Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 93

T A G L I S H E D I T I O N

Kung Paano Ka Magreretiro Bilang Milyonaryo sa

My Maid Invests
Pamamagitan ng Stock Market

M y m a i d i n v e s t S i n t h e s t o c k m a r k e t • TA G L I S H E D I T I O N
Once upon a time, si Bo Sanchez ay isang mahirap na misyonero
lamang na tumatanggap ng allowance na P30 sa isang araw. May mga

in the
araw na hindi siya makapunta sa mga prayer meeting niya dahil wala
siyang pambayad ng pamasahe sa bus.
Pero noong 1998, binago niya ang buhay niya.
Ngayon, mayroon na siyang labindalawang maliliit na negosyo na

Stock Market…
tumatakbo kahit hindi na niya tutukan ang mga ito, dahil 90 porsyento
ng panahon niya ay nakalaan pa rin sa kanyang mga gawaing misyonero.
Natuto rin siyang mag-invest sa stock market.
At hindi niya kailanman nalilimutan ang tunay na layunin ng

At Kung Bakit Dapat


kayamanan — ang magmahal sa kapwa.
Sa praktikal at inspirational na librong ito, mababasa mo ang 
nakatutuwang kuwento ng kung paano tinuruan ni Bo ang tatlo niyang
mga katulong na mag-invest sa stock market at mag-ipon para sa
pagreretiro nila. Ibabahagi niya sa iyo kung paano niya itinuro sa kanila
Ka Ring Mag-Invest!
ang 5-envelope system. Matututunan mo rin sa librong ito ang “4 Rules
of Making Millions Through the Stock Market”.
Naniniwala si Bo na makapagreretiro ka bilang milyonaryo sa
pamamagitan ng pag-iinvest sa stock market. Dahil kung kayang gawin
ito ng mga katulong niya, kaya mo rin!
Dahil Lahat Tayo’y
Marapat na Maging
Si Bo Sanchez ay isang preacher at entrepreneur. Siya ang may akda ng mahigit
na 30 bestselling na mga libro at tagapaglathala ng walong peryodiko. Nagtatag
Mayaman
siya ng maraming organisasyon, tulad ng Anawim, isang natatanging tahanan
para sa mga matatanda, at Shepherd’s Voice, isang media group, at Light of
Jesus Family, isang spiritual community. Ngunit higit sa lahat, naniniwala si
Bo na ang kanyang unang tawag ay ang maging mapagmahal na asawa kay
Marowe, at maging mapag-arugang ama sa mga anak niyang sina Benedict at
Francis. Naninirahan sila sa Manila, Philippines.
Bo sanchez

ISBN 978-971-9612-16-2

www.shepherdsvoice.com.ph
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila 1300. Email address: Rizaldyvaliente@gmail.com
Bo Sanchez
My Maid Invests in the Stock Market

1
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
2
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
T A G L I S H E D I T I O N
My Maid Invests in the Stock Market

My Maid Invests
in the
Stock Market…
At Kung Bakit Dapat Ka Ring
Mag-Invest!

Dahil Lahat Tayo’y Marapat na


Maging Mayaman

Bo Sanchez
3
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market
At Kung Bakit Dapat Ka Ring Mag-Invest!

E-ISBN- 978-971-9612-16-2

Copyright © 2014 by Eugenio R. Sanchez, Jr.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-unayan sa:


SHEPHERD’S VOICE PUBLICATIONS, INC.
#60 Chicago St., Cubao, Quezon City, Philippines 1109
P.O. Box 1331, Quezon City Central Post Office
1153 Quezon City
Tel. No. (+632) 725-9999; Fax. No. (632) 727-5615
E-mail: sales@shepherdsvoice.com.ph

All rights reserved. Walang ano mang bahagi ng aklat na


ito ang maaaring kopyahin, maliban sa mga maiikling sipi,
nang walang permiso mula sa tagapaglathala.

Disenyo ng pabalat at pagkakalatag ng teksto:


Rey de Guzman

4
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Pagtatatuwa:
Ang investing o pamumuhunan ay maaaring maging mapanganib.
Ang may akda, o ang tagapaglathala, o sinuman sa kanilang mga kaanib
ay hindi nagbibigay ng garantiya o nangangako ukol sa mga resultang
maaaring matamo sa pamamagitan ng paggamit ng aklat na ito. Ang
sinumang mambabasa ay hindi dapat magpasyang mamuhunan nang
hindi kumokonsulta sa kanyang personal na tagapayo tungkol sa
pananalapi, at nang walang ginagawang pananaliksik at pagsusuri sa
mga impormasyon tungkol sa mga kompanya at mga pampublikong
pahayag ng mga ito. Sa pinakamalawak na saklaw na pinahihintulutan
ng batas, itinatatuwa ng may akda, ng tagapaglathala, at ng kanilang
mga kaanib ang anumang pananagutan sa kaganapang ang anumang
impormasyon, komentaryo, pagsusuri, opinyon, payo at/o mga
rekomendasyon sa aklat na ito ay hindi wasto, hindi kumpleto o
kaya’y hindi kapani-paniwala, o kung ito ma’y magbubunga ng mga
pamumuhunan o pagkalugi.

5
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
6
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Iniaalay ko ang aklat na ito kina Gina, Weng at Maricel.


Kayo’y mga natatanging handog ng Diyos sa pamilya ko.

7
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Huwag Lang ang Librong Ito
ang Kunin Mo;
Isama Mo na Rin ang Buong
TrulyRichClub System

Isinulat ko talaga ang librong ito para sa TrulyRichClub


members ko.
Kung hindi ka pa miyembro ng TrulyRichClub, sumali
ka na!
Para maging makabuluhan sa iyo ang nilalaman nito,
as it is given within a powerful TrulyRichClub “system” na
binubuo ng mas malawak na financial at spiritual education
na ibinibigay ko sa mga TrulyRichClub members ko.
Ito’y sa pamamagitan ng mga nakapagbibigay-
inspirasyong e-book, mga buwanang PowerTalks, at
lingguhang WealthStrategies newsletters.
Pinadadalhan ko rin ang TrulyRichClub members
ko ng Stocks Update report buwan-buwan, na simple ang
pagkakasulat at di naglalaman ng mga financial jargon (mga
katagang ukol sa pananalapi na hindi maiintindihan ng
karaniwang tao), para mapayuhan ko sila kung ano ang
bibilhin at ibebenta nila para sa mga stock investment nila.
Kung hindi ka pa miyembro, mag-log on ka na ngayon
sa www. trulyrichclub.com at sumali na.

8
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Talaan ng mga Nilalaman

Paunang Salita Pangatawanan ang Iyong Pinansyal


na Kinabukasan 11

Chapter 1 Lahat Tayo’y Marapat na Maging


Mayaman 17

Chapter 2 Sundin ang Simpleng Sistema 21

Chapter 3 Ulit-ulitin ang Pananaw 29

Chapter 4 Magmay-ari Ka ng Mahusay na


Kompanya 33

Chapter 5 Rule #1: Mag-invest ng Maliliit na


Halaga Bawat Buwan sa Loob ng
20 Years o Mahigit Pa 39

Chapter 6 Rule #2: Mag-invest Ka


Kahit May Krisis 45

Chapter 7 Rule #3: Mag-invest sa mga


Malalaking Kompanya Lamang 51

Chapter 8 Rule #4: Mag-invest sa Maraming


Malalaking Kompanya 55

9
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Talaan ng Nilalaman

Chapter 9 Magbukas Ka ng Online Account 59

Chapter 10 Tumanggap Ka ng mga Stocks Update


Report Ko 77

Epilogo Magretiro bilang Isang


Multimilyonaryo 83

10
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Paunang Salita

Pangatawanan ang Iyong



Pinansyal na Kinabukasan

Ito’y isang maliit na librong makapagdudulot ng


malaking pagbabago sa buhay mo.
Sinadya kong paikliin ito para sa isang layunin: ang
sabihin sa iyo na hindi kumplikado ang pag-iinvest sa stock
market. Ang kailangan mo lang ay kaunting gabay — at
maraming disiplina.
Overdue na ang librong ito. Matagal na panahon ko
nang pinagplanuhang isulat ito. Pero sa pakiramdam ko
noo’y hindi pa tama ang panahon. Dahil nasa proseso pa
ako ng pagtuturo sa tatlong mga katulong ko sa bahay kung
paano mag-invest. Naisip ko, kung matuturuan ko sila kung
paano mag-invest, matuturuan ko rin ang kahit na sino.
Alam mo ba kung ano ang problema sa mundo ng
stock market?
Hindi sila nagsasalita ng Ingles. Totoo.
Gumagamit sila ng wika mula sa ibang planeta.

11
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Pangatawanan ang Iyong Pinansyal na Kinabukasan

Pero nalutas ko na ang problemang ‘yon. Kung


naiintindihan ako ng mga katulong ko, maiintindihan din
ako ng kahit na sino.
Sa ngayon, nag-iinvest sa stock market ang mga
katulong ko, lumalago ang pera nila, at napakasaya nila.

Kung Bakit Di Dapat Ilagay sa Bangko ang Long-term


Savings Mo

May nagtanong sa akin, “Bo, bakit hindi mo na lang


turuan ang mga katulong mo na mag-impok sa bangko?
Mas simple ‘yon. Mas sigurado pa.”
Obviously, hindi binasa ng taong ito ang dalawa ko
pang libro tungkol sa personal finance: ang 8 Secrets of the
Truly Rich at ang Choose to Be Wealthy.
Kung nabasa niya ang mga ‘yon, alam sana niya
na ang pinakamalaking pagkakamali ng mga tao ay ang
paglalagay nila ng long-term savings nila sa bangko.
Naniniwala akong dalawang uri lang ng pera ang
dapat ilagay sa bangko: perang pangnegosyo at perang
pang-emergency.
I’m an entrepreneur so I love banks. Pinadadali nila
ang buhay ko. Binabayaran ako ng mga kostumer ko sa

12
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

pamamagitan ng bangko. Nagpapadala ako ng pera sa ibang


bansa sa pamamagitan ng bangko. Ang mga nasa abroad
naman ay nagpapadala sa akin ng pera sa pamamagitan din
ng bangko. Banks are fantastic.
Inilalagay ko rin sa bangko ang pera kong pang-
emergency. Kapag nagkaroon ng mga tulo ang bubong ko,
kapag may sira ang kotse ko, kapag may kamag-anak akong
naospital, madali akong makakukuha sa bangko ko ng pera
para sa mga di-inaasahang bagay.
Pero hindi ko inilalagay ang long-term savings ko sa
bangko.
Bakit? Dahil napakaliit na apat na porsyento lang ang
tinutubo nito sa isang taon.
Ilalarawan ko ito sa iyo.
Sabihin nating may isang milyong piso ka sa bangko.
Kung ilalagay mo ang P1 million mo sa time deposit
account nang 36 years, magiging P4 million ang isang
milyon mo. Hindi masyadong nakakabilib, di ba?
Pero kung ilalagay mo ito sa stock market (gamit
ang mga strategy sa librong ito), ang P1 million mo, sa
pinakamababang halaga, ay magiging P64 million.
Napakalaki ng diperensya.
Kaya naniniwala ako na ang lahat ng tao — kahit ang
mga katulong — ay dapat mag-invest sa stock market.

13
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Pangatawanan ang Iyong Pinansyal na Kinabukasan

Ang kailangan lang nila ay isang magtuturo sa kanila


kung paano.

