Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 59

AMA Computer College-Cavite

Senior High School Department

Impluwensya ng Banyagang Wika sa Pagpapalawig ng Wikang Filipino


sa Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng AMA Computer
College-Cavite

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro ng


Senior High School Department
AMA Cavite Campus

Bilang Bahagi nang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Mananaliksik:

Lander Julian Earl C. Malcontento


Dhan Anthony C. Codaste
Rica Anne Quequegan
Micaela V. Camayang
Niño Angelo H. Oliva
Alvin Dave S. Amar
Sarahbelle S. Licot
Easmael M. Tilao
JC M. Terrible

October 2017
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa Impluwensya ng Banyagang Wika

sa Pagpapalawig ng Wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-

aaral ng AMA Computer College-Cavite. Saklaw sa pag-aaral na ito ang

animnapung (60) mag-aaral ng AMA Cavite sa baitang na ikalabing-isa. Ang

nais iparating ng pag-aaral na ito ay malaman ang Impluwensya ng Banyagang

Wika sa pagpapalawig Wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga

mag-aaral ng AMA Computer College-Cavite. Nakaka-epekto man o hindi

nakaka-epekto.

Lumabas sa pag-aaral na ito na ang naging epekto ng lenggwaheng

banyaga ay mayroong malaking impluwensiya sa mga mag-aaral sa ating

sarilng wika. Ang mga epektong ito ay maraming naidudulot sa kanilang pang

araw-araw na komunikasyon, wasto man o hindi. Sa pag-aaral na ito, mas

mapapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa epekto ng banyagang

wika.

ii
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

DAHON NG PAGSANG-AYON

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Impluwensya ng Banyagang

Wika sa Pagpapalawig ng Sarili nating Wika” ay inihanda ng pangkat S9A mag-

aaral mula sa baitang labing-dalawa (12) ng AMA Cavite Senior High School

bilang bahagi ng katuparan sa asignaturang komunikasyon at pananaliksik sa

wika at kulturang Pilipino ay isinuri at inirerekomendang tanggapin at pagtibayin

para sa isang pasalitang pagsusulit.

Bb. Jansen Amor Reyes

Gurong Tagapayo

Panel ng mga tagasulit

Kagawad Kagawad

Kagawad

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga pangangailangan para sa

araling “wika at komunikasyon 111”.

iii
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

PASASALAMAT

Ang Pananaliksik sa paksang “Impluwensya ng Banyagang Wika sa

Pagpapalawig ng Sarili nating Wika” ay taos pusong ipinapaabot ang aming

pasasalamat sa mga tumulong, nagbigay kontribusyon at suporta sa pagbuo ng

pag-aaral na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang naming lahat unang-una

sa aming mga magulang na kami’y lubos na inunawa at tinulungan o

sinuportahan upang lubusang maging posible ang pag-aaral na ito. Sumunod

ay sa aming Guro sa asignatura na ito na si Bb. Jansen Amor Reyes na

naging matiyaga sa paggabay sa amin upang matapos namin ang ginawa

naming pananaliksik na ito, at syempre malaki rin ang pasasalamat namin sa

mga naging respondente namin sa pag-aaral na ito na naglaan ng kanilang

mga oras upang sumagot o magbigay ng impormasyon na kailangan namin sa

pananaliksik na ito. At nagpapasalamat din kami sa bahay ng aming kamag-

aral na buong puso kaming tinanggap sa kanilang tahanan na naging malaking

tulong upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito. At higit sa lahat

maraming salamat sa ating Panginoon na nagbigay ng sapat na karunungan,

kalakasan, at gabay upang maisagawa namin ang pag-aaral na ito ng

matiwasay at maayos.

iv
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

I. PAMAGAT NA PAHINA

II. ABSTRAK

III. DAHON NG PAGSANG-AYON

IV. PASASALAMAT

V. TALAAN NG NILALAMAN

VI. Kabanata 1. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon……………………………………………….. 1

Batayang Konseptwal……………………………………. 3

Paglalahad ng sulirain……… …..…………………......... 4

Layunin ng Pag-aaral………………………………….….. 5

Saklaw at limitasyon

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………...….. 6

Depinisyon ng mga Terminolohiya ……………………... 7

VII. Kabanata 2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga kaugnay na literatura……………………………… 8

Mga kaugnay na pag-aaral………………………………. 12

Sintesis…………………………………………………….. 18

VIII. Kabanata 3. Metodolohiya


AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Disenyo ng Pananaliksik………………………………… 19

Respondente

Pamamaraan ng pananaliksik…………………………. ..20

Instrumentong pananaliksik………………………………21

Tritment ng mga Datos………………………………..…..23

IX. Kabanata 4. PRESENTASYON, PAGSUSURI

AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS ……………… ..24

X. Kabanata 5. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom………………………………………………………40

Kongklusyon……………………………………………….43

Rekomendasyon…………………………………………..44

TALASANGGUNIAN

Bibliyograpiya..…………………………………………….46

Dokumentasyon……………………………………………48

Apendiks A…………………………………………………49

Questionaire………………………………………………..50

v
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

KABANATA I

Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Binubuo ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot

ng kaalaman at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Sa

tulong nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga

kaanib ng isang lipunan.

