EXT. 10TH FLOOR OF A BUILDING UNDER CONSTRUCTION. NOONTIME.
RYAN: Shit. ‘Yan na yata ang pinakamagandang salita para ilarawan ang buhay ko. Isang buhay na punung- puno ng shit. Tae. Tae na. Wala na yatang mas lulungkot pa sa buhay ko. Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung kailan ako huling sumaya. Ni hindi ko nga maramdaman kung buhay pa ba ako o hindi eh. Kasi parang matagal na akong patay. ‘Yung utak ko, ‘yung katawan ko, ‘yung kaluluwa ko – naghihingalo na. Pati sila napagod na. Pagod na rin ako. Pagod na pagod na ‘ko. Pagod na ‘kong mabuhay araw-araw. Pagod na ‘kong subukang ayusin ‘yung buhay kong wala nang pag-asa. Pagod na akong magising sa miserableng buhay na ‘to. Nananadya pa ‘tong tadhana at sumasabay na lang parati. Leche, kung sino pa nangangailangan ng trabaho, sila pa ‘yung natatanggal? Panigurado sunod na ako diyan kina Panot. Ano nga bang laban naming mga high school graduate sa mga bourgeois na ‘yan? Wala. Palibhasa mga dukha kami. Bobo. Mangmang. Walang alam. Walang laman ang utak kaya lakas ng katawan na lang ang puhunan. Akala ko kaya ko pero hindi. Kasi ayoko na. Ayoko nang sumubok. Ayoko nang umasa. Ayoko nang mapagod. Ayoko nang mabuhay. Pesteng buhay ‘to. Ayoko na. Ayoko na talaga. Kaya napagdesisyunan kong tapusin na lang ‘tong walang kwentang buhay ko. Tama na. Quota na ko. Pagod na akong problemahin ‘yung buhay ko. Gusto ko nang matapos ‘to. Gusto ko lang talagang sumaya, kaya sana, huli na ‘to. Huli na ‘to. Kaya paalam, paalam sa’yo. Paalam, mundo. Pakyu ten times. Kasi mamamatay na ako.
INT. RYAN’S HOUSE. SEPTEMBER 8, 2018. 6 AM.
RYAN: (opens his eyes and wakes up, shows the calendar and the time, gets up from his bed) Anong oras na? (checks the food) Ba’t wala pang pagkain? JOAN: Bakit nagbibigay ka ba ng pambili? RYAN: Nagbigay ako sa’yo nung nakaraan ah! JOAN: Andami dami nating binabayaran, sa tingin mo ba kasya ‘yun? Ano ba naman ‘yan. Niyaya-yaya mo akong magtanan tapos ganito. Nako, Ryan. (magtatampo) RYAN: (grins) Joan, naman. (Embraces her) ‘Di bale sa susunod kong sweldo, bibilihan kita ng liptint. JOAN: Liptint? (glances at Ryan) Ayoko n’un. (Darly looks surprised) Gusto ko ng crop top. ‘Yung maganda, may mga sunflowers. Sabi ni Berna uso daw ‘yun ngayon eh. RYAN: Oh sige, sige. Bibili kita ng crop top na maganda ‘yung may sunflowers. JOAN: Promise ‘yan ah? Mag-ayos ka na, malelate ka na sa trabaho mo, nako. EXT. STREET. DAYTIME. RYAN: Ang wirdo talaga ng panaginip ko. Kinikilabutan padin ako tuwing naalala ko. Pero buti pa siya may lakas ng loob para gawin ‘yun. Tsk. (may nadaanang babaeng nagbubuhat ng marami or may nalaglag na maraming papel at nilagpasan lang) Aray, ang sakit ng mga braso nako. Nasobrahan ata sa trabaho. (nakalagpas) Hay, buti nalang. (may student na nakalaglag ng pera) Hala uy, ang swerte ko naman ngayon. Bahala siya. Hindi marunong mag-ingat sa gamit, tsk. (naglakad lakad hanggang sa may nakasalubong na nanlilimos) Ay wala po. Wala po akong pera. (He walks again as he was slowly devoured by the crowd of busy people showing his daily life as a simple man)
INT. CONSTRUCTION SITE. DAYTIME.