Gagabayan Kita sa Bawat Hakbang

Ito pa ang isang magagawa ko para sa iyo.


Bawat buwan, kung sasali ka sa TrulyRichClub,
padadalhan kita ng Stocks Update report. Sasabihin ko sa iyo
kung aling mga kompanya ang binibili ko at kung ano ang
lagay nila.
Para saan ba itong monthly Stocks Update report?
Para bigyan ka ng paggabay at inspirasyon.
Lalo na kung may krisis, importante ang Stocks Update
ko. Pipigilan ka nitong ibenta ang stocks mo nang dahil sa
pagpapanic para hindi ka malugi. At hihikayatin ka nitong
gawin ang kabaligtaran — ang bumili sa mahuhusay na
kompanya kapag mabababa ang presyo nila.
Para makasali sa TrulyRichClub at makatanggap ng
monthly Stocks Update report ko, mag-log on sa www.
trulyrichclub.com ngayon.
Hindi mo naman talaga kailangan ng paggabay ko,
pero sa totoo lang, hinahamon kitang maghanap ng ibang
taong gagawa nito para sa ‘yo — kasing-epektibo, kasing-
simple, at kasing-mura, nang tulad ng ginagawa ko.
Kung ito ang kauna-unahang pagkakataon na
mag-iinvest ka sa stock market, excited ako para sa ‘yo.

14
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Pangatawanan mo ang iyong pinansyal na kinabukasan.

Matupad sana ang mga pangarap mo,


Bo Sanchez

P.S. Siyanga pala, hindi ko kinakatawan ang COL


Financial. Kusa kong ginagawa ito at hindi ito aprubado
ng kompanya. Pero sa dulo ng librong ito, irerekomenda ko
na maging online broker mo sila. Naniniwala akong pareho
ang layunin namin: ang matulungan ang mas maraming
tao na makamit ang financial freedom.

P.S2. Samahan mo ako! Palaguin mo ang mga kayamanan mo.


Achieve financial freedom. Para sa mga hindi pa miyembro
ng TrulyRichClub, personal ko kayong inaanyayahang
sumama sa akin at mag-invest kayo sa financial at spiritual
education ninyo. Hindi kayo magsisisi. Para masubukan
ninyo ito, mag-log on sa www.trulyrichclub.com ngayon!

15
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Pangatawanan ang Iyong Pinansyal na Kinabukasan

16
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 1

Lahat Tayo’y Marapat na



Maging Mayaman

Nangangaral ako sa libu-libong katao bawat linggo.


Nagsusulat ako ng bestselling books na binabasa ng
libu-libo ring tao.
Nangungusap din ako sa milyong katao araw-araw sa
radyo at TV.
Sa palagay ng mga tao bigatin ako.
Sobrang bigatin na sa mga bigating tao lang din ako
nakikipagkilala.
Well, nakikilala ko nga ang mga bigating tao.
Pinamumunuan ko ang maliliit na grupo para sa mga
bigating lider at negosyante. Ang tawag namin sa mga ito
ay caring groups. Sa mga grupong ito, may pagmamalasakit
kami sa isa’t isa. Nagdarasal kami nang sabay-sabay,
nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay namin, at inaaral
namin ang Salita ng Diyos.

17
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Lahat Tayo’y Marapat na Maging Mayaman

Pero hindi alam ng mga tao na kakaibang grupo ang


pinamumunuan ko sa bahay namin.
Linggu-linggo, pinamumunuan ko ang caring group
na binubuo ng tatlo kong mga katulong sa bahay at ng
driver ko. Linggu-linggo, nagdarasal kami nang sabay-
sabay, nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay namin, at
inaaral namin ang Salita ng Diyos.
Nasisiyahan ako sa mga lingguhang meeting namin.
Natutulungan ko sila sa bawat bahagi ng buhay nila. May
asawa ang driver ko. Kaya tinutulungan ko siyang patatagin
ang kanilang pagsasama at gawin siyang isang dakilang
ama sa apat nilang mga anak.
Ang tatlong mga katulong ko naman ay dalaga pa.
Kaya itinuturo ko sa kanila ang tamang pakikiugnay sa mga
nobyo nila. (My other name is Dr. Love.) Itinuturo ko sa
kanila kung paano nila pananatilihing dalisay ang kanilang
pagkababae at kung paano nila kikilatisin ang mga lalaki.
Ah, pinag-uusapan din namin ang kahit na ano.
Ang pakikipag-ugnayan nila sa Diyos. Ang pisikal nilang
kalusugan. At oo, ang personal nilang pananalapi.

“Magkano ang Ibinabayad Mo sa Kanila?”

Tuwing sinasabi ko sa mga tao na nag-iinvest ang mga


katulong ko sa stock market, tinatanong nila ako, “Sus! Ang
laki siguro ng ibinabayad mo sa kanila.”

18
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Hindi. Hindi naman ako si Sharon Cuneta.


Balita ko sinusuwelduhan niya ang bawat katulong
niya ng P25,000. (Sabi-sabi lang iyon. Maaaring totoo,
maaaring hindi.) Kung totoo nga, eh di mabuti.
Malaki naman ang pasuweldo ko sa mga katulong
ko, pero hindi ganoong kalaki. Sasabihin ko sa iyo mamaya
kung magkano ang ibinabayad ko sa kanila.
Pero hindi ‘yon ang pangunahing problema.
Kahit gaano kalaki ang suweldo nila, hindi pa rin sila
makakapag-ipon.
Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit.

Buong Sibilisasyon ang Umaasa sa Buwanang Padala

Ipinadadala nila ang malaking porsyento ng suweldo


nila sa kanilang mga pamilya.
Sa mga magulang nila, mga kapatid, mga pamangkin,
mga tiyuhin, mga tiyahin, mga pinsan, kabilang na ang
alaga nilang kalabaw. Paminsan-minsan, pakiramdam ko’y
buong sibilisasyon ang tinutulungan ng mga katulong ko.
Kung wala ang mga buwanang padala nila, mawawalan ng
ekonomiya ng buong barrio nila. Magiging pakalat-kalat sa
kalye ang mga tao roon. Mamamatay sa gutom ang mga
bata. At magugunaw ang mundo.
Hindi lang ‘yon ang problema.

19
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Lahat Tayo’y Marapat na Maging Mayaman

Marunong din namang magtabi ng kaunting pera


ang mga katulong ko buwan-buwan. Kaya hindi buong
suweldo ang ipinadadala nila. At sa loob ng ilang buwan,
nakakaipon sila ng P2,500 at masaya na sila roon.
Kaso lang, may mga nangyayaring hindi inaasahan.
Makatatanggap sila ng text message: Naospital ang
nanay ng kapitbahay ng pamangkin ng asawa ng pinsan
nila. Maaari ba silang magpadala ng P2,500? Kung hindi,
mamamatay ‘yung pasyente — at magiging kargo de
konsiyensya nila iyon habambuhay.
Kaya ipadadala nila ang pera. Back to zero na naman
sila.
Sa tuwing lumalaki nang higit sa P2,500 ang ipon nila,
nalalaman ‘yon ng pamilya nila.
Tawagin na nating ESP ‘yon. O kaya telekinesis.
Naaamoy iyon ng mga kamag-anak nila. At bigla na lang
tatawag sa telepono ang mga ito.
Kaya para maiwasan ang ganitong problema, tinuruan
ko ang mga katulong ko ng isang simpleng sistema.
Maniwala ka, epektibo ang sistemang ito.

Ituturo ko ito sa iyo ngayon.

20
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 2

Sundin ang Simpleng


Sistema

Sa ngayon, nakapag-invest na ang mga katulong ko sa
stock market. Pagkatapos ng 20 years, makapagreretiro na
sila bilang mga milyonaryo.
Simple lang ang sistema.
Pagkatanggap nila ng suweldo nila, hinahati nila ang
halaga sa limang sobre.
• Unang sobre: Pondong pang-ikapu
• Pangalawang sobre: Pondong panggastos
• Pangatlong sobre: Pondong pangsuporta
• Pang-apat na sobre: Pondong pang-emergency
• Panlimang sobre: Pondong pangretiro
Nang nagsimulang mag-invest sa stock market ang
dalawa sa mga katulong ko, kumikita sila ng P7,000 bawat
buwan. Alam kong mataas ‘yon kumpara sa ibinibigay ng
iba, pero gusto kong maging mapagbigay sa kanila.

21
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Sundin ang Simpleng Sistema

Ang pangatlong katulong ko naman ay mas malaki


ang kinikita dahil ginawa ko siyang bookkeeper ko.
Hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang Limang Sobre
o mga Pondo.

1. Pondong Pang-Ikapu

Mapagbigay ang mga katulong ko sa mga pamilya


nila.
Pero ipinaliwanag ko sa kanila na kailangan din nating
magbigay para sa mga gawain ng Diyos. Ibinahagi ko sa
kanila ang mga pagpapalang nagmumula sa pagtupad nito.
“Lalago ang pag-iisip ninyo ng kasaganaan,” sinabi
ko sa kanila, “kapag nagbibigay kayo ng higit pa sa
pangangailangan ng mga pamilya ninyo. Mapapaisip kayo
na mayaman kayo at mararamdaman ninyong mayaman
kayo. At kapag binago ninyo ang pag-iisip ninyo, mababago
niyo rin ang pamumuhay ninyo. Di magtatagal, yayaman
talaga kayo. At mas marami kayong maibabahagi sa kanila.”
Sinabi ko sa kanila na ang pagbibigay ng sampung
porsyento ay isang magandang panuntunan mula sa
Bibliya na maaari nilang sundin. Pero hindi ko sila pinilit.
Hinayaan ko silang magpasya kung magkano ang gusto
nilang ibigay. Hindi ko nga alam kung magkano ang

22
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

ibinibigay nila. Hiniling ko rin na ibigay nila ito sa The


Feast (ang lingguhang pagtitipon ng aming spiritual family,
ang Light of Jesus).
Ipagpalagay nating sampung porsyento nga ang
ibinibigay nila. Nangangahulugang nagbibigay sila ng P700
bawat buwan.

2. Pondong Panggastos

Ito ang ginagamit nila para sa mga pangangailangan
nila araw-araw.
Dahil sa nakatira sila sa amin, hindi sila masyadong
gumagasta.
Bumibili sila ng mga damit, toiletries, at marahil mga
paborito nilang pagkain na wala sa bahay namin. Pero
natutuwa ako na disiplinado sila.
Hindi sila masyadong gumagasta para sa cell phone
load.
Para makatipid sila, bawat makalawang linggo lang
silang nagdeday-off. At sa day-off nila, nanonood lang sila
ng sine o kumakain kasama ang mga kaibigan nila.
Namumuhay sila nang masaya.
Sa buwanang gastusin nila, ang nagagasta lang nila
ay P1,000.

23
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Sundin ang Simpleng Sistema

3. Pondong Pangsuporta

Palagiang nagpapadala ng P2,000 kada buwan ang
mga katulong ko sa mga pamilya nila sa probinsiya. Pambili
ito ng pang-araw-araw na pagkain ng pamilya nila. At gaya
ng sinabi ko sa ‘yo, kapag hindi nila ito ipinadala, hindi
makakakain ang mga minamahal nila.
May panahong ninais kong tapusin na ang pag-asa
sa kanila ng mga pamilya nila. Ninanais kong tulungan
ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng
pondong pang-negosyo.
Maraming beses na akong nagpadala ng pera sa
probinsiya para makabili ang mga tao roon ng baboy,
mga manok, at iba pa — kahit na anong maaari nilang
pagkakitaan.
Pero nabigo ako. Di nagtatagal, ipinagbibili nila ang
inahing baboy nila. Ginagasta nila ang kapital. At naglalaho
ang negosyo.
Hangga’t walang gumagabay sa kanila roon sa
pagpapatakbo ng negosyo, walang mangyayari.
Kaya ang mga katulong ko — at ang domestic helpers
sa buong mundo — ay patuloy na nagpapadala ng pera
buwan-buwan para makakain ang mga pamilya nila.

