Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

ANG TUNDO MAN AY MAY LANGIT DN

NOBELA NI ANDRES CRISTOBAL CRUZ

†Kabanata 1

Tumawag si Flor kay Victor del Mundo sa telepono. Kinausap niya ito sapagkat nais niyang
makipagkita kay Victor sa Quiapo at pumayag naman si Vic. Habang papunta na si Victor sa
Quiapo naalala niya ang pagkakasuntok sa kanya ni Estong nang ipagtanggol niya si Flor. Ito
ay dahil si Flor at si Victor ang paborito ng mga guro sa kanilang eskwelahan lalo na ni miss
Quilala, mahal na mahal niya silang dalawa sila kasi ang madalas utusan ni miss Quilala at nang
mga iba pang guro, ito ang kinaiyamutan ni Estong kaya nagawang suntukin si Victor at sinabi
pang magtulong pa silang dalawa ni Flor. Naging dahilan naman ito upang magalit ng husto si
Victor at buong tapang na lumaban. Kapwa parehas nagtamo ng suntok ang dalawa. Inawat
naman sila ni Tandang Siyanong Agwador. Ang pakikipaglaban yaon ni Victor ay hindi lamang
para sa sarili. Isang taong nang mahigit ang hindi pagkikita nila ni Flor. Nang nakarating na si Vic
nangamusta siya kay Flor at bila niyang nagunita ang malabong balangkas ng Looban ng
Tundo. Umorder si Vic ng serbesa at kapeng walang gatas naman para kay Flor.
Nagkamustahan sila at nag usap tungkol a isat isa. Kinamusta niya kay Flor si Tonyo.

†Kabanata~2

Nalaman ni Vic na may suliranin si Flor dahil sa hindi pagimik nito. Habang tinatanong niya si Flor
napansin niya ang singsing ni Flor. Naalala ni Victor ang kaklase niyang si Alma na naghihintay
sa kanya. Naipagtapat ni Flor na siya‘y mahigit dalawang buwan nang nagdadalang tao.
Naliwanagan si Victor na maselan ang suliraning inihihinga sa kanya ni Flor. Naikwento ni Flor
ang babaeng nagpunta sa inuupahan nilang apartment sa Ermita nang si Tonyo ay wala doon.
Nahintakutan si Flor kung talagang totoo ma may asawa at anak na si Tonyo. Nagpasalamat si
Flor kay Victor sa pag-unawa nito sa kanyang suliranin. Habang tinitingnan ni Victor na pauwi na
si Flor nalarawan naman sa kanyang isipan ang naghihintay na namang si Alma na nakaupo sa
upuang marmol. Nagpaalam na si Vic kay Flor at pinaalalahanan niya itong isipin ang batang
kanyang dinadala. Samantala si Alma Fuertes na naghihintay kay Vic ay nagbabasa ng El Fili.
Nailahad dito anf paniniwala ni Victor "sa pagkakaalam ko sa karanasan ko nasa tao ang
gawa at nasa diyos ang awa". Napalapit na ang loob ni Alma kay Victor. Nang nakarating na si
Vic nag-usisa si Alma kung bakit nahuli ang dating niya pero hindi sinasabi kung ano ang tunay
na dahilan.

†Kabanata~3

Pasulyap-sulyap si Alma sa katabi niyang si Victor. Iniabot niya ang librong El Felibustirismo. Wala
sa loob ni Victor na ipatong ang libro sad ala nitong inilapag sa kaliwang dulo ng upuang
marmol. Nag-usap silang dalawa. Naisipan at ipinasya ni Almang huwag sumagot ni kumibo.
Titikisin niya si Victor. Iisipin nitong siya‘y talagang nagtatampo. Tumungo na silang dalawa sa
lobby para sa kanilang susunod na klase. Nang nagkaklase na sila, hindi mapakali si Alma. Wala
nang nagawa si Alma hanggang matapos ang klase kundi tumingin minu-minuto sa kanyang
relong panggalang. Nagtungo na sa labas ng silid ang mga estudyante, naunang lumabas si
Victor, iniiwasan siya ni Alma. Naglalakad siya sa Azcarraga patungong Avenida Rizal, wala
siyang tiyak na paroroonan. Naalala ni Victor ang kagandahan ni Flor, naalala din niya ang
pagkukulitan at pagbibiruan nila ni Flor. Napangit na lamang si Victor sa kanyang nagunita.
Napabuntong hininga si Victor, nasa Plaza Santa Cruz na siya, sa ibang araw na dadalawin ni
Victor si Flor sa apartment nito. Tiningnan ni Victor ang mga malalaking litrato ng mga
pinanonood sa maliit na sinehang mailaw at pinapasok ng mga lalaki lamang. Dumukot na
siya‘t pipila upang buili ng tiket. Ngunit nagbago ang kanyang isip – pupuntahan na lamang
niya si Flor. Tumawid muli sa Plaza Sta. Cruz. Ang tanging nasa isipi niya‘y ang nag-iisang si Flor sa
sariling apartmen nito sa Ermita.
†Kabanata~4

Nagbalak na pumunta si Vic sa apartment ni Flor. Si Flor ay nag iisa lamang sa kanyang
apartment, siya ay walang malamang gawin, wala siyang ganang kumain, hindi siya dalawin
ng antok, kung ilang tasang kape na ang kanyang naiinom, walang ganang magbasa ng mga
babasahin na uwi ng kanyang asawa tungkol sa moda at pagpapaganda. Ayaw ni Tonyo na
magka anak sila ni Flor, muli niyang naalala ang babaeng bumisita sa kanyang apartment at
nagpakilala bilang asawa ni upang linawin na mas may karapatan ang pamilya nito kaysa kay
Flor. Tinanong ni Flor si Victor kung kumain na siya at sabi naman ni Victor ay hindi pa at sabay
yakag sa labas at siabing pang iblo blo out daw niya si Flor. Ngunit

†Kabanata 5

Hinawakan ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang huwag mapasubsob sa kanyang


balikat. Hinigpitan niya ang pigil sa dating katipan. Pinigilan ni Victor ang maaaring mangyaring
pananamantala ng bawat isa. Nagtungo sa kusinerya si Flor upang itago ang kanyang pagluha
hindi naman ito napansin ni Victor. Lumapit si Victor sa radyong-ponograpo at nahugot niya
ang paborito nilang tugtuging tango na gasgas at lumang luma na. Nagpauyuhan pa silang
dalawa kung sinong magpapatugtog nito. Lumakad siya papalayo at umupo hindi malapit sa
kinauupuan ni Victor isang panibagong luha na naman ang nangingilid sa mga mata ni Flor.
Nilapitan siya ni Victor a inakbayan sa balikat. Kailangan pa rin niyang pigilan ang kanyang
nararamdaman. Matapos ang mahaba nilang pagdidiskusyon, napag isipan na ni Victor na
magpaalam at umuwi na. Madali siyang pumanaog sa hagdan at lumabas sa gusaling
kinaroroonan ng aparment na tinitirhan ni Flor. Nang makarating na si Victor sa Tundo narinig
niya ang malakas na tawag ng kanyang kuya Lukas. Niyaya siyang makipag-inuman sa iba pa
nitong kaibigan. Nagkainitan ang apat na kasama ni Victor pati ang taga sawmill. Narinig na
lamang ni Victor na nabasag ang isang bote sa mesa. Nangingislap ang matatalim na ngipin
ng boteng nabasag sa kamay ni Lukas.

†Kabanata 6

Nagkainitan ang mga taga saw mill at ang kasama ni Lukas kaya nagkagulo sa restawran. Ang
kanya namang kapatid ay buong dipa ang pag awat sa kanila. Huminahon na si Lukas
masama ang tingin sa kapatid. Itinanong niya sa weytres na si Pasing kung natakot ba siya sa
ginawang panggugulo ng mga taga sawmill at ipinakilala niya ang kanyang kapatid na si
Victor dito. Gusto nang umuwi ni Victor ngunit ayaw pa siyang paalisin ng mga kainuman. Pero
hindi umuwi si Vic dahil ayaw niyang mapahiya ang kanyang kuya sa kasama. Nagpatuloy ang
pagtagay ni Vic ng serbesa. Isang babaeng nakakamisola lamang ang pumasok sa restawran
ito‘y ang asawa ni Paeng Gasti dahil gusto na nitong pauwiin ang asawa. Nagyaya si Tatong
Bamban ng isa pang raun pero napilit ni Vic ang mga kainuman na itigil na nila ang pag-iinom.
Nang pauwi na ang magkatid sa madilim na kalye papuntang Looban ay pinag uusapan nila
ang kailang pag-iinuman kanina. Tinanong ni Lukas si Vic kung ano ang napapala niya sa
kanyang barkada. Hindi nagustuhan ni Lukas ang sagot ng kapatid kaya sinuntok niya ito pero
nakailag naman si Victor. Natigil lang ang pag suntok sa kanya nang may narinig silang anasan
sa dulo ng tambakan. Inaabangan sila ng apat na kalalakihan. Pinasibat ni Lukas ang kanyang
kapatid at sinabing siya na ang bahala.

†Kabanata 7

Hindi alam ni Victor kung ano ang gagawin. Hindi na siya nakatakbo. Inabutan na sila ng mga
nag-aabang. Nagkaroon ng rambolan at matapang na hinarap nina Vic at Lukas ang apat na
kalakihan. Naging mainit ang pakikipagbabakan ng magkapatid sa apat na umabang sa
kanila, naramadaman ni Victor na natuklap ang kanyang kilay dahil sa daplis na suntok sa
kanya ng isa. Napagtagumpayan naman nilang magkapatid na matalo ang apat na
kalalakihan. Tiningnan ni Victor ang putok sa kanyang kilay at binigyan pa ni Lukas ng flashlight
upang maaninag ito at sabi pa‘y hindi ito masyadong malalim. Nang nakauwi na sila, ang
kanilang ina ay walang kibo ni imik ay hindi magawa. Natanong ni Vic sa sarili kung bakit hindi
magawang magalit ng kanyang ina. Nausisa ni Victor ang ngiti mula sa maninipis na labi ng
kanyang tatay na pumanaw na ilang taon na ang nakalilipas. Namatay siya dahil sa
pagtatanggol sa isa niyang tauhan. Nang nasa lugar na si Victor, inusisa siya ng isang kaopisina
kung anong nangyarisa kanyang kilay, hindi niya sinabi ang totoo. Nang mag aalas sinko na,
naalala niya si Alma na naghihintay na naman. Nalaman nito na nakipagkita si Victor kay Flor.
Ngunit paulit ulit na iniiba ni Victor ang usapan. Niloloko ni Victor si Alma na baka nagseselos
siya.

†Kabanata 8

Hindi maputul- putol ang pagtawa ni Victor. Nabigla si Alma nasabi niyang hindi ang klase ang
ipinagseselos niya. Nauna na si Victor sa gusali ng Education. Nagngingitngit namang sumunod
si Alma, nilakhan na lamang niya ang kanyang hakbang upang masundan niya si Victor.
Nagsisisi si Alma na sana hindi na lamang niya nalaman ang totoo. Hindi inabutan ni Alma si
Victor, magkatabi sila ng upuan sa likuran ng nasa klase na sila. Hindi na nakatiis si Alma,
pumilas siya ng isang dahon sa kwaderno at sumulat sa papel na humihingi ng kapatawaran
kay Victor ngunit hindi naman ito pinansin. Natapos na ang klase. May bakante silang
tatlumpung minuto, silang dalawa ang huling lumabas ng kwarto. Niyaya ni Alma si Victor sa
canteen. Nakilala ni Alma si Flor mula sa bibig ni Victor. Nagpaliwanag si Victor sa nangyaring
pagkikita nila ni Flor at ang tungkol sa sugat niya sa kilay. Patuloy silang nag-usap sa buong
bakante na oras nila hangga't sa sumapit na ang alas siyete. Papunta na silang dalawa sa
gusali ng Liberal Arts para sa susunod nilang klase. Napilitang umamin si Alma na nagselos nga
siya kay Flor at humahanga siya kay Victor.

