Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Davao Christian High School

V. Mapa St., Calinan District, Davao City

Paghahambing na Pagsusuri Tungkol sa mga Positibo at Negatibong Epekto ng


Paglahok sa mga Social Media Sites ng mga Mag-aaral na nasa Ika-11 na Baitang
ng Davao Christian High School

Isinumite kay:
Gng. Regina Legaspi-Lee

Isinumite nina:
Michelle T. Tan
Jean Anne Angelene A. Logan
I. Introduksyon 1
A. Konseptong Papel 1
B. Paunang Kaalaman 3
C. Layunin ng Pag-aaral 3
D. Pahayag ng Tesis 4
E. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel 4
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel 5

II. Mga Kaugnay na Literatura 6


A. Depinisyon ng Social Media 6
B. Maikling Kasaysayan ng Social Media 6
C. Mga Pag-aaral Tungkol sa Positibong Epekto ng Social Media 6
D. Mga Pag-aaral Tungkol sa Negatibong Epekto ng Social Media 7

III. Metodolohiya 8
A. Disenyo ng Pananaliksik 8
B. Pamamaraan sa Pagpili ng Respondente 8
C. Tanungang Papel 8
D. Dokumentasyon 9

IV. Resulta 10
A. Mga Sagot sa Unang Katanungan 10
B. Mga Sagot sa Ikalawang Katanungan 13
C. Mga Sagot sa Ikatlong Katanungan 16
D. Pagsusuri ng mga Resulta 19

V. Kongklusyon at Rekomendasyon 22

VI. Bibliyograpiya 23
I. Introduksyon

Ang pamanahunang papel na ito ay binuo upang tumugon sa


requirement ng aming asignaturang Filipino. Ang layunin ng papel na ito ay
upang maisagot ang mga katanungang nais naming malaman sa kasalukuyan.
Ang napiling naming paksa para sa papel na ito ay tungkol sa mga epekto ng
paglahok ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang social media sites.

Unang-una, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Panginoon


sapagkat binigyan niya sila ng lakas upang mapagtagumpayan ang kanilang
pananaliksik. Ikalawa, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa kanilang
guro na si Gng. Regina Legaspi-Lee sa paggabay sa kanila at pagturo sa kanila
ng tamang paraan ng pagbuo ng isang sulating pananaliksik. Ikatlo,
nagpapasalamat din ang mga mananaliksik sa kanilang mga respondente
sapagkat hindi nila mapagtatagumpayan ang papel na ito kung hindi dahil sa
kanilang taos-pusong partisipasyon. Panghuli, nagpapasalamat ang mga
mananaliksik sa kanilang pamilya at mga kaibigan na tumulong at nagbigay
inspirasyon sa kanila.

A. Konseptong Papel

Ayon kay Rouse (2016), ang social media ay ang kabuuan ng


online na komunikasyon na kung saan maaaring magkaroon ng
interaksyon, magbahagi ng mga reaksyon, at magbahagi ng mga ideya ang
mga gumagamit nito. Ito ay nagagamit sa pamamagitan ng ating mga
mobile phones at ng internet. Sa kasalukuyan, hindi maikakaila na sa
patuloy na pag-unlad ng agham at teknolohiya ay halos lahat na ng
mamamayan saan mang panig ng mundo ay gumagamit nito. Ipinaliwanag
naman ni Bekoe (2011) na ang social media ay nag-aalok ng libreng
plataporma1 na kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan
na madaling makapagbahagi ng iba’t-ibang impormasyon at makipag-
ugnayan sa buong mundo. Dahil sa libre lamang ang paggamit nito sa
pamamagitan ng internet, hindi nagpapahuli ang mga kabataan sa
paglahok sa mga ito. Nagagamit ito ng mga kabataan sa maraming paraan.
Maaaring sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, maaaring sa
pagbabahagi ng mga impormasyon at larawan, o maaari ring panlibangan2.

1
Isang lugar na kung saan maaaring magbahagi ng mga ideya at impormasyon
2
Aliwan o panpalipas oras

1
Dahil nagiging bahagi na ito ng pang araw-araw na buhay ng mga
kabataan, mahalagang alamin ang mga mabuti at hindi mabuting
naidudulot nito sa kanila.

Nais ng papel na ito na malaman at tukuyin kung ano nga ba ang


epekto ng paglahok sa mga social media sites, kung ito ba ay nakabubuti o
nakasasama sa mga estudyante ng ika-11 na baitang ng Davao Christian
High School. Alam naman nating lahat na ang mga kabataan ay mahilig
gumamit ng social media sites dahil para sa kanila, ito ang nagiging tulay
upang sila ay magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga kaibigan at
mga kaklase. Ang social media rin ang nagiging libangan nila at
nagbibigay saya sa kanila lalo na kapag wala silang ginagawa sa kanilang
paaralan at bahay. Ngunit sa madalas na paggamit ng mga mag-aaral ng
social media, minsan ay nagreresulta ito sa kanilang kapabayaan sa
kanilang pag-aaral na nagiging dahilan ng pagbaba at pagbagsak ng
kanilang mga marka. Kaya’t nais ng papel na ito na malaman kung mas
nakabubuti ba o nakasasama ang paggamit ng social media sites sa mga
mag-aaral.

