Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

+-

Mga Ibong Mandaragit


(Birds of Prey)

Ni Amado V. Hernandez

Burador

Sinuri ni:
John Mar E. Palinis

Iniharap kay:
Bb. Arramae Maestrocampo

BSEE I – A
A. BUHAY NG AWTOR

Si Amado V. Hernandez ay isasa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y


isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng
kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang
National Artist ng Pilipinas.
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging
tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang
kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang
makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala
sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang
Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa
pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang
Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung taon, muling
inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito.
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang
kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang
kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural
Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit
ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya
ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay
maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.
Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild
(PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo
si Ka Amado ng CLO noong 1947.
Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-
gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram
Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO,
nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining
Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna-
unahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may
83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng
CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang
Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa.
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa
kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon,
Impormasyon at Panana-liksik.
Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa,
noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado. Limang buwang inkomunikado si
Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo) bago naiharap ang pormal na sakdal
sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion complexed with other crimes”. Ibinaba ang
hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang taon at anim na buwan.
Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame, Fort McKinley,
at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang
“Isang Dipang Langit”.
Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at
noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala.Mula 1958 hanggang 1961,
nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula.
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa
Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng
NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers
meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London
kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang “war
criminal” sa Biyetnam.
Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo.Nagsulat siyang
muli at naging editor ng Ang Masa.
Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973,
iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for
Literature) ng Pilipinas.

B. KASAYSAYAN NG AKDA

Ang salaysay, ay naglalarawan ng pagnanasa ni Amado V. Hernandez para sa


pagbabago at ang pagtataas ng katayuan ng lipunang Pilipino at pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang kaganapang ito ay nasa kalagitnaan ng 1944, nang ang pagkawala ng armadong pwersa
ng Imperyo ng Hapon.
Ang nobela ay nagsisilbing sumunod sa makasaysayang Noli Me Tangere at El
filibusterismo ni Jose Rizal. Ang kalaban na si Mando Plaridel ay sinubok ni Tata Matyas,
isang lumang rebolusyonaryo, sa kanyang kaalaman tungkol sa mga nobelang ni Rizal at
Rizal. Katulad ng nobelang ni Rizal, ang pangunahing karakter ay sumusuri sa Pilipinas
bilang tagalabas habang naglalakbay sa Europa. Ang nobela ni Hernandez ay tumutukoy din
sa paghahanap ng pangunahing karakter sa kayamanan ni Simoun, na kumikilos bilang
pagpapatuloy ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang nobela ay naglalarawan ng mga kondisyon
ng mamamayan sa pagsisimula ng industriyalisasyon na dinala ng mga Amerikano sa
Pilipinas. Ang Mga Ibong Mandaragit ay isinalin sa wikang Ingles at Ruso.
C. TEORYANG PAMPANITIKAN

Mga Ibong Mandaragit ay isang Nobelang Pangsosyopolitika. Ito ay nagpapakita ng


pagbabago at pag-aangat ng lipunan. Katayuan ng pamumuhay at kabuhayan ng mga
Pilipino. Naisalin ito sa Wikang Ingles at Ruso.
Ang nobela ay kinakitaan ng Pananaw Realismo.Masasabing ito’y nagtataglay ng
ganitong pananaw sapagkat ito ay nagpapakita ng katotohanang kinahaharap ng maraming
Pilipino. Makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad ng mga pangyayari na tila ba’y
tumutulay sa mga mambabasa upang ipag-ugnay ang agos ng kwento sa realidad.
.
Ito rin ay nagtataglay ng Pananaw Marxismo. Litaw na litaw kaagad sa simula pa
lang ng nobela ang tunggalian sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ipinakita rito na ang
mga taong inapi ay nagkaisa upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan .

D. PAMAGAT NG NOBELA

Mga Ibong Mandaragit ang pamagat ng libro dahil sumisimbolo ito sa hindi
pagkakapantay-pantay ng tingin samga tao sa lipunan. Sa libro makikita ang diskriminasyon
sa kulay, ginagamit itong basehan kung ano ang katayuan ngisang tao. Kung maputi ka,
mataas at magaling ka ngunit kung ikaw ay maitim, kahit anong gawin mo mababa pa din
ang magiging pagkilala at pagtingnin sa‟yo ng mga tao. Para itong mga ibon na iba-iba ang
sukat, kung ito ay malaki, ito’y kakatakutan, tila ba ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
Sa isipan nito lahat ay takot sa kanya, kungkaya makukuha niya anuman ang gustuhin niya

E. TAUHAN

Protagonista:

Antagonista:
 Don Severo at Doña Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-
abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain.
Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang
magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring mahalintulad sa
matakawa na buwaya.
 Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at
kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang
dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber na baril saan man magpunta.
F. TAGPUAN

1) Sampilong
Sa bayang ito, sa isang probinsya sa kalagitnaang Luson, halos naganap ang mga pangyayari
sa nobela. May nagsasabing ang “Sampilong” ay nagmula sa pinaikling pangalan ni San
Teofilo. Meron din namang nagsasabi na ito’y mula sa “sampal o tampal sa ilong” ng isang
dalagang tagabaryo sa kurang banyaga.

a. Pagupitan ni Tinoy

Sa lugar na ito unang nadaan si Bandong nang siya’y dumating. Dito rin
tumatambay ang mga magsasaka habang nagpapahinga.
b. Ang Kabukiran ng Sampilong

Dito idinaos ang paggapas ng mga ani, at ito ang dahilan ng pagtutunggali ng mga
tauhan.
c. Bahay na bato ng mga Grande

Dito nakatira ang mga Grande pati na rin ang mga magsasakang naglilingkod
sa kanila, ngunit hindi tumatanggap si Donya Leona ng mga iskwater sa kanilang
lupa. Dito din idinaos ang handaan para sa pagdating nina Ninet at Jun.
d. Tahanan ni Nana Oris

Dito kasalukuyang naninirahan si Bandong at ang kanyang tiya na si Nana Oris.


e. Bahay-Paaralan sa Sampilong

Dito nagtatrabaho si Bandong bilang isang guro at siya’y lumalagi dito kahit
‘di pa pasukan. Ito ay natupok nang gamiting himpilan ng mga Hapones na muling
naipatayo pagkatapos ng digmaan.
f. Tahanan ni Mang Pablo

Dito kalimitang bumibisita si Bandong upang makita si Pina.


g. Tahanan ni Hulyan

Dito ibinurol ang bangkay ni Sepa, at dahil sa kanyang pagkamatay ay nabuo


ang unyon ng mga magsasaka.
h. Bagong Nayon

Dati itong tambakan na kung saan naninirahan si Andres at ang ibang mga
iskuwater. Ito’y nagbago dahil kanila itong inayos at pinaganda para sa pagtatayo ng
“cottage industry”.
2) Baguio
Dito nagtungo ang anim na magkakaibigan, Jun, Ninet, Pil, Bining, Marybee, at Dan, upang
magbakasyon, na ang kariktan ng lungsod ay halos pangkaraniwan na dahilan sa malimit nila
itong tunguhin.

3) Maynila
Dito nagmula sina Andres at Sedes bago sumiklab ang digmaan.Sa kabisera ring ito nagtungo
sila Bandong, Pina, Dinong, Andres, at Sedes upang humingi ng tulong sa isang abugadong
kakilala ni Bandong noong siya’y nag-aaral pa lamang.