RYAN: (nagsesemento nang makita niya si Panot kasama si Jerome at isa pa nilang kasamahan na pumasok sa opisina ng bossing nila, saka naalala ‘yung panaginip niya) Andito pa naman si Panot. Ibig sabihin, hindi totoo ‘yung panaginip ko (snickers then shakes his head then head back to work). CO-WORKER 1: Tol, san kayo? (Ryan glanced at his co-workers and Panot with friends who came out from the office with weird looks on their faces) PANOT: Tanggal na kami, tol. (rubs the back of his neck) JEROME: Oo, pre. CO-WORKER 1: Seryoso? (mixed reactions from the crowd) CO-WORKER 2: Ba’t naman daw? JEROME: ‘Di rin nga namin alam eh. PANOT: Galing daw sa taas ‘yung desisyon. RYAN: (talks to himself) Taas? Bakit parang…(naalala ‘yung panaginip then shakes his head) imposible. GILDA: O sige, una na kami. Basta mag-ingat kayo,‘wag kayo basta-basta magtitiwala. ‘Wag rin kayo magpapagabi. Sige. CO-WORKERS: Sige. Ingat! Panot! Ingat kayo. (Boss enters) BOSS: Ano ‘to? Chismisan time? Binabayaran naming kayo para mag-chismisan? Payag kayo sunod na kayo sa kanila? Magtrabaho na kayo! PRONTO! (they scattered and went back to their work) BOSS: (pinapagalitan ang bawat isa) Ano ‘yan! Babagal ka pa! Ayusin mo ‘yang trabaho mo! (Points at Ryan) At ikaw! Wala na bang ibibilis ‘yan! Ano, siesta? Binabayaran ka namin tapos tatambay ka lang dito? Kung ayaw mong matanggal sa trabaho, ayusin mo ‘yang trabaho mo. Bwiset! (walks-out) LENI: (looks at Ryan apologetically) Pagpasensiyahan mo na si ma’am. RYAN: A-ayos lang. Salamat, Leni. (Leni walks away and he went back to his work, bothered) EXT. 10TH FLOOR OF A BUILDING UNDER CONSTRUCTION. NOONTIME. RYAN: (He was thinking hard when his eyes were blinded by the mataas na sikat ng araw then he felt his head spinning plus the flashback of his dream of falling with his boss’ voice speaking) Ahh, ano ba ‘tong nangyayari? Ano…anong…(then he was falling)
INT. RYAN’S HOUSE. SEPTEMBER 8, 2018. 6 AM.
RYAN: (opens his eyes plus heavy breathing then sits up) Leche. Panaginip nanaman? (stands up plus kamot sa ulo) Anong oras na? (checks the table for food) ) Ba’t wala pang pagkain? JOAN: Bakit nagbibigay ka ba ng pambili? RYAN: Nagbigay ako sa’yo nung nakaraan ah! JOAN: Andami dami nating binabayaran, sa tingin mo ba kasya ‘yun? Ano ba naman ‘yan. Niyaya-yaya mo akong magtanan tapos ganito. Nako, Ryan. (magtatampo) RYAN: (similar memories from his previous dreams flashed at him and he was weirded out) Ba’la ka nga. (walks out)
EXT. STREET. DAYTIME.
RYAN: Ang wirdo nanaman ng mga nangyayari. Baka nananaginip pa ako? (slaps himself) Aray, tae. Pero…bakit ganito? Oh! Oh. Andiyan nanaman siya. (napatakip ng bibig sa pagka-amaze as he passed by a woman carrying many things) tapos…ano nga ba ‘yun? (then he saw the money on the ground na nalaglag ni student, pinulot niya ‘yung pera at napa-laglag na lang ‘yung bibig niya) Grabe. Nagkakatotoo nga. (then the same beggar approached him again) Wala po. Wala po akong arep. (then he walked again in pure amazement)
INT. CONSTRUCTION SITE. DAYTIME.