Sa kasalukuyan, karaniwan na ang pagkakaroon ng mga cellphone


at internet. Maging sa mga tahanan man, sa mga mall, at sa mga kapehan
ay mayroong internet connection o madalas na tinatawag na wifi. Dahil
dito, laganap 3 na sa mga kabataan ang paglahok sa iba’t-ibang uri ng
social media sites kaya’t hindi maiiwasan ang pagkakaroon nito ng
positibo at negatibong epekto sa kanilang pag-aaral.

Iminumungkahi4 ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng


sarbey sa pamamagitan ng tanungang papel o questionnaire sa ilan sa mga
mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng Davao Christian High School
tungkol sa mga mabubuti at masasamang dulot ng paglahok nito sa mga
social media sites sa kanilang pag-aaral.

Sa pananaliksik na ito, inaasahang makabubuo ng 20 pahinang


output na naglalayong maipaliwanag nang husto ang pag-aaral at ang
resulta. Inaasahan ding makapagbibigay ito ng mungkahi sa mga mag-

3
Karaniwan o uso
4
Pagbibigay ng suhestiyon o rekomendasyon

2
aaral tungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng social
media.

B. Paunang Kaalaman

Sa panahong ito, ang makabagong teknolohiya ay naging malaking


bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi maikakaila na
ang mga social media sites5 ay produkto ng mabilis na pag-unlad ng mga
ito. Sa pagkakaroon ng social media sites, mas napapadali ang
komunikasyon sa pagitan ng mga indibidwal. Ayon kay Writer (2013),
ang social media ay isang sistema ng komunikasyon na kung saan ang
gumagamit nito ay makabubuo, makapagbabahagi, at makapagpapalitan
ng impormasyon saan mang panig ng mundo gamit lamang ang internet.
Talagang napakadali na ang pagkalat at pagkuha ng mga impormasyon sa
kasalukuyan.

Dahil sa laganap na ang paggamit ng social media sites sa


panahong ito, iginiit ni Pamintuan (2014) na malaki ang impluwensiya
nito sa mga kabataan lalo na sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay
at pag-iisip. Ang mga kabataan ngayon ay may kanya-kanyang cellphone
na at iba’t-ibang gadget na kung saan sa isang pindot lang ay mahahanap
na nila agad ang mga nais nilang hanapin. Idinagdag pa niya na maaring
gamitin ang media sa dalawang paraan, ito ay sa masama o mabuting
paraan. Magagamit ito ng mga kabataan sa mabuting paraan kung
gagamitin nila ito sa pagpapalawak ng kanilang mga kaalaman at sa
paggawa ng mga proyekto sa paaralan. Samantala, magagamit naman ito
sa masamang paraan kung gagamitin nila ito sa panloloko sa kapwa at
pagpapakalulong sa paggamit nito.

C. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang epekto ng paggamit ng


social media sa mga kabataan. Maraming kabataan ang nalululong sa
matinding paggamit ng social media. Dahil ito marahil ay nagagamit sa
pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at opinyon kasama na rin ang
kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan at kaklase. Sa

5
Ang mga sites na ito ang kadalasan ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga tao gamit lamang ang mga
cellphone o kompyuter na mayroong internet.

3
social media rin nakapaghahanap ng mga impormasyon ang mga kabataan
upang sila ay maging updated sa mga bago at patok na mga balita sa
mundo. Ngunit mayroon ding pagkakataon na kung saan, ang social media
ay nagdudulot sa pagpapabaya ng mga kabataan sa kani-kanilang pag-
aaral at mga obligasyon sa kanilang mga tahanan. Nakakalimutan na rin
nilang magsikap at sagutin ang kanilang mga takdang-aralin dahil sa
pagbababad nila sa mga ito.

Kaya’t nais ng pag-aaral na ito na malaman kung ano-ano ang mga


positibo at negatibong epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Ika-11
na baitang ng Davao Christian High School. Ito ay upang malaman kung
nakabubuti bang masangkot o sumali ang mga kabataan sa mga social
media sites o makasasama ito sa kanila.

D. Pahayag ng Tesis

Laganap na sa mga kabataan ang paglahok sa iba’t-ibang uri ng


social media sites kung kaya’t hindi maiiwasan ang pagkakaroon nito ng
mga positibo at negatibong epekto sa kanilang pag-aaral.

E. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel

Inaasahan ng pag-aaral na ito na maihambing ang mga positibo at


negatibong epekto ng paglahok sa mga social media sites ng mga mag-
aaral na nasa ika-11 na baitang ng Davao Christian High School sa taong
pampaaralan 2016-2017.

Nilalayon din nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1) Ano-ano ang mga positibong epekto ng paglahok sa mga social
media sites ng mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang?
2) Ano-ano ang mga negatibong epekto ng paglahok sa mga social
media sites ng mga mag-aaral na nasa ika-11 na baitang?
3) Mas matimbang ba ang mga positibong epekto o ang mga
negatibong epekto sa paglahok ng mga mag-aaral na nasa ika-11
na baitang sa mga social media sites?
4) Ano-ano ang mga rekomendasyong maaaring ibigay sa mga mag-
aaral base sa resulta?