Ang wika ay isang instrumento na ginagamit upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan o damdamin ng isang tao. Kung wala ang wika,

mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan,

sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa

pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan,

at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

1
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Sa panahon ngayon, madalas nang naimpluwesyahan ang mga pilipino

sa iba’t-ibang lengguwahe sa paraan ng pakikipagdiskusyon ng ideya at

pakikipagsalamuha sa kapwa. Nakakaapekto ito sa pang araw-araw na

pakikipagkomunikasyon sa loob ng isang lipunan. Dahil din dito, hindi

nabibigyang pansin ang pagpapaunlad ng ating sariling wika. Sa kabilang

banda, nakatutulong din ito sa pagkakaroon ng maayos na

pagkakaunawaan sa pagitan ng ating lengguwahe at sa wikang banyaga.

2
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Batayang Konseptwal

Ang modelo sa ibaba ay nag papakita ng pananaw ng mga mag-aaral

sa pakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino. Inilalarawan dito

kung paano nakaapekto ng ang wika sa pakikipagkomunikasyon.

Pananaw
(Mag-aral)

Pakikipagkomunikasyon
(Wika)

Proseso Epekto

Masama Mabuti

3
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay ay naglalayon na masagutan ang mga

sumusunod;

 Ano-ano ang mga banyagang wika na ginagamit ng mga mag-aaral

ng AMA-CC?

 Paano nakaaapekto ang banyagang wika sa kanilang

pakikipagkomunikasyon?

 Ano ang mga impluwensya ng banyagang wika sa pagpapalawig ng

wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng

AMA-CC?

4
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nais ipahayag ang impluwensya ng

banyagang wika sa pagpapalawig ng ating sariling wika. At nais masagot

ang mga sumusunod na layunin:

1. Matukoy ang iba’t-ibang wikang banyaga na madalas

ginagamit ng mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon.

2. Maipaliwanag ng mas konkreto ang mga epekto ng banyagang

wika sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.

3. Maipagbigay alam ang mga impluwensya ng banyagang wika

sa pagpapalawig ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon

ng mga mag-aaral.

Saklaw at limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay magiging limitado lamang sa mga mag-

aaral ng AMA-Cavite Campus. Ang pag-aaral na ito ay nagpopokus lamang

sa animnapung (60) piling mag-aaral ng baitang labing-isa ng AMA-Cavite

Campus. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng kanya-kanyang mga pasagutang

papel o kwestyoneyr. Ang mga seksyon na saklaw ng pananaliksik na ito ay

1S1A, 1S2A, 1S3A, at 1S4A na pawang mga baitang labing-isa lamang.

5
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na makapagbigay ng ideya

tungkol sa impluwensya ng banyagang wika sa pagpapalawig ng wikang

Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral ng AMA Computer

College-Cavite. Ito ay magiging mahalaga sa mga:

 mag-aaral ng AMA-Cavite Campus na gumagamit ng mga wikang

banyaga sa pakikipagkomunikasyon sa kanilang mga kamag-aral.

Dahil sa pag-aaral na ito ay mapapaliwanag ang mga

impluwensya ng banyagang wika sa pagpapalawig ng ating wika

sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.

 Guro ng AMA-Cavite Campus dahil ang pag-aaral na ito ay

magbibigay ng konkretong paliwanag sa mga nagiging epekto ng

banyagang wika sa pagpapalawig ng ating sariling wika sa

pakikipagkomunikasyon sa ibang tao.

 mananaliksik sa hinaharap na magsasagawa rin ng pag-aaral

tungkol sa impluwensya ng wikang banyaga sa pagpapalawig

wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral

upang makakuha ng kaalaman tungkol sa pag-aaral na ito.

6
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Depinisyon ng mga Terminilohiya

Ang Diplomasya ay isang sining at pagsasanay ng pangangasiwa ng

mga negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng mga pangkat o

mga estado.

Ang Kolonyal na mentalidad ay isang pag-uugali ng mga Pilipino na

nagtatangkilik sa mga kultura ng ibang bansa

Ang Komunikasyon ay proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na

kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng

mga simbolo o pagsasalita

Ang Wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at

kahulugan na pinili at inayos upang magamit sa komunikasyon ng mga tao

na nabibilang sa isang kultura.

Ang Wikang banyaga ay wikang nagmula sa iba’t-ibang bansa na

nakaimpluwensya sa mga Pilipino.

7
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

KABANATA II

MGA KAUGNAY NG PAG-AARAL AT LITERATURA

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga tao na regular na gumamit ng isang banyagang wika

(halimbawa, pagkatapos lumipat sa ibang bansa) ay madalas na

nahihirapang isipin ang mga salita kapag ginagamit ang kanilang katutubong

wika. (Cook, V. (Ed.). (2003).

Ayon kay Donna (2005) sa kanyang isinagawang artikulo na

Kontribusyon ng mga Wikang Dayuhan sa Pagpapaunlad at Paggamit ng

Wikang Filipino ang mga pilipino ay naimpluwensyahan dahil sa pagtuturo

ng mga dayuhan ng kanilang wika na siyang naglunsad ng ilang pagbabago

sa sarili nating wika. Tinuruan ang mga pilipino ng Ingles na naging dahilan

sa ilang daang salitang Ingles na ginagamit ng mga pilipino ngayon sa

Pilipinas. Dumating naman ang mga Espanyol isang siglo bago ang mga

Amerikano at nagpatupad ng misyunerong Espanyol noong 1610 na naging

dahilan sa paggamit ng mga pilipino ngayon ng mahigit limang libong (5,000)

salitang-hiram sa Espanyol.

