Pangwakas Na Gawain Modyul 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

DAILY LESSON Paaralan Baitang 10

LOG
(Pang-araw- Guro Asignatura FILIPINO
Araw na Tala
sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan UNA

PANGWAKAS NA GAWAIN- Pagnilayan at Unawain


( Para sa Modyul 1)

I. LAYUNIN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


A. Pamantayang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
Pangnilalaman
Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
B. Pamantayan sa pampanitikang Mediterranean.
Pagganap
F10PN-Ii-j-68
Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa
napakinggan.
C. Mga Kasanayan F10PB-Ii-j-59
sa Pagkatuto Naibubuod sa isang critique ang sariling panunuri ng
Isulat ang code ng
bawat kasanayan alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.
F10PU-Ii-j-70
Naisusulat ang isang critique ng alinmang akdang
pampanitikang Mediterranean.
II. NILALAMAN
Modyu1- Mga Akdang Pampanitikang Mediterranean
Aralin 1.1 Mitolohiya mula sa Rome, Italy
Aralin 1.2 Parabula mula sa Syria
Aralin 1.3 Sanaysay mula sa Greece
Aralin 1.4 Epiko mula sa Mesopotamia (Egypt)
Aralin 1.5 Tula mula sa Egypt
Aralin 1.6 Maikling Kwento sa France
Aralin 1.7 Nobela mula sa France
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pahina 40-41
Gabay ng Guro Curriculum Guide,pahina 177
2. Mga Pahina sa pahina 114-118
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
Iba Pang Slide deck, wwwgoogle.com
Kagamitang
Panturo

III. PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa
nakaraang aralin Pahapyaw na talakayin ang kahalagahan ng panitikan
at/o pagsisimula ng
bagong aralin.

Panitikan

Gintong Kaisipan!
Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa bawat
kahon ang mahalagang kaisipan hinggil sa panitikan
at gramatika na natutuhan mo sa bawat aralin.
Gumamit ng sagutang papel.

B.Paghahabi sa
layunin ng aralin

C.Pag-uugnay ng Suriin Mo
mga halimbawa sa Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang
bagong aralin Mediterannean sa panitikan, pamumuhay, kaugalian,
paniniwala, at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gawin sa
sagutang papel.
Pagmuni-munihan Mo
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga kaalaman
sa gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga tekstong nagbibigay ng impormasyon (panitikan at iba’t
D.Pagtalakay ng ibang uri ng teksto).
bagong konsepto at 2. Bakit mahalagang mapag-aralan ang panitikan at
paglalahad ng kultura ng ibang lahi?
bagong kasanayan 3. Paano naimpluwensiyahan ng mga panitikan sa
#1 Mediterannean ang sarili nating panitikan?
4. Paano napanatili ng bawat akdang pampanitikang
nabasa mo sa modyul 1 ang pagkakakilanlan ng kanilang
bansa?
5. Bilang isang Pilipino, sa iyong palagay anong
mabubuting bagay ang dapat tularan kaugnay ng paraan ng
pamumuhay, paniniwala, o kaugalian ng mga taga-
Mediterannean na makatutulong sa pag-unlad ng ating
bayan

E. Pagtalakay ng Pagbibigay ng guro ng input sa suring-basa.


bagong konsepto at Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa
paglalahad ng 1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang
bagong kasanayan sinusuri.
#2 2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa
muna ng sinopsis o
maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan
. 4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa
I. Panimula
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng
panitikang sinulat, sa himig o damdaming
taglay nito.
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung
saan naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi
nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao
ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-
uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng
akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong
magpakilos o manghikayat, manuligsa,
magprotesta, at iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
- Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan,
napapanahon, makatotohanan
at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y
anyo ng mga taong likha ng lipunanng ginagalawan, mga
tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o
mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o
namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda
ang ilarawan.

- Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa
panunuring pampanitikan ang kasaysayan?
kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang
mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng
indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan.
Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa
nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring
may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo
ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit
ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang
mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May
natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?

Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri


ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang
nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa
pananaw ng ibang tao o bansa?

All rights reserved. No part of this material may be


reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without
written permission from the DepEd Central Office. First
Edition, 2015. DEPED COPY 117
III. Pagsusuring Pangkaisipan
- Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o
palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas
sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng
mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay?
Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang
ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
- Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang
paraan ng paggamit ng mga salita?
Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkakabuo ng akda?
May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa
nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa
ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa
ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na
akda?
IV. Buod
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda,
ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-
tuon.