4
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa paglalahad ng mga


positibo at negatibong epekto ng social media sa mga mag-aaral na nasa
ika-11 na baitang ng Davao Christian High School sa taong pampaaralan
2016-2017.

Dahil ang mga mag-aaral ay kadalasang abala sa kanilang mga


pag-aaral, limitado o kakaunting impormasyom lamang ang aming
makakalap. Kung kaya’t nililimitahan namin ang pag-aaral na ito sa
sampung respondente lamang mula sa mga mag-aaral na nasa ika-11 na
baitang ng Davao Christian High School.

5
II. Mga Kaugnay na Literatura

A. Depinisyon ng Social Media

Ayon kay Nations (2016), ang social media ay isang uri ng


komunikasyong kinakailangan ng internet na kung saan nabibigyan ng
pagkakataon ang mga tao na makipag-ugnayan sa isa’t-isa sa
pamamagitan ng pagbibigay at pagkuha ng mga impormasyon.

Ipinaliwanag naman ni Ward (2016) na ang social media ay isang


uri ng usapan na nagaganap sa paggamit ng internet na kung saan
maaaring magbigay o magbahagi ng impormasyon ang mga gumagamit
nito. Mas napapadali na ang komunikasyon sa panahong ito sapagkat
isang gadget at internet lamang ang kakailanganin upang makipag-ugnay
sa mga tao saan mang sulok ng mundo.

B. Maikling Kasaysayan ng Social Media

Lahat ng bagay sa mundo ay may pinagmulan. Ayon kay


Hendricks (2013), ang unang klase ng komunikasyon noong unang
panahon ay sa pamamagitan ng mga sulat. Hindi pa kasi naimbento ang
social media noon. Hanggang sa naimbento ang mga kompyuters. Dito
nagsimula ang pagkakaroon ng e-mail o electronic mail. Nagkaroon na rin
ng mga blogs na kung saan pwedeng maglagay ng mga litrato at gawan ng
mga pamagat. Dito lumago ang paggamit ng social media na naging patok
na sa mga tao hanggang sa dumami na ang mga gumagamit.

Dahil sa pagsikat at paglago ng social media, dumami na ang mga


sites na naimbento upang mas magkaroon ng magandang koneksiyon sa
mga tao sa buong mundo. Tulad na lang ng Facebook, Twitter at
Instagram na sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin.

C. Mga Pag-aaral Tungkol sa Positibong Epekto ng Social Media

Ayon kay Santos (2017), ang social media ay nagagamit ng mga


mag-aaral sa kani-kanilang mga proyekto sa eskwelahan. Ginagamit nila
ito sa pagkuha ng mga impormasyon at pananaliksik. Ang mga mag-aaral

6
din ay minsan gumagawa ng mga groupchat sa facebook upang
magkaroon ng pag-uusap sa mga magkaka-grupo kahit nasa online man ito.

Ayon kay Dunn (2011), sa mundo ng social media, maraming


interaksiyon ang nangyayari. Sa pamamagitan ng social media, mas
gumaganda ang komunikasyon at koneksyon ng mga mag-aaral sa
kanilang kapwa.

D. Mga Pag-aaral Tungkol sa Negatibong Epekto ng Social Media

Ayon muli kay Santos (2017), ang mga mag-aaral ay sadya


talagang mayroong mga asignatura at mga takdang-aralin na kailangan
pag-aaralan at gawin sa bahay. Ngunit kapag ang isang mag-aaral ay
humawak o nakatuon na sa social media, mahirap na niyang mabitawan ito.
Nagreresulta naman ito sa kapabayaan at pagkawalang pakialam sa
kanilang mga gawain. Sa halip na mag-aral, sila ay nakatutok sa kanilang
mga cellphones at nakikipag-usap sa kani-kanilang mga kaibigan. Dahil
naman sa kapabayaan na ito, bumababa ang kanilang mga grado.

Ipinaliwanag naman ni Dunn (2011) na sa sobrang dami ng


impormasyong makikita sa social media, napipilitan ang mga mag-aaral na
umasa na lang dito at hindi na nagsisikap intindihin at basahing mabuti
ang tanong na nakabase dapat sa sariling pag-unawa nito. Ang mga mag-
aaral din na sinasabay ang paggamit ng social media sa pag-aaral ay
nagkakaroon din ng mababang academic performance.