24
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

4. Pondong Pang-Emergency

Ito, sa paniniwala ko, ang magic sauce.
Ang sikreto kong sangkap.
Sinabi ko sa mga katulong ko na maliban sa ipon nila,
kailangan silang magtabi ng Pondong Pang-Emergency.
Dahil paminsan-minsan, tatawagan sila ng mga pamilya
nila.
Namatay ang tiyuhin nila. Kailangan ng sakahan ng
binhi. Naospital ang pamangkin nila. Sinira ng bagyo ang
mga pananim nila.
Kapag sumusulpot na ang mga ganoong
pangangailangan, may isa pa silang pondong maipadadala.
Para sa mga katulong ko, iyon ay P1,000 sa isang
buwan.
Itinatabi nila ito sa bangko. O paminsan-minsan,
itinatago ito ng misis ko para sa kanila — alinman sa dalawa
ang piliin nila.
Kaya’t tahimik ang kalooban nila na may pera sila
para sa ano mang biglaang pangangailangan.

25
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Sundin ang Simpleng Sistema

5. Pondong Pangretiro

Ito ang tunay nilang ipon.
Ipinaliwanag ko sa kanila, “Ang tawag ko rito ay
Pondong Pangretiro dahil gusto kong magretiro kayo bilang
mga milyonaryo.”
Napanganga sila. Napatitig sila sa akin na para bang
magiging si Barney the Purple Dinosaur sila. Sa isipan nila,
kalokohan ‘yon. Paano magiging milyonaryo ang mga
katulong?
Ipinaliwanag ko sa kanila ang mga panuntunang
matatagpuan sa iba ko pang mga aklat, ang 8 Secrets of the
Truly Rich at ang Choose to Be Wealthy.
“Dahil wala kayong negosyo, ang pinakamabuting
paraan para palaguin ang pera ninyo ay ang pag-iinvest
nito sa stock market.”
Balikan natin ang simpleng sistema ng mga katulong
ko:
Kumikita sila ng P7,000 sa isang buwan.
Nagbibigay sila ng P700 pang-ikapu.
Gumagasta sila ng P1,000 para sa mga pansariling
pangangailangan nila.
Nagpapadala sila ng P2,000 sa mga pamilya nila.
Itinatabi nila ang P1,000 bilang Pondong Pang-
Emergency — para rin sa mga pamilya nila.

26
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Kaya magkano ang natira? P2,300.


Ibawas mo ang P300 para sa mga sari-saring
pangangailangan pa nila.
Nag-iinvest ng P2,000 bawat buwan ang mga katulong
ko sa stock market.

Ang sumunod na ginawa ko para sa kanila ay ang


bigyan sila ng malakas na pananaw.

27
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Sundin ang Simpleng Sistema

28
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 3

Ulit-ulitin ang Pananaw




“Ayaw kong gagalawin ninyo ang Pondong Pangretiro
ninyo,” sinabi ko sa kanila.
Para sa akin, ang pagtawag ko rito bilang “Pondong
Pangretiro” ay may mabisang epekto sa isipan nila.
Bakit? Dahil binigyan ko sila ng pananaw tungkol sa
hinaharap nila.
Kaya mahalaga ang mga lingguhang caring group
meeting namin, kung saan sama-sama kaming nagdarasal,
nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay namin, at inaaral
namin ang Bibliya. Dito ko iniangat ang pag-iisip nila’t
pagkakakilala sa sarili.
Kahit hindi ako magsalita, ang paglalaan ko ng oras linggu-
linggo para sa driver ko’t mga katulong ay nagdulot ng malaking
pagbabago sa pagtingin nila sa sarili nila. Nakikita na nila
ngayon na may maganda silang kinabukasan.
Kinailangan kong magsabi ng partikular na halaga
para maintindihan nila.

29
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Ulit-ulitin ang Pananaw

Para maging excited sila.


Para huwag nilang gagalawin ang Pondong Pangretiro
nila sa susunod na dalawampung taon.
Sinabi ko, “Magkakaroon kayo ng P5 million
pagkalipas ng 20 years.”
Actually, halos P5 million. Sa sistemang ituturo ko sa
iyo, maaari silang kumita ng 20 percent a year mula sa mga
stock investment nila sa loob ng matagal na panahon.
Iyon ay kung hindi ko itataas ang suweldo nila sa
susunod na dalawampung taon — at hindi lalaki ang
ipon nila. Na malamang ay hindi naman mangyayari.
Kunsabagay, habang pinasasagana ng Diyos ang buhay ko,
gusto ko ring magbahagi sa kanila ng higit pa.

Tinatakot Ko Sila

Inilalarawan ko rin sa kanila ang mangyayari kung


hindi sila mag-iinvest para sa kinabukasan nila.
Gamit ang mabibisang audio-visual effects.
Palagi kong isinasama ang mga katulong ko sa
Anawim, ang ministry ko para sa mga matatandang
tinalikuran na ng kanilang mga pamilya. Labintatlong taon
na kaming kumukupkop ng mga matatandang palaboy sa
lansangan, na pinabayaan na ng sarili nilang mga pamilya.

30
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Ang ilan sa mga matatandang babaeng ito, na


mahihina na ang katawan at sakitin, ay dating mga katulong
at labandera. Pagkalipas ng mga taon ng pagpapadala nila
ng pera sa mga pamangkin nila sa probinsiya, tinalikuran
na lamang sila ng mga ito nang tumanda na sila.
Ngayong sakitin na sila, hindi na sila makapagtrabaho.
Tinalikuran na rin sila ng mga amo nilang pinaglingkuran
nila nang maraming taon kaya’t wala na silang matuluyan.
Wala na silang magawa kundi ang magutom na lamang
sa lansangan. Ayaw na rin silang kupkupin ng kahit sino
sa mga kamag-anak nila. (Oo, kahit ang mga pamangking
pinag-aral nila.)
Kaya naging tahanan na nila ang Anawim.
Tanong ko sa mga katulong ko, “Nasa sa inyo ‘yon.
Gusto ba ninyong maging tulad nila pagtanda ninyo? O
gusto ninyong magretiro bilang mga milyonaryo?”
Natauhan sila.
“Kahanga-hanga ang pagtulong ninyo sa mga pamilya
ninyo,” dagdag ko pa, “at dapat ninyong ipagpatuloy ‘yan.
Pero kailangan niyo ring mahalin ang mga sarili ninyo
para makapagpatuloy kayong magmahal ng ibang tao.
Kailangan ninyong magtabi ng regular na halaga para sa
pagreretiro ninyo.”
Kaya hindi nila ginagalaw ang kanilang Pondong
Pangretiro.

31
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Ulit-ulitin ang Pananaw

Dahil sa pagtanda nila, gusto nilang maging donor sa


Anawim, hindi benepisyaryo.
Ngayon ay ituturo ko sa iyo kung paano gumagana
ang stock market.

32
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 4

Magmay-ari Ka ng
Mahusay na Kompanya

Noong eight years old ako, nalaman ko na nag-invest


sa stock market ang mga magulang ko. Narinig ko silang
nag-uusap na may shares sila ng San Miguel. (Halos buong
buhay niya’y nagtrabaho sa San Miguel Corporation ang
ama ko.)
Tinanong ko ang ama ko, “Anong ibig sabihin ng
stocks, Dad?”
Sagot niya, “Kung bumili ako ng kaunting shares of
stock ng San Miguel, ibig sabihin ay pagmamay-ari ko ang
maliit na bahagi ng San Miguel.”
“Wow,” sabi ko, “kung pag-aari mo ang maliit na
bahagi ng San Miguel, ibig ba sabihin nito ay bibigyan
nila tayo ng libreng Magnolia ice cream at Coke?” (Noong
panahong ‘yon, pag-aari ng San Miguel ang dalawang
kompanyang ito.)

33
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magmay-ari Ka ng Mahusay na Kompanya

Umiling si Dad. “Hindi. Ibig sabihin, kapag kumita ng


pera ang San Miguel, bibigyan nila ako ng kaunting bahagi
ng kinita nila. Ang tawag nila roon ay dibidendo.”
“Ah, OK.”
Actually, hindi malinaw sa akin ‘yon.
Pinagmasdan ni Dad ang mukha ko at nakita niyang
hindi ko naintindihan.
Kaya binigyan niya ako ng halimbawa.
“Sabihin nating nagtayo ang mommy mo ng maliit na
candy store sa tapat ng bahay natin...”
“Pero, Dad, hindi mahilig sa mga kendi si Mommy.
Chocolates ang gusto niya.”
Umikot ang mga mata ni Dad. “Halimbawa lang!”
“Gawin mo nang parang totoo. Chocolate store na
lang.”
“OK! Kailangan ni Mommy ng P50 para makabili
ng chocolates at isa pang P50 para makabili ng maliit na
mesa para sa tindahan. Kaya kailangan niya ng P100.
Pero kunwari’y wala siyang P100. Ninety pesos lang ang
mayroon siya. Kaya lumapit siya sa iyo at sinabi niya, ‘Bo,
puwede mo ba akong bigyan ng P10? In return, sa ‘yo ang
10 percent ng candy store...’”
“Chocolate store,” sabi ko nang nakasimangot.
“OK, chocolate store. At ibinigay mo sa mommy mo
ang P10 mo. Sa katapusan ng taon, kumita ang chocolate
store ng P10. Kaya’t nagpasya ang mommy mo na ibigay sa

34
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

‘yo ang P1, dahil 10 percent ng tindahan ay sa iyo. Ang P1


na ‘yon ay ang tinatawag nating dibidendo mo.”
“Ang galing. So kumikita ka po ng mga dibidendo sa
San Miguel, Dad?”
“Oo, pero isang paraan lang iyon para kumita ng
pera. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng capital
appreciation.”
“Capital ano?”

Lumalaki ang Kompanya



“Balikan natin ang chocolate store ni Mommy.
Naaalala mo ba kung magkano ang halaga ng tindahan?”
“Hindi po.”
“Magkano ba ang kinailangan niya para makabili ng
mga bagay-bagay para sa tindahan?”
“P100.”
“Tama. Iyon ang halaga na ginasta ng mommy mo para
makabili ng mga tsokolate at mesa. Pero pagkaraan ng isang
taon na maganda ang kita ng tindahan, nagpasya siyang
magtinda rin ng mga biskwit. Mula sa kinita ng negosyo,
bumili siya ng isang paketeng biskwit na nagkakahalagang
P50. Bumili rin siya ng pangalawang mesa sa halagang P50.
Ngayon, Bo, magkano na ang halaga ng tindahan?”
“P200.”
“At ilang porsyento ang sa iyo?”

35
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magmay-ari Ka ng Mahusay na Kompanya

“Akin ang 10 percent ng tindahan.”