Base sa pananaliksik ni J. Kulisap (2011) sa kanyang isinagawang

artikulo na Ang Wikang Filipino ay isa sa pinakatanyag na pagtukoy na

nakikiamot ang wikang Filipino sa mga Pilipino ng oras ay ang pagdiriwang

8
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

ng Buwan ng Wika tuwing Agosto kada taon sa Pilipinas. Bakit kailangan

pang ipaalala sa ating mga pilipino na ang ating wika ay Filipino? Ibig

sabihin nito hindi pa natin napagwawagian ang kaisahan at kaganapan ng

wika na pilit ipinapaangkin sa atin, sa ibang bansa, hindi na kailangan ng

pagdiriwang o pag-alala sa kanilang mga wika, ganap at buong giting nila

itong ginagamit sa pang-araw araw nilang pamumuhay.

Ayon sa pag aaral ni M.K Gallego (2010) ang ilang mga indikasyon

ng pagbabago sa Filipino katulad ng sa ortograpiya at pagbaybay, at

aspektong leksikal at estruktural ng wika. Simula 1923 hanggang

kasalukuyan, masasabing maraming nadagdag at nawalang mga salita,

hindi lamang sa pangngalan at pandiwa kundi pati na rin sa mga pangatnig

at ilang kataga. Nagkaroon din ng estruktural na pagbabago kung saan unti-

unting dumadalang ang paggamit ng ilang mga panlapi at maging ng

partikular na porma ng pangungusap. Nagkaroon din ng estruktural na

pagbabago kung saan unti-unting dumadalang ang paggamit ng ilang mga

panlapi at maging ng partikular na porma ng pangungusap.

Base naman sa naaral o nasaliksik ng ilang mag-aaral ng Unibersidad

ng Misamis na sila Apao, Gavino et.al (2008) Kahalagahan ng wikang

Filipino sa Edukasyon Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-

aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa

9
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang

gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng

mga mithiin at nararamdaman.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) Sapagkat ang

Pilipinas ay multilinggawal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-

watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming

tinig ng iba't- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang

Filipino. Sumakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pag

tatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa

Base naman sa sinabi ni Maxima Acelajado (2007) sa kanyang

“Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa Pagtuturo Ng

Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto At Atityud Ng Mgamag-Aaral Sa Kolehiyo”

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga

mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang

midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik

na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga

pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na

itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil

dito medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa

nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.

10
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Base naman sa pahayag nila Xednyc Rex Añonuevo at Vincent

Nocum (2015) Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan

sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga mamamayan at ng iba't-ibang aspeto ng

isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa

sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng

bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga

tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.

Ayon kay Edward Sapir (2007), ang wika ay isang likas at

makataong pamamaraan ng paghahatid ng mgak aisipan, damdamin at

mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng

mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-

unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat

henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na

isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at

ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

11
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon sa pagsasaliksik ng mga scientist, ang pangalawang wika ay

may mahalagang tungkulin sa pagbabago ng paningin sa isang bagay. “By

having another language, you have an alternative vision of the world,”

Katulad na lamang sa halimbawang “Where did the thief went?” (english) at

“Where did she went” (german). Makikita natin ang pagkakaiba sa dalawang

wika na halimbawang ibinigay. (palawakin mo na lang to easmael. Keri mo

na yan. Self explanatory na to hahaha) (Nicholas Weiler 2015)

Kapag lumipat ka sa ibang bansa o rehiyon, ang pag-aaral ng lokal na

wika ay tutulong sa iyo na makipag-usap at pagsamahin sa lokal na

komunidad. Kahit na marami sa mga lokal ang nagsasalita ng iyong wika,

halimbawa kung ang iyong unang wika ay Ingles at lumipat ka sa

Netherlands, ito ay nagkakahalaga ng iyong habang tinuturuan ang lokal na

wika. Ang paggawa nito ay magpapakita ng iyong interes at pangako sa

bagong bansa. (Simon Ager 2013)

Ipinakilala ng Ingles sa mga Pilipino ang isang kakaibang bagong

mundo. Sa American textbooks, ang mga Pilipino ay nagsimulang mag-aral

hindi lamang ng isang bagong wika kundi isang bagong paraan ng

pamumuhay, alien sa kanilang mga tradisyon. Higit pa rito, sa pamamagitan

ng mga kolonyal at pang-edukasyon na mga patakaran ng Amerikano, ang

12
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

mga institusyong Amerikano at mga ideya ay inilipat sa Pilipinas. (American

colonization Agana (1998))