7
III. Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang aming gagamiting disenyo sa pag-aaral na ito ay ang


penomenolohikal na disenyo sapagkat natutugmaan nito ang layunin ng
aming pag-aaral na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ukol sa
makatotohanang karanasan ng mga mag-aaral mula sa ika-11 na baitong
ng Davao Christian High School sa paggamit at paglahok nila sa mga
social media sites. Sapagkat karaniwan na lamang ang paglahok at
paggamit ng mga kabataan sa mga social media sites sa kasalukuyan,
napag-isipan namin bilang mga mananaliksik na mas mainam na tanungin
ang mga mag-aaral base sa kanilang mga karanasan kung negatibo ba o
positibo ang epekto ng paglahok nila sa iba’t-ibang social media sites. Sa
ganitong paraan ay mas mapagkakatiwalaan ang kalabasan ng pag-aaral
sapagkat nakabase ang mga ito sa totoong karanasan at opinyon ng mga
estudyante. Bilang mga mananaliksik, naniniwala kami na angkop ang
disenyong ito sa aming pag-aaral sapagkat maisasagot nito ang aming
pangunahing katanungan kung mas nakabubuti ba o naksasama ang
paglahok ng mga kabataan sa mga social media sites.

B. Pamamaraan sa Pagpili ng Respondente

Upang makakuha ng mga impormasyong kakailanganin sa pag-


aaral, gagamitan namin ito ng simple random sampling na kung saan ang
pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Ang napili naming respondente sa pagsusuring ito ay ang mga


mag-aaral na nasa ika-11 na baitang ng Davao Christian High School.
Mula sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral, kami ay pipili lamang ng
sampung mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng aming pag-
aaral.

C. Tanungang Papel

Ang instrumentong aming gagamitin sa pangangalap ng mga datos


ay ang tanungang papel o questionnaire na kung saan kakailanganin
lamang sagutin nang matapat ng mga napiling respondente ang mga

8
katanungang nakasaad sa papel. Ang layunin ng tanungang papel na ito ay
makakuha ng mga sagot at opinion mula sa mga estudyanteng kalahok sa
pananaliksik.

D. Dokumentasyon

Tanungang Papel Pagpili ng mga Respondente

Paghihingi ng Permiso sa Respondente

Pagsagot ng mga Respondente sa Tanungang Papel

9
IV. Resulta

Matapos likumin ang mga datos mula sa napiling sampung mga mag-
aaral ng ika-11 na baitang ng Davao Christian High School, ilalahad namin sa
bahaging ito ang mga resulta ng kanilang mga kasagutan.

A. Mga Sagot sa Unang Katanungan

1) Ilang oras ang inilalaan mo araw-araw sa paggamit ng mga social


media sites? Ano-ano ang ginagawa mo sa mga sites na ito?

Estudyante A

“Ang inilalaan ko na oras sa isang araw sa paggamit ng mga social


media sites ay 4-6 hours. Ang ginagawa ko sa mga sites na ito ay
tumitingin ng pictures, videos, tinitingin kung anong bago, at marami
pang iba.”

Pagsasalin
“Ang inilalaan ko na oras sa isang araw sa paggamit ng mga social
media sites ay apat hanggang anim na oras. Ang ginagawa ko sa mga
sites na ito ay tumingin ng mga larawan, video, titingnan kung anong
bago, at marami pang iba.”

Estudyante B

“Mga dalawang oras ang inilalaan ko araw-araw sa paggamit ng mga


social media sites. Tumitingin ako ng mga impormasyon gamit ang
mga sites sa internet.”

Estudyante C

“Kadalasan akong gumagamit ng social media sa aking cellphone pag-


gabi. Umaabot din ang paggamit ko ng mga 2 oras o higit pa. Ang
ginagawa ko lang ay kumonekta sa ibang tao.”

10
Estudyante D

“Higit sa limang oras ang inilalaan ko sa paggamit ng mga social


media sites. Sa mga sites na ito, nagso-scroll lang ako, tumitingin sa
mga videos at pictures ng mga tao.”

Pagsasalin
“Higit sa limang oras ang inilalaan ko sa paggamit ng mga social
media sites. Sa mga sites na ito, nagso-scroll lang ako, tumitingin sa
mga videos at larawan ng mga tao.”

Estudyante E

“Mga 2 hours average. Ako ay nagbro-browse, research, hanap ng


gamit o mag stream online.”

Pagsasalin
“Mga humigit kumulang dalawang oras. Ako ay nagbabasa-basa,
saliksik, hanap ng gamit o manood ng mga palabas sa internet.”

Estudyante F

“Naglalaan ako ng humigit kumulang na 8 na oras. Ginagawa kong


pang communicate ang mga site na ito katulad ng Facebook
(messenger) o di kaya’t nakakakuha ako ng impormasyon o mga
bagong balita tungkol sa mundo ng social media.”

Pagsasalin
“Naglalaan ako ng humigit kumulang na walong oras. Ginagawa kong
pakikipag-ugnay ang mga site na ito katulad ng Facebook (messenger)
o di kaya’t nakakakuha ako ng impormasyon o mga bagong balita
tungkol sa mundo ng social media.”

Estudyante G

“Kadalasan mga nasa 2-3 hrs lang ang nailalaan ko para sa social
media. Pag”search” ukol sa “current events” ang ginagawa ko.”

11
Pagsasalin
“Kadalasan mga nasa dalawa hanggang tatlong oras lang ang nailalaan
ko para sa social media. Pagsaliksik ukol sa mga isyung napapanahon
ang ginagawa ko.”

Estudyante H

“Approximately 6-7 hours everyday. Kadalasan ay naga scroll lang


ako through facebook or sometimes naga shopping ako sa insta.”