“Tama. Isang araw, sinabi ng kapatid mo sa ‘yo, ‘Bo,
gusto kong bilhin sa ‘yo ang pag-aari mo sa chocolate store
ni Mommy.’ Anong sasabihin mo?”
Itinupi ko ang mga braso ko at ngumuso ako.
“Sasabihin ko po sa kanya na hindi ko ipinagbebenta ‘yon.”
“Pero kung ibebenta mo, magkano ang dapat niyang
ibayad sa ‘yo?”
“Ang 10 percent ng P200 ay P20?” Ngumiti ako, “Uy,
kumita ako ng P10...”
“Iyan ang capital appreciation. Mabilis kang matuto.
Pero hindi pa ‘yan ang lahat...”

May Mas Malaking Potensyal ang Kompanya



“Alam mong mahilig bumili ng magkakaparehong
mga sapatos at damit ang mga kapatid mo, hindi ba? Sabihin
nating gusto rin ng apat mong mga kapatid na maging part-
owner ng chocolate store ni Mommy. Dahil naniniwala sila
na lalaki ang tindahan at magkakaroon ito ng 100 branches
sa buong mundo. Nakikinita nilang magbubukas si Mom
ng tindahan sa Paris, New York, Moscow, Tokyo.... Kaya
lumapit sila sa ‘yo at nagmakaawang ibenta mo na sa kanila
ang 10 percent share mo. Anong gagawin mo?”
“Hindi ko po alam.”

36
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

“Isipin mo.”
“Siguro pagtutulungan nila ako, pipilipitin nila ang
braso ko, pipingutin nila ako sa tainga, at ang mananalo ay
kung sino ang pinakanakasakit sa akin.”
Umikot na naman ang mga mata ni Dad. “Bo, isipin
mong nakaluhod sa harapan mo ang mga kapatid mo
at sinasabi nila, ‘Sige na, Bo, ibenta mo na sa akin ang 10
percent mo! Please! Pleeeeeeaaaaase!’”
Iyon ang lightbulb moment ko. Naintindihan ko na.
“Ah, hindi ko po ibebenta ‘yon sa halagang P20,” sinabi
ko, “dahil sa pinag-aawayan nila iyon, ibebenta ko ‘yon sa
halagang P30. O kaya P40. O kahit pa P50! Ipagbebenta ko
‘yon sa halagang P100. Tapos, kung sino man ang bibili
noon sa akin ay magiging utusan ko sa susunod na limang
taon.”
Natawa si Dad. “So alam mo na ngayon na ang
presyo ng stock ay dinidikta ng dalawang bagay: Real
Value at Perceived Value. Ang real value ay ang halaga ng
tindahan — kung magkano ang mga tsokolate at mesa. Ang
perceived value ay ang halaga na handang ibayad ng tao
para bilhin ito. Ang perceived value ay base sa potensyal.
Ang perceived value ay base sa demand.”

37
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magmay-ari Ka ng Mahusay na Kompanya

Ang Ginagawa Ko Ngayon



Fast forward 30-plus years later.
Ngayon ay nag-iinvest na ako sa stock market.
At itinuturo ko na rin sa iba kung paano mag-invest.
Pansinin mo: Hindi ko sinabing “mag-trade” sa stock
market.
Dahil may malaking pagkakaiba ang mga iyon.
Ngayon, gagawin kong simple para sa iyo kung paano
ang pag-iinvest sa stock market.
Mukha lang itong kumplikado. But in essence, there
are only four rules na kailangan mong sundin. Let me share
with you now the Four Rules of making millions in the
stock market.

38
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 5

Rule #1:
Mag-Invest ng Maliliit na
Halaga Buwan-Buwan sa
Loob ng 20 Years
o Mahigit Pa

“Delikado ‘yang stock market!”


Narinig mo na ba ito?
Ako, oo. Maraming beses na.
At alam mo? I agree.
Dahil ayon sa statistics, 85 percent ng mga naglalaro
sa stock market ay nalulugi. Maniwala ka sa ‘kin, bilyun-
bilyong pera na ang nawala.
Pero sa tuwing sinasabi ng iba, “Delikado ‘yang stock

39
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest ng Maliliit na Halaga Buwan-Buwan sa Loob ng 20 Years o Mahigit Pa

market!” tinutukoy nila ang trading sa stock market. Hindi


ang pag-iinvest sa stock market.
May malaking pagkakaiba ‘yon.
Sa librong ito, gusto kitang turuan kung paano mag-
invest sa stock market, hindi kung paano mag-trade. Kung
gusto mong mag-trade sa stock market, hindi ito ang tamang
libro para sa ‘yo. Humanap ka na lang ng ibang babasahin.
Heto ang pangunahing pagkakaiba:
Ang trading ay ang pagbili ng stocks at pagbebenta
nito sa loob ng isa o ilang araw lang.
Ang investing ay ang pagbili ng stocks at pagbebenta
nito makaraan ang anim na buwan, or never!
Sinabi ni Warren Buffet, ang taong pinakayumaman sa
stock market, “Only buy something that you’d be perfectly
happy to hold if the market shut down for 10 years.”
Ito ang dahilan kung bakit naniniwala akong dapat
kang maging investor: Sa paniwala ko’y hindi dapat nilalaro
ng mga ordinaryong tao ang stock market. Inuulit ko, 85
percent ang nalulugi sa stock market. At sa paniwala ko rin,
karamihan sa 85 percent na iyon ay traders.
Ang isa pang salita para sa trading ay “speculating” o
pagbabakasakali.

40
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Gaya nga ng sinabi ni Mark Twain, “October is one of


the peculiarly dangerous months to speculate in stocks. The
others are July, January, September, April, November, May,
March, June, December, August and February.”
Sa trading o speculating, hindi mo titingnan kung
gaano kalakas ang isang kompanya. Kahit anong kompanya
ay lalaruin mo — kahit ang tinatawag nilang “penny” stocks
(ipapaliwanag ko ito mamaya). Ito ang mga kompanyang
may stocks na barya lamang ang halaga. Dahil itinuturing
silang mapanganib.
Kaya ipaubaya mo na ang trading sa full-time traders
— sila ‘yung mga taong iyon lamang ang ginagawa buong
araw, walong oras na pinag-aaralan ang galaw ng stocks.
Ang investors naman ay bumibili lamang ng stocks ng
mahuhusay na kompanya. Dahil pangmatagalan ang pag-
iinvest natin.
At sa halip na mag-trade ka, dapat ay pagtuunan
mo ng panahon ang negosyo mo o ang trabaho mo. Mag-
focus ka sa likas na kakayahan mo. Stick to your game
plan. (Itinuturo ko ang mga ito sa Gold Members ko sa
TrulyRichClub.)
Sa pamamagitan ng negosyo mo o trabaho, maaari
kang kumita ng pera na kakailanganin mo para makapag-
invest ka sa stock market.

41
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest ng Maliliit na Halaga Buwan-Buwan sa Loob ng 20 Years o Mahigit Pa

Isa sa mga Pinakamagaling na Imbensyon:


Money Cost Averaging

Kung gusto mong mag-invest sa stock market, isa lang


ang choice mo: Money Cost Averaging. Iyan ang (sosyal
na) tawag nila sa pagbili ng stocks ng mga mahuhusay na
kompanya, unti-unti, buwan-buwan.
Siguro P5,000 a month. O P10,000 a month. O anumang
fixed amount na maitatabi mo mula sa buwanang kinikita
mo.
Hindi mo kayang magtabi ng P5,000 buwan-buwan?
Walang problema.
Dalawang libo lang sa isang buwan ang kayang itabi
ng mga katulong ko.
Ang importante, gawin mo ito nang regular.
Disiplinahin mo ang sarili mo. Pagkatanggap mo ng
suweldo mo, hatiin mo ito sa limang sobre na binanggit ko
sa Chapter 2.
Kapag ginawa mo ito, makikita mong lalaki ang ipon
mo taon-taon.

Buwan-buwan, Bili Lang Nang Bili

Heto ngayon ang isang mahalagang bagay na gusto


kong basahin mo nang maigi: Kapag ginawa mo itong

42
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Money Cost Averaging strategy na ito, makabibili ka nang


hindi mo masyadong iintindihin ang pagtaas at pagbaba ng
mga presyo ng stocks sa merkado.
Siguro maririnig mo ang mga usapang ganito sa
paligid mo...
“Mura ba ang Ayala ngayon?”
“Tataas kaya ang presyo ng Jollibee bukas?”
“Mataas ba ang presyo ng BPI ngayon?”
“Siguro naman bababa ang PLDT bukas?”
Heto ang magandang paraan ng pagsagot sa mga
tanong na ‘yan: Eh ano ngayon?
Dahil pagkalipas ng sampung taon — hindi na mahalaga
‘yon.
Pumutok ang krisis sa langis sa buong mundo.
Bumili ka pa rin ng stocks.
May pumutok na political crisis sa bansa natin.
Bumili ka pa rin ng stocks.
Bumagsak na naman ang global economy.
Bumili ka pa rin ng stocks.
Ipagpatuloy mo lang ang pagbili ng mga ito sa
mahuhusay na kompanya.
Iyan ang sikreto ng pinakamayayamang mga tao sa
mundo.

43
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest ng Maliliit na Halaga Buwan-Buwan sa Loob ng 20 Years o Mahigit Pa

Gusto Mo Bang Yumaman? Tularan Mo ang mga


Mayayaman

Ang isa sa pinakamayayamang tao sa mundo, si


Warren Buffet, ay may panuntunan sa pag-iinvest sa stock
market: “Be fearful when others are greedy, be greedy when
others are fearful.”
Nang bumagsak ang pandaigdigang ekonomiya
noong isang taon, parang maliit na bata si Buffet sa isang
malaking tindahan ng mga kendi na nagbagsak ng presyo
ng lahat ng mga paninda nito.
Ibinenta ng mahuhusay na kompanya sa kalahating
halaga ang stocks nila.
Ang ilan sa pinakamasasarap na tsokolateng imported
ay may 60 percent na bawas sa presyo!
Little boy Warren couldn’t believe his eyes. Kahit pa
napakarami ng pera niya, napakarami ring magagandang
stocks na mabibili.
Kaya’t namili si Buffet — kaliwa’t kanan — ng stocks
ng matatatag na kompanya. Habang nangangamba ang
karamihan, siya naman ay naging matapang.
Tandaan mo ito kapag ginagawa mo ang Money Cost
Averaging.
Ipapaliwanag ko ito sa iyo nang mas detalyado.

44
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 6

Rule #2:
Mag-Invest Ka Kahit

na May Krisis

May kaibigan akong mahilig makinig sa sabi-sabi.


Minsa’y sinabi niya akin na baka magkaroon ng military
junta sa Pilipinas. (Pinakikinggan ko siya for entertainment
purposes. Mas wild pa ang imagination niya kaysa kay
Steven Spielberg.)
Pero ipinagpilitan niya na planado na ang junta.
Well, paano nga naman kung tama siya?
Anong mangyayari sa stock investment mo?
Ito ang mangyayari: Babagsak ang buong Philippine
Stock Market. Perhaps it will take a nosedive of 10 percent,
20 percent or 30 percent.

45
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest Ka Kahit na May Krisis

Ibig sabihin, kung nag-invest ka ng P100,000 sa stock


market sa buwang ito, ang matitira sa ‘yo ay P90,000 o
P80,000 o P70,000.
Bad news, di ba?
Anong dapat mong gawin?

Mamili sa Apat na Opsyon



Upang maging madali para sa ‘yo, heto ang apat na
opsyon na maaari mong gawin...