F. BUOD
Ang Sampilong ay isang probinsyang puno ng malawak na lupain na pag aari ngng
mga Grande. Ang pangunahing hanapbuhay dito ay ang pagsasaka. May mangilan-ngilan
ding lupaing pag aari ang iba tulad nina Mang Pablo, Ba Inte, Nana Oris , at Maestro
Bandong ngunit di gaaanong kalakihan. Sa loob ng isang taon ay isang beses lang nakapag
aani kaya't kung araw ng anihan, ang lahat ay naroroon ngunit kapansin-pansin ang hirap na
dinaranas ng mga magsasaka sa lupain ni Donya Leona. Si maestro Bandong ay tumutulong
na lang sa pagsasaka kina Mang Pablo kung bakasyon dahil ang kanilang lupa ay pinasasaka
na lang sa ibang taga-nayon.
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng
lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa
Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa
karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at
Donya Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa
kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula
sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang
mga magsasaka hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man.
Sila'y laging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga
mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay ilang araw matapos ang
handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang
hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang
maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na
magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga
karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay
namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga
mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang
kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga
mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga
balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni
Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang
matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang
mga may galit sa kanya at tahasan na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga
maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa
harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande.
Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay
pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang
mga inosenteng mahihirap at nabigyan ang mga ito ng hustisya. Nagwagi ang mga taga-
Sampilong sa mga kasong isinampa nila at ibinalik kay Andres. Ang mag-asawang Grande ay
lumuwas na rin sa Maynila at hindi na muling nagpakita pa sa nayon. Si Bandong naman ay
napapayag ding mamumo ng isang taon sa paaralan at napagkasunduan ng mga taga-
Sampilong na kakandidato siya bilang Alkalde. Naipasya rin niya na magpakasal na sila ni
Pina
G. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI

a. Introduksyon
Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng
lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa
kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagangprinsipal, si Maestro Putin.
Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang
Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at
magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares
sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga
manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng
pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya
Lena.
b. Papataas na Aksyon
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito.
Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon
ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang
manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga
kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa
kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag
nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare
Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang
itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
c.Kasukdulan
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos
kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na
tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di
Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na
inaanak naman sa kasal ng asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga
magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong
sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong
nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa
nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Intern na si Andres ay apo
sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa
Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay itoay napasalin sa mga magulang
ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay .Sa pagtatanong ni Andres sa
kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at
pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na
karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong.
Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa
Sampilong.
Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Dislaw si Pina, mabuti na
lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay
si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.
d. Kakalasan
Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa
kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na
lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang
pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno
ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater.
Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay
Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig,
dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni
Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat
naman ni Sedes kay Badong.
Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa
hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo ,
hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa
Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyonat naging paralisado nang
maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at
tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat
aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang
ang mga bata.
Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang
alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
e. Wakas
Napawalang bisa ang usapin laban kay Maestro Bandong at ibinalik sa pagiging
Punongguro. Sa kabila nito ay pinili niyang maging isang magsasaka. Nagwagi ang
mga taga Sampilong sa mga kasong isinampa nila laban sa Pamilya Grande. Sa tulong
ng Maestro ay naibalik kay Andres ang lupain. Sa kabilang banda ay lumuwas ng
Maynila ang mag asawang Grande at hindi na muling nagpakita sa nayon.
Nang maglaon ay namunong muli sa Maestro Bandong sa paaralan sa loob ng isang
taon. Napagkasunduan din ng mga taga Sampilong upang ihalal si Bandong sa
kandidatura ng pagiging Alkalde ng nasabing lugar. Nabigyang katuparan din ang
pag-iisang dibdib nila ng sinisintang si Pina.

H. TUNGGALIAN

Dalawang tunggalian ang nakapaloob sa nobela. Ito ay tao laban sa tao at tao laban sa
lipunan. Masasabi nating nangyari ang mga tunggaliang ito sa pakikibaka nina Bandong at
Andres laban sa kanilang mga pansariling hangarin sa buhay.
Sumiklab ang tunggalian sa pamamagitan ng pagpapatayo ng isang unyon ng mga
magsasaka na di nagtagal ay nakarating sa Pamilya Grande sa pamamagitan ng kanilang
tauhan na si Dislaw na karibal ni Bandong sa magandang dilag na si Pina. Patuloy na umiral
ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay
'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at inihabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang
mga plano laban sa Pamilya.
Di nagtagal ay nasuspindi sa pagiging Punongguro si Maestro Bandong dahil sa
pagtulong sa nasabing unyon. Sa kabila nito, hindi ito naging dahilan upang tulungan niya si
Andres upang alamin kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng lupaing inangkin ng Pamilya
Grande matapos pumutok ang balitang si Andres ang tagapagmana nito. Nagbunga ito ng
patung-patong na kaso laban sa kalupitan Pamilya Grande na umabot sa korte.
I. REPLEKSYON