RYAN: (nagsesemento habang papasok sa opisina sina Panot, Jerome, at Gilda) Kung tama ang hula ko, paglabas nila, tanggal na sila sa trabaho. CO-WORKER 1: Tol, san kayo? (paglabas nina Panot) PANOT: Tanggal na kami, tol. JEROME: Oo, pre. CO-WORKER 1: Seryoso? (mixed reactions from the crowd) CO-WORKER 2: Ba’t naman daw? JEROME: ‘Di rin nga namin alam eh. PANOT: Galing daw sa taas ‘yung desisyon. RYAN: Ibang klase. (patuloy na nakinig) GILDA: O sige, una na kami. Basta mag-ingat kayo,‘wag kayo basta-basta magtitiwala. ‘Wag rin kayo magpapagabi. Sige. CO-WORKERS: Sige. Ingat! Panot! Ingat kayo. (Boss enters) BOSS: Ano ‘to? Chismisan time? Binabayaran naming kayo para mag-chismisan? Payag kayo sunod na kayo sa kanila? Magtrabaho na kayo! PRONTO! (they scattered and went back to their work) RYAN: (sinitsitan si CO-WORKER 3) Ba’t kaya natanggal ‘yung mga ‘yun? CO-WORKER 3: Galing daw sa taas eh. Baka may kasalanan. RYAN: Ano kayang kasalanan nu’ng mga ‘yun? (napatrabaho bigla si co-worker 3) BOSS: Nakipagchismisan sila habang oras ng trabaho! RYAN: Ma’am! Ma’am, pasensya na po! Magtatrabaho na po ako! BOSS: Chismis ng chismis! Kalalaking tao! Hindi ka naming binabayaran ditto para makipagdaldalan! Kung ayaw mong magaya sa kanila, magtrabaho ka! Puro chismis! Mga peste! RYAN: Sorry, ma’am. Sorry po. BOSS: Bwiset. (Walks out) LENI: (looks at him apologetically) Pagpasensiyahan mo na si ma’am. RYAN: Nako, ayos lang. Salamat, Leni. LENI: Sige. (walks away) RYAN: Hmmm? Ibig sabihin ba nito mamamatay uli ako? Pfftt. Edi lalayo nalang ako sa
EXT. Street. Evening.
INT. Construction site. Night time. EXT. 10th floor of a building under construction. Night time. INT. Ryan’s house. September 8, 2018. 6 am. EXT. Street. Daytime. INT. Construction site. Daytime. INT. Construction site. Daytime.
EXT. CONSTRUCTION SITE. EVENING.
RYAN: Uy tol, una na ‘ko. Sige. Ingat. Ingat. (taps his co-workers at the back or their shoulders) CO-WORKER: ‘Ge. Ingat. RYAN: Sige. (he was fixing his bag while walking when Leni approached) LENI: Ryan! RYAN: Uy. Bakit? LENI: Uwi ka na? Sabay na ‘ko. RYAN: Ah-oh sige. LENI: Oks lang? (looking at him with a thumbs up) RYAN: Aba, o’naman/ Oks na oks. Tara. (They started walking together and their co-workers started whistling) RYAN: Sira ulo! (they laughed and off they go)
EXT. STREET. EVENING.