Unang Opsyon: Ibenta mo ang lahat ng stocks mo!
Itago mo ang P90,000 o P80,000 mo sa ilalim ng kama.
Pangalawang Opsyon: Magplano ka na kung paano
mo ako papatayin — dahil ipinasok kita rito.
Pangatlong Opsyon: Wala kang gagawin. Umiyak ka
lang sa kuwarto mo.
Pang-apat na Opsyon: Bumili ka lang ng stocks sa
gitna ng mga krisis sa bansa.

Kung pipiliin mo ang unang opsyon at ibebenta mo ang
lahat ng stocks mo, ikaw na ang magiging pinakamalaking
talunan sa lahat. Nakalulungkot na marami ang gumawa
nito nang may malaking krisis sa pandaigdigang ekonomiya
noong 2008. Ang dahilan: Nagpanic sila at malaking pera
ang nawala sa kanila. Pero ang mga hindi nagbenta ng

46
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

stocks nila (basta’t ito’y sa mga matatatag at mahuhusay na


kompanya) ay nakabawi — at kumita pa — noong 2010.
Kung pipiliin mo ang pangalawang opsyon at
tatangkain mong patayin ako, magsisisi ka. Kasi mami-
miss mo ako at ang jokes ko. Maniwala ka, mas magandang
lalaki ako kapag buhay kaysa patay.
Kung pipiliin mo ang pangatlong opsyon at wala kang
gagawin kundi ang umiyak sa kuwarto mo, magiging OK
ka lang. Hindi mayaman, pero OK. Dahil kapag natapos na
ang krisis, tataas uli ang presyo ng stocks.
Kung pipiliin mo ang pang-apat na opsyon at patuloy
kang bibili ng stocks buwan-buwan hanggang sa matapos
ang krisis, magiging napakayaman mo sa mga darating na
taon!

Ano ang Dapat Mong Gawin Kapag May Ganitong


Pangamba?

Ang krisis ay isang magandang pagkakataon upang


mamili ng stocks.
Bawat buwan, nag-iinvest ako ng maliit na halaga sa
stock market.
Ito ang dahilan: Plano kong mag-invest for 20 years.
Sana naiisip mo rin ito. Kaya 20 years from now, ang mga
“pagbagsak” sa ngayon ay magiging pansamantala lang.
I urge you to do the same.

47
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest Ka Kahit na May Krisis

Dahil walang mali sa mga kompanyang binibili mo.


Sa katotohanan, dapat maging masaya ka na nabibili mo
ang stocks sa murang halaga.
Isang araw, kapag natapos na ang krisis, matutuwa ka
na binili mo ang mga ito sa mababang halaga.

Ito ang Dahilan Kung Bakit Natin Sinusunod ang


Investment Rules

Ito ang dahilan kung bakit ang mga matatatag na


kompanya lang ang binibili natin.
Ito ang dahilan kung bakit nag-iinvest tayo ng pera
nang pangmatagalan. Iniinvest natin ang perang hindi
natin kakailanganin sa loob ng sampung taon o mahigit.
(Kaya nga ang tawag natin dito ay Pondong Pangretiro.)
Ito ang dahilan kung bakit regular tayong nag-
iinvest — buwan-buwan. Hindi natin inilalagay ang buong
pera natin nang isang bagsakan lang. Ginagawa natin
ito sa paglipas ng panahon, dahil hindi natin alam ang
mangyayari sa hinaharap — tataas, bababa, o tatagilid. Para
sa atin, hindi ‘yon mahalaga.

Itataya Ko Ba ang Lahat ng Pera Ko?



Siguro itinatanong ng ilan sa inyo: “Kung may krisis at
bumagsak ang merkado, puwede ko bang itaya ang lahat ng

48
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

pera ko? Nang sa gano’n, makabibili ako sa pinakamurang


halaga.”
Ito ang sagot ko: Sure, puwede mong gawin ‘yan. Kung
tama ka, kikita ka. Pero ito naman ang tanong ko sa inyo:
“Paano ninyo malalaman na ‘yon nga ang pinakamababang
presyo?” Paano kung babagsak ‘yan sa buwang ito, at
lalo pang babagsak sa susunod na buwan, at babagsak na
nang todo sa ikatlong buwan? Aatakihin ka sa puso kapag
nakikita mo nang lumiliit na ang pera mo. Kaya inuulit ko,
huwag kang manghula. Mag-invest ka lang buwan-buwan.

49
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest Ka Kahit na May Krisis

50
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 7

Rule #3:
Mag-Invest sa mga
Malalaking
Kompanya Lamang

Sige. Hanapin mo sa Internet.


I-google mo ang “penny stocks.”
At marami kang mababasa tungkol dito na papayuhan
kang bumili ng mga ito.
Hindi naiiba ang kaibigan kong si Ric.
Isang araw sinabi niya sa akin, “Bo, ang boring ng
mga inirekomenda mong stocks, nakakaantok.”
“Ano bang klase ng stocks ang binibili mo?” tanong
ko sa kanya.
“Penny stocks. That’s where the action is!” agad
niyang sagot.

51
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest sa mga Malalaking Kompanya Lamang

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang penny


stocks, ito ang mga murang shares of stock na mabibili
mo nang ilang sentimo lang. Pero pabagu-bago ang galaw
ng mga ito. Dahil ito ang mga maliliit na kompanya na
nangangako lang ng tubo, binibida ang potensyal nila, pero
wala naman silang track record.
Patuloy pa niya, “Sa isa sa kanila, kumita ako ng
46 percent sa loob ng ilang araw lang! Kaya mo ‘yon?
Pero nabasa ko ang mga rekomendado mong stocks, Bo.
Nakakaantok sila. Ten percent lang ang tubo nila sa loob ng
anim na buwan! Ang stocks ko tumutubo nang 10 percent
sa isang araw!”
Natawa ako. “Pero bumabagsak din nang 10 percent
ang stocks mo sa isang araw,” sinabi ko.
“But that’s the exciting part!” sagot ni Ric.
“Ric, kaibigan kita, so let me warn you. Thirty-seven
years nang nag-iinvest sa stock market ang mentor ko.
Bilyonaryo siya. Mas mayaman pa siya sa ‘yo at sa akin at
sa lahat ng pinagsama-samang mga kaibigan natin. Laging
sinasabi sa akin ng mentor ko, ‘Kapag bumili ka ng penny
stocks, you’ll become penniless.’”
“Sinabi niya ‘yon?” nagulat si Ric. “Sinabi ba niya
kung bakit?”
“Oo. Sa pagbili ng penny stocks, kailangan mong
manghula kung tataas ba ito o bababa. Kailangan mo ng

52
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

market timing, and a lot of skill and time that people with
regular jobs don’t have.”
“Pero may regular job ako. At nagagawa ko. At
kumikita ako ng pera.”
“Sa ngayon, kumikita ka,” sabi ko, “Pero bukas, kikita
ka pa ba?”
“Bakit?” tanong ni Ric.
“Ito lagi ang halimbawang ibinibigay ng nanay ko.
Sabihin nating bumili ka ng Penny Stock #1 at dumoble ang
pera mo.”
“Naranasan ko ‘yan!” pangiting sinabi ni Ric.
“Kaya bumili ka pa ng Penny Stock #2. Dumoble uli
ang pera mo. At sabihin nating sa galing mo ay nadoble mo
rin ang Penny Stock #3 at #4. Pero nang bumili ka ng Penny
Stock #5, bumagsak ito. Ubos ang pera mo.”
Natahimik ang kaibigan ko.
At pagkatapos ay sinabi niya, “Ah... nangyari rin ‘yan
sa ‘kin.”
Nagpatuloy ako, “Ric, ang pagbili ng penny
stocks ay simpleng pagsusugal. Kaya exciting ito. Pero
napakadelikado. Sumama ka sa akin and do the boring
stuff. Mas makakatulog ka nang mahimbing. And in 20
years, magiging milyonaryo ka.”
“So hindi mo tinitiyempuhan ang merkado?”
“Hindi.”

53
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest sa mga Malalaking Kompanya Lamang

“Hindi mo hinuhulaan kung tumataas o bumababa


ang binibili mong stocks?”
“Hindi.”
“At malalaking kompanya lang ang binibili mo?”
“Correction. Ang binibili ko lang ay ang mga
pinakamalalaki at pinakamahuhusay na kompanya sa
bansa.”
“Wow, ang boring no’n.”
“Pero sigurado naman. At epektibo. Buwan-buwan
lang ako kung bumili, walang tigil. In 20 years, ang yaman-
yaman ko na.”
“Oooookeeeeey... Ano uli ang mga boring na
kompanyang ito?”
Noong araw na ‘yon, may nakumbinsi na naman ako
tungkol sa boring pero epektibong sistema ko ng pagiging
tunay na mayaman.

54
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 8

Rule #4:
Mag-Invest sa Maraming
Malalaking Kompanya

May dalawa akong nakababatang mga kaibigan, sina


Mike at Rudy.
Ang tawag nila sa akin ay “uncle” dahil bata pa talaga
sila. Katatapos lang nila ng high school.
Pero sina Mike at Rudy ay kasing-laki ng mga gorilya.
Mabubuhok ang mga kili-kili nila. Kaya naiilang ako na
uncle ang tawag nila sa akin. Anyway, sasabihin ko sa inyo
kung bakit ko sila ikinukuwento sa inyo.
Kumuha si Mike ng college entrance exam sa apat na
unibersidad: Ateneo, De La Salle, UP at UST.
Si Rudy, sa Ateneo lang.
Bakit? Dahil may kumpiyansa sa sarili si Rudy.

55
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest sa Maraming Malalaking Kompanya

Dahil dugong bughaw ang dumadaloy sa katawan


ni Rudy. Matagal na siyang pumapasok sa Ateneo simula
noong fetus pa lang siya.
OK, exaggeration ‘yon. Pero hindi masyado. Doon
pumapasok ang kuya niya na araw-araw na sinusundo ng
nanay nila — noong ipinagbubuntis pa lamang siya.
Ito ang problema: Isang araw, nakatanggap si Rudy ng
sulat mula sa Ateneo na nagsasabing hindi siya natanggap
doon. Aray.
Nagkandarapa tuloy ang mga magulang ni Rudy sa
paghahanap ng unibersidad na tatanggap sa kanya. Medyo
huli na, kaya nakiusap ang mga ito, nagpadala ng mga
sulat, tumawag sa kung sinu-sino...
Naisip pa nga nila ang MIT para sa kanya.
Malabon Institute of Technology.
Biro lang.
Guess what: Hindi rin natanggap sa Ateneo ang
kaibigan ni Rudy na si Mike. Pero OK lang ‘yon. Dahil
natanggap siya sa De La Salle, UP at UST.
Kalmado lang si Mike at ang mga magulang nito.

56
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

May Tinatawag na Black Swan

Bakit kalmado si Mike? Simple lang. Nag-exam si


Mike sa mas maraming unibersidad, si Rudy hindi. Dahil
nakaranas sina Mike at Rudy ng “Black Swan” sa Ateneo.
Hindi sila tinanggap ng paborito nilang eskuwelahan.
“Black Swan” ang tawag sa mga kaganapang hindi
inaasahan. Ginagamit din ang katagang ito sa stock market.
At nangyayari talaga ang mga Black Swan.
Heto ang isang halimbawa ng Black Swan mula sa
US Stock Market: Ang oil spill sa Mexico Gulf, na siyang
pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng Estados Unidos,
ay isang Black Swan para sa higanteng kompanyang BP.
Namalas ng mga stock owner ang pagbagsak ng stocks
nila hanggang 50 percent. Hindi nila inasahan iyon. Pero
nangyari.