Sa kanyang pagtingin, ang kultura at pag-aaral ng Ingles ay lumilitaw

na umiiral bilang mga hiwalay na entidad. Sinabi niya na, dahil ang Ingles ay

sinasalita ng halos lahat ng tao sa mundo sa ilang antas, may tendensiyang

lumagpas sa mga aspeto ng kultura tulad ng mga sistema ng panlipunan,

pampulitika, pang-ekonomiya at relihiyon, sa gayo'y nagsasarili mula sa

anumang partikular na kultura, sa mga tuntunin ng alinman sa lahi o grupo,

hanggang sa maaari itong maging isang positibong tampok sa lahat o

walang sinuman. Ito ay nagpapahiwatig na ang Ingles ay maaaring isaalang-

alang bilang isang mahalagang walang halaga na paraan ng pag-aaral

upang makipag-usap. (Wardaugh 1987)

Dahil sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya, ang ilang mga bansa

ay may posibilidad na manghiram ng mga salitang Ingles para sa bagong

teknolohiya at mga pagpapaunlad sa kanilang katutubong wika sa halip na

pananatili ng isang bagong katutubong termino. Ang mga pangalan para sa

ilang mga bagong imbensyon at mga pagpapaunlad ay kadalasang

napakahirap isalin, at samakatuwid ay mas okay na panatilihing lamang ang

orihinal na pangalang Ingles (Marcell Haller, 2012)

13
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Sa sinabi Jng isang korean ambassador na si Kim Jae Shin (Hunyo

2017) "Language is very important so teaching and studying [foreign

languages] in schools is very helpful to deepen the bilateral understanding

between two nations," kaugnay yan sa pagtuturo ng korean dito sa Pilipinas.

Ayon kay Korina Sanchez (Enero 2008), sa kabilang panig naman,

hindi mababalewala na kaya Pilipinas na ang pangalawang pinakamalaking

puntahan ng outsourcing sa industriya ng call center ay dahil marami ring

mga Pilipino ang marunong magsalita ng Ingles. Kumbaga isa sa mga

epekto ng banyagang wika sa atin yan.

Base sa sinabi ni STI Tanauan (Agosto 2007) kahit na may iba’t iba

tayong ginagamit na wika ay masasabi ko na matatag ang ating bansa dahil

kahit saan man tayo pumunta marunong tayo makisamao makihalubilo sa

pamamagitan ng wikang alam natin at higit sa lahat nagagamit natin sa pag

ta-trabaho o di kaya ay sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa kaya sa tulong

ng ibang wika nagiging matatag ang ating bansa. Ang wikang Ingles na

naitatakm sa atin ay natutuhan ngayon ng halos kalahating Pilipino ngayon.

Pinag-aaralan upang magamit sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

At dahil sa mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa, tumataas an gating

ekonomiya ngayon. At masasabi nating unting- unting nagiging matatag an

14
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

gating bansa. Sadya nga talagang magaling ang dila ng mga Pilipino. At

masasabi natin ngayon na maraming wika, matatag na bansa.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang

nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating

kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon,

subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid parin nila ang kanilang mga

ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa

hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang

henerasyon ay natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa

gayo'y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o

matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa

pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal,

sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung

babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino.

Base naman sa inilathala ni Fidel R. Jimenez (2014) May mga

salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may

umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng

mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At

kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-

uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang

katayuan. Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong paraan


15
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan

na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng

panahon. Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa

Pandacan, Maynila, sa mismong harapan ng bantayog ng batikang makata

at manunula na si Francisco Balagtas, na siyang nasa likod ng epikong

"Florante at Laura."

Ayon kay Jahanna Therese Diama (2015), na sa pag-usbong ng

makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa pamumuhay ng

mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa

pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media

at iba pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon ukol sa

mga nangyayaring karahasan, kalamidad, at kasiyahan sa bansa. Dahilan

nga sa laganap na ang iba’t ibang uri ng media mabilis tayong magkaroon

ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng bansa. Ito rin ang

nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong salita na hindi

nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop sa lengwaheng

nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na mapadali ang

komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”.

Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng

sariling pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang mga

salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop, mga ginawang

16
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

bagong terminolohiya sa mga malalalim na salita, tulad ng “beki” na ang ibig

sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay”. Mabilis

itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng

media sa bansa.

17
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Sintesis

Bilang isang Pilipino mas inirerekomenda na hasain ang ating sariling

wika kaysa sa wikang banyaga dahil ang wikang Filpino ang nagsisimbolo

ng ating pagkapilipino, ito ang siyang maipagmamalaki natin sa ating

bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa

pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng

mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri masasabi natin ang paggamit ng

sarili nating wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay

nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.

Sabi ng marami na Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa

Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles ay ang pangunahing linggwahe

na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo.

Pero para sa amin at sa mga mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang

Filipino ay ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang pilipino,

makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling

wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan.

18
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Deskriptib-analitik ang paraan na ginamit at isinagawa sa pag-aral na

ito. Ang pagsasagawa ng survey at interview ay bahagi ng pananaliksik na

ito, upang mag kalap ng mga impormasyon ukol sa kahalagahan ng ating

wika kaysa sa mga banyagang wika na nakakaapekto sa pagpapaunlad ng

wikang pambansa sa mga mag-aaral ng AMA Cavite.