Masasalamin sa nobela ang masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka


at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa
Pilipinas.Ipinapakita rito ang matinding damdamin na mahihimok mula mambabasa sapagkat
tinatalakay nito ang iba’t ibang isyung panlipunan maging ang sitwasyon at kalagayan nito.
Bukod pa rito, kapansin-pansin na hindi lamang sa mga panahon ng pagkakasulat at
timeframe ng kwento nagaganap ang mga nasabing pangyayari kundi pati na rin sa
kasalukuyang panahon. Makikita sa nobela ang impluwensya ng pagiging labor leader ni
Amado V. Hernandez. Tila nagamit niya rin ang kanyang karanasan bilang batikang
peryodista upang makasulat ng mga makatotohanang pangyayari.
Makikita ang makulay na paggamit ng mga tauhan sa nobela. Gayundin ay mainam na
naipakita ang ibat-ibang simbolo na ginamit sa kwento. Matalinong naipahayag ang mensahe
ng nobela. Matinding damdamin ang naipadarama sa mambabasa sa paghahayhay ng kwento.
Kapupulutan ito ng maraming aral at mag iiwan ng kakintalan sa isipin ng mga adhikaing tila
nais pag-alabin sa nasabing nobela.
Naipakita rin ang gampanin ng ibang sector ng lipunan sa kwento. Ipinapahiwatig nito
na Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa at magsasaka sa pag-angat ng
ating lipunan. Sa kabila nito ay nakararanas sila ng pang-aalipusta at pang-aapi. Ang
oportunidad sa mas malaking kita ay nakaatang sa mayroong malalakas na impluwensya sa
lipunan. Napag-iiwanan at natatakpan ng pagbabalatkayo ang hinaing ng mga mamamayan.
Naipapakita rin an Marxistang pananaw sa nobela na maihahalintulad sa
ekonimistang si Karl Marx. Ang ideya ng komunusmo ang nagbigay daan sa mnga
mangagagawa upang mapangalagaan ang kani-kanilang karapatan laban sa kanilang mga
amo. Bunsod ng pinagsamang implikasyon ng hindi pagkakapantay-pantay kaya’t minabuti
ditto ang pagbibigay interes ng mga mangagagawa sa halip na mapunta ang higit na kita sa
mga nagmamay-ari ng iba’t ibang ari-arian.
Mariin ding ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaisa upang kamtin ang layunin na
para sa makabubuti. Ang pagtatanggol sa karapatan ng bawat isa ay mahalaga upang hindi
abusuhin at apak-apakan ng ibang tao. Malaki ang gampanin ng bawat isa upang tumayo sa
sariling mga paa at maisaboses ang mga hangarin na maisasakatuparan sa pamamagitan nfg
magkakataling adhikain ng bawat isa.
Ang paglikha ng may-akda ng maraming tagpuan sa nobela ay nakatulong ng malaki
upang ang mga pangyayari ay maipahayag ng mabuti sa mga mambabasa. Ang kuwento ay
halos umiikot lamang sa bayan ng Sampilong, kung saan ito’y katatagpuan ng maraming
lugal. Ang Maynila at Baguio ay ginamit din sa kuwento dahil ipinakita rito ang wala sa
Sampilong. Ang Baguio ay pinuntahan nina Ninet at Jun, kasama ang kanilang mga kaibigan,
upang sila’y makapamasyal. Sa Maynila naman ay upang humingi sila ng tulong sa isang
abugadong kakilala ni Bandong. Kahit na maraming tagpuan ang ginamit ay malaki ang
naging tulong ng bawat isa upang mabigyang halaga ang bawat pangyayaring naganap sa
mga nasabing lugal.
Ang mga tauhan sa nobela ay naibigan ko naman kahit papaano, kahit na ang iba ay
sadyang nakakainis dahil lamang sa naging papel nila sa kuwento. Nagawang magamit nang
mahusay ang bawat tauhan ng may-akda sa kanyang akda. Ang bawat isa ay may mahalagang
papel sa kuwento kahit maliit lang.
Ang aking napansin habang ako’y nagbabasa ay may nakita akong mga “typographical error”
sa nobela. Hindi ito dahil sa mga sinabi ni Mister Danyo kung ‘di ay dahil sa mga salitang
dapat ganito ang pagkabaybay ay naging ganire. Isang halimbawa nito ay may isang
pagkakataong inakala kong isang bagong tauhan ang ipinakilala (Tasto, p. 21) ngunit si Tasyo
lang pala ito. Hindi lang ang mga kamalian ang aking napansin ay may natutunan din akong
mga bagong salita upang idagdag sa ‘king bokabularyo.
Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng
Buwaya dahil ito ay tungkol samasaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at
mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari
ng mga malawak na lupain at ng mga inaaping magsasaka at manggagawa na walang
magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng Buwaya ay
hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang
sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa akdang ito, ang mga mayayaman o makapangyarihang
tao ay ipinairal ang kanilang pagiging sakim. Sa pagiging sakim ng makapangyarihang tao,
ang mga mahihina o mahihirap na tao ay tulong-tulong na makamit nila ang kanilang
karapatan ukol sa katotohanan. Sa katapusan, ang mga makapangyarihang sakim na tao ay
bumagsak, lumantad ang kanilang kasinungalingan at nakaranasng karma. At ang
katotohanan at karapatan ng tao ay nanaig dahil narin sa pagtutulungan.