Kung Paano Pag-iiba-ibahin ang Stocks Mo

Here are two basic rules sa pag-iinvest sa stock market.


Rule #1: Invest small amounts every month.
Rule #2: Buy as many as 10 companies—owning an equal
amount in each one.

57
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Mag-Invest sa Maraming Malalaking Kompanya

Mas makabubuti na bumili ka ng stocks sa iba-


ibang industriya at sa karamihan ng mga kompanyang
rekomendado ko sa susunod na listahan. Kung makabibili
ka ng sampung kompanya, gawin mo. At hatiin mo ang pera
sa pantay-pantay na halaga sa bawat kompanya.
Kung magkaroon man ng Black Swan sa isa o dalawang
kompanya — ligtas ka pa. May walo ka pang kompanyang
mag-aasikaso sa pagtubo ng pera mo.
Handa ka na bang magsimula?

58
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 9

Magbukas Ka ng Online
Account

Hindi ako nagtatrabaho para sa COL Financial.


Pero inirerekomenda ko na gamitin mo sila bilang
daan mo sa pagpasok sa merkado.
Inirerekomenda ko sila sa ‘yo dahil sila ang
pinakamagaling na online trading platform sa bansa natin
ngayon. Sila rin ang pinakamalaki. (At tatapatin ko kayo,
bumili din ako ng COL Financial stocks. Oo, publicly listed
company rin sila. May tiwala ako sa mga may-ari nito at sa
mga nagpapatakbo nito.)
Gusto mo bang mag-invest sa pamamagitan ng
traditional stockbroker? Ganoon ang ginawa noon ng nanay
ko.
Tumatawag siya sa telepono at nagbibigay ng mga
tagubilin.
“Pakibili ito para sa akin...”

59
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

Katuwaan lang natin… hinahamon kitang gawin ‘yon


gamit ang P5,000 mo. Tingnan mo kung anong mangyayari.
At least, may mapapatawa kang tao at mababawasan
mo ang stress niya.
Alam mo kasi, hinding-hindi hahawakan ng
traditional stockbrokers ang mga account ng mga katulong
ko. Hindi ko sila masisisi. Manpower is very expensive.
Pero gagawin iyon ng COL Financial.
Dahil ang lahat ay gagawin nila online.

Talagang Madali Lang

Pinasimple ng COL Financial ito para sa maliliit na


investors.
Gumawa sila ng Easy Investment Program o EIP.
Kung mayroon kang P5,000 o mahigit,
makapagsisimula kang mag-invest. Limang libo ang
pinakamaliit na halagang puwede mong gamiting
panimula. Pagkatapos ay nasa sa iyo na kung magkano ang
idadagdag mo sa investment mo. Hindi ka paaalalahanan
ng COL Financial na magdeposito buwan-buwan.
Pero sa TrulyRichClub, gagawin ko ‘yon.
Iyon ang serbisyo ko sa ‘yo.
Kukulitin kita buwan-buwan para mag-invest ka.
Ipadadala ko sa ‘yo sa email ang Stocks Update para ipaalala

60
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

sa ‘yo na sundin ang investment plan mo. (More on this


later.)
Para sa Easy Investment Program, sasabihin sa iyo
ng COL Financial kung anong mga kompanya ang maaari
mong bilhin — mga kompanyang sa palagay nila’y tatagal
nang 10 years or more.
Blow the trumpets please! Heto na sila...

Company Name Stock Symbol


Ayala Land Inc. ALI
Bank of the Phil. Islands BPI
Jollibee Food Corp. JFC
Manila Water Co. Inc. MWC
SM Prime Holdings, Inc. SMPH
Phil. Long Distance Telephone Co. TEL

Bawat buwan, puwede kang magdeposito ng P5,000


(o anumang halagang gusto mo) sa COL Financial account
mo. Hindi mo na kailangang pumunta sa opisina nila para
gawin ito. Maidedeposito mo ito sa bangko, sa alinmang
branch ng BDO, BPI, Security Bank, at HSBC.
Mula sa bahay mo, buksan mo ang kompyuter mo,
mag-log on ka sa website at bumili ka ng stocks na gusto
mo mula sa listahan sa itaas. Ikaw ang gagawa nito. Ikaw
ang may kontrol.

61
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

Very important note: Lahat ng kompanya ay may


requirement na pinakakaunting bilang ng shares o ang
tinatawag nilang “board lot” sa tuwing gusto mong bumili
sa kanila. Kaya kung P5,000 lang ang pondo mo, hindi ka
makabibili ng shares sa PLDT at Jollibee. Dahil mas matataas
ang presyo nila.
Halimbawa: Habang isinusulat ko ito, ang bentahan
ng Jollibee ay nasa P84 at 100 shares ang pinakakaunting
mabibili mo. Ang ibig sabihin nito, kailangan ay mayroon
kang P8,400 para makabili ng Jollibee shares. Kung P5,000
lang ang pera mo para makapag-invest, mamili ka sa Ayala
Land, Manila Water, SM Prime Holdings, at Bank of the
Philippine Islands. Ang mga ito ay matatatag at mahuhusay
na kompanya na magpapayaman sa iyo pagkaraan ng 20
years.
Kaya buwan-buwan, bumili ka.
Kailan ka magbebenta?
Ah, in about 20 years.
Hindi ako nagbibiro.
Gawin mong alkansya ang stock market.
Important note: Sa pagkakataong may matinding
dahilan para ibenta ang shares mo, sasabihan kita tungkol
dito sa pamamagitan ng monthly Stocks Update ko. (More
on this later.)
Ngayon, kakausapin ko muna ang ilan sa inyo na mas
may pera...

62
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Kung Mayroon Kang P1M o Mahigit, Puwede Ka Ring


Mag-“Super EIP”

Habang isinusulat ko ito, hindi pa inilulunsad ng COL


Financial ang programang ito.
Kung may mas malaking halaga ka at gusto mong
mag-invest sa stock market, magagawa mo itong Easy
Investment Program (EIP) sa ibang paraan.
Tinatawag ko itong Super EIP.
It’s EIP with caffeine. Or EIP with boosters.
Teka, atin-atin lang ang mga katagang ito, OK?
Huwag kayong tatawag sa COL Financial para
magtanong tungkol sa Super EIP. Hindi nila maiintindihan
‘yon.
Ganito ang Super EIP: May isa pang listahan ng mga
mahuhusay na kompanya na may mabababang presyo ng
shares — at kung alin sa kanila ang malapit nang tumaaas
sa susunod na anim na buwan hanggang isang taon.
Sabihin nating may isang milyon ka. Huwag mo itong
iiinvest nang isang bagsakan.
Kapag bumagsak ang merkado, aatakihin ka.
Kahit pa alam mong tataas uli ito, nakakapanghina pa
rin ‘yon.
Kaya bakit hindi mo hatiin ang P1 milyon mo sa limang
bahagi — at mag-invest ka ng P200,000 bawat buwan? Sa
ganitong paraan, bumaba man ang presyo, makabibili pa

63
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

rin ng mas maraming shares ang P200,000 mo sa susunod


na mga buwan. Kapag tumaas naman ang presyo, magiging
maganda pa rin ang kita mo sa mga naunang investment
mo. Ang mahalaga ay makakatulog ka nang mahimbing sa
gabi.
Kaya piliin mo nang mabuti mula sa magic list sa ibaba
ang mga kompanyang bibilhin mo. Ayon sa COL Financial,
ito ang mga kompanyang tinatayang mabababa ang halaga
sa ngayon (kahulugan: mura ang shares kumpara sa tunay
nilang halaga):

Company Name Stock Symbol Target Price

Energy Dev. Corp. EDC P7.00


First Gen. Corp. FGEN P16.25
First Philippine Holdings FPH P80.00
Security Bank SECB P78.00
Engineering Equipment EEI P4.50
Manila Water Co. Inc. MWC P22.50

Note: Ngayon ay September 2010. Magbabago pa ang


listahang ito ng mga rekomendadong stocks pati ang mga presyo
nila!

So kailan ka magbebenta?

64
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Hindi gaya ng original EIP kung saan hindi ka


magbebenta, ang Super EIP ay may partikular na presyo
na dapat mong abangan. Nakikita mo ba ang mga Target
Price sa itaas? Kapag malapit na ang presyo ng shares sa
target, puwede mo nang ibenta ang shares mo. Then make
the “switch”: Mula sa kinita mo sa pagbebenta, bumili ka
ng ibang stocks na mababa ang halaga sa ngayon.
Siguro tinatanong mo, “Pero Bo, paano kung
malagpasan pa nito ang Target Price?”
Don’t be greedy. Mas mabuti na ang sigurado.
Iisa lang ang makapipigil sa akin sa pagbebenta: Kung
magtatakda ang mga analyst namin ng mas mataas na Target
Price para sa kompanya, hindi ko ibebenta ang shares ko.
Pero kung hindi, magiging masaya na ako sa kikitain
ko. I won’t be greedy. Maghihintay uli ako ng iba pang mga
kompanyang may mababang halaga.
Kung sasali ka sa TrulyRichClub, makatatanggap ka ng
mga pinakabagong rekomendasyon ko sa pamamagitan ng
monthly Stocks Update newsletter ko.
NOTE: Ang EIP list sa itaas ay “conservative” stocks.
Ang nasa listahan naman ng Super EIP ay “moderately
aggressive.” At mayroon ding “aggressive” stocks na
inirerekomenda ko sa TrulyRichClub members ko sa
pamamagitan ng Stocks Update newsletter ko.

65
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

Ang Stocks na Binili Ko

Ang mga katulong ko ay nag-EIP.


Kaya bumili sila ng shares ng Ayala Land (ALI) at
Manila Water (MWC). Pero ang dalawa sa kanila ay bumili
rin ng First Gen (FGEN) at Energy Dev (EDC), dalawang
kompanyang hindi kasama sa listahan ng EIP — pero
kasama sa Super EIP. (At least sa ngayon. Isinusulat ko ito
ngayong September 2010.) Pero dahil sa binabantayan ko
ang mga account nila, safe pa sila. Sa sandaling maabot ng
mga kompanyang ito ang target price, ibebenta na ng mga
katulong ko ang shares nila.
Ako naman, nag-Super EIP (Tandaan mo, atin-
atin lang ang katagang ito, ha) at nag-iinvest din ako sa
aggressive stocks.
Nakabili na ako ng 14 stocks — lahat ng nasa listahan
ko na makikita mo sa Stocks Update report ko. Hindi ko
irerekomenda ang kompanya kung hindi ko ito bibilhin. So
far, masaya naman ako sa kinikita ko.
May COL Financial (COL) stocks din ako, pero
palagay ko this is more of an emotional purchase para sa
akin. Mahal ko ang kompanyang ito at ang mga taong nasa
likod nito.
OK, oras nang magbukas ka ng account. Mag-log on
ka na sa www.colfinancial.com ngayon.