Mga Respondente

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng

AMA Cavite Campus - Senior High School. Ang kabuuan ng respondente ay

may bilang na animnapu (60) – na nagmula sa baitang labing isa na pang-

umaga sa mga seksyon ng 1S1A, 1S2A, 1S3A, 1S4A na mga mag-aaral ng

AMA Cavite Campus Senior High School. Isinagawa ang pag-aaral sa piling

oras na kung saan, ang mga studyante ay may sapat na oras upang

masagutan ang mga kwestsyoneyr nang maayos.

19
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Seksyon Bilang Porsyento

1S1A 15 25%

1S2A 15 25%

1S3A 15 25%

1S4A 15 25%

Kabuuan 60 100%

Talahanayan I:Distribusyon ng mga Respondante Mula sa mga Mag-

aaral ng STEM Strand, Baitang 11.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng kwestyoneyr

sa pagsa-sarbey upang mangalap ng impormasyon tungkol sa Impluwensya

ng banyagang wika sa pag papalawig ng sarili nating wika. Naghanda ang

mga mananaliksik ng patanungang papel upang malaman ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral ng STEM na nasa baitang labing-isa, sa

paaralan ng AMA Cavite Campus hinggil sa aming paksa

20
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Seksyon Oras Bilang ng Silid Petsa

respondente

Set. 27,

1S1A 10:00 am 15 AMACC(G516) 2017

Set. 29,

1S2A 9:00 am 15 AMACC(G516) 2017

Set. 27,

1S3A 10:00 am 15 AMACC(G322) 2017

Set. 29,

1S4A 9:00 am 15 AMACC(G322) 2017

Talahanayan II:Panahon kung kalian ibinahagi ang kwestyoneyr

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag Survey sa

iba’t-ibang mag-aaral ng AMA-CC SHS. Ang mga mananaliksik ay gumawa

o nag handa ng talatanungan upang malaman ang datos na makakatulong

sa pananaliksik ng pag impluwensya ng banyagang wika sa ating sariling

wika.

21
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Ang talatanungan na ito ay binubuo ng dalawang katergorya, ang unang

kategorya ang binubuo ng anim na katanungan na maaaring masagot ng

mga respondante batay sa kanilang pag-unawa sa katanungan patungkol sa

kung paano nakaaapekto ang banyagang wika sa pagpapalawig nggg

wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral, at ang

pangalawang kategorya ay binubuo ng siyam na katanungan na maaaring

masagot ng OO at HINDI ng mga respondante tugkol sa impluwensya ng

banyagang wika sa mga mag-aaral.

22
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Tritment ng mga datos

Sa kadahilanang ang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral

lamang at hindi isang pangangailangan sa pag abot ng antas, digri o kalidad

ay walang ginawang pagtataka upang masuri ang mga datos sa

pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Nag sagawa ng pag

tataya o Pagta-tally ang mga mananaliksik upang bigyang interpretasyon

ang mga nakalap na datos. Ang pormulang gagamitin ay

𝑓
𝑃% = (100) upang makuha ang porsyento ng sagot sa kwestyoneyr.
𝑁

Na kung saan:

P%= Porsyento

F= Frequency

N= Bilang ng respondente sa bawat datos

23
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga mananaliksik ay nakapagbibigay ng interpretasyon sa mga

nakalap na datos, na nalikom mula sa respondente ng AMA-Computer

College sa lupon ng Senior High School STEM A.M sa pamamagitan ng

pagsasarbey.

Base sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga kwestyoneyr,

narito ang mga interpretasyon ng bawat sagot sa mga tanong;

24
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

10%, 10%

18%, 18%

72%, 72%

Filipino English Atbp

Tsart 1:Ano ang wikang ginagamit mo sa pakikipagsalamuha o sa pakikipag


usap mo sa iyong kapwa?

Makikita sa tsart 1 na may pitungpu’t-dalawang porsyento (72%) ang

nagsasabing Filipino ang ginagamit nilang wika sa pakikipagsalamuha sa

kapwa. Habang may labing-walong porsyento (18%) ang nagsasabing Ingles

ang kanilang ginagamit sa pakikipagsalamuha. Samantala, may sampung

porsyento naman ang nagsasabing mayroon silang iba pang wikang

ginagamit.

25
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

10%

22%

68%

Media Kaibigan Pamilya

Tsart 2:Ano ang mga sanhi ng pag tangkilik ng mga FIlipino sa mga
banyagang wika?

Nakabatay sa tsart 4 na ang Media ay kadalasang dahilan ng

pagtangkilik ng mga Pilipino sa banyagang wika. Ito ay nakatala ng anim

napu’t-walong porysento (68%), habang ang kinalabasan ng kaibigan at

mayroon lamang na dalawangpu’t-dalawang porsyento (22%). Samantala,

ang pamilya ay nagkamit ng pinakamababang porsyento na nagkakaroon

lamang ng limang porsyento (5%).

26
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

2, 3%
5, 9%

53, 88%

Makipagkalakan Makipag-ugnayan sa dayuhan Ewan

Tsart 3:Ano ang mga sanhi ng pag tangkilik ng mga FIlipino sa mga
banyagang wika?