†Kabanata 9

Habang naglalakad si Alma at si Victor iba ang naramdaman ni Alma na ang kasabay niyang
iyon ay mas mas malaki sa kanya. Hindi na niya maitanggi ang paghangga niya kay Victor. Nais
bumili ni Alma ng talaarawan bago sila pumasok ni Victor sa silid. Magulo sa loob ang babae at
lalaki. Si Mendoza ang komiko ng klase ay ginagaya ang kanilang propesor na payat pa sa
Butiki, ginaya rin niya ang mabagal na pagbabasa nito. Si Victor ang tagabantay nito kung
dadating na ang propesor. Hindi na niya nasabihan ang pagdating ng propesor na may
kasamang panauhin alyas Agila na hindi magkandauga-ugaga sa pagdadala ng maninipis na
mga libro. Nagsalita na ang propesor maging si Agila para hikayatin ang mga estudyanteng
bilhin ang kanyang libro. Halos lahat ay hindi nakikinig maging si Victor. Sabi pa ng isa, "bakit ka
makikinig pa kung bibili ka rin?". Nang matapos sa pagsasalita si Agila, nagkusa ng nagsalita si
Victor ukol sa kanyang mga libro. Sinabi niya na ang mga nilalaman ay mga maiikling sinopsis
lamang ng mga naunang libro na latha ng mga amerikano. Nagkaroon ng alitan ang
estudyanteng si Victor at ang panauhing si Agila. Bunga ng pagsasalita ni Victor tungkol sa mga
libro, ni isa ay walang bumili nito. Nang tumunog na ang bell, pinapunta ni Propesor Butiki si
Victor sa kanyang deparment.

†Kabanata 10

Hinihintay ni Victor si Alma na lumabas ng silid bago siya pumunta sa Department ng propesor.
Tinanong niya si Alma kung bakit niya ginanyon si Agila, nangatwiran naman si Victor na
"magandang negosyo ang kanilang ginagawa ngunit masamang libro". Dumiretso na si Victor
sa tanggapan kung saan naghihintay si Propesor Butiki at ang nabuko niya sa negosyo na si
Agila. Hindi na nasabi ni Alma ang balak niyang sabihin kay Victor, "malalaman din naman niya"
pakli pa nito. Naramdaman na naman niya ang pag ibig. Madaling lumabas siya sa kanilang
pamantasan upang bumili ng talaarawan. Nagbalik na sa lobby si Alma kung saan lagi niyang
hinihintay si Victor, sinimulan niyang sulatan ang diary ngunit wala siyang mapiga sa kanyang
isipan. Habang si Victor naman ay nasa tanggapan na, sinabi ng propesor na dapat humingi ng
patawad si Victor sa ginawa niyang pagpapahiya kay Agila, galit ito. Ngunit tumanggi si Victor
at pinanindigan niyang ang kanyang mga sinabi. Pinatunayan niyang ang mga nilalaman ng
aklat nila ay mga ginagad, kinopya sa mga naunang librong sinulat ng mga dayuhan.
Nagkainitan si Victor at si Agila. Lumabas na siya at nakita niya si Alma na naghihintay. Ibinalita
nita kay Alma ang lahat ng nangyari at inaya siya ni Alma pumunta sa palamigan.

†Kabanata 11

Natulog si Alma nang gabing iyon na nakaunan ang pisngi sa hawak niyang talaarawan.
Ipinagdarasal niya si Victor at nangakong ilagdarasal parati simula nang oras na ‗yon. Dinatnan
siyang tulog na ng kanyang ama't ina na dati ay parating nadaratnan pa siyang gising. Nag-
usap ang mag-asawa kung bakit kaya maagang nakatulog si Alma, inisip ni Mrs. Fuertes na
baka may problema ito o may dinaramdam. Nagsawa na sila sa pagpapaalala kay Alma at
baka lalo pa itong mapasama, at kung bakit nagpumilit pa itong lumipat sa pribadong
pamantasan gayong tatlong taon na itong nag aaral sa eksklusibong paaralan ng mga madre.
Tumigil na ang mag asawang Fuertes sa pagtatalo dahil alam nilang mauuwi lamang ito sa
pagsisihan ng bawat isa. Nanaginip si Alma ukol sa kanyang ama at dati nilang labanderang si
Dolores. Nagising si Alma at naitanong sa sarili kung nasaan si Dolores. Ibig niyang malaman
kung naisilang ni Dolores at kung buhay ang bunga ng pagkakapariwara nito sa kamay ng
kanyang ama. Nalaman niya ito nang kita niya sa kanyang panaginip ang pag-abot ng
madaming pera ng kanyang ama sa isang babae. Nais ng magulang ni Alma na ibalik siya sa
dating pagiging luho at masosyalin. Simula ng bumili siya ng talaarawan ay naging absent-
minded siya. Marami na siyang naisulat sa talaarawan.

†Kabanata 12

Lumapit si Alma sa kanyang Mommy at Daddy. Tinanong niya kung pwede ba siyang mag
party. Sumang-ayon naman kaagad ang kanyang Daddy. Dagdag pa niya na ang party ay
para sa mga kaklase lamang at hindi nangungumbida ng barkada. Pinipilit ng kanyang
magulang na kumbidahin rin niya ang kanyang mga ka-gang ngunit ayaw ni Alma. Pumayag
naman ang kanyang mga magulang sa gusto nito at may naiisip pa silang surpresa. Tanging
ang mag asawang Fuertes lang ang nakakaalam. Nagtungo si Alma sa kanyang kwarto sa
itaas ng bahay. Nagsulat siya sa kanyang talaarawan at pagkatapos ay binasa niya ang ilang
talata dito kung saan muntik na niyang masabi ang tungkol sa kanyang masamang panaginip.
Ang pagkakasulat niya sa talaarawang iyon ay malinis at magandang tingnan kaya hindi agad
mahahalata na kanya ang diary na iyon. Itinago na niya ito sa tukador na may kandado. Bago
matulog, nagdasal muna siya at kasama sa kanyang panalangin si Victor. Kinabukasan,
pagdating sa silid aralan, nag-anyaya na si Alma sa mga kaklase. Dumating na ang huling araw
ng eksamin. Nagbasa nang maigi si Victor at Alma. Pagkatapos mag-review kinumbida ni Alma
si Victor na pumunta sa party. Hindi sigurado si Victor dahil baka bisitahin niya si Flor sa araw na
iyon.

†Kabanata 13

Hindi pa maniwala si Alma na makikipagkita siya kay Flor sa araw ng kanyang party. Pilit niyang
pinapupunta si Vic sa kanyang party. Nagdadalawang-isip na pumunta si Victor ngunit
kailangang kailangan daw siyang makipagkitang muli kay Flor sa apartment nito ng tumawag
sa telepono. Hinihintay ni Nick, Johnny at Monching sa lobby silang dalawa. Nagtuloy na sina
Victor at Alma sa silid na pagdarausan ng kanilang huling eksamen. Minasdan ni Victor ang
mga taong nakapaligid na animoy gustong-gustong ipasok sa utak ang lahat na natutunan sa
loob ng tatlong buwan. Tama ang hinala ni Victor ukol sa uri ng eksamin, isa itong objective test
na sumusukat kung gaanong karaming impormasyon ang iyong nasaulo. Madaling nakatapos si
Victor at unang lumabas ng silid. Nagpausok siya sa labas at hinintay si Alma. Naasapan ng
usok ng sigarilyo ang isang mata ni Victor. Nangilid ang mga luha ni Victor ngunit hindi ang usok
ang may dahil nito kundi ang kanyang ama. Naglabasan na ang iba pang nakatapos, parang
namatayan si Alma nang siya'y lumabas. Natapos na ang oras ng eksamen, naglabasan na rin
ang iba. Pinaaalalahanang muli ni Alma ang kaklase at si Victor tungkol sa party. Ngunit di tiyak
na sumagot si Victor dahil may "date" ito kay Flor. Nauna nang pumunta si Victor sa lobby kung
saan naghihintay sina Minnie, Nick at Monching. Hinabol siya ni Alma at hindi na ito nahiyang
humabol. Naabutan niya ito sa lobby. Hinawakan ni Alma si Victor a kamay at nabigla si Victor.
†Kabanata 14

Inunawa naman ni Victor ang pagpisil ni Alma sa kanyang kamay. Wala na siyang dapat
alalahanin. Nag-usap ang kanilang mga mata, bumitaw na si Victor sa kamay ni Alma. Hindi pa
n Alma. Hindi siya makapaniwalang pag-aaksayahan siya ng panahon ng katulad ni Alma.
Dumating ang araw ng sabado. Ang party ni Alma. Umuwi na si Victor upang magbihis. Binati
siya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Lucas ―mukhang maaga ang tandahan-sayawan.‖
Nagtungo na sa apartment ni Flor si Victor. Wala nang ibang tao duon. Si Tonyo ay
pumapasada na habang ang yaya nila‘y kaniyang pinag sine. Pinakamusta ng ina at ni Lukas
kay Victor si Flor. Buong akala ni Flor ay lalabas sila kaya ito naka barong-tagalog. Tinanong nio
Victor si Flor kung bakit nito gustong makipaghiwalayan sa asawa gayung sinisustentuhan
naman siya nito. Sapat na sapat ang sustentong ibinibigay ni Tony okay Flor.ipinas-pas niya ang
libreta sa bangko sa harap ni Victor at sinabing muling libre na siya, libre na silang dalawa.

†Kabanata 15

Nabigla‘t nangilabot si Victor sa maliwanag na iminumungkahi ni Flor. Malaya na silang dalawa.