66
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Four-Step Application Process

1. Puntahan ang website na www.colfinancial.com


at i-klik ang “Open an Account”:
I-download at i-print ang mga dokumentong ito:
a. Application Form
b. Trading Agreement
c. Signature Cards

2. Sagutan ang application form at ihanda ang iba


pang mga dokumento
Sa Application Form, isulat mo ang pangalan mo
sa “Primary Account Holder.” Ilista mo naman
ang asawa mo o anak mo bilang “Secondary
Account Holder.”

a. Ihanda ang ALINMANG dalawa (2) sa mga ito:


• Passport
• Driver’s license
• Birth Certificate
• SSS ID (yung 1999 credit card type lang ang
puwede)
• Company ID na may litrato mo (kung empleyado
ka ng isa sa mga nangungunang 2,500 na
korporasyon)

67
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

• Major credit card na may litrato mo


• Senior Citizen’s ID

b. Ihanda ang pinakabagong kopya ng ALINMAN


sa mga ito na nakapangalan sa iyo o sa asawa
mo:
• Current utility bills (kuryente, tubig,
telepono, cell phone)
• Credit card statements
• Club membership bills
• Bank statements

NOTE: Para sa mga Pilipinong naninirahan sa


ibang bansa, kumuha kayo ng kopya ng inyong proof of
income na sertipikado ng employer ninyo at lahat ng mga
dokumento ay dapat sertipikado rin ng Philippine Embassy
o Consulate.

NOTE: Para sa mga hindi Pilipino na naninirahan sa


Pilipinas, isama ang kopya ng pangkasalukuyang bisa, alien
certificate of registration (ACR), at prueba ng permiso mula
sa gobyerno upang magnegosyo o magtrabaho sa bansa;
validity of work permit must be at least one year from its
date of issue.

68
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

3. Isumite ang mga Dokumento sa COL Financial

Mas mabuti kung bibisita kayo sa opisina nila at


iaabot ninyo mismo sa kanila ang mga dokumento
ninyo — para makapagtanong kayo nang husto
sa kanila kung paano ninyo gagamitin ang COL
Financial website.

Heto ang address nila:
COL Financial Business Center
2403-B East Tower, Philippine Stock Exchange
Centre, Exchange Road, Ortigas Center
Pasig City, Philippines 1605

Pero kung hindi ka nakatira sa Manila, maaari
mong ikoreo ang mga dokumento mo sa opisina
nila. At pagkatapos ay tawagan mo sila para mag-
follow up:

Tel. (632) 651-5888

Maaari mo rin silang i-email kung may ilan ka pang


mga katanungan.

loj@citiseconline.com

69
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

4. Pondohan Mo ang Account Mo

Kung magbubukas ka ng regular account, ang


pinakamababang halaga na maaari mong iinvest
ay P25,000. Note: Ito ang perang ipambibili mo
ng stocks. Pero kung magbubukas ka ng EIP
o Easy Investment Program, P5,000 lang ang
kailangan mong iinvest.

Option #1: Bumisita sa Opisina
Kung makadadaan ka sa opisina nila para isumite
ang mga dokumento mo, maaari ka na ring magdala
ng tseke para sa COL Financial Group Inc. Tandaan
lamang na tatlong araw ang clearing period nito.

Option #2: Ideposito sa Bangko
May mga account ang Colfinancial.com sa
BDO, Metrobank, at BPI. Note: Kung nag-o-
online banking ka, mas madali na ito para sa ‘yo.
Pagkatapos mong magdeposito, i-fax mo ang
deposit slip mo (o i-scan/i-email) sa opisina ng
COL Financial. Lahat ng kailangan mong malaman
ay mababasa mo sa www.colfinancial.com. Basta’t
i-klik mo ang “Open an Account.”

70
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Ano ang Susunod? Oras na Para Bumili Ka ng Unang


Stocks Mo

Kapag may account ka na sa COL Financial,


makatatanggap ka ng email mula sa kanila, at nakalagay
doon ang username at password mo.
Kaya balikan mo ang www.colfinancial.com at ang
unang gagawin mo ay ang palitan ang password mo. I-klik
mo lang ang “Change Password” na nasa ilalim ng “Home”
tab.
Tapos ka na?
Ang susunod mong gagawin ay ang bilhin ang una
mong stocks.
Ang pinakauna sa maraming stocks!
Kung mayroon kang Stocks Update report, makapipili
ka mula sa listahan ng mga Rekomendasyon ko.
Tandaan mo, makabibili’t makapagbebenta ka lang
ng stocks mula 9:30 a.m. hanggang 12:00 p.m. at 1:30 p.m.
hanggang 3:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Sa mga araw
at oras lamang na ito bukas ang Philippine Stock Market.

Here are the Steps:

Step 1: I-klik mo ang “Trade/Portfolio” tab.


71
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

Step 2: I-klik mo ang “Enter Order.”



Step 3: I-type mo ang “Stock Code” ng kompanyang
gusto mong bilhin.

Halimbawa: Ang Metrobank ay MBT; ang Banco De


Oro ay BDO; ang Jollibee ay JFC; at ang Ayala Land ay ALI.
Isang klik lang ang listahan ng Stock Codes.

Step 4: I-type mo kung ilang shares ang gusto mong


bilhin. Isipin mong kunwari ay mag-iinvest ka ng P5,000
at gusto mong bumili ng shares ng Ayala Land (ALI).
Sabihin nating ang presyo ngayon ng ALI ay P18/share. So
divide P5,000 by P18, at makabibili ka ng 277 shares. Pero
lahat ng mga kompanyang ito ay may nakatakdang
pinakamababang “board lot.” Makikita mo ang board lot
ng ALI sa kanang bahagi sa ibaba ng webpage.
Ang board lot ng ALI ay 100. Kaya ang
pinakamaraming mabibili mo sa pera mo ay 200 shares
lang.

Step 5: I-type mo ang presyo ng stock. I suggest na


tingnan mo ang pinakamataas na presyo sa “Ask” column
at i-type mo ang presyong ‘yon. Para matanggap agad ang

72
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

order mo. Dahil sa medium-term o long-term investor ka,


hindi gaanong mahalaga sa iyo ang mga sentimo.

Step 6: I-klik mo ang “Preview Order.” Ibabalik ka


nito sa pahina kung saan mo makikita ang order mo.
I-type mo uli ang password mo, i-klik ang “Place Order,”
at ‘yon na. Do the twist, mag-ice cream ka, at sabihin mong
“Salamat, Lord.” Dahil nabili mo na ang unang stocks mo!

Silipin Mo ang Stock Portfolio Mo

Ngayon ay may Stock Portfolio ka na.


Hindi, hindi ‘yon leather briefcase.
Saan mo makikita ito?
I-klik mo ang “Trade/Portfolio” tab.
Tapos i- klik mo ang “Portfolio” at tingnan mo kung
naroon ang order mo.
Kung natanggap na ang order mo, makikita mo na
iyon sa portfolio mo. Paminsan-minsan, kailangan mong
maghintay.
Pagkaraan ng ilang minuto, i- klik mo uli ang
“Portfolio.” Note: Kapag nakita mong nalulugi ka, huwag
mong pansinin ‘yon. Pangmatagalan ang investment mo!

73
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

May mga Anak Ka Ba? Ipagbukas Mo Rin Sila ng


Account!

Sa ngayon, si Bene ay 10 years old at si Francis ay 5.
May pera sila sa bangko — ibinigay sa kanila ng mga
ninang nila, o kinita ni Bene sa trabaho niya. (Nagsusulat
siya sa dalawang magazines.)
Dahil sa hindi pa naman nila kailangan ang pera nila
sa darating na mga taon, ang stock market ay isa sa mga
pinakamabuting paglalagyan nila nito.
Kung gusto mong ipagbukas ng account ang mga
anak mo, ito ang kailangan mong gawin: Magdownload ng
isa pang application form mula sa COL Financial. Isulat mo
ang pangalan mo sa “Primary Account Holder.” Pagkatapos
ay isulat mo ang pangalan ng anak mo sa “Secondary
Account Holder.” Ipasa mo ang application form na ito sa
COL Financial — at pondohan mo ang account gaya ng
ginawa mo para sa account mo.
Mula sa listahan ng EIP Stocks, tinanong ko si Bene
kung anong mga kompanya ang gusto niyang pag-arian.
Pinili niya ang Ayala Land (ALI), BPI, SM Prime (SMPH),
at Jollibee (JFC).
Tinanong ko si Francis kung ano naman ang sa kanya.
Akala ng five-year-old ko “socks” ang sinabi ko, kaya ang
sagot niya, “I want to buy white socks.”

74
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Oh well. Masyado pa sigurong maaga para tanungin


ko siya, kaya binili ko na rin para sa kanya ang mga
kompanyang pinili ni Bene. Kapag nakakaintindi na siya,
tatanungin ko siya uli.
Maituturo nito sa mga bata kung paano mag-invest sa
murang edad.
Kung may sobrang pera ang mga anak mo na nakatago
sa bangko at hindi naman nila ito gagamitin sa loob ng 20
years, bakit hindi mo na lang sila ipagbukas ng account?
Pagkatapos ay turuan mo sila kung paano sila
makapag-iipon mula sa mga allowance nila at kung paano
sila kikita sa pamamagitan ng maliliit na negosyo. Turuan
mo silang mag-invest buwan-buwan sa stock market
account nila.

75
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Magbukas Ka ng Online Account

76
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Chapter 10

Tumanggap Ka ng Stocks
Update Report Ko

Napakaganda ng Stocks Update newsletter ko.


Sinong may sabi?
Ako.
Padadaliin ko ang buhay mo.
At gagawin kong kapaki-pakinabang din!
Paano?
Bawat buwan, magbibigay ang Stocks Update
newsletter ko ng listahan ng mga rekomendadong stocks.
Mula sa mahigit 250 stocks na nakalista sa Philippine Stock
Exchange, magrerekomenda ako ng 15 hanggang 20 lamang
na mapagpipilian mo.

77
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Tumanggap Ka ng Stocks Update Report Ko

Pitong mahahalagang bagay ang sinasabi sa iyo ng


listahang ito:

1. Sinasabi nito kung kailan namin inirekomenda ang


stock.

2. Sinasabi nito kung magkano ang stock nang
inirekomenda namin ito.

3. Sinasabi nito ang kasalukuyang presyo ng stock.

4. Sinasabi nito kung magkano na ang kinita namin o
ang nalugi sa amin.

5. Sinasabi nito ang target price ng stock (kung
magkano sa tingin namin ang magiging halaga nito
sa hinaharap).

6. Sinasabi nito ang aming inaasahang pagtaas ng stock.

7. Sinasabi nito ang buy below price (ang bibilhin mo na
mas mababa sa takdang presyo).

78
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Kung Bakit Mahalaga ang “Buy Below Price”

Number Seven is important.


Kung sakaling tumaas bigla ang presyo ng stock,
ayaw kong hahabulin mo ito hanggang sa target price natin.
Bakit?
Dahil malaki ang panganib nito.
Remember that stocks don’t go up in a straight
line. Kadalasan ‘yan, dalawang hakbang pasulong, isang
hakbang paatras. (Mas malala, anim na hakbang pasulong,
tatlong hakbang paatras!)
Kaya kapag hinabol mo ‘yan hanggang sa
pinakamataas na presyo at binili mo sa halagang napakalapit
na sa target price — at biglang bumagsak ito — sasakit nang
husto ang sikmura mo.
Mapapalapit ka rin sa Diyos, kasi ipagdarasal mo sa
Diyos na tumaas uli agad ang presyo ng stock. Ayos sana
‘yan, pero sigurado akong may mas mabuting mga paraan
pa ng paglago ng spiritual life mo maliban sa bumabagsak
na presyo ng stock.
Ngunit dahil inilalagay ko sa Stocks Update ang buy
below price, hindi mo na hahabulin pa ang stock sa target
price.

79
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Tumanggap Ka ng Stocks Update Report Ko

Ano ang gagawin mo?