Inilathala sa tsart na ito na limampu’t tatlo (53) o walumpu’t walong

porsyento (88%) ang nagsasabi na may malaking benepisyo sa kanilang

pakikipagkalakalan ang paggamit ng wikang banyaga sa

pakikipagkomunikasyon. At limang (5) respondante lamang o siyam na

porsyento (9%) ang nagsasabing may benipsyo sa kanila ang paggamit ng

wikang banyaga sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan, at samantalang

meron namang dalawang (2) nagsasabi o tatlong porsyento (3%) ng mga

respondante ang sumagot ng ewan sa katanungang “ano ang mga

benepisyo na kanilang maaring makuha sa pakikipagkomunikasyon gamit

ang wikang banyaga?”.

27
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

2, 3%
5, 9%

53, 88%

Makipag Ugnayan sa Dayuhan Makipag kalakalan Wala

Tsart 4: Ano ang mga benepisyo na iyong makukuha sa paggamit ng


banyagang wika sa pakikipagkomunikasyon?

Inilathala sa tsart na ito na limampu’t tatlo (53) o walumpu’t walong

porsyento (88%) ang nagsasabi na may malaking benepisyo sa kanilang

pakikipagkalakalan ang paggamit ng wikang banyaga sa

pakikipagkomunikasyon. At limang (5) respondante lamang o siyam na

porsyento (9%) ang nagsasabing may benipsyo sa kanila ang paggamit ng

wikang banyaga sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan, at samantalang

meron namang dalawang (2) nagsasabi o tatlong porsyento (3%) ng mga

respondante ang sumagot ng ewan sa katanungang “ano ang mga

benepisyo na iyong makukuha sa paggamit ng banyagang wika sa

pakikipagkomunikasyon?

28
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

6%
16%

32%

46%

Bagong Terminolohiya Di Pag kakaunawaan


Pag kalimot sa ating wika Pag hirap ng bansa

Tsart 5: Ano ang pwedeng maging resulta ng pag tatangkilik ng mga


pilipino sa banyagang wika?

Sa bahaging ito naman makikita natin ang resulta ng pagtangkilik ng

Pilipino sa mga banyagang wika. May apat napu’t-anim na porsyento (46%)

na nagsabing hindi pagkakaunawaan ang resulta nito. Samantala, ang

pagkalimot ng sariling wika ay nakapagtala lamang ng tatlumpu’t-dalawang

porsyento (32%). Habang, ang pagkakaron ng bagong terminolohiya ay

nakapagtala ng labing anim na porsyento (16%).At ang may

pinakamababang porsyento ay ang paghihirap ng bansa na may anim na

porsyento (6%).

29
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

38

33

28

23
Oo
18 Hindi

13

3
Oo Hindi

Tsart 6: Mabuti ba ang naging dulot ng banyagang wika sa ating lipunan?

Tatlumpu’t-dalawang (32) mag-aaral ang nagsasabing mabuti ang

dulot ng banyagang wika sa ating lipunan , habang, dalawampu’t-walo (28)

naman ang nagsasabing may masamang dulot ang banyagang wika sa

lipunan.

30
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

53

43

33 Oo
Hindi
23

13

3
Oo Hindi

Tsart 7: Ang pag-aaral ng banyagang wika ay nakatulong sa pakikipag


kapwa.

Ang pakikipag kapwa ay nakakatulong upang makibagay sa dayuhan.

Kaya, nakatutulong ang banyagang wika sa pakikipag kapwa sa mga

dayuhan at sa ibang taong hindi nakaaalam ng sarili nating wika. Tatlumpu’t-

dalawa (32) ang nagsasabing nakatutulong ito sa pakikipag kapwa at

dalawampu’t-walo (28) ang nagsasabing hindi ito nakatutulong sa

pakikipagkapwa.

31
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

45

40

35

30

25
Oo
20 Hindi
15

10

0
Oo Hindi

Tsart 8: Mabuti ba ang dulot ng wikang banyaga sa sarili nating wika?

Nakasaad sa tsart sa itaas, na hindi nakabubuti ang banyagang wika

sa saarili nating wika, bagkus, ito ay nakasasama sa atin. Labing-siyam (19)

na mag-aaral ang nagsasabing nakabubuti ang wikang banyaga sa sarili

nating wika at may apatnapu’t isa (41) ang nagsabing hindi nakabubuti ang

dulot ng banyagang wika sa sarili nating wika.

32
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

33

28

23

18 Oo
Hindi
13

3
Oo Hindi

Tsart 9: Napanatili ba ang tradisyunal na wikang Filipino sa panahon


ngayon?

Ipinapakita sa tsart sa itaas na dikit ang opinyon ng mga mag-aaral sa

tanong na “napanatili ba ang tradisyunal na wika nating mga Pilipino sa

panahon ngayon?”. Dalawampu’t siyam (29) ang nagsasabing napapanatili

pa rin ng mga Pilipino ang tradisyunal nating wika sa panahon ngayon,

ngunit tatlumpu’t isa (31) naman ang nagsasabing hindi na napanatili ng

mga Pilipino ang ating tradisyunal na wika sa panahon ngayon.

33
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

63

53

43

33 Oo
Hindi
23

13

3
Oo Hindi

Tsart 10: Mas napapaunlad ng banyagang wika ang sarili nating wika?

Ang banyagang wika ay hindi sa nakatulong sa pag papaunlad ng

sarili nating wika. Limampu’t-dalawang (52) mag-aaral ang nagsabing hindi

ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili nating wika at may walo (8)

naman na nagsasabi na nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng sarili nating

wika.