Ngunit kitangkita sa katawan ni Flor ang bunga ng kapusukan at nang kanyang bulag na
paghihimagsik sa buhay Tondo. Hinawakan agad ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang
hindi mangyari ang mungkahi ni Flor. Hinayaan niyang ilabas ni Flor ang lahat ng nasa dibdib
niya habang nakasubsob kay Victor. Inilayo niya ito sa pagkakahawak. Tinanong ni Flor kung
bakit ayaw ni Victor. Mahaba ang kanilang naging pagdidiskusyon. Naisip ni Flor na gumawa
ng malaking kasalanan—ang ipalaglag ang kanyang dinadala. Ngunit hindi nangailam si Victor
dahil buhay naman ito ni Flor at sinabing huwag umasa mangyari ang gusto niyang mangyari
sa kanilang dalawa. Tinanong nito si Flor kung bakit hindi siya bumalik sa Looban at doon
palakihin at imulat ang kanyang anak. Hindi malaman ni Victor ang gagawin. Nangangamba si
Victor na baka gumawa ng kasalanan si Flor. Napatingin siya sa orasan, naalala niya si Alma at
ang party nito. Gusto na niyang matapos ang pag-uusap nila ni Flor. Ngunit gusto nitong
siguraduhing walang gagawing masama si Flor bago siya umalis. Nagtimpla siya ng kapeng
walang gatas para kay Flor. Nasiyahan si Victor sa mga sinabi ni Flor para sa kanyang anak.
Biglang tumunog ang doorbell, si Tonyo agad ang pumasok sa ulo ni Victor

†Kabanata 16

Muling tumunog ang doorbell. Nagkatinginan si Flor at si Victor. May ngiting di maunawaan ni
Flor si Victor. Ang kaba ng dibdib niya‘y lalong sumasal. Pumasok ang isang babae, ito ang
maid ni Flor. Inutusan ni Flor si Dolores, ang kanyang katulong na magluto at dagdagan ito. Pero
humindi si Victor, paliwanag niya ay may pupuntahan siyang party. Nagkasabay ang kamay ni
Flor at Victor sa hawakan ng pinto at nagpasalamat si Flor. Pagkaalis ni Victor sa apartment ni
Flor at habang patungo siya sa address na ibinigay sa kanya ni Alma, iniisip-isip niya kung bakit
ganon na lamang ang pag aalala niya kay Flor. Nang nasa lugar na si Victor kung nasaan ang
party, sinalubong siya ni Nick. Nagulat si Victor sa sobrang dami ng tao. Tinanong si Victor ng
mga kaklase niya kung bakit noon lamang siya. Dalawang party ang naganap; ang isa ay para
sa mga kaibigan ni Alma at ang isa ay para sa mga kaklase lamang. Nagpakilala si Victor sa
iba pang kaibigan ni Alma. Inalok siyang tumagay ng state-side, at pinaunlakan naman niya ito.
Mabababa ang kanilang pagkukuwentuhan. Nagsipag-uwian na ang iba dahil malalim na ang
gabi. Nagpaalam na rin si Victor. Nilapitan siya ni Alma at humingi ng paumanhin dahil hindi na
siya naasikaso. Lumapit ang mga kaibigang babae ni Alma at ipinakilala ito kay Victor.
Ipinagpaalam na lang ni Minnie kay Alma ang pag-alis ni Victor. Hanggang sa makasakay na
siya sa isang bus patungong Quiapo. Hindi maubos maisip niya kung bakit parang mapapaiyak
at suyang suyang tumakbo si Alma patungong bahay.
†Kabanata 17

Patakbong umakyat sa paikot na hagdan si Alma. Hindi na niya pinansin ang mga nagsasayaw
sa salas. Hindi na rin niya hinarap ang mga pinagkukumbida ng kanyang mga magulang sa
telepono. Humiga siya sa kanyang kama at nagsulat muli sa kanyang talaarawan ng kanyang
katuwaan at hinanakit. Pumasok si Minnie sa kwarto ni Alma, sinabi niyang umalis na si Victor,
tinanong din niya kung bakit umalis na siya sa kanyang party. Muling bumaba si Alma at bumati
siyang ang mga ngiti‘y pilit at pabalat bunga. Lasing na lasing ang kapatid ni Alma na si
Pocholo. Inihatid ito ni Monching sa kanyang kwarto. Nagpaalam na si Monching kay Alma.
Tinanong niya ito kung bakit di na ito sumama sa kanilang barkada, at ibang-iba na si Alma.
Iniwasan ni Alma na makipag- usap sa kanyang mga magulang ng gabing iyon. Nagdaan ang
mga araw. Isang umaga nagkita sila Victor sa kantina ng eskwelahan. Inasikaso nila ang
kanilang pagtatapos. Naalala ni Alma ang kanyang sinulat sa talaarawan. Nag-usap sila
tungkol sa mga taong nagmamartsa ng dahil lamang sa diploma at ito ang ayaw na ayaw ni
Victor. Nasambit ni Victor na talagang mahirap magturo. Tinanong ni Alma si Victor kung
sasama ito sa martsa. Sinabi ni Alma na mas mas maganda at mas mahusay magmartsa. Sinabi
ni Victor na mas mahusay magmartsa sa altar. Napatingin si Alma sa kanya. Kinabahan siya.

†Kabanata 18

Tinitigan ni Victor si Alma at sinabing ―kung martsa lang sa graduation ay martsa na lang sa
altar.‖ Binati ni Victor si Alma sa pagmartsa nito sa entablado sa sa kanya sa altar. Nakurot ito ni
Alma. Masayang naghiwalay ang dalawa. Inihatid muna ni Victor si Alma sa pinaghihintayan
nito ng sasakyan. Habang daan ay iniisip ni Victor kung talagang magkakaroon siya ng
pagkakataong makapagturo. Naalala niya si Alma. Nang nasa kalye na siya papuntang
Looban, binate siya ni Tonying dahil ibinalita sa kanya ni Lukas. Hinintay ni Lukas si Victor sa
entreswelo para ibigay ang ipinatahi niyang toga at cap. Umakyat na si Victor. Sinukat niya ang
toga, medyo maluwag ito ng kaunti. Masaya si Victor dahil makakadalo na siya sa
baccalaureate sermon upang makinig sa huling tagubilin ng mga guro. Iniharap ni Victor ang
kanyang ina sa salamin. Sumingit sa isang tabi si Lukas. Nasa gitna si Victor at sinabing silang
tatlo ang ga-graduate. Nangingilid ang kani-kanilang luha dahil sa lubos na kasiyahan. Naghain
na ang kanilang ina. Lumabas si Victor sa kapirasong likurang-bahay sa tabi ng estero. Doon
nakita niya ang maiingay na kabayo, iyak ng bata at ang maruming estero. Naalala ni Victor si
Flor at ang kanilang mga pangarap na binigo ng pangangailangan, pangungulila‘t
kakulangan ng pagtitiwala. Nagulantang siya sa pagbubulay- bulay sa tabi ng estero nang
tawagin siya ni Lukas. Pahangos na nagsisipasok noon sa pasilyong patungo sa entreswelo sina
Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo.

†Kabanata 19

Nagtatawanan sa ilalim ng bahay ni Aling Inggay sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, Victor, Pilo
at Lukas. Inabot kay Victor ang kahong karton na nakabalot nang maganda at may laso pa.
Barong tagalog ang laman ng kahon na para sa graduation ni Victor. Naglabas ng alak si Pilo
at sila‘y nagsalu-salo habang pinag uusapan ang graduation ni Victor. Pag alis at paglipas ng
katuwaan, naiwan si Victor na nakatingala sa langit. Ang isipan ay nasa langit, na ang Tundo ay
nasa ilalim nito na may pag asa pa roon. Ito ay pagsisikapang maunawaan at matagpuan.
―May katapat na langit ang lahat,‖ Ang Tundo Man, May Langit din‖, ang sabi ni Victor. Si Alma
ay nakatingala din sa langit nang sandaling iyon. Binabalikan ang mga naisulat sa talaarawan
tungkol sa pagtatangi kay Victor. Iniisip niya kung anong ireregalo niya kay Victor. Ang langit
ding iyon ay tinitingala ni Flor mula sa kanyang silid. Inisip niya si Victor habang nabasa sa
pahayagan ang pagtatapos nito. Nanghihinayang siya sa mga bigong pangarap nilang
dalawa ni Victor na kanyang tinalikuran dahil sa kakulangan niya sa pagtitiwala sa paniniwala
ni Victor na ang Tundo man ay may langit din. Nagsisisi siya sa kanyang kapusukan at kahinaan
ng loob. Ang naging bunga na dala niya sa kanyang sinapupunan ang handog niya sa
graduation ni Victor.
†Kabanata 20

Papasok si Victor sa opisina at magpapaalam sa kayang hepe na si Mister del Pilar na


kalahating araw lamang siya. Dadalo sya sa baccalaureate at kukunin niya ang kanyang toga.
Kumalat na sa opisina na siya‘y magtatapos na. Maraming bumati kay Victor. Nagpainom si
Mister del Pilar para kay Victor. Biglang tumawag si Alma habang nasa opisina si Victor. Napag-
usapang magkikita sila sa eskwelahan, sa baccalaureate. Bumili siya ng ibibigay kay Alma.
Isang bagong dating na antolohiya o katipunan ng mga tulang kinatha sa iba‘t-ibang panahon
at ibang sulok ng daigdig ang kanyang binili. Sa pagdalo sa baccalaureate, ipinaalala na ang
edukasyon ay hindi natatapos sa pag-abot ng diploma. Ito ay pananagutan at layunin sa
lipunan. Sa kanyang pakikinig, naalala niya ang kanyang ama. ―Mag-isip ka anak, sikapin
mong mapanuto ka sa buhay, ang inyong kaligtasan ay nasa iyong pagsisikap‖. Matapos
pagdalo, mayroon pang salu-salo kung saan nagkita si Alma at Victor. Nagbigayan sila ng
kanya kanyang mga regalo nagkwentuhan silang dalawa. Kaya dadalo ng graduation si Victor
ay sa kadahilanang,‖Wala akong karapatang magkait sa kanila, lalo na sa inay ng
kaligayahang maidudulot ng aking pag-abot sa tuwirang salita ay kapirasong papel lamang.
Habang nagsasalaysay si Victor, si Alma naman ay nasa dibdib niya‘y naghahari ang isang
pagtatalo. Ito ang pagtatapat ng lihim tungkol sa ama. Tulad ni Victor, wala siyang karapatang
magkait sa kanyang magulang ng kaligayahan.

†Kabanata 21

Hinihintay ni Victor na magsalita si Alma. Nang paparating na sina Minnie at Monching,


nagsalita si Alma. Mapalad raw si Victor na dadalo ang ina at ang mahal a kaibigan nito sa
graduation. Magtapat na sana ng lihim si Alma na tungkol sa kanyang panaginip na
bumabagabag sa kanya ngunit dumating na sina Minnie. Niyaya si Victor na ihahatid na
lamang siya gamit ang malaking kotse ngunit tumanggi ito. Oras na nang graduation. Ang
araw na hinihintay ng mga magsisipagtapos, oras na lamang ang hinihintay sa pag-abot ng
diploma. Naghanda at inihatid si Victor ni Lukas at iba pang kasama sa eskwelahan gamit ang
kotseng nahiram nila. Ikinagulat ito ni Victor. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbati sa kanya ng mga
nasa Looban. Nakadama ng kaliitan si Victor ng marinig niya ang ―Arya, Bata‖ mula sa kanilang
kapitan, ganoon na lamang ang ginawa niyang pagpapakumbaba sa sarili. Dumating na sila
sa eskwelahan. Pumuwesto na sina Tatong Bamban at Lukas sa may loudspeaker upang
pituhan at palakpakan kapag narinig ang pangalang Victor del Mundo. Sa graduation ay
mayroong susunduing surpresa sina Tatong Bamban at Lukas para kay Victor. Nagtuloy na si
Victor sa loob ng pamantasan. Tinanong niya sa sarili kung sinong surpresa kaya ang tinutukoy
ng kanyang mga kaibigan.