RYAN: Len, salamat ah. Bait mo sa’kin kahit dati pa. LENI: Wala ‘yun. (in a very awkward and distracted way) RYAN: Kung tutuusin, matatapos na ‘tong araw na ‘to nang hindi ako namamatay. Baka dahil malapit ko nang maayos ‘yung problema. LENI: Anong balak mo? RYAN: Hmm? San? (Ryan texts Joan “kain tayo sa labas. w8 kita d2 sa kanto”) LENI: Dun sa nalalaman mo…tungkol kay Ma’am. (looks intently at Ryan) RYAN: (reads Joan’s reply “ok” and smiled before he answered) Ahh dun. (scratches his brows or chin) Gagawin ko lang ‘yung tama. LENI: At ‘yun ay? RYAN: (looks directly at Fair) Isusumbong ko siya sa mga pulis. (looks away) ‘Di ko nga lang alam kung paano ko ipapaliwanag kung pa’no ko nalaman ‘yun pero, bahala na. Diskarte ko na ‘yun. Ang mahalaga mabigyan ko ng katarungan ‘yung pagkamatay ni Patchot at pagkatanggal sa trabaho nina Ding. Bukas na bukas, gagawin ko na ‘yun. Kailangan na ring matigil ‘yung kasamaan ng babaeng ‘yun. Sira ulo ata ‘yun eh. (laughs and realizes na wala na siyang kausap so he paused) Len? (looked behind) LENI: (staring blankly at Ryan with a blatant expression) RYAN: (Joan texted: d2 na q san kna???) Len? Anong ginagawa mo diyan? Tara na. Naghihintay na sa’kin si Jo. (Len just stared at him now her face distorted with what? Anger, guilt, sadness?) Len? LENI: Sorry… Ryan. (piercing sound of gunshot and blackout) RYAN: B-bakit… Len…Bakit…(naghihingalo na) LENI: Masyado ka ng maraming nalalaman. Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay niya, dahil…(police car sound, Fair looks alarmed) RYAN: (tries to reach his phone) J-jo-an…Jo… (another gunshot, blackout)
EXT. STREET CORNER. EVENING.
JOAN: (police car passing by and mga tao nagkakagulo, while she checks her phone) asan na ‘yun? Nang- indian. (mga kapitbahay nagsilabasan at nagchichismisan papunta sa isang lugar) Ay ate, ate, anong meron? Bat nagkakagulo nanaman sina Carlo? KAPITBAHAY: May natokhang nanaman daw. Dun kina Berna, sa may ikatlong eskinita. JOAN: Ahh, kaya pala. (kamot sa leeg) Tsk, mga nag-aadik kasi eh. KAPITBAHAY: Sinabi mo pa, Jo. Sige, silip lang ako dun. JOAN: Sige te, tenkyu. Kawawang pusher. San na kaya si Ryan? (ryan, san kna b? me natokhang dw jan kina berna. ingat ka” GIGI: Jo!!! Jo!!! JOAN: Oo na Gigi. Alam ko na. may natokhang raw dun kina Berna. GIGI: Hindi…hindi...may iba JOAN: Anong hindi? Gaga, kaya nga may mga pulis eh. GIGI: Hindi, hindi lang ‘yun. (hingal na nagpapanic) JOAN: Bala ka nga jan. (checks her phone) GIGI: Jo, si Ryan!!!! (Joan looks at her in an instant) Si Ryan ‘yung natokhang.
EXT. STREET. EVENING.
JOAN: (stares for a moment and then immediately ran) Kapag ito joke time lang, tatapyasin ko dila nung babaeng ‘yun. Shit Ryan ‘wag naman sana. (She reached the crime scene and nakipagsiksikan sa mga tao she stopped right infront of the police line and stared before she slowly entered and mourned) Joan carried him on her lap as if La Pieta as she cried. Cry cry lang RYAN: Hindi ko pala siya kayang makita na unti-unting nalulunod sa sarili niyang mga luha. At wala akong magawa para matahan ang aking sinta. Sa unang pagkakataon, ayaw ko nang mamatay.OR Sa unang pagkakataon, nakahanap ako ng rason para mabuhay. Black out for like 5 seconds? 7 seconds?
INT. RYAN’S HOUSE. SEPTEMBER 8, 2018. 6 AM.
RYAN: (marahan niyang minulat ang kaniyang mga mata HUWAW EXT. Street. Daytime. INT. Construction site. Daytime. INT. CEO’S OFFICE. NOONTIME. RYAN: Shit.