34
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

43

38

33

28

23 Oo
Hindi
18

13

3
Oo Hindi

Tsart 11: Epektibo ba ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa


bawat asignatura?

Mas lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga turo kung

sarili nating wika ng gagamitin na panturo sa paaralan. Tatlumpu’t-pito (37)

ang nagsasabing nauunawaan nila ang mga tinuturo sa paaralan kung

filipino ang gagamitin bilang panturo. Habang dalawampu’t-tatlo (23) ang

nagsasabing mas nauunawan nila ang tinuturo kung ito ay ibang wika.

35
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

40

35

30

25

20 Oo
Hindi
15

10

0
Oo Hindi

Tsart 12 : Banyagang wika ba ang dahilan ng pag-usbong ng


makabagong terminolohiya?

Banyagang wika ang dahilan ng pag-usbong ng makabagong

terminolohiya. Tatlumpu’t-anim (36) ang nagsasabing ito ang dahilan ng

pag-usbong ng bagong terminolohiya. Habang, may dalawampu’t–apat (24)

nag nagsasabing hindi banyagang wika ang dahilan ng pag-usbong ng

makabagong terminolohiya.

36
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

35

30

25

20
Oo
15 Hindi

10

0
Oo Hindi

.
Tsart 13: Nakakataas ba ng tiwala sa sarili ang paggamit ng wikang
banyaga?

Nakatataas ng tiwala sa sarili ang paggamit ng banyagang wika. May

tatlumpu’t-tatlo (33) ang nagsasabing mataas ang tiwala nila sa sarili nila

kung banyagang wika ang kanilang ginagamit sa pakikisalamuha at iba pa.

Habang may dalawampu’t-pito (27) ang nagsasabing hindi ito nakakataas ng

tiwala sa sarili.

37
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

38

33

28

23
Oo
18 Hindi

13

3
Oo Hindi

Tsart 14: Mas malimit bang gamitin ang Filipino kaysa sa banyagang
wika sa aspetong pagtuturo sa mga unibersidad?

Base sa datos na nakalap, tatlumpu’t-dalawa (32) ang nagsasabing

wikang Filipino ang gingamit sa pagtuturo ng ilang unibersidad sa ating

bansa. Samantala, mayroon dalawampu’t-walo (28) ang nagsasabing hindi

malimit gamitin ang Filipino sa pagtuturo sa mga unibersidad.

38
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

45

40

35

30

25
Oo
20 Hindi
15

10

0
Oo Hindi

Tsart 15: Nagiging balakid ba ang pagkatuto ng dalawa o higit pang wika
sa pagkatuto ng mga mag aaral?

Base sa tsart sa itaas, hindi nagiging balakid ang pag katuto ng mga

banyagang wika sa mga mag aaral. Tatlumpu’t siyam (39) ang nag sasabing

hindi naman ito nakaaapekto sap ag aaral habang, may dalawampu’t isa

(21) ang sasabing nakaaapekto ito sa kanilang pag aaral.

39
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

KABANATA V

LAGOM, KONGLUSYON AT REKOMENDASYON

PAGLALAGOM

Ang wika ay mahalaga dahil ito ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa

kapwa upang maipahayag ang nais ipahayag ng kaisipan. Isinagawa ang

pag-aaral na ito upang matukoy ang impluwensya ng banyagang wika sa

pagpapalawig ng wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-

aaral. Gumawa ang mga mananaliksik ng kwestyoneyr upang magpasarbey

sa mga mag-aaral ng AMACC. Animnapung mag-aaral ang nagsilbing

respondent ng pag-aaral na ito . Ang sarbey ay isinagawa sa mga piling

mag-aaral ng STEM, baitang labing-isa.

Base sa nakalap na mga impormasyon, ang wikang Filipino ang

kadalasang gamitin sa pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa

kaysa sa mga banyagang wika. Pitompu’t-dalawang (72%) porsyento ang

nagsasabing wikang Filipino ang kanialang ginagamit sa pakikisalamuha.

Siyamnapu’t-apat (94%) na porsyento ang nag sasabing tayo ay

naimpluwensyahan ng banyagang wika kaya may mga wika tayong

nagagamit sa pakikisalamuha sa iba.

40
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Ang media ang pangunahing sanhi ng pagtangkilik natin sa mga

banyagang wika , halimbawa na lamang ng telebisyon, magasin, aklat, mga

social media sites at mga teknolohiya na laging ginagamit sa ating

pamumuhay. Napaka importante ng wika sa atin. Kung wala ang wika ,hindi

tayo magkakaintindihan sa ating nais ipabatid sa kapwa natin. Apatnapu’t-

anim (46%) na porsyento ang nagsasabing hindi pagkakaunawan ang

magiging resulta ng pagtangkilik sa banyagang wika.

Tatlumpu’t-dalawang (32) mag-aaral ang nagsasabing mabuti ang

dulot ng banyagang wika sa ating lipunan. habang dalawampu’t-walo (28)

naman ang nagsasabing may masamang dulot ang banyagang wika sa

lipunan.