Hihintayin mo ang pullback o ang bawas sa presyo.
Hintayin mong maging mas mababa ang presyo nito
sa buy below price.
Teka, hindi ko ipinapangakong titigil na roon ang
pagbaba ng presyo ng stock sa maikling panahon.
Pero at least, mas malaki ang tsansa ng pagtaas nito.
Umaasa akong mapadadali ng maliit na dagdag-
impormasyong ito sa Stocks Update ang pag-iinvest mo sa
susunod na mga buwan.
After 20 years, kapag multimilyonaryo ka na, puwede
mo na akong padalhan ng thank you gift at sabihin sa akin
kung gaano ako kabait dahil tinulungan kitang magretiro
nang mayaman. (Ang waistline ko: 31, T-shirt size: large).

Pero Kahit na Magkamali Ka

Well, paano kapag nagkamali ka at bumili ka sa


halagang malapit sa target price, tapos biglang bumagsak
ang halaga nito?
Magpapakamatay ka na ba?
Hindi ko ipapayong gawin mo ‘yon. Lalabag ka sa
Sampung Kautusan ng Diyos, hindi makukuha ng pamilya
mo ang insurance mo, at mawawalan ako ng kaibigan.

80
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Heto ang magandang balita: Kahit pa magkamali ka,


OK lang ‘yon. Bibilhin mo ang isang matatag at malaking
kompanya na kumikita ng bilyun-bilyong piso taun-taon. Kaya
nga kasama iyon sa listahan ko ng mga rekomendadong
stock. Darating ang panahon, tataas uli ang presyo noon.
Hindi mo malalaman kung kailan. Hintayin mo lang.
Sa ngayon, sit back and relax, uminom ka ng orange
juice, at magbasa ka ng isa pang libro ni Bo Sanchez. Balita
ko magaling talaga siya. Medyo loko-loko nga lang.

81
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Tumanggap Ka ng Stocks Update Report Ko

82
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Epilogo

Magretiro bilang Isang



Multimilyonaryo

Kung pinili mong basahin ang librong ito dahil inasahan


mong matututo ka ng get-rich-quick scheme, I’m sorry to
disappoint you. Hindi magiging multimilyonaryo ang mga
katulong ko next year.
O kahit pa 10 years from now.
Pero magiging multimilyonaryo sila pagdating ng
araw.
Sa takbo ng pag-iinvest nila at pagtubo ng pera nila, sa
panukala ko ang bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng P5
milyon pagkaraan ng 20 years.
Not bad for domestic helpers, di ba?
At kung ipagpapatuloy nila ang pag-iinvest nang
sampung taon pa pagkatapos noon, sasampa sa P20 milyon
hanggang P30 milyon ang pondo nila sa pagreretiro.
ºWow, gusto kong makita ang araw na ‘yon.

83
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Epilogo

Pero hindi lamang ang pagiging multimilyonaryo ang


layunin ko...

Habang tinuturuan ko silang palakihin ang yaman


nila sa pera, itinuturo ko rin sa kanila ang pagpapalago ng
kanilang yamang pangkaluluwa.
Kailangang lumago rin ang pagkatao nila para makayanan
nilang humawak ng malaking pera.
Kung hindi, masisira nito ang pagkatao nila.
Kaya palagi ko silang pinaaalalahanan na ang layunin
ng kayamanan ay ang magmahal ng ibang tao.
“Kung nasa tamang lugar ang mga puso ninyo,
ang pagkakaroon ninyo ng pera ay nangangahulugang
mas dadami ang mga paraan ninyo ng pagmamahal sa
kapwa ninyo,” sinasabi ko sa kanila. “Gamitin ninyo ang
kayamanan ninyo sa paglilingkod sa Diyos.”
Proud na proud ako sa kanila.
Darating ang araw, magiging mga mapagmahal na
multimilyonaryo sila.

Hope to “See” You Again



Nagagalak akong “makilala” ka sa pamamagitan ng
librong ito.

84
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Umaasa talaga ako na magagamit mo ang natutunan


mo rito — at na magiging mapagmahal na milyonaryo ka.
At umaasa akong makikita kita uli sa pamamagitan
ng buwanang Stocks Update report ko.
Inaasahan ko rin na makasasali ka sa TrulyRichClub
dahil naniniwala akong kailangan mo ng gabay —
espirituwal at pinansyal — para maabot mo ang minimithi
mong katayuan sa buhay.
Kapag naging miyembro ka ng TrulyRichClub,
padadalhan kita ng Stocks Update report buwan-buwan.
(Kapag maraming taas-babang aksyon sa stock market,
linggu-linggo ko ito ipadadala — para magabayan ang
lahat ng miyembro ko. Ito ang pangako ko sa kanila.)
In two to three pages, sasabihin ko sa iyo ang lahat ng
kailangan mong malaman tungkol sa stock investments mo.
Bukod pa sa nabanggit ko na sa huling kabanata, ang
Stocks Update ay paraan ko ng pagpapaalala at pangungulit
sa iyo na mag-invest ka ng maliit na halaga buwan-buwan.
Sasabihin ko rin sa iyo kung panahon na upang ibenta
ang stocks na nabanggit ko rito sa libro.
Sasabihin ko sa iyo kung anong magagandang stocks
na mura pa ang mabibili mo.
Sasabihin ko sa iyo kung anong ginagawa ko sa sarili
kong stocks.

85
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Epilogo

Ipinapangako ko sa iyo: Simpleng Ingles lang. Walang


mga financial jargon na hindi mo maiintindihan.
Mag-log on sa www.trulyrichclub.com ngayon.
In the meantime, keep learning.

Matupad sana ang mga pangarap mo,

Bo Sanchez

P.S. Grow your wealth and achieve financial freedom.


Para sa mga hindi pa miyembro ng TrulyRichClub, personal
ko kayong inaanyayahan na samahan ako at mag-invest sa
inyong financial at spiritual education. Hindi kayo magsisisi.
Para masubukan ito, mag-log on sa www.trulyrichclub.com
ngayon!

86
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market

Tungkol sa May-Akda


Bo Sanchez is a preacher, leader and entrepreneur.
Siya ang may-akda ng mahigit sa 30 bestselling books at
tagapaglathala ng walong mga magasin. Mayroon din
siyang weekly TV show, isang daily radio program, at
isang daily Internet TV show. Siya ay powerful speaker na
naglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo. So far, he has
addressed audiences in 14 countries, including 36 cities in
North America.
Nakapagtatag siya ng maraming mga organisasyon,
tulad ng Anawim, isang natatanging
tahanan ng mga matatandang
tinalikuran na ng kanilang mga
pamilya, at ng Shepherd’s Voice
Publications, Inc., isang media group
na naglilimbag ng mga inspirational
literature sa bansa na binabasa ng
marami. Siya rin ang tagapagtatag
ng Light of Jesus Family, isang
spiritual community.

87
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Tungkol sa May-Akda

Pinarangalan din siya bilang isa sa mga awardee ng


The Outstanding Young Men (TOYM) noong 2006.
Sa kanyang pribadong buhay, si Bo ay isang
matagumpay na entrepreneur. Madalas siyang nagtuturo
at nagsusulat tungkol sa financial literacy, sa paniniwalang
ang kahirapan ay bunga ng kakulangan ng tao sa kaalaman
tungkol sa pananalapi, tulad sa mga paksang debt
management, saving, investing at pagnenegosyo.
Sa iba pang gawaing malapit sa puso niya,
itinatag din ni Bo ang Catholic Filipino Academy (www.
catholicfilipinoacademy.com) upang tulungan ang mga
magulang na nagnanais bigyan ng edukasyon ang kanilang
mga anak sa sarili nilang pamamahay.
Ngunit higit sa lahat, naniniwala si Bo na ang kanyang
unang tawag ay ang maging mapagmahal na asawa kay
Marowe, at maging mapag-arugang ama sa mga anak
niyang sina Benedict at Francis. Naninirahan sila sa Manila,
Philippines.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa
website niya, www. bosanchez.ph o mag-email sa kanya sa
bosanchez@kerygmafamily. com.

88
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market
By Joining the
Kerygma Family,
You Will Receive a Mountain
Load of Blessings
for Your Spiritual Life
Here’s what will happen to you when you join the
Kerygma Family:
1. You’ll receive daily Bible reflections for your
spiritual growth.
2. Each month, you’ll get to read an online copy of
Kerygma, the #1 Catholic inspirational magazine
in the Philippines.
3. You’ll belong to a borderless, global, non-
physical community spread all over the world
connected through prayer and the desire for
personal growth.
4. You shall have the special privilege of supporting
this expansive work of the Lord (totally optional!),
which includes Anawim, a ministry for the
poorest of the poor, the abandoned elderly;
Shepherd’s Voice, a media ministry that uses TV,
radio, print, and the Internet to broadcast God’s
love to spiritually hungry people worldwide.
5. You and your intentions shall be included in our
intercession team’s prayers.

To join the KerygmaFamily,


log on to www.kerygmafamily.com

Don’t delay!
89
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
Start your day right.
Ever y day.

Subscribe now!
r Didache P135 r Gabay P135
r Companion (4 Books) P490 *Freight cost P100 (provincial)
r Sabbath P275 *Freight cost P75 (provincial)

ORDER FORM
Name: B-day:
Address:
Telephone number(s): Date sent:
E-mail address:
❏ Cash ❏ Check ❏ Money Order
❏ Bank deposit thru BDO S/A No. 397-000070-4
or BPI S/A No. 0123-4832-94, Allied Bank S/A No. 3160-00255-7,
Metrobank S/A No. 3-2655-0807-4 (validated deposit slip enclosed)
❏ I am authorizing Equitable Card Network to charge my Visa/Mastercard
in the amount of P
Card number:

Expiry date:
Signature:

Please allow 4-5 weeks for the delivery of your first copy. If you don’t receive your
purchase after 5 weeks, please call Customer Service at (02)725-9999, 725-1115,
725-1190.
90
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests in the Stock Market
WHO ELSE WANTS TO LIVE A
FANTASTIC LIFE?
Thousands of people have transformed
their lives through the life-changing articles
and inspiring stories contained in this
monthly magazine that was cited as the
Best Family-Oriented Magazine in the 2011
Catholic Mass Media Awards and received
a Special Citation for the same category in
2012.
Subscribe now and start living a fantastic
life! Get a whole year subscription of 12 exciting issues for only P700.

ORDER FORM
Name: B-day:
Address:
Telephone number(s): Date sent:
E-mail address:
❏ Cash ❏ Check ❏ Money Order
❏ Bank deposit thru BDO S/A No. 397-000070-4
or BPI S/A No. 0123-4832-94, Allied Bank S/A No. 3160-00255-7,
Metrobank S/A No. 3-2655-0807-4 (validated deposit slip enclosed)
❏ I am authorizing Equitable Card Network to charge my Visa/Mastercard
in the amount of P
Card number:

Expiry date:
Signature:

How to Subscribe:

1. Accomplish the above form.

2. Send the accomplished form to us, together with your payment (payable to
Shepherd’s Voice Publications, Inc. for check or postal money order) or a copy of
your validated bank deposit slip with your name printed on it (for bank payment):
a. By mail: 60 Chicago St., Cubao, Quezon City
b. By fax: (02) 727-5615 or 726-9918
c. By email: subscription@shepherdsvoice.com.ph

3. Please wait for four to five weeks for the delivery of your first issue.

* Price subject to change without prior notice.


91
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila
My Maid Invests
in the
Stock Market…

92
Licensed to Rizaldy Valiente of Rizaldy Valiente 569B i. Reyes st Pasay Metro Manila

You might also like