†Kabanata 22

Pumila at nag umpisa na ang seremonyas. Sunud-sunod ang pagtawag sa pangalan ng mga
ga-graduate. Sunud-sunod din ang bawat sangay ng karunungang pinagtatapusan. Matapos
tawagin ang mga pangalan ng mga magna cum laude at cum laude, ang iba pang mga
mag-aaral ay tinawag na rin. Sa pagtawag ng pangalan ni Alma at ng pangalan niya,
mayroong nabubuklod na palakpakan na nanggagaling kina Tatong Bamban at Lukas. Kitang
kita ni Victor ang masayang ngiti sa mukha ng kanyang ina. Nagsalita ang panauhing
pandangal ukol sa hamon at responsibilidad ng mag magtatapos. Naalala niya ang kanyang
pagtitiwalang ang Tundo man ay may langit din at ang langit na iyon ay dapat niyang hanapin
at pagsumikapang abutin. Ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa lahat.
Ipinaalala ng panauhing pandangal- Tundo: ang pook na kinakitaan ng liwanag ng dakilang
anak- pawis na si Bonifacio, pook na pinagtatagan ni rizal ng La Liga Filipina. Matapos ang
graduation, nagsasaya ang magkakasamang dumalo dito. Buong pusong ibinigay ni Victor sa
kanyang ina ang diploma. Makalipas ang ilang sandali, napansin niyang may kakaiba sa mga
kasamahan niya. Si Flor ang tinutukoy na surpresa ni Lukas.
†Kabanata 23

Nagulat si Victor nang Makita si Flor. Natuwa siya nang makita niya ito. Pinasiya ni Flor ang tawa
ni Victor. Naalala niyang dapat ay magkikita na sila ni Alma sa lobby, ang dating tagpuan nila.
Nagpaalam na ang mga kaibigan at kasama ni Victor. Pinuntahan nila si Alma matapos ang
batian. Sa lobby, si Alma ay naghahanap na din kay Victor, madaming tao sa lugar na iyon.
Habang pinagmasdan ni Alma ang mga pulutong ng pamilyang nagsasaya, siya‘y nangulila at
naiinggit dahil sa masasayang estudyanteng gumaraduate kasama ang kaikanilang mga
pamilya. Nagkita sa wakas si Victor at Alma. Ipinakilala ng bawat isa ang mga kasama ngunit
kitang kita ang ilangan ng pamilya at ang mga kaibigan ni Victor sa kay Alma.

†Kabanata 24

Nagyaya na sa kainan sina Victor at ang mga kasama. Nagmamadaling paglayo sa mga
kasama ni Alma ang grupo upang hindi na tumagal pa ang malamig na ilangan ng bawat isa.
Masaya ang salu-salo. Maraming pagkain. Maraming serbesa. Natuklasan ni Victor ang
kaibahan ng daigdig niya sa daigdig ni Alma. Mayaman sa mahirap. Nagbukas na ng mga
regalo si Victor sa kainan. Ang kay Flor ay relong may ukit ng pangalan ni Victor. Ang kay Alma
ay fountain pens na mayroong ukit ng ―Victor-Alma‖. Nakauwi na silang lahat ngunit nakaukit
pa din sa isipan ni Victor ang ukit sa regalong ibinigay ni Alma. Ayaw niyang isipan ni Victor ng
kahit anong ibang kahulugan ang kanilang madikit na pangalan. Sa pagsusulat ni Alma sa
kanyang talaarawan, nagunita niyang dito niya inamin ang lihim na nais niyang sabihin kay
Victor noon. Ang dating labandera nila ay pinagnasahan ng kanyang sariling ama. Ang
pangalan niya ay Dolores. Mahigit isang taon na nang umalis ang labandera. Binayaran upang
umalis, at huwag gumawa ng kahit anong isyu. Kailangan ni Alma si Victor upang tulungan
siyang hanapin ang labaderang ito. Si Dolores ay maid ni Flor sa kasalukuyan. Nagbalak
magpatayo ng dress shop sina Flor. Nagkausap ng masinsinan sina Flor at Victor. Nagpasalamat
ang dalawa sa bawat isa dahil sa tulong na ibinahagi nila at sa mga leksyon sa buhay na
napulot nila sa bawat isa. Mag-aaply si Victor sa pagtuturo. Sinabi ni Flor kay Victor na halatang
minamahal siya ni Alma.

†Kabanata 25

Binisita ni Alma si Victor sa kanyang trabaho. Inanyayahan ni Victor si Alma sa isang palamigan
sa Avenida Rizal. Nakita ni Alma na maraming tao sa paligid kung kaya‘t inaya niya si Victor na
makipag-usap sa ibang lugar. Sumakay sila ng taksi at nagtungo sa Luneta. Nang makarating,
na nagtungo sila sa lehislatura. Napasok sa usapan si Flor sapagkat may isang panahong ang
luneta‘y naging kaugnay ng nilikhang pangarap ni Flor at Victor. Binalita ni Victor na nagkita sila
ni Flor noong gabi bago sila nagkita ni Alma. Magtatayo daw ng isang patahian si Flor at
mamumuhunan doon. Nalakad ni Alma ang kanyang application para sa pagtuturo. Nagtaka
si Victor, bakit daw niya itatali ang sarili niya sa chalk at blackboard. Sa Tundo daw magtuturo si
Alma at pinigilan siya ni Victor sapagkat hindi naman daw niya kailangan ang sweldo, maliit kasi
dahil may trabaho naman siya sa kanyang amain. Ipinagtapat ni Alma ang nagkasala niyang
ama sa isang hamak na labandera na nagngangalang Dolores. Ibig niyang hanapin ang
babaing iyon dahil nagkaroon siya ng kapatid kay Dolores at humihingi siya ng tulong kay
Victor.

†Kabanata 26

Ibig malaman ni Alma kung buhay ang kapatid niya kay Dolores, dalawang bagay ang gusto
niyang malaman; kung may nagsusustento sa mag-ina at kung kaninong pangalan ang
dinadala ng bata. Gusto ni Alma na sa Tundo siya magturo, dahil iuugnay niya si Dolores sa
buhay Tundo. Pinangako ni Victor kay Alma na tutulungan siya sa paghahanap kay Dolores.
Tuturuan ni Alma ang mga bata tungkol sa kanilang karapatan at kapanagutan. Nais
magtagtag ni Victor ng adult education sa kanilang lugar kung hindi man siya makapagturo sa
eskwelahang gusto niya. At kung ayaw man, ay kindergarten. Nagbiruan si Victor at si Alma.
Nang maghiwalay ang dalawa, namumuno sa kasiyahan ang dibdib ni Victor. Hindi lamang
dahil sa katapatan ng pagmamalasakit ni Alma para kay Dolores na iyon, sa pakiwari niya ay
masisira ang pangako niyang sa kanyang sarili na layuan si Alma. May pagtingin si Victor kay
Alma gaya ng pagtingin niya kay Flor. Abril ng magtapos sina Victor at Alma. Nagdaan pa ang
mga araw,noong buwan ng Mayo,hindi sumama si Alma sa mga paglalakbay-dagat,
pagbabakasyon sa Hongkong at kung anu- ano pa. Noon din buwan ng Mayong iyon
naghahanap si Flor kay Dolores na bakit hindi dalhin ang kanyang anak sa Maynila. Inalok siya
ni Flor kay Dolores na maging tauhan sa magiging patahian nila. Naisip ni Dolores si Mr. Fuentes
ng mga oras na iyon.

†Kabanata 27

Hindi makatulog si Dolores. Naisip niya ang kanyang anak. Ibig ni Flor ay dalhin niya ito sa
Maynila. Naalala rin ni Dolores ang ama ng kanyang anak. Ibig ipagtapat ni Dolores kay Flor na
si Mr. Fuentes ang ama ng kanyang anak ngunit binigyan siya ni Mr. Fuentes ng pera upang
huwag na itong maghabol o magiskandalo. Naalala ni Dolores ang kanyang masamang
karanasan ng siya‘y mapariwara. Hanggang sa makatulog na si Dolores, hinabi siya ng isang
magandang guniguni ng isang magandang kinabukasan ng kanyang anak. Nais niyang
matupad ang kanyang inaasam: ang makalimot sa lumipas. Para kay Alma ang ―lumipas na
iyon‖ na iyon ni Dolores ang isang kinasasalalayan ng kanyang paghihimagsik. Gusto ni Alma na
makita si Dolores ibig niyang malaman kung buhay ang kapatid niya dito. Magtatapos na ang
Mayo. Nagsisipaghandaan na ang mga magsisipagpasok sa eskwelahan. Nakakita na ng
malilipatan na apartment si Flor. Tinawagan niya si Victor kung ubra ang kanyang napili. Nagkita
si Victor at si Alma, isinama niya ito sa address na pinaglipatan ni Flor. Nakarating na sila sa
kalyeng ng apartment na lilipatan ni Flor. Sinalubong siya ni Flor, kinamayan niya si Alma.
Tinawagan ni Flor si Dolores. Nagulat si Alma. Napansin ni Victor ang pagkagitlang iyon.
Sumungaw si Dolores sa hagdan. Napasigaw si Alma.

†Kabanata 28

Nagkita sina Alma at Dolores. Namagitan ang katahimikan sa kanila. Nang mga sandaling iyon,
pasulyap-sulyap si Victor kay Alma at Dolores. Noon lamang niya napaghulong hindi alam ni Flor
na ang anak ni Dolores na nasa lalawigan ay kapatid sa ama ni Alma, na si Dolores ay
disgrasyada ng ama ni Alma. Nagpatuloy si Flor sa pagbabalita tungkol sa mga plano niya sa
apartment. Iniisip ni Victor kung paano siya makatutulong upang malaman ni Alma na ang
kapatid nito kay Dolores ay buhay. Naisip niyang ipaubaya niya kay Alma ang paglutas noon.
Nagawang ipagtapat ni Dolores ang tungkol sa kanyang naging anak sa ama ni Alma ng
maayos. Inihatid nina Victor at Alma sina Flor at Dolores sa apartment nilang tinitirahan;
pagkatapos ,naglakadlakad sila patungo sa Luneta, aakuin ni Alma ang pagsusustento sa
kanyang bagong kapatid. Ang araw na iyon ay mahalagang mahalaga kay Alma. Dumating
siya sa bahay na ang dibdib ay namumuno pa rin ng katuwaang may kalanghap na
kalungkutan. Muli siyang nagsulat sa kanyang talaarawan, maikli lang ang kanyang isinulat.
Hindi niya matiyak ang kalooban ni Victor. Kung may pagtingin ito sa kanya, hindi nito
ipinaalam sa kanya. At hindi naman niya pinagbigyan ng kahulugan ang mga biro ni Victor,
bagama‘t kung minsan. Ng mga sumunod na araw, abalang abala si Alma sa
pagtuturo.Dumalaw si Tonyo kay Flor. At nuon ibinalita ni Flor kay Tonyo ang tungkol sa anak ni
Dolores. Napatingin si Flor kay Tonyo.

†Kabanata 29

Sandaling tinitigan ni Flor si Tonyo bago sumagot, sinabi ni Tonyo na sana'y bigyan siya ng
karapatan sa kanyang anak. Napakagat labi si Flor. Tumingin lamang si Tonyo sa kanya. Bago
umalis si Tonyo noong gabing iyon, muling nagpasalamat si Flor. Matagal ng nakaalis si Tonyo,
iniisip pa rin niya si Flor. Hindi niya inihahambing si Tonyo sa ama ni Alma. Mula ng matagpuan ni
Alma si Dolores, ang kanyang pakikitungo sa ama ay nagging lalong malamig, ngunit hindi niya
ito nilalapastangan, sa kilos o salita, katulad pa rin siya ng dati, nakangiti ngunit pilit si Alma sa
mga kasama ng kanyang ama, nagpaalam siya. Nasalubong niya ang kanyang Mommy na
hindi na yata mawawalan ng hairclips sa ulo. Naging maestra si Alma sa mataas na paaralan
Torres. Maraming pumapansin sa kanya sa eskwelahan noong unang pasukan. Sa pag-uwi ni
Alma galing sa paaralan, ang dyip na sinasakyan niya‘y may lugar patungo sa Looban nila
Victor. Muling nagsulat si Alma sa kanyang diary, ang huling isinulat niya noong araw na iyon ay
tungkol sa gagawin niyang pakikipagkitang muli kay Dolores. Isang hapon ng sabado, nagulat
na lamang at sukat si Flor ng dumating si Alma sa patahian sa Ermita. Tinanong ni Alma si
Dolores. Si Alma ay nakadama ng matinding pananabik na aakita ang anak ng kanyang
daddy kay Dolores. Si Dolores ang sadya ni Alma, ibig niya itong makausap. Binigyan ni Alma si
Dolores ng tseke para kay Boy. Nagpasalamat si Dolores pero sabi niya‘y hindi niya ito
matatanggap. Napatingin si Alma sa kanya.