J. GINTONG ARAL

Katangi-tangi ang siyang may bukal na kalooban at siya naming kinapopootan ang
mapagbalatkayo sa lipunan. Kailanman ay hindi ikapapahamak ng matuwid ang kalinisan ng
budhi. Kakambit nitong taglay ay ang adhikaing para sa nakabubuti ng nakararami. Iligaw
man ng landas ng mga pilit nambubulusok ay hindi ito kailnamn magpapatinag. Nabigyang
patotoo sa nobela na ang taong matuwid ay tila isang bato. Hindi kailanman masisibak sa
anumang hamon ng buhay. Sa halip ay kasangkapan ng matibay na moog at pundasyon ng
kabutihan. Samantala, ang mapagpanggap ay huwad at duwag sa katotohanan. Hindi
kailanman sasapit sa rurok ng tagumay ang mga taong pilit tumatakas sa liwanag ng
katotohanan.
Walang hindi makapangyayari sa pinagsamang tibay ng loob at mabuting hangarin.
Ang pagiging mapanuri, matapang at matulungin ay mabisang susi upang mabigyang
hustisya ang katotohanan. Ipinakikita rin sa nobela ang tapang sa pagtayo sa sariling mga paa
upang kailanman ay hindi ipagsawalang bahala ang ating mga karapatan.
Ang pagkakaroon ng boses ay maaaring maging simulain upang mamulat sa
katotohanan. Ang pagiging mapanuri ay maipakikita sa pamamagitan ng hindi pagbibingi-
bingihan sa katotohanan, ang kakayahang timbangin ang mabubulaklak na sigaw ng
kasinungalingan laban sa impit na bulong ng katotohanan. Higit sa lahat ay ang pagiging
matulungin. Matulungin hindi lamng sa kapwa, lalo’t higit sa ating mga sarili. Marapat
lamang na hindi magpadala sa huwad na mga hinaing sa ating paligid, bagkus ay pairalin ang
pagtulong sa sarili upang ipaglaban ang karapatan at mamulat sa katotohanan upang harapin
ang hamon ng buhay ng walang halong pagbabalatkayo.