Unang Burador

Panuto: Ibuod ang isang akdang pampanitikang


Mediterranean batay sa sariling panunuri. Sundin ang
pamantayan sa suring-basang tinalakay.( Ang mga mag-
aaral ay may kanya- kanyang sipi ng sinaliksik na mga
F. Paglinang sa akdang pampanitikang Mediterranean na nais nilang igawa
Kabihasaan (Tungo ng suring-basa)
sa Formative
Assessment)
Ano ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng
suring-basa?
G. Paglalahat ng
Aralin
H. Paglalapat ng
aralin sa pang- Bakit mahalaga na malaman natin at mapag-aralan ang
araw-araw na mga akdang pampanitikan mula sa bansang
buhay Mediterranean?
Faynal
Panuto: Isulat ang isang critique mula sa sipi ng sinaliksik
na mga akdang pampanitikang Mediterranean na ibinuod
I. Pagtataya ng ninyo sa tulong ng mga pamantayan sa suring-basa.
Aralin
Pamantayan sa Pagmamarka

Suring-basa (30 puntos)


a. Mabisang Panimula ……………………..…… 5 puntos
b. Pagsusuring pangnilalaman ………………… 10 puntos
c. Pagsusuring Pangkaisipan ………………… 10 puntos
d. Buod ………………………………………….. 10 puntos

J. Karagdagang 1.Magsaliksik ng mga impormasyon sa paraan ng


gawain para sa pagsasagawa ng isang symposium.
takdang-aralin at 2. Maghanda para sa pagtatanghal ng kinalabasan ng
remediation
suring-basang isinagawa sa napiling akdang pampanitikan
ng Mediterranean.
Sanggunian: www.google.com
Modyul sa Filipino baiting 10, pahina 117
3. Magdala ng cellphone na may mobile data

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

DAILY LESSON Paaralan Baitang 10


LOG
(Pang-araw- Guro Asignatura FILIPINO
Araw na Tala
sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan UNA

PANGWAKAS NA GAWAIN- ILIPAT (Para sa Modyul 1)

I. LAYUNIN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


A. Pamantayang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
Pangnilalaman
Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa
mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
B. Pamantayan sa pampanitikang Mediterranean.
Pagganap

F10PD-Ii-j-67
Naimumungkahi ang mga dapat isaalang-alang sa
pagsasagawa ng isang symposium batay sa nakita sa
C. Mga Kasanayan sa aklat o iba pang impormasyon.
Pagkatuto F10PT-Ii-j-67
Isulat ang code ng bawat Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salita
kasanayan salitang critique at simposyum.
F10PN-Ii-j-63
Nagagamit ang komunikatibong kasanayan kasanayan
sa paggamit ng wikang Filipino –isang symposium.

II. NILALAMAN
Modyu1- Mga Akdang Pampanitikang
Mediterranean
Aralin 1.1 Mitolohiya mula sa Rome, Italy
Aralin 1.2 Parabula mula sa Syria
Aralin 1.3 Sanaysay mula sa Greece
Aralin 1.4 Epiko mula sa Mesopotamia (Egypt)
Aralin 1.5 Tula mula sa Egypt
Aralin 1.6 Maikling Kwento sa France
Aralin 1.7 Nobela mula sa France
KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay Gabay ng Guro pahina 40-41
ng Guro Curriculum Guide,pahina 177
2. Mga Pahina sa pahina 114-118
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang Slide deck, www.google.com
Panturo

III. PAMAMARAAN

.
A. Balik-Aral sa nakaraang
Pagbabalik tanaw sa mga pamantayan ng suring- basa.
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin.
Pagbibigay ng kaugnay na mga konsepto ng mga piling
salitang critique at simposyum sa tulong ng pananaliksik
B. Paghahabi sa layunin gamit ang mobile data ng selpon.
ng aralin
C.Pag-uugnay ng mga Ano ano ang mga konseptong inyong nakalap na
halimbawa sa bagong kaugnay ng salitang critique at simposyum?
aralin
Naging madali ba sa inyo ang pagkaunawa sa mga
konseptong ito?

Pagtalakay sa mga impormasyong dapat tandaan sa


pagsasagawa ng simposyum
Ang Simposyum
Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang Griyego na
sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-
inom. Mahihiwatigang ang pagsasalo-salong ito ay
sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga
opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari.
Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang isang
pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan
ng mga kaisipan. Maaari ding pagpupulong kung saan
may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling
panayam tungkol sa isang paksa o iba’t ibang aspekto
ng naturang paksa. Ito’y isang mahalagang paraan
upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak
ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan. Ito ay may
isang modereytor na:
a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
D. Pagtalakay ng bagong d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
konsepto at paglalahad ng e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan
bagong kasanayan #1
Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang
paksang ibinigay sa kanila ayon sa itinakdang oras at
haba ng pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat
ng bumubuo sa pangkat, ito ay susundan ng lahatang
diskusyon o open forum kung saan maaaring
magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito
nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang bagay
na kaugnay ng paksang tinatalakay. Mahalagang
paghandaang mabuti ng mga panauhing tagapagsalita
ang saklaw ng kanilang paksa at ang kasanayan sa
pagbigkas sa harap ng mga tagapakinig upang maging
malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.
Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng
karunungan at pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan.
Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na akdang
pampanitinikan sa Modyul 1 kung gaano kahalaga ang
kultura ng bawat bansa at kung paano ito nakaaambag
sa pag-unlad ng paraan ng pamumuhay ng iba’t ibang
bansa na naiimpluwensiyahan nito. Ihanda ang iyong
sarili sa paglalakbay sa mga akdang pampanitnikan ng
mga bansang Kanluranin tulad ng Brazil, Carribean,
Amerika, Iceland, Portugal, at Inglatera.

Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang


nakasalalay sa kahandaan ng mga tagapagsalita.
Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga
tagapakinig sa gawain. Ang aktibong tagapakinig ay
makatutulong upang maging produktibo ang
simposyum. Ang mabuting pakikinig ay
nangangahulugang pagpapakita ng interes sa paksang
tinatalakay, paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa
tagapakinig, maayos na paraan ng pagtatanong at
matalinong pagbibigay ng reaksiyon ukol sa mga
napakinggan.

Sa kabuuan, kung ang lahat ay may kahandaan sa


gawain, ang pagdaraos ng simposyum ay isang kapaki-
pakinabang na uri ng ehersisyong pangkaisipan at
kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Miyembro ka ng Pintig at Tinig, isang pangkat ng mga
bagong kasanayan # 2 manunulat. Upang mapaunlad pa ang inyong
kasanayan sa pagsulat, magsasagawa kayo ng isang
simposyum. Hinati kayo sa pangkat upang magsagawa
ng suring-basa sa isang akdang tuluyan. Ang pangkat
mo ay naatasang magsagawa ng suring-basa ng isang
akdang tuluyan mula sa isa sa mga bansa sa
Mediterranean. Ito ay ibabahagi ng pangkat sa buong
grupo upang makritik ang ginawang pagsusuri.
Sikaping sundin ang pamantayang ibinigay upang
maging matagumpay ang gagawing pagsusuri at
pagdaraos ng simposyum. (Ang gagamitin ng mga
mag-aaral ay ang ginawa nilang suring-basa sa
katatapos na gawain sa PAgnilayan at Unawain ng
pangwakas na gawain sa Modyul 1)
Pamantayan
I. Suring-basa (30 puntos)
a. Mabisang Panimula ……………………..…… 5 puntos
b. Pagsusuring pangnilalaman ………………… 10 puntos
c. Pagsusuring Pangkaisipan ………………… 10 puntos
d. Buod ………………………………………….. 10 puntos
II. Pagbabahagi (20 puntos)
a. Kahandaan ……………………………… 5 puntos
b. Pagbabahagi ng impormasyon …………. 5 puntos
c. Lalim ng pagsusuri ………………………. 10 puntos
Kabuuang Puntos 50 puntos
INTERPRETASYON
Napakahusay: 45-50 puntos
Mahusay: 35-44 puntos
Mahusay-husay: 25-34 puntos
Dapat pang paghusayan: 24 puntos-pababa

F. Paglinang sa Pagdaraos ng isang simposyum at pagtatanghal ng


Kabihasaan (Tungo sa suring-basang isinagawa sa napiling akdang
Formative Assessment) pampanitikan ng Mediterranean?

Ano ano ang dapat natin isaalang-alang sa pagasagawa


G. Paglalahat ng Aralin ng isang simposum?
Ano ang maaaring mabago at mapaunlad sa iyong
katauhan kapag nakikibahagi ka sa ganitong uri ng
H. Paglalapat ng aralin sa gawain sa paaralan o maging sa komunidad?
pang-araw-araw na buhay

Panuto: Gamitin ang komunikatibong kasanayan sa


paggamit ng wikang Filipino –isang symposium.
Pagbibigay-puna/pagmamarka gamit ang rubrics sa
katatapos na simposyum.

Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng


karunungan at pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan.
Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na akdang
pampanitinikan sa Modyul 1 kung gaano kahalaga ang
kultura ng bawat bansa at kung paano ito nakaaambag
sa pag-unlad ng paraan ng pamumuhay ng iba’t ibang
I. Pagtataya ng Aralin bansa na naiimpluwensiyahan nito. Ihanda ang iyong
sarili sa paglalakbay sa mga akdang pampanitnikan ng
mga bansang Kanluranin tulad ng Brazil, Carribean,
Amerika, Iceland, Portugal, at Inglatera
Magsaliksik tungkol sa mga akdang pampanitikan ng
J. Karagdagang gawain bansang kanluran.
para sa takdang-aralin at Sanggunian: www.google.com
remediation Modyul sa Filipino Baitang 10, pahina 126

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like