†Kabanata 30

Hindi maunawaan ni Alma kung bakit tinatanggihan ni Dolores ang tsekeng ibinibigay niya para
sa bata. Pinagmasdan ni Alma si Boy, ang anak ng kanyang Daddy kay Dolores. Ngunit pilit
nitong ibinigay ang tseke at kay Rafael nito ibinigay. Nahiya si Dolores. Sinabi ni Alma na
matatahimik ang aking loob kung matitiyak ko nang si Boy ay magkaroon ng mabuti-buting
pagkakataon. Nagpaalam si Alma kay Dolores at kay Flor. Nagtuloy siya sa simbahan sa Ermita.
Magdarapit hapon na ng lumabas siya sa simbahan. Si Victor naman ay walang kasiyahan
pero hindi niya ito ipinahahalata sa matatandang nasa klase niya. Tinalakay niya ang
kasaysayan ng panahon ng kastila. Dumating si Tatong Bamban at Paeng Gasti, kinamusta nila
kung ayos ang klase, ipinaliwanag ni Victor sa dalawa na dapat maging literate ang mga tao
sa Looban upang umunlad at luminis ang kanilang lugar. Isang biyernes ng hapon, umuwi ng
maaga si Victor, dinatnan na niya sa kanilang entreswelo si Opreng, ang magbibinatang anak
ni Mang Ponsong Goma. May kasamang ibang kabataan taga Looban si Opreng. Kinumbida
nila si Victor na pumunta sa kwadra upang magtayo ng club at pinaunlakan naman ito ni
Victor. Pagkakain ng hapunan, nagbihis si Victor at nagpaalam, tumingin siya sa langit, narinig
niya ang mga ingay ng mga bata. Naalala niya ang kanyang pagkabata. Naalala niya si Flor
at si Alma. Nakita niya si Conrading na mukhang may haharanahin. Tiningnan niya ang harana
kung okay na. si Flor at si Alma ang nasa isip niya.

†Kabanata 31

Nakadama si Victor ng malalim na pangungulila sa narinig niyang kundimang inawit ng isang


kababatang ngayon, katulad ng maraming iba, ay walang hanapbuhay. Nagkita sina Victor at
Konsehal sa restaurant ng isang intsik. Uminon sila ng serbesa at nalibre pa nga ang kanilang
mga inorder. Nais sana ng Konsehal na makuha ang lahat ng boto ng mga tao sa Looban.
Kaya‘t inanyayahan niya si Victor na ikampanya siya. Nagdalawang isip si Victor dahil ayaw
naman niyang magdikta sa mga tao nang kanilang nais iboto. Wala na siyang karapatang
pakialaman ang boto ng taga Looban. Nagmiting sila sa kwadra ni Mang Ipe, sa may gilid na
estero. Naroon sina Opreng, Myrna, Bernarda, at kung sino sino pang kabataan. Si Opreng ang
tinalagang pangulo. Si Victor ang taga payo ng sikhay ng kabataan, imunungkahi niya na sa
halip na magkaroon ng acquaintance party ay maglinis sila ng estero. Halos lahat ay umungol,
meron pang natawa. Nagpag usapan ang graft and corruption, at lahat ng katiiwalian na
nangyayari sa pulitika. Kapalit ng paghakot ng boto ni Victor, lalakarin niya ang appointment ni
Victor para magturo. Natapos ang mahabahabang pagpapalitan ng kuro-kuro. Marami pang
ibang bagay silang napag-usapan bago matapos ang klase para sa Sabadong iyon.

†Kabanata 32

Isang gabi, ilang araw pagkaraan ng pagkikita ni Victor at ng konsehal, sinundo nina Tatong
Bamban, Paeng Gasti at Pilo si Lukas, may pupuntahan sila. Nasulyapan ni Victor ang kanyang
inang nasa tapat ng isang luma't maliit na bumbilya. Nililinis nito ang salamin ng mga kwadro ng
mga larawan ng ama niya. Nag-usap silang mag ina tungkol sa pagtuturo ni Victor. Hanggang
sa makahiga na si Victor na iniisip-isip pa rin ang mga sinabi ng kanyang ina. Nagunita niya
noong sinisimulan niyang itatag ang adult education class sa Looban. Naroon ang mga batang
nag uusyoso at ang mga inang may kilik na bata at sumisilip-silip sa mga bintana nang unang
gabi ng kanilang klase. Nagunita ni Victor ang kanyang mga mag-aaral sa kasaysayang ng
Pilipinas. Ang mga kalagayang pinaghimagsikan nina Rizal, del Pilar, Bonifacio at Mabini ay
totoo ngang hindi pa nababago. Nagunita rin niya si Alma at ang kanilang naging pagtatalo
tungkol sa ganoo't ganitong kalagayan sa Pilipinas noong sila'y nag aaral. Ang pagsusuring iyon
ni Victor ay pinukaw ng mga kaluskusan at tinig sa kaltehon. Nabosesan niya si Tatong Bamban
at Paeng Gasti at narinig niya ang masayang tawa ni Lukas. Narinig din niya ang pagbangon
ng kanyang ina upang buksan ang pinto ng entreswelo. Malakas na malakas ang boses ni
Lukas sa labas ng bahay. Nagtatawanan sina Tatong Bamban at Paeng Gasti. Nakarating si
Victor sa pintuan. Sumusuray-suray si Lukas, kumakanta-kanta pa ito kahit sintunado, napansin
niya si Lukas sa may pinto. Nabuwal itong kumakanta pa rin sa hagdan, kumakanta,
nagmumura.

†Kabanata 33

Iniakyat sa bahay nina Victor, Paeng Gasti at Tatong Bamban si Lukas. Umuungul- ungol pa ito.
Hindi naman daw siya lasing. Nagpaalam na ang kanyang mga padres. Nang gabing iyon
nagpasya si Victor na tanggapin ang tulong ng pulitikong kandidato. Nagtungo si Victor sa
tanggapan ng konsehal sa City Hall. Kinamusta ang kanyang pagtuturo sa Looban ng isang
pulitiko. Ngumiti lang si Victor. Nagpasalamat si Victor sa kanilang pinakamataas na manedyer
pagkatapos ay nagpaalam. Kinabukasan nagbalik sa silid ang prinsipal. Iginala ni Victor ang
kanyang paningin. Alam niyang nandoon din si Alma at posible silang magkita. Pagkadaan ni
Victor sa teacher's room, nakita niya ang mga naging guro niya dati. At biglang dumating si
Alma. Nag-usap sila at kumain sa isang restawran sa Dewey Boulevard. Umuwi silang may
parehong ngiti sa kanilang mga mata. Pumasyal si Alma sa Looban kinabukasan, at nakitang
nililinis ng mga taga doon ang estero. Nagkatuwaan at nanglibre si Alma ng inumin. At
hinayaan ni Victor na maglagos ang ga daigdig na katuwaang iyon, at sabi pa'y " May pag-
asa pa"," Ang Tundo man, may langit din."

†Kabanata 34

Wala nang pinag-usapan ang mga tao sa Looban kundi ang pagkakalinis ng kabataan ng
estero sa pamumuno ni Victor. Hindi rin makalimutan ni Alma ang nangyaring iyon, naikwento
niya iyon sa pinsan niyang si Minnie. Narinig ng ama ni Alma ang pangalang Victor, tinanong
niya kung sino ba iyon. Si Minnie ang nagpakilala. Mainit ang nagaganap sa eleksyon.
Kabikabilang mga pulitikong gumagamit ng politikal goons. Nang mga sandaling iyon, sa dress
shop ni Flor sa Ermita, dumalaw muli si Tonyo . Natatakot siya ng dahil nagdadalantao ang
asawa niya. Hindi ninanais na mabyudo si Tonyo dahil magiging magasawa silang legal, ilang
araw pa ang nagdaan. Naging mainitan na ang pangangampanya sa eleksyon. Bumaba sa
isang dyip si Lukas. Nagkita sila ni Tatong Bamban. Nakita ni Pasing si Lukas, namuno ang
kasiyahan sa kanyang dibdib. May sasabihin pa sana si Lukas ngunit napaudlot siya nang
makita niya ang paghinto ng isang dyip na private. Nang mga sandaling iyon, si Pasing ay
tumatakbo patungo sa Looban. Ang bawat masalubong niya'y pinagsabihan niya. ―Si Lukas sa
kanto. May masamang nangyayari‖. At sa kanto, sa loob ng restawran, tahimik na tahimik ang
lahat. Nakagwardiya sa pinto ang isa sa apat na lalaking pumasok. Si Victor naman ay nasa
kalyehong madilim. Nauna na siya kay Pasing. Kailangang makarating siya sa kanto bago
magkagulo. Natambad sa paningin ni Victor pagpasok niya sa loob ng restawran ang mga
silyang batibot na nagkabuwal-buwal; mga nagkagulo; ang basag na iskaparate ng mami at
siopao. Ilang mesa ang nawala sa lugar. nakaupo sa isang siyang batibot. Hawak pa rin niya sa
leeg ang isang bote ng beer, basag ang ilalim nito. Sa maputing-maputing porselanang
ibabaw ng mesa ay matingkad ang dugo! Nakasubsob si Lukas. Nakasampay sa silya ang
kamay niyang may hawak na binasag na bote ng beer. Madaling tumakbo si Victor kay Lukas,
umuungol ito. Parang hindi nito maidilat ang kanyang mga mata. Inalis ni Victor mula sa kamay
ni Lukas ang boteng binasag nito't hinawakan sa leeg niyon. isinandal niya ito sa silya. Wakwak
at basang basa ng dugo ang kaliwang balikat ni Lukas. Parang mahihilo si Victor sa nakita
niyang pagtagas ng dugo roon. Madaling pinangko ni Victor si Lukas. Dinala ni Victor si Lukas sa
North General. Doon habang isinasalin ang dugo niya kay Lukas, Si Victor ay nakahigang nag-
iisip. Ibig niyang maluha. Naalala niya ang kamatayan ng kanyang ama. Lumingon siya kay
Lukas. Maputlang-maputla si Lukas.