Pagsasalin
“Humigit kumulang anim hanggang pitong oras araw-araw. Kadalasan
ay nagbabasa-basa lang ako sa pamamagitan ng facebook o minsan
naman ako ay namimili sa insta (instagram).”

Estudyante I

“Hindi na ako madalas gumamit ng social media dahil para sa akin


nakakaisturbo ito at kumukuha ng oras ko. Pero, kung ako man ay
mag-online, ang madalas kong ginagawa ay manood ng videos at
makipag-chat sa aking mga kaibigan. Kapag sa twitter, tinitignan ko
lang kung mayroong mga tweets na maganda o kaya naman updates sa
paborito kong artista o singer. Kapag sa instagram, palagi akong
nanonood ng mga videos tungkol sa calligraphy, lettering, DIY, atbp.
Madalas, nagsscroll lang ako sa feed ko at maglike lang ng kung ano-
ano. Paminsan, magstalk ako sa mga paborito kong artista o mga
accounts na maganda ang feed. <3 Pero ngayon, hindi na ako masyado
gumuguggol ng oras sa social media. ”

Pagsasalin
“Hindi na ako madalas gumamit ng social media dahil para sa akin
nakakaisturbo ito at kumukuha ng oras ko. Pero, kung ako man ay
mag-online, ang madalas kong ginagawa ay manood ng videos at
makipag-usap sa aking mga kaibigan. Kapag sa twitter, tinitignan ko
lang kung mayroong mga tweets na maganda o kaya naman bagong
detalye sa paborito kong artista o singer. Kapag sa instagram, palagi
akong nanonood ng mga videos tungkol sa calligraphy, lettering, DIY,
atbp. Madalas, nagbabasa-basa lang ako sa feed ko at maglike lang ng

12
kung ano-ano. Paminsan, sinusubaybayan ko ang mga paborito kong
artista o mga account na maganda ang feed. <3 Pero ngayon, hindi na
ako masyado gumuguggol ng oras sa social media. ”

Estudyante J

“The whole day actually haha pero lowkey usage lang. Messenger lang
kasi gamit ko na social media and the main reason why I use it is
because of school. Online lang ako the whole day.”

Pagsasalin
“Buong araw pero konti lang ang aking ginagamit. Messenger lang
kasi gamit ko na social media at ang pangunahing dahilan ng paggamit
nito ay dahil sa paaralan. Online lang ako buong araw.”

B. Mga Sagot sa Ikalawang Katanungan

2) Sa papaanong paraan naktutulong sa iyo bilang isang mag-aaral ang


paglahok at paggamit ng iba’t-ibang social media sites? Ilahad at
ipaliwanag ang mga ito.

Estudyante A

“Bilang isang mag-aaral ang paggamit ng iba’t-ibang social media


sites ay nakatutulong sakin sa paglalahad ng kaalaman sa iba’t-ibang
bagay, kung ano na ang nangyayari sa mundo ngayon, at mga
impormasyon na hindi ko pa alam noon.

Extudyante B

“Nakakatulong talaga ang mga sites sa akin bilang isang mag-aaral


dahil naglalaman ito ng mga impormasyon na kailangan ko sa paaralan.
Dumadagdag ang aking kaalaman sa isang paksa dahil ito sa mga
social media sites.”

13
Estudyante C

“Nakakatulong ito sa pagkausap sa mga kagrupo pag may mga


proyektong panggrupo.

Estudyante D

“Nakatutulong sa akin bilang isang estudyante ang paglahok at


paggamit ng iba’t-ibang social media sites sa pamamagitan ng paraan
na nakikita ko sa mga kaklase ko kung may mga pagsusulit/takdang
aralin kaming dapat gawin.”

Estudyante E

“Mas madali makakuha ng mga impormasyon. Hindi na kailangan


humanap pa sa library, sa isang click may mga sagot na.”

Pagsasalin
“Mas madali makakuha ng mga impormasyon. Hindi na kailangan
humanap pa sa silid-aklatan, sa isang pindot lang ay may mga sagot
na.”

Estudyante F

“Nakakatulong ito sa pag research ko ng mga sagot sa katanungang


kailangan kong hanapan ng sagot.”

Pagsasalin
“Nakatutulong ito sa pagsaliksik ko ng mga sagot sa katanungang
kailangan kong hanapan ng sagot.”

Estudyante G

“Bilang isang mag-aaral, ang mga social media sites na ito ay


nakakatulong upang ma”update ako sa current events”. Halimbawa sa
aming English/Filipino class, paminsan ay nakapost sa FB ang mga
PT’s namin.”

14
Pagsasalin
“Bilang isang mag-aaral, ang mga social media sites na ito ay
nakakatulong upang malaman ko ang mga napapanahunang isyu.
Halimbawa sa aming Ingles o Filipino klase, paminsan ay nakasulat sa
FB (facebook) ang mga PTs (performance tasks) namin.”

Estudyante H

“Nakatutulong ang social media sa pagkuha ng impormasyon at balita.


Example sa Messenger. Nalalaman ko ang mga announcements sa
school through groupchats.”

