mga salitang may diptonggo.

i naw ngaw ba
ta law siw baw
la kala law liw
si sa a gaw

Pangkatang Gawain

1. Unang Pangkat – Iguhit ang mga salita – 3

1.araw 3. Ilaw 5. kalabaw

2. sisiw 4. Langaw

2. Ikalawang Pangkat – Gamitin sa pangungusap – 1


1. araw 3. sisiw 5. langaw

2. humiyaw 4. kalabaw

3. Ikatlong Pangkat – magbigay ng limang halimbawa ng mga salitang may diptonggong -aw at -iw

4. Paglalahat

Itanong:

Ano ang diptonggo?

- Ang -aw at -iw ay mga ditonggo

Indibidwal na Gawain

Kumpletuhin ang mga pangungusap gamit ang salitang may diptonggo.

1. May ____aw ang mga parol ng mga bahay kung Pasko.

2. Ang sikat ng ___aw ay nagbibigay ng bitamina D.

3. Ang ___aw ang katulong ng magsasaka sa bukid.

4. Masarap ang ___aw kung ito ay bagong pitas.

5. Ang ___iw ay anak ng inahing manok.

5. Karagdagang Pagsasanay

Sumulat ng 5 salitang may diptonggong -aw at -iw.

You might also like