†Kabanata 35

Pumikit na lamang si Victor. Hindi lamang dahil sa pangangambang may masamang mangyari
kay Lukas kundi dahil rin sa paninisi sa sarili. Dumalaw sila Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo sa
hospital. May pinagkakaguluhan sa labas ng hospital. Nagulat si Tatong Bamban nang
matanaw nila ang dumarating. Si Paking, ang kandidatong pulitika nina Lukas. Ibinalita ni
Paking kung paano niya nalaman ang nangyari kay Lukas. Nagdaan siya sa restawran sa Tundo
na pinagiistambayan nina Lukas. Mga bata ni Reyes ang may kagagawan. Tumawag nga si
Paking sa media. kumuha ng datos ang reporter. Gulat si Victor kay Paking. Umuungul-ungol
ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nalagay nga sa dyaryo ang tungkol sa nangyari kay
Lukas. Nang umagang iyon, ang mga dumarating sa hospital ay pasulyap-sulyap sa kama ni
Lukas. Patuloy pa rin ang pulitika sa pangangampanya sa loob ng pagamutan. Nakatingin na
lamang si Victor. Naririnig niya ang sinasabi ni Paking, ang pulitikong tumulong upang siya'y
maging guro sa Torres High. Wala siyang maipula sa sinasabi ni Paking. Hindi matiyak ni Victor sa
sarili kung tapat ang mga sinasabi ni Paking. Pinagmasdan din niya ang ibang may sakit at ang
nagbabantay sa kanila. Nagulantang siya at ang kanyang ina ng umungol si Lukas, nakadilat si
Lukas. May pagtataka sa kanyang mga mata, tiningnan niya si Victor, tiningnan niya ang
kanyang ina.

†Kabanata 36

Nasamid si Flor. Lumigwak ang kape sa tasang hawak niya. ―Sino kaya ang nakaalala sa
kanya?‖, sabi niya sa sarili. Matagal na silang di nagkikita ni Victor. Nagtuloy si Flor sa salas.
sumakit na naman ang tiyan niya. Nagulat si Dolores nang makita niyang gising na si Flor.
Naramdaman ni Flor ang biglang panlalamig ng mukha ng tumawag ng doktor si Dolores.
Nagpunta na sila sa hospital. Iniwan nila si Boy sa isa nilang mananahi. Tiningnan ng doktor ang
lagay ni Flor. Nagpasalamat si Flor. Naglakad-lakad si Flor, kasama niyang lagi si Dolores. Inihatid
ng doktor at ni Dolores si Flor sa kanyang silid upang magpahinga. Binuksan nila ang dyaryo. Si
Dolores at si Flor ay hindi magkandatuto sa nangyari tungkol kay Lukas. Nalaman nilang nasa
North General si Lukas. Tinawagan ni Dolores ang doktor. Tiningnan si Flor at sinabing "lalaki
siguro". Noong mga sandaling iyon, si Tonyo ay nakasakay sa kanyang bagong biling kotse
upang pumunta kay Flor. Binilisan niya ang takbo ng kotse. Masaya siya na ang dibdib ay puno
ng katuwaan. Dinala na sa delivery room si Flor at nasa kanyang isip si Tonyo . Sa labas ng
delivery room, si Tonyo ay nakaupong naghihintay. Alam niyang panatag ang kanyang isipan,
sa kabila ng mga alon ng pangamba at pananabik sa dibdib niya. Taimtim siyang sumambit,
nanindig ang kanyang mga balahibo sa bisig. Alam niyang ang sandali ng pagsisilang ay
maaaring maging sandali rin ng kamatayan. Naturok ng kanyang pagmamahal kay Flor na ang
kakambal ng buhay ay kamatayan.

†Kabanata 37

Ang katahimikan sa malinis na silid na kinaroroonan ni Flor ay puno ng malulusog na uha.


Nakangiti ang mga manggagamot at nars. Lalaki ang anak ni Flor. Pagkaraan ng ilang minuto,
si Tonyo ay naroon na sa harap ng nursery upang tingnan ang anak. Hindi naman makakibo si
Flor. Naalala lamang niyang tanungin ang pangalan ng bata. Mahigpit ang paghahawakan ng
dalawa. Umuwi si Tonyo na walang pangamba sa dibdib. Nagulat ang kanyang maybahay
nang makita siya. Sinabi ni Tonyo na galing siya sa hospital. Kinamusta ng asawa niya si Flor kay
Tonyo, pati ang anak nito. Niyakap ni Tonyo ang asawa bilang pasasalamat at pagmamahal.
Sinabi ng asawa ni Tonyo na nagkita na sila ni Flor at sinabi na mahal niyang talaga si Tonyo.
Nagulat si Flor nang makilala niya ang babaeng pumasok na kasama ng manggagamot, ito ay
si Chabeng, ang maybahay ni Tonyo , kinamusta niya silang mag-ina, hindi akalain iyon ni Flor.
Magaan na magaan ang loob ni Flor. Hindi niya maubos maisip ang kapanatagan ng loob ng
maybahay ni Tonyo. Maya maya'y dumating si Dolores kasama si Victor at Alma. Natulala si
Victor kay Flor. Napansin ni Flor ang pagiliw na nasa mata ni Alma para kay Victor. Ibinalita ni
Flor ang nakitang mukha nila ni Lukas sa dyaryo. Pagkagaling ni Victor at Alma sa hospital,
namasyal silang dalawa, sakay sila ng kotse na regalo ng ama ni Alma. Tinanong niya si Victor
kung mahal siya o hindi.

†Kabanata 38

Hindi makasagot si Victor sa tanong na iyon ni Alma. Tinanong naman ni Victor kay Alma kung
ikararangal niya siya kung siya ang kapalaran ni Alma. Nang sumagot si Alma ng oo ay iniba
agad ni Victor ang usapan. Nagkibit-balikat si Victor. Parang hindi na niya matiis ang
pamumuno ng kanyang dibdib, pangamba at hinanakit ang siyang humahadlang sa kanyang
pagpapasya. Pinaandar ni Alma ang kotse, pabigla ito, bumababa na si Victor. Muling nagsulat
si Alma nang mga sandaling iyon sa kanyang talaarawan. Binabasa niya ulit ang kanyang
naisulat na. Kinausap ng kanyang ama si Alma sa kanyang kwarto tungkol sa taga Tundong si
Victor at sa pagtuturo nito. Naghihinanakit si Alma sa mga narinig niya sa kanyang ama,
naghihimagsik siya. Magdamag na hindi nakatulog si Alma, ibig niyang magsulat, ngunit
parang wala siyang maisulat. Hinayaan niyang dumaloy ang luha niya. Kinabukasan sa
eskwelahan, binati siya ni Victor ng magandang umaga, ngumiti naman si Alma ngunit pilit iyon.
Ipinadala ni Alma kay Victor ang gamit niya sa kanyang silid mas mabigat iyon kaysa dati.
Nabuksan ang gamit ni Alma, nakita ni Victor ang diary ni Alma, nanggigigil siyang buklatin iyon.
Tumingintingin si Victor sa paligid. Baka may makakita sa kanya. Hinawakan niya ang
talaarawan ni Alma at ang kanyang kamay ay nanginginig sa kasalanang gagawin.

†Kabanata 39

Binuksan ni Victor ang talaarawan ni Alma. Tinunghan niya't sa isang iglap ay binasa't isinaulo
ang nakasulat sa dahong siya niyang nabuksan. Naging palaisipan kay Victor ang talatang
kanyang nabasa. Muntik na siyang mahulog sa hagdan. Nagmamadaling binasa ni Victor ang
iba pang talata. Ganoon na lamang ang kaba ng kanyang dibdib, para siyang may
natuklasang lihim. Nasigurado niya na kay Alma nga ang talaarawang kanyang nabasa.
Inangkin ni Victor ang karapatang bumasa ng talaarawan ni Alma. Nang isara nito ang
talaarawan, sa pakiwari niya'y nanggaling siya sa isang paglalakbay sa kung saang daigdig na
batbat ng buhay at pag-ibig. Tumunog na ang bell, nag ayos na si Victor. Hindi na dinatnan ni
Alma si Victor sa teacher's room. Dumating ang oras ng tanghalian, tulad ng dati sa kapiterya
ng eskwelahan sila kakain ni Alma. Nagtungo na sila sa library pagkatapos kumain. Inalok ni
Alma si Victor na kumain sa labas sa cafe indonesia sila nananghalian. Tamilmil ang kain ni
Alma. Tinanong ni Alma kung may nakita si Victor sa kanyang bag. Sinabi ni Victor na patapusin
muna siyang kumain. Lumabas sa restawran si Alma, naiwan si Victor. Pagbalik ni Alma dala nito
ang talaarawan. Naupo uli si Alma sa kanilang mesa sa sulok. Sinabi ni Victor na nakita niya ang
talaarawang iyon. Tinanong ni Alma kung binasa ni Victor ang talaarawang kanyang dala dala.

†Kabanata 40

Inilapag ni Alma ang talaarawan sa mesa. Sinabi ni Victor na hindi naman niya binasa ang
nasa loob niyon. Muling tinanong ni Alma kung binasa ang diary niya. Napakagat labi si Alma,
nagpupuyos ang kaLooban nito. Hindi niya malaman kung nabasa ni Victor ang kanyang
talaarawan. Inalok ni Alma kay Victor kung gusto niyang basahin ang diary niya. Umiling si
Victor. At pagkatapos nga ng klase nila sa hapon, namasyal sina Victor at Alma. Nais ni Alma
na malibot ang buong Tundo at ginawa nga nila iyon mula sa Manuguit hanggang Solis.
Nagtuloy sila sa kalye Dagupan, umikot sa Moriones, tumawid patungong North Harbor at
Asuncion Extension, nagbalik sila sa simbahan ng Tundo. Pinasyalan nila Alma at Victor ang mga
tanawin ng kanyang kabataan. Nadatnan nila ang isang matandang babae. Madali ng
nakatagpo ng miting si Victor at si Alma. Napakinggan nila ang talumpati ni Paking. Naroon
ang pangakong pagpapatayo ng marami pang eskwelahan. Muling tinanong ni Alma kay
Victor kung nabasa niya ang kanyang diary at muli din niyang inalok na ipabasa. Hindi
tinanggap ni Victor ang talaarawang inaabot sa kanya ni Alma. Nagpasalamat si Victor kay
Alma.

†Kabanata 41

Pinatakbong mabilis ni Alma ang kanyang kotse. Nasa isip niya si Victor. Inis na inis, suyang
suya't galit na galit siya. Hindi niya iniisip kung saan ang punta niya. Kaya lamang napansin ni
Alma na siya'y lumuluha ay nang biglang lumabo ang salamin sa kanyang harapan. Umuwi
siyang sakbibi ng masidhing lumbay at pangungulila. Ang dinatnan niya sa bahay ay ang
kanyang mommy at si Minnie. Pinabasa ni Alma kay Minnie ang kanyang talarawan.
Ipinagtapat ni Alma kung anong nangyari nang araw na iyon. Ang mga sumusunod na araw ay
pagbibigay ng eksamen sa mga bata. Isang hapon ay inanyayahan ni Alma si Victor. Inihinto ni
Alma ang kotse sa malapit sa cafe indonesia. Nagtungo sa paboritong kainan. Hanggang sa
maka order na ng sanwits at kape si Alma ay wala pa ring kibo si Victor. Nakatapos na silang
magmirinal. Nagyayang maglakad si Alma sa tabi ng dagat, tumahimik si Alma. Alam niyang
nagdaramdam si Alma. Mahal niya si Alma. At alam niya ag hinihintat ni Alma. Iyon ang nasa
isip ni Victor nang pumihit siya. Sa pagpihit niyang iyon, nasanggi niya ang kamay ni Alma.
Tapos ay hawak na ni Victor ang kamay ni Alma.