Pagsasalin
“Nakatutulong ang social media sa pagkuha ng impormasyon at balita.
Halimbawa sa Messenger. Nalalaman ko ang mga anunsyo sa paaralan
sa pamamagitan ng mga groupchat.”

Estudyante I

“Nakatutulong ito upang ma-update ako sa mga bagong balita at para


madagdagan din ang kaalaman ko sa iba’t-ibang bagay. Mayroon
kasing mga videos na informative at mayroon ding inspirational na
magdudulot sa akin na magpatuloy. Nakakatulong rin ang social media
upang mabawasan ang aking stress dahil mayroong mga litrato at
videos na nakakaaliw at nakakatawa. May mga pagkakataon din na
makakatulong ako sa ibang tao through sharing informative stuff.
Nakatutulong rin ang social media upang malaman ko ang mga dapat
gawin o iskedyul ng mga events o quizzes. Dahil kung walang
Facebook, walang messenger, hindi ako ma-update. Isa pa, sa Youtube
maraming videos na nakakatulong sa akin upang mas maintindihan ko
ang isang paksa o lesson natinalakay sa paaralan.”

Pagsasalin
“Nakatutulong ito upang malaman ko ang mga bagong balita at para
madagdagan din ang kaalaman ko sa iba’t-ibang bagay. Mayroon
kasing mga videos na impormatibo at mayroon ding nagbibigay
inspirasyon na magdudulot sa akin na magpatuloy. Nakakatulong rin
ang social media upang mabawasan ang aking stress dahil mayroong

15
mga litrato at videos na nakakaaliw at nakakatawa. May mga
pagkakataon din na makakatulong ako sa ibang tao sa pamamagitan ng
pagbahagi ng mga impormatibong bagay. Nakatutulong rin ang social
media upang malaman ko ang mga dapat gawin o iskedyul ng mga
kaganapan o pagsusulit. Dahil kung walang Facebook, walang
messenger, hindi ko malaman ang mga ito. Isa pa, sa Youtube
maraming videos na nakakatulong sa akin upang mas maintindihan ko
ang isang paksa o aralin na tinalakay sa paaralan.”

Estudyante J

“It helps ‘cause it makes communication with people I work with


easier and I get to have answers from people agad.”

Pagsasalin
“Nakatutulong it sapagkat napapadali nito ang pakikipag-ugnayan ko
sa mga taong katrabaho ko at mas napapadali ang pagkuha ko ng mga
kasagutan mula sa mga tao.”

C. Mga Sagot sa Ikatlong Katanungan

3) Sa papaanong paraan naman nakasasama sa iyo bilang isang mag-aaral


ang paglahok at paggamit ng iba’t-ibang social media sites? Ilahad at
ipaliwanag ang mga ito.

Estudyante A

“Nakakasama ang paggamit ng iba’t-ibang social media sites sa akin


bilang isang mag-aaral sa pamaraan ng ito ay nagiging distraksyon
sakin para mag-aral at temptasyon para hndi gumawa ng takdang
aralin.”

Estudyante B

“Minsan nakasasama sa akin ang paggamit ng iba’t-ibang social media


sites dahil may mga sites na hindi tama at kung hindi ko talaga
susuriin ay baka makakuha ako ng mga maling impormasyon. Meron

16
ring mga social media sites na hindi maganda para sa mga tao kaya’t
nakakasama rin ito.”

Estudyante C

“Nawawala ang konsentrasyon ko sa pag-aaral at paggawa ng


proyekto.”

Estudyante D

“Nagiging distraksyon ito sa akin dahil sa halip na mag-aral ako ay


nagti-twitter ako at iba pang social media sites. Dahil dito, natatagalan
akong mag-aral.”

Estudyante E

“Minsan ito ay nagiging hadlang para sa pag-aaral.”

Estudyante F

“Nagdudulot ito ng negatibong epekto sakin dahil natatamad na akong


mag-aral kapag ako ay nalululong nang matagal sa social media.”

Estudyante G

“Ito ay masama dahil nauubos ang oras ko dito. Halimbawa, sa halip


na mag-aral, “I get distracted” sa mga social media sites.”

Pagsasalin
“Ito ay masama dahil nauubos ang oras ko dito. Halimbawa, sa halip
na mag-aral, ako ay nagagambala sa mga social media sites.”

Estudyante H

“Malaki itong distraction sa aking studies kasi sometimes instead na


magstudy ay naga Facebook na lang ako. And if distracted na ako,
maaaring mabagsak ako sa mga pagsusulit sa paaralan.”

17
Pagsasalin
“Malaki itong distraksyon sa aking pag-aaral dahil minsan sa halip na
mag-aral ako ay naga Facebook na lamang ako. At kung naguguluhan
na ako, maaaring mabagsak ako sa mga pagsusulit sa paaralan.”