K. SUHESTIYON

Tanging sa pagiging mapagmatyag sa katotohanan ang magmumulat sa atin laban sa


mga huwad. Nararapat maging mapanuri upang hindi maging sunud-sunuran sa mga
mapagbalatkayong indibidwal. Kinakailangan din maging matapang upang ipahayag ang
ating mga saloobin at adhikain. Ang pagkakaisa ng mabubuting adhikain ay pananaw sa
buhay ay maaaring magbunga ng matamis sa tagymapay. Marapat na isantabi ang takot at
pangamba upang hindi maipagsawalng bahala ang naaapakang karapatan. Sa halip ay
mainam na magkaroon ng matibay na kalooban na hindi matitibag sa anumang hamon ng
buhay.

L. SIMBOLISMO

Mariing pinasinayaan ang pagbabalatkayo sa pamamagitan pa lamang ng pamagat ng


nobela. Ang “Luha ng Buwaya” ay sumisimbolo sa dalawang mabigat na katotohanang ating
kinakaharap. Ang luha ay pumapatungkol sa “pagkaawa” na nais kamtin ng karamihan sa
atin. Sa pamamagitan nito ay nakapupukaw ito ng atensyon at interes ng mga
makapangyarihan at maimpluwensya sa lipunan. Subalit, hindi lahat ng butyl ng luha ay
kakambit ng lumbvay at mabting hangarin ng puso. Kaakibat din nito, sa ilang pagkakataon,
ang halakhak na nakakubli sa mapagbalatkayong mga luha. Ginamitang luha sa nobela bilang
paraan ng panlilinlang upang makaakit ng interes mula sa mga tao.
Samantala, ang buwaya ay kilala sa pagiging matapang at agresibo. Bukod pa rito,
kilalal bilang sakim, matakaw at gahaman ang mga buwaya.Katulad na lamang ng pamilyang
mapang-apimsa nobela, tila sila mga buwaya. Maiuugnay ito sa Arketipal na Pagdulog sa
panitikan kung saan ay sumasalamin ang buwaya sa mapang-abus-ong mayaman tulad na
lamang ng Pamilya Grnade. Sa pamamagitan ng luha ay nagiging mapagbalatkayo ang ilan sa
mga tauhan upang unti-unting makagawa ng paraan upang masakmal ang mga naaapi upang
makuha ang kanilang mga ninanais.

M. SANGGUNIAN

Arnel, M. (2014).Luha ng Buwaya. Gabay ng Mag-aaral, mula sa


https://teksbok.blogspot.com/2013/02/luha-ng-buwaya.html?m=1 [28 Apr. 2019].
Ayuda, P. (2012). Luha ng buwaya nobelang Tagalog. WorldCat.org, mula sa
https://www.worldcat.org/title/luha-ng-buwaya-nobelang-tagalog/oclc/586365937 [28 Apr.
2019].

Bituin, G. (2018). Talambuhay ni Ka Amado V. Hernandez. Tupangpula.blogspot.com, mula


sahttp://tupangpula.blogspot.com/2008/05/talambuhay-ni-ka-amado-v-hernandez
html [28 Apr. 2019].

Google Books. (2013). Luha ng buwaya, mula sa https://books.google.com. ph/books/about/


Luha_ng_buwaya.html?id=VGfFX_CPkfEC&redir_esc=y [28 Apr. 2019].

Kuliman, J. (2017). Mga Teorya sa Nobelang Luha ng Buwaya. Course Hero.mula sa


https://www.coursehero.com/file/p6r4kr3/VI-Mga-Teorya-sa-Nobelang-Luha-ng-
Buwaya -Teoryang-Idealismo-Nakatoon-ang/ [28 Apr. 2019].

Mirabel, A. (2012). Luha ng buwaya. [online] Filipino, mula sa http://angelomirabel


02.blogspot.com/2012/07/luha-ng-buwaya.html [28 Apr. 2019].

You might also like