†Kabanata 42

Tinugon ni Alma ang pagpisil sa kanyang kamay ni Victor. Waring sa pagsasagutang iyon ng
kanilang mga kamay upang ang pananabik ng isa sa isa ay maipagtapat at maipaunawa.
Nagpatuloy sila sa ganoong paglalakad. Hindi napaghusto ni Alma sa kamay ni Victor, noong
gabing iyon ay dadalaw si Paking. Nakarating sila sa Tundo. At habang patungo sila sa kalyeng
bababaan ni Victor, isinalaysay niya ang ilang tagpong natatandaan niya sa ganito't ganoong
pook. Ibinaba ni Alma si Victor a labasan. Nakita ni Victor si Pasing, ang weytres na nililigawan
ng kanyang matandang kapatid na si Lukas. Tinanaw ni Victor ang kotse ni Alma hanggang
lumiko ito sa bago umakyat ng tulay ng pritil patungo sa tayuman. Nagdaan muna s Victor sa
restawran sa kanto upang bumili ng sigarilyo. Lumapit si Pasing, ang weytres. Nagtuloy na sa
Looban si Victor. Mapupuyat siya ngayong gabi. Ngunit hindi marahil daw sa caucus. Nasa isip
niya si Alma, at ang pangako niyang dadalaw siya sa darating ba sabado sa bahay nito.

†Kabanata 43

Ang nakatatandang kapatid ni Victor na si Lukas at kinukumpanya ang kandidatong si Paking.


Nagkaroon ng pagpupulong o caucus sa Tundo at tinalakay ni Paking ang kalinisan ng Tundo
bilang isa sa kanyang mga proyekto kapag siya'y nanalo. Sa pinsalang nadulot ni Lukas ay
aaregluhin yun ng pinaka pinuno ng pangkat na nagtulung-tulong kay lukad. Hindi
maunawaan ni Victor na nasisilaw sa pera ang kanyang kapatid na si Lukas.

†Kabanata 44

Napag-usapan ni Alma at Victor ang tungkol kay Lukas at napg usapan din nila ang tungkol sa
kanilang dalawa. Sinabi ni Victor ang malaking hadlang sa kanilang dalawa. Sinabi niya na
malaking-malaki agwat ng mahirap at mayaman dito sa ating bayan.

†Kabanata 45

Isang sabado ng hapon, tulad ng ipinangako ni Victor ay dapat papunta siya sa tahanan ni
Alma ngunit may nagbalita sa kanya na nakaengkwentro ni Lukas ang mga bata ni reyes, ang
kalaban ni Paking sa pulitika, si at Chabeng naman ay naguusap tungkol kay Flor. Si Flor at
dolores naman ay nag uusap naman tungkol sa kanilang kasalukuyang buhay bilang ina. Dala
ni Dolores ang kanyang anak na si boy. Napag-usapan din nila si Tonyo. Naalala ni Flor ang
mga ala-ala nila ni Victor noon.
†Kabanata 46

Nakabihis na si Misis Fuertes. May pulong ang organisasyon ng kababaihang kanyang


kinabibilangan. Wala pa si Victor. Naalala ni Mister Fuertes ang kanilang paghaharap ni
Alma:ang pagtatapat ni Alma tungkol sa nalalaman nito kay dolores. At noong banggitin niya
sa kanyang anak ang tungkol sa sasabihin ng mga kaibigan nila kung malaman ng mga ito na
siya, ay may pagtatangi. Tumayo si mr. Fuertes. Binuksan niya ang ilaw sa kanilang malaking
silid. Hindi niya napansin ang pagdatal ng dilim. Pupuntahan na sana ni mr. Fuertes si Alma sa
kanyang silid nang marinig niya ang paghinto ng isang taksing parang nagmamadali sa
harapan ng kanilang bahay. Nang inakala ni Alma na hindi na makakarating si Victor ay bigla
namang nav doorbell si Victor at pagkatapos ay binalita na kay Alma ang nangyari sa kapatid.
Ipinakilala na Alma si Victor sa kanyang ama at sinabing sila ay engaged na.

†Kabanata 47

Natuwa ang ama ni Alma at kaagad tinanong kung kailan na magiging maluwag, ang
pagtanggap ng kanyang ama kay Victor, kahit ito'y mahirap lamang. Nang mga sandaling
iyon, si Chabeng at ay binisita naman si Flor. Nagpasiya si Flor na putulin na ang pagsasama nila
ni at sinabing nais si anton (ang kanilang anak) ang una't huling bunga ng kanilang pagsasama

†Kabanata 48

Nais lamang ni Alma na magkaroon ng isang simpleng kasal seremonya nila ni Victor. Si aling
sion ay binigyan sina Alma at Victor ng kanyang naipon na pera para sa pagsisimula ng
magasawa. Si Lukas naman ay niregaluhan sila ng apartment at binayaran ang isang taong
renta nila. At si Alma at si Victor ay nagpakasal at nangakong magsasama sa hirap at ginhawa.
"Ang langit ko'y ikaw; ikaw ang langit ng aking bagong daigdig, daigdig na nasa Tundo, nasa
iyo.
ANG TUNDO MAN AY MAY LANGIT DIN
I.
A.) Pagkilala sa may akda

Sa mga nobela ni Andres Cristobal Cruz, malinaw ang karanasan pagkatapos ng


digmaan. Sa kaniyang kwento ay ipinakikita ang paglaganap ng diwang
kolonyal sa iba’t ibang larangan ng politika, ekonomiya, edukasyon at kultura.
Bagama’t ginamit ang paksang pag-ibig, hindi ito lubusang pinagtuunan ng
pansin ng akda ni Cruz, sa kanyang mga ay makikita ang pakikisalanuha ng tao
sa kaniyang kapwa.
Naipakita ni Cruz, na ang akda ay salamin ng tradisyon ng isang lipunang
nagluwal ditto. Nagawa niyang masining ang akda ng kinakitaan ng
makatotohanang gawi, paniniwala at saloobin ng pangkat ng tao. Mula sa isang
tiyak na lugar, nagiging makubuluhan ang akda kung ito ay maaaring
mapaghanguan ng mga makatotohanang pangyayari na naganap sa isang
tiyak na panahon.

Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista. Ang kalipunan ng


kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag
noong taong 1961.
Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may
pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the
Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn.
Isinilang siya sa Dagupan, Pangasina, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at
nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging
manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos siya sa
Unibersidad ng Pilipinas. Siya’y nagsulat para sa mga babasahing Manila
Chronicle, Sunday Times, Saturday Mirror, Weekly Women’s Magazine,
Counterpoint, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang mga nobelang Ang Tundo Man
May Langit Din at Uliliang Pangarap. Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award,
Gawad Balagtas ng Unyong ng mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural
Heritage Award, at TOYM Award. Siya ay pumanaw noong ikapito ng Enero 2007
sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.

B.) Mga tauhan

 Victor - Ang mapapang asawa ni Alma


 Alma - Ang mapapang asawa ni Victor
 Lukas - Nagbigay kay Victor at Alma ng aksesorya na binayaran niya ng
isang taon.
 Aling Sion - Ina ni Victor
 Mag- asawang Fuentes - Ama at Ina ni Alma
 Monching - Dating manliligaw ni Alma
 Paking, Tatong Bambang, Pawng Gasti, Pilo – Mga Politiko

II. Buod

Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang
palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng
nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa
kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng
dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor.
Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang
kanilang pinapasukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang
dumalaw sa apartment ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi
na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang
restawran sa Looban ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na
lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap
muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa
Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.
Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong
isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon
ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.
Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa
kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si
Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit
niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor.
Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod
ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang
mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago
pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na
hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si
Victor sa bahay nila Alma.
Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong
dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang
kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at
Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng
graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay
Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.” Si Flor naman
ay nagregalo kay Victor ng isang relo.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng
isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni
Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang
hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay
nagawan ng masama ng kanyang ama.
Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High.
Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang
kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa
maling nagawa ng kanyang ama.
Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High.
Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan.
Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.
Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si
Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang
maybahay na siya’y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa
at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.
Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang
ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay
ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang
dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila
ni Victor.
Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay
nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang
tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma
hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin
ng isa’t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila
Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama
ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong
madaling panahon ay ikakasal sila.
Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti
lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at
Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay
nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay
Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa.
Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At
pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain,
sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t
nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang
daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.

Sanggunian

 Published by Ateneo de Manila University Press (first published July 2nd 1959)

III. Panunuring Pampanitikan

A. Uri ng Panitikan

Ang akda ay isang nobela at lipunan. Ang akda ay karaniwang ng salamin ng


isang tradisyon ng isang lipunang nagluwal dito. Masining ang akda sapagkat
kinakitaan ito ng makatotohanang Gawain, paniniwala, at saloobin ng mga tao.
Naging makabuluhan ang akda noong ito ay napaghanguan ng
makatotohanan na pangyayari na naganap sa isang tiyak na panahon.

B. Layunin ng Akda

Ang akda ay nanlilibang at nagkukwento tungkol sa mga pangkaraniwang


ginagawa ng mga tao. Ipinapakita din nito ang mga kabutihan at
pagmamalasakit ng mga kamag anak at pamilya. Nagpakita ito ng pakikitungo
sa kaniyang kapwa. Pinapakita nito ang mga tiyak na tradisyon at kaugalian.
Inilalarawan nito ang lipunan. Higit sa lahat ipinakita nito ang tiyak na kaisipang
Pilipino.

C. Tema o Paksa ng Akda

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Ang paksa ng teksto ay


maaaring alam ng madaming tao sapagkat karaniwan lang itong nangyayari.

D. Tagpuan / Panahon

Ang tagpuan at panahon ay makatotohanan. Sa Tondo ito naganap at sa


ibang lugar matatagpuan ang may kinalaman sa kasal nila. Nagging
makabuluhan ang akda dahil napaghanguan dito ang isang tiyak na panahon
mula sa isang tiyak na lugar.

E. Nilalaman / Balangkas ng Pangyayari

Hindi naging isang gasgas ang pangyayari ang nilahad ng may akda. Walang
kakaiba sa nilalaman ng akda. Dati na ang mga pangyayaring may nagong
bihis, anyo, anggulo, at pananaw. Ang balangkas ay sinimulan sa pagpaplano
tungkol sa kanilang kasal. May kaisahang pagkakapit ng mga pangyayari mula
simula hanggang wakas.

F. Mga kaisipan / Ideyang taglay ng may Akda

Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga


kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon at
karanasan. Ang mga kaisipan ay sumasalungat din. Ito ay may katotohanang
unibersal, likas sa tao at sa lipunan.
G. Istilo ng pagkakasulat ng may akda

Epektibo ang paraan ng paggamit ng mga salita. Angkop sa antas ng pang


unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo sa akda. May bias ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda. Masining din ang pagkakagawa ng akda.
Ito’y may kahalagahang tumugon sa panlasa ng mambabasa.

Pagsusuri sa Teoryang Ginamit

1. Gumamit ang awtor ng teoryang NATURALISMO sa kabanata bilang 1, 12 at 27.


Ang kabanata 1 ay nasa teoryang naturalismo dahil kakikitaan ito ng kasuklam-suklam na
pangyayari; ito ay ang pag-suntok ni Estong kay Victor dahil sa ito‘y ay paboritong estudyante
ni Ms. Quilala. Ang kabanata 12 ay nasa teoryang naturalismo dahil sa pagka-alibadbad ni
Alma sa mga sinabi ng kanyang Daddy. Ang kabanata 27 ay nasa teoryang naturalismo dahil
kakikitaan ito ng maruming pangyayari sa pagitan ng katulong na si Dolores at sa amo nitong si
Mr. Fuertes.