Estudyante I

“Para sa akin, ang social media ay nakakaistorbo kaya kung maaari ay


iniiwasan kong gumugol ng oras diyan. Karamihan kasi ng kabataan
ngayon, mas pinipili nilang mag social media kaysa gawin ang dapat
nilang gawin. Naranasan ko din yan. Paminsan nga, habang
nagsosocial media ako, hindi ko na napansin yung oras. Dahil dito,
nalelate ako sa pagpasok ko sa school at hindi ko natatapos ang mga
gawain ko kaya napipilitan akong magpuyat o magcram. Ang social
media ay isa sa mga rason kung bakit hindi ako productive.  Isa rin
yan sa rason kung bakit ako laging nalelate. Lagi kasi akong late
matulog at ito ay dahil nanonood ako ng videos sa Youtube o
Instagram. Dahil late ako matulog, late din ako magising. Domino
effect. Paminsan din, hindi na ako nakakapag-aral dahil nakatutok lang
ako sa aking cellphone nag social media. Kaya naman, ngayon
iniiwasan ko nang mag-online. ”

Pagsasalin
“Para sa akin, ang social media ay nakakaistorbo kaya kung maaari ay
iniiwasan kong gumugol ng oras diyan. Karamihan kasi ng kabataan
ngayon, mas pinipili nilang mag social media kaysa gawin ang dapat
nilang gawin. Naranasan ko din yan. Paminsan nga, habang
nagsosocial media ako, hindi ko na napansin yung oras. Dahil dito,
nahuhuli ako sa pagpasok ko sa paaralan at hindi ko natatapos ang mga
gawain ko kaya napipilitan akong magpuyat o magcram. Ang social
media ay isa sa mga rason kung bakit hindi ako nakakapagtapos ng
mga gawain.  Isa rin yan sa rason kung bakit ako laging nahuhuli.
Lagi kasi akong gabi na matulog at ito ay dahil nanonood ako ng
videos sa Youtube o Instagram. Dahil gabi na ako matulog, nahuhuli
din ako magising. Pagkakasunod-sunod na epekto. Paminsan din, hindi
na ako nakakapag-aral dahil nakatutok lang ako sa aking cellphone nag
social media. Kaya naman, ngayon iniiwasan ko nang mag-online. ”

18
Estudyante J

“Nakakadistract ang social media sa school work. Like imbis na


magcoordinate ako with my groupmates about sa project kay
magchikka lang ako with them.”

Pagsasalin
“Nakakaisturbo ang social media sa mga gawain sa paaralan.
Halimbawa, imbis na makipagtulungan ako sa aking mga kagrupo
tungkol sa proyekto ay nakikipag-usap lang ako sa kanila.”

D. Pagsusuri ng mga Resulta

Mga Positibong Epekto Ayon sa mga Respondente

1) Madaling Pagkuha ng Impormasyon


Ayon sa mga respondente, mas napapadaling kumuha ng mga
impormasyon gamit ang mga social media sites sapagkat sa isang click
lang ay agad mo nang nakukuha ang mga kasagutan o impormasyong
iyong kakailanganin.

2) Dagdag Kaalaman
Dagdag kaalaman daw ang paglahok at paggamit ng mga social
media sites sapagkat maraming impormasyon ang kanilang nakikita sa
pagbabasa-basa ng mga ito. Dahil dito, nakakukuha umano sila ng mga
impormasyon na nakadadagdag sa kanilang mga kaalaman.

3) Nakakapag-ugnayan sa mga Tao


Talaga namang mas mapapadali ang pakikipag-ugnayan
ngayon sa mga tao saan mang panig ng mundo dahil sa patuloy na
pag-unlad ng mga teknolohiya. Para sa mga respondente, nakatutulong
ang mga social media sites upang makapag-ugnayan sila sa kanilang
mga kagrupo sa mga proyektong pampaaralan.

4) Nalalaman ang mga Kaganapan sa Paaralan


Ayon sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng mga social media
sites ay nalalaman nila ang mga anunsyo sa paaralan kung mayroon
bang mga pagsusulit o takdang-aralin.

19
5) Nalalaman ang mga Napapanahunang Isyu
Dahil sa napakadali na lamang ang pagbahagi ng mga
impormasyon gamit ang mga social media sites, nagiging daan na ito
upang malaman ang mga napapanahunang isyu at mga balita. Sa
pamamagitan nito, nalalaman ng mga mag-aaral kung ano-ano ang
mga nangyayari sa kanilang bayan o kapaligiran.

6) Nababawasan ang Stress


Ayon sa isang respondente, nakatutulong umano ang mga
social media sites upang mabawasan ang stress na kanyang
nararanasan dahil mayroon itong mga litrato at videos na nakatatawa at
nakaaaliw.

Mga Negatibong Epekto Ayon sa mga Respondente

1) Distraksyon
Ayon sa mga mag-aaral, nagiging distraksyon umano ang mga
social media sites sa kanilang pag-aaral. Sa halip na sila ay mag-aral,
naaaliw sila sa paggamit ng mga sites na ito. Dahil sa distraksyong
dulot ng mga social media sites, minsan ay nanatagalan na sila sa
kanilang pag-aaral at maaring mabagsak sa kanilang mga pagsusulit.

2) Temptasyon
Ang mga social media sites ay talaga namang nakaaaliw kung
kaya’t nagiging temptasyon ito sa karamihan ng mga mag-aaral na
hindi gumawa ng mga takdang-aralin.

