Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hannah Mae T.

Salac
BSA 1C
“Ang Ating Sariling Wika”
“Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyanng tao’y ugnayan ng bansa”

Magandang umaga sa ating lahat, sa mga guro at kapwa ko mag-aaral. Ngayong tayo ay
nasa makabagong hanerasyona na, kung saan ang teknolohiya ay laganap na at tayo ay tuluyan
nang nahuhumaling samga bagay mula sa labas ng ating bansa. Hindi dapat kalimutan ang
pinakaimportanteng bagay na nagbibigkis sa atingpagiiging makabayan, ito ay an gating sariling
wika. Bakit nga ba dapat natin itong pnatilihin? Bakit dapat pagtibayin?

Sinasabing ang pagkakaroon ng sariling wika ay tatak n gating pagiging Malaya ngunit
paano natin masasabing tunay tayong Malaya kung gamit natin ay ibang salita? Kung mas
ginagamit natin ang wikang ingles, hindi ba at para narin tayong nakakulong sa sariling bansa?
Kaya ating gamitin ang sariling wika, sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw, sa bawat
pakikipagtalastasan ating masasabi na tayo ay Malaya dahil naipapahayag natin ng mahusay an
gating mga kaisipan at ito an gating nagiging sandata upang makamit anatin ang pambansang
kaunlaran. Sa paggamit ng sariling wika, naipapakita an gating pagkakaisa, ang katalinuhan sa
pamamagitan ng mabuting pakikipagtalastasan at ang pinkaimportante ay nakikita ang
pagkakaisa ng bawat Pilipino. Huwag nating sayangin yaong sakripisyo ng mga bayani ng ating
bansa para lang sa natatamo natin ngayong kalayaan. Ang wikang Filipino ay ating pahalagahan,
ipagmalaki, gamitin at palaguin. Dahil sa paggamit ng sariling wikamakikita ang matibay na
pagkakaisa, paguugnayan at pagkakabuklod-buklod ng bawat isa. Sakupin man tayo, alipinin at
impluwensyahan ng maraming bansa, tayo ay hindi masisira kung ating pananatilihin at
pahahalagahan ang sariling wika.

Ating panatilihin an gating kultura, ang wika na syang sumasalamin sa ating pagka
pilipino,sa pagmamahal sa bayan at ang pagbibigay halaga at respeto sa ating mg bayani.
Mahalin nating ang sariling atin na syang nagbibigya buhay sa ating kultura at pagkatao, sabay-
sabayan nating tahakin ang daan sa kaunlaran gamit ang ating pinakamalakas na sandata, Aang
wikang Filipino.
Jan Mirei Castillo

BSA 1C

WIKA: MAHAL KA PA BA NG IYONG BANSA?

" Wika ang nagpapatibay sa pagsasamahan at pagkakaisa ng bawat bansa". Magandang


araw. Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang wika na sumasalamin sa kultura ng isang bansa.
Ngunit ano nga ba ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit
araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin. Wika rin ang siyang nagbubuklod sa bawat tao, at sa pamamagitan nito ay
madaling malalaman ang pagkakakilanlan ng isang tao. Tayong mga Pilipino ay may sarili naring
wika, ang wikang Filipino. Sa paglipas ng panahon ay tila nabalewala na ang pagbubuwis ng
buhay ng ating mga bayani upang maipaglaban ang ating sariling wika. Ito ay dahil sa
pagiimpluwensya ng ibang bansa sa atin. Halimbawa na riyan ang bansang Korea. Marami na
ang naimpluwensyahan ng kanilang wika lalo na ang mga kabataang Pilipino kahit iti ay hindi
masyadong maintindihan ay patuloy parin nila itong tinatangkilik. Sa pag-aaral naman ay halos
wikang Ingles na ang ginagamit bilang midyum sa mga talakayan sa klase. Ito ay mainam rin
sapagkat ito ay magagamit natin sa pakikipagkalakaran sa iba't ibang bansa. Ingles narin ang
ginagamit sa pahayagan at kung minsan ay madalas na itong gamitin sa pakikipagtalastasan sa
kapwa sapagkat sosyal nga naman pakinggan diba? Ngunit hindi ba't mas mainam kung ang
ating sariling wika ang ating gagamitin sa pakikipagtalastasan sa araw-araw ng sa ganon ay maa
magkaintindihan ang bawat isa sa atin at mas maintindihan ang nais ipahayag ng ating
damdamin. Mahalin natin ang ating sariling wika, ang wikang Filipino. Huwag tayong pumayag
na tuluyan ng maimpluwensyagan ng ibang bansa. Alalahanin natin pakagi ang mga ginawa ng
ating mga bayani dahil dugo't pawis ang isinugal at inalay nila upang magkaroon ng sariling wika
ang ating bansa. Upang sa mga darating na henerasyon ay mas mahalin pa natin ang ating wika.
Sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal, "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda". Yun lamang po at maraming salamat.

You might also like