2. Gumamit ang awtor ng teoryang FEMINISMO sa kabanata bilang 2, 4, 23, 32, 45, at 46
Ang kabanata 2 ay nasa teoryang feminismo sapagkat binigyan pansin dito ang panlabas na
anyo ni Flor kung saan inilarawan ang kagandahan niya. Ang kabanata 4 ay nasa teoryang
feminismo sapagkat nakita dito ang pagbabagong emosyonal ni Flor. Ipinakita ito nang wala
siyang malamang gawin nang pupuntahan siya ni Victor sa kanyang apartment. Ang kabanata
23 ay nasa teoryang feminismo sapagkat nakatuon ang pokus ng kabanata kay Flor na
ipinakilala bilang isang sorpresa. Dito nakita na ang kababaihan ay binigyan ng mataas na
halaga. Ang kabanata 32 ay nasa teoryang feminismo sapagkat inilahad dito ang masasayang
gunita ni Victor at Alma na kinakitaan ng magagandang ala ala. Ang kabanata 45 ay nasa
teoryang feminismo sapagkat kinakitaan ito ng transformasyon ni Flor na sa una sa ay natakot
sa pagluluwal ng kanyang unang anak, ngunit nagkaroon ng lakas ng loob na harapin sa
tulong ni Dolores. Ang kabanata 46 ay nasa teoryang feminismo sapagkat binigyan ng mataas
na pagpapahalaga dito di Alma ni Victor, magaling niyang hiningi ang mga kamay nito kay Mr.
Fuertes.

3. Gumamit ang awtor ng teoryang ROMANTESISMO sa kabanata bilang 3, 8, 16, 24, 25, 38, 41,
42, at 47.

Ang kabanata 3 ay nasa teoryang romantesismo dahil sa kabanatang ito si Victor at Alma ay
kakikitaan ng walang katapusang pagsasamahan at pag-ibig. Ang kabanata 8 ay nasa
teoryang romantesismo dahil nakatuon dito ang pananalig ni Victor sa Diyos na isang
katangian ng teoryang ito. Ang kabanata 16 ay nasa teoryang romantesismo dahil kakikitaan
ito ng masidhing pagnanasang pagibig ni Flor para kay Victor. Ang kabanata 24 ay nasa
teoryang romantesismo dahil ipinakita dito ang iba‘t-ibang emosyon ni Victor ng kanyang iniisip
ang tungkol sa fountain pen na bigay sa kanya ni Alma. Ang kabanata 25 ay nasa teoryang
romantesismo dahil naiwaksi ni Victor sa mga mambabasa na ang pagmamahal ay hindi
natatapos sa kabila ng pagtatalusira. Ang kabanata 38 ay nasa teoryang romantesismo dahil
nailabas ni Alma ang kanyang matinding damdamin para kay Victor kung saan tinanong niya
ito ng direkta kung mahal siya ni Victor o hindi. Ang kabanata 41 ay nasa teoryang
romantesismo dahil nakatuon ang kabanata ito sa pagpupuyos naman ng damdamin para pa
rin kay Victor.  Ang kabanata 42 ay nasa teoryang romantesismo dahil kakikitaan rin ito ng
mga pagdaramdam at paninibugho ni Alma, kasama rin dito ang paguumapaw ng kasiyahan
sa kanyang dibdib. Ang kabanata 47 ay nasa teoryang romantesismo dahil ipinakita ni Victor at
Alma na sa kabanatang ito ay mag-asawa na ang pagtangkilik sa kanilang lugar ang Tundo
bilang panibagong lugar ng kanilang buhay.
Mga tayutay

A. Pagmamalabis o Hyperbole

 Nagkaroon ng rambolan at matapang na hinarap nina Vic at Lukas ang apat na


kalakihan. Naging mainit ang pakikipagbabakan ng magkapatid sa apat na
umabang sa kanila, naramadaman ni Victor na natuklap ang kanyang kilay
dahil sa daplis na suntok sa kanya ng isa.

Bisa ng Akda

1. Bisa sa Kaisipan (natutunan)

 Ang pera at hindi batayan ng dignidad ng isang tao.


 Ang pag-ibig ay walang pinipiling uri o katayuan sa buhay.
 Hindi dapat husgahan ang tao sa kung saan sila nagmula.
 Libre ang mangarap at hindi masama ang tuparin ito.
 Ang edukayon ay nananatitling isang kayamanan sa isang tao upang
magtagumpay.
 Ang kahirapan ay hindi maaaring maging hadlang sa tagumpay kung may
pagtitiwala sa sarili at pananampalataya sa Diyos "Ang pagwawalang-bahala sa
loob o labas man ng iskuwelahan ay isang pagpapakamatay." Ang linyang ito
ay sinabi ni Victor na sadya namang tumatak sa aking isipan. Ipinapakita rito na
ang mga salitang "bahala na" ay wala sa kanyang bokabularyo. Talaga namang
kahanga-hanga ang kanyang ipinakita. Dahil sa kanya, natutunan ko ang isang
bagay. Ito ay ang pagiging responsable hindi lamang sa paaralan kundi kahit
saan. Ang taong may responsibilidad ay may paninindigan at may
pananagutan. Kaya naman kung may pakialam ka sa mga bagay-bagay, hindi
mo kailanman masasabi ang mga salitang "bahala na". Nasaksihan ko rin na ang
tunay na pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Kahit ano pa man ang mga maaaring
maging hadlang, patuloy pa ring nagtatagumpay ang mga nagmamahalan.
Sadyang marami kang matututunan kapag nabasa mo ang nobelang ito.

2. Bisa sa Kaasalan (ano ang dapat tularan) Mga Dapat nating tularan kay Victor

 Pagiging Matiisin - hindi niya ininda ang pagiging mahirap na taga-Tundo para
makagraduate sa kolehiyo.
 Pagiging Mapagtimpi - hindi niya pinatulan ang mga tangkang pang-aakit sa kanya ni
Flor.
 Pagiging Masipag - hindi lang siya isang estudyante kundi isang working student pa.
 Pagiging Patas - hindi niya tinanggap ang alok ni Alma na kunin agad siya bilang isang
guro. Ngunit naging isa pa rin siyang guro sa malinis na paraan. Mga Dapat nating
tularan kay Lukas
 Pagiging Matulungin - nagtatrabaho hindi lamang para sa sarili kundi para din sa
kanyang pamilya lalo na kay Victor, lalo na noong siya ay tumulong sa
pangangampanya para kay Paking upang ilakad nito ang papeles para sa pagtuturo ni
Victor. vMarumi, Magulo, Squatter at Maraming tao.‖ Ito ang mga naiisip ko kapag
narinig ang "Tundo". Ngunit sa kabila nito, napatunayan pa rin ni Victor na kahit ganoon
ang kanilang lugar, hindi pa rin ito naging hadlang sa pagkamit ng kanilang mga
pangarap. Ang pag-asa ay nananatili pa rin sa kanilang mga isipan. Ito ang ugali ni
Victor na karapat-dapat lamang tularan.

3. Bisa sa Damdamin (naramdaman)

Naantig ang aking puso at napukaw ang aking isipan nang mabasa ko ito. Pag-ibig ang
nangingibabaw sa nobelang ito kaya naman ako ay nagalak dahil ako ay ang tipo ng
mambabasa na mabilis tangayin ng damdaming nangingibabaw sa akin sa tuwing ako
ay nagbabasa. Kaya naman kung ang eksena ay nakakakilig, ako ay talaga namang
kinikilig. Kapag ako ay natatawa, ako ay humahagikgik. Kaya maraming nag-akala na
ako ay nasisiraan na ng bait sapagkat ako ay tumatawang mag- isa o kaya naman
nagpapakita ng kakaibang kilos. Talaga namang hinahangaan ko si Andres Cristobal
Cruz dahil nakalikha siya ng isang nobelang gumising sa aking damdamin.

Puna at Rekomendasyon

A. Puna

Maayos ang pagkakalahad ng nobela, napansin ko lamang na mayroong mga


balbal na salita na hindi naging malinaw sa akin tulad na lamang ng salitang
―takwar‖ na ang ibig sabihin pala ay kwarta o pera. Magaling ang nagbuo ng akda
sapagkat hindi masyadong gumamit ng mga talinhaga o anumang mga malalaim
na salita upang aking maintindihan ang takbo ng nobela, at gayundin para para
masuri ko ng ito. Hindi ako nagkita ng kahit na anong butas o aberya sa
pagpapatuloy ng kabanata, maayos ang pagkakasunod nito at konektado ang
bawat ideya.

B. Rekomendasyon

Sa isang kwento, madalas ay maganda ang pagtatapos nito. Kaya naman ako ay
nagsasawa na rin sa ganitong klase ng istilo ng panitikan. Nais ko naman
maramdaman ang matinding panghihinayang, pagka-inis o pagkalungkot kapag
nabasa ko ito ngunit magugustuhan ko ang paraan ng pagtatapos ng kwento. VI.

C. Pangwakas na Pananalita

 Sa una ay parang ayaw ko basahin ang librong ito dahil kasi parang hindi ito ang tipo
na gusto kong basahin. Sa katunayan ay ito ang una kong pagkakataon na bumasa ng
isang aklat sa loob ng isang linggo. Ito ay naging isang malaking tulong sa pagunawa
ng nobela. Marami akong natutunan sa buhay na hindi kayang higitan ng kahit anong
magasin na aking mga nabasa. Nalaman ko na kailangan ko talagang magsikap
upang makamit ang aking mga nais. Hindi dapat magmadali at kailangan ko
magkaroon ng direksyon sa pagtupad nito. Mapapatunayan ko dito na ang madalas
na sabihin ng iba na Love conquers all. Totoo nga. Walang mayaman o mahirap sa
pag-iibigan. Dapat ay tanggap mo kung sino ka o kung sino ang iyon minamahal. Ang
pagmamahalang walang pag-iimbot. Mayroon din namang mga pagkakamali at hindi
ayon. Masasabi ko na ngayon na walang perpektong pamilya at lahat ay nagkakasala.
Dito ko naintindihan ang aking sitwasyon sa buhay. Natutuhan kong maging maluwag
sa pagtanggap ng katotohanang iyon. Nalaman ko din na kailangan kong matutunan
ang katotohanan na mahalin at irespeto ang aking mga magulang sa abot ng aking
makakaya. Na hindi sila pagbubuhatan ng kamay at sasagutin. Maraming salamat po
Ms. Salva dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataon na basahin at unawain ang
nobelang ito. Marami po talaga akong nalaman at mga kaisipang natanto mula sa
nobela. Natutuhan kong unawaan ang aking kalagayan sa pamamagitan ng mga
tauhan ng nobela. Mas lalo ko po naintindihan ang aking pamilya. Sana po ay
mabigyan ninyo po uli ang ibang mga bata na mabasa ang isang obrang ito. Iyon
lamang ang iba sa mga marami kong nalaman at natutuhan sa nobelang ―Ang Tundo
Man May Langit Din.‖ Kaya naman katulad ko, sa pahina ng nobela nakangiti kong
isinara ang libro at ibinulong na ―hahanapin ko din ang langit ko.
SURING BASA

Ipinasa ni
Loza, Erijane D.
Kay Ginang, Estrella Eusebio

You might also like