3) Nawawala ang Konsentrasyon


Kadalasan, dahil nawiwili na ang mga mag-aaral sa paggamit
ng mga social media sites ay nawawala na ang kanilang konsentrasyon
sa paggawa ng mga proyekto at pag-aaral sa mga pagsusulit kung
kaya’t hindi na gaanong maganda ang kalabasan ng kanilang mga
gawain at resulta.

4) Natatamad
Para sa mga mag-aaral, ang paglululong nang matagal sa mga
social media sites ang nagiging dahilan kung bakit natatamaran na
silang gumawa ng mga bagay-bagay.

20
5) Nauubos ang Oras
Sa kawilihan ng mga mag-aaral sa mga social media sites ay
nauubos na ang mga oras nila rito. Ayon sa mga respondente, sa halip
na mag-aral sila ay napupunta sa mga social media sites ang kanilang
mga atensyon at dahil din dito ay hindi natatapos ang kanilang mga
gawain at hindi na sila nakapag-aaral.

6) Nagpupuyat
Para naman sa isang mag-aaral, nagpupuyat siya dahil sa
paggamit ng mga social media sites sapagkat nakakaaliw umano ito.
At sa patuloy na pagpupuyat nito, kadalasan ito ang nagiging sanhi ng
pagiging huli sa klase.

7) Hindi Maganda at Tama ang mga Impormasyon


Dahil sa napakadali lamang maglagay ng mga impormasyon sa
mga social media sites, hindi maiiwasan na mayroon mga hindi
maganda at tama na mga impormasyon ang nailahahad doon.

21
V. Kongklusyon at Rekomendasyon

Kongklusyon

Base sa aming pag-aaral, makikita na mas matimbang ang mga


negatibong epekto sa paglahok ng mga mag-aaral na nasa ika-11 na
baitang sa mga social media sites. Naniniwala ang mga mag-aaral na
nakaaapekto sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pamumuhay ang
paglahok at paggamit ng mga social media sites sapagkat nakadudulot ito
ng distraksyon, temptasyon, pagkawala ng konsentrsyon, katamaran,
pagka-ubos ng oras, pagpupuyat, at pagkuha ng mga hindi maganda at
tamang impormasyon. Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi naman
naglalayo ang mga bilang ng mga positibo at negatibong epekto ng mga
ito kung kaya’t maari pa ring maging mabuting daan ang mga social media
sites sa kanilang pagkatuto at pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.

Rekomendasyon

Inirerekomenda namin sa lahat ng mga mag-aaral na iwasan nilang


malululong sa paggamit ng mga social media sites sapagkat maraming
negatibong epekto ang mga ito. Mas mabuting gamitin nila ang mga ito
nang mabuti upang ito ay maging daan para sila ay makakuha at makatuto
ng maraming impormasyon at makapag-ugnayan sa kanilang mga
kaibigan at mahal sa buhay. Maaari nila ito gawing libangan upang
mabawasan ang kanilang mga stress ngunit huwag nila abusuhin ang
paggamit ng mga ito na maaari nang humantong sa pagkapabaya nila sa
kanilang mga pag-aaral at prayoridad sa buhay.

Inirerekomenda naman namin sa lahat ng mga magulang na


bantayan at gabayan nang mabuti ang kanilang mga anak sa paglahok at
paggamit nila ng mga social media sites. Siguraduhin dapat nila na
positibo ang magiging epekto ng mga ito sa kanilang mga anak at hindi
negatibo.

22
VI. Bibliyograpiya

Bekoe, K. (2011). “The Effect of Social Media on Today’s World.” Voices of


Youth. galing sa http://www.voicesofyouth.org/posts/the-effect-of-
social-media-on-todays-world
Dunn, J. (2011). “The 10 Best and Worst Ways Social Media Impacts
Education.” galing sa www.edudemic.com/social-media-education/
Hendricks, D. (2013). “Complete History of Social Media: Then and Now.”
galing sa https://smallbiztrends.com/2013/05/the-complete-history-of-
social-media-infographic.html
Nations, D. (2016). “What is Social Media? Explaining the Big Trend.” galing
sa https://www.lifewire.com/what-is-social-media-explaining-the-big-
trend-3486616
Pamintuan, E.V. (2014). “Ang Mga Impluwensiya ng Media sa mga
Kabataan.” galing sa http://thewonder-
projects.blogspot.com/2014/08/ang-mga-impluwensiya-ng-media-sa-
mga.html?m=1
Rouse, M. (2016). “Social Media.” galing sa
http://whatis.techtarget.com/definition/social-media
Santos, M.K.G. (2017). “Social Networking Sites: Ang mga Epekto Nito sa
mga Mag-aaral.” galing sa https://www.teacherph.com/social-
networking-sites-ang-mga-epekto-nito-sa-mga-mag-aaral/
Ward, S. (2016). “Social Media Definition.” galing sa
https://www.thebalance.com/social-media-definition-2948526
Writer, F. (Hunyo, 2013). “Ano ang Social Media?” galing sa
http://www.freelancepilipinas.org/2013/06/ano-ang-social-media.html

23

You might also like