Ang pakikipag kapwa ay nakakatulong upang makibagay sa dayuhan,

kaya nakatutulong ang banyagang wika sa pakikipag kapwa sa mga

dayuhan at sa ibang taong hindi nakaaalam ng sarili nating wika. Tatlumpu’t-

dalawa (32) ang nagsasabing nakatutulong ito sa pakikipag kapwa at

dalawampu’t-walo (28) ang nagsasabing hindi ito nakatutulong sa

pakikipagkapwa.

41
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa tsart sa itaas na dikit ang opinyon ng mga mag-aaral sa

tanong na “napanatili ba ang tradisyunal na wika nating mga Pilipino sa

panahon ngayon?”. Dalawampu’t siyam (29) ang nagsasabing napapanatili

pa rin ng mga Pilipino ang tradisyunal nating wika sa panahon ngayon

Ang banyagang wika ay hindi sa nakatulong sap pag papaunlad ng

sarili nating wika. Limampu’t-dalawang (52) mag-aaral ang nagsabing hindi

ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili nating wika

Mas lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga turo kung

sarili nating wika ng gagamitin na panturo sa paaralan. Tatlumpu’t-pito (37)

ang nagsasabing nauunawaan nila ang mga tinuturo sa paaralan kung

fililpino ang gagamitin bilang panturo.

Nakatataas ng tiwala sa sarili ang paggamit ng banyagang wika . May

tatlumpu’t-tatlo (33) ang nagsasabing mataas ang tiwala nila sa sarili nila

kung banyagang wika ang kanilang ginagamit sa pakikisalamuha

Banyagang wika ang dahilan ng pag-usbong ng makabagong

terminolohiya. Tatlumpu’t-anim (36) ang nagsasabing ito ang dahilan ng

pag-usbong ng bagong terminolohiya

42
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Base sa datos na nakalap, tatlumpu’t-dalawa (32) ang nagsasabing

wikang Filipino ang gingamit sa pagtuturo ng ilang unibersidad sa ating

bansa.

KONGKLUSYON

Batay sa nakalap na datos at impormasyon, humantong ang mga

mananaliksik sa mga sumusunod na konklusyon:

a. Karamihan sa mag-aaral ng AMA Cavite ay gumagamit pa rin ng sarili

nating wika kaysa sa mga banyagang wika sa pakikipag-ugnayan sa

kapwa.

b. Media ang pangunahing dahilan ng ng pagtangkilik natin sa mga

banyagang wika.

c. Ang resulta ng pagtingkilik sa banyagang wika ay ang hindi

pagkakaintindihan ng mga tao.

d. Siyamnapu’t-apat na porsyento (94%) ang nagsasabing

naimpluwensyahan tayo ng banyagang wika.

e. Pinapahalagahan ng mga respondente ang sarili nating wika kaysa sa

banyagang wika.

43
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

REKOMENDASYON

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-puso iminumungkahi ng mga

mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal, pangkat o institusyon ang

mga sumusunod na rekomendasyon para sa:

Mga mag-aaral

a. Patuloy na pahalagahan ang pag-aaral sa ating sariling wika.

b. Hubugin at pagtibayin ang kanilang kaalaman sa tamang paggamit ng

sariling wika.

c. Magkaroon ng malawak na kaisipan na handang matuto sa tamang

paggamit ng sariling wika.

Mga tagapagpamahala ng paaralan:

a. Pagbutihin ang paglinang at pagpapalawig ng kaalaman ng mga mag-

aaral sa tamang paggamit ng sariling wika ng ating bansa.

b. Patuloy na ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng tamang

paggamit ng sarili nating wika.

c. Magkaroon ng mga patimpalak na naglulunsad ng tamang paggamit

ng sarili nating wika.

44
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Mga Susunod na Mananaliksik:

a. Ang pag-aaral na isinagawa ay patungkol lamang sa Impluwensya ng

Banyagang Wika sa Pagpapalawig ng Sarili nating Wika. Ang mga

susunod na mananaliksik ay maaring palawakin ang kanilang pag-

aaral na isasagawa.

b. Ang pananaliksik na ito ay sinuri ang mga epekto ng mga

lenggwaheng banyaga sa pagpapalawig ng sariling wika ng mga nasa

baitang labing isa na mag-aaral sa Senior High School – Science

Technology Engineering and Mathematics. Maaring lawakan ng mga

susunod mananaliksik ang saklaw at limitasyon ng kanilang

isasagawang pag-aaral.

c. Gumamit ng mga salitang madalas na nagagamit ng mali sa

pagsasalita at pagsusulat ang mga mananaliksik bilang batayan ng

pagsusuri. Iminumungkahing gumamit ang mga susunod na

mananaliksik ng iba pang kaparaanan.

45
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

BIBLIYOGRAPIYA

Ager, S. (1998). Retrieved from Omniglot:


https://www.omniglot.com/language/why.htm

Anonymous. (2007, August 28). Retrieved from STITanauan:


http://www.stitanauanblog.blogspot.com

Anonymous. (2012, July 10). Wordpress. Retrieved from


https://kainaman.wordpress.com/2012/07/10/ang-wikang-filipino/

Apao, G. ,. (2014, March 18). Retrieved from Filipino Term Paper:


http://filipinotermpaper.blogspot.com/

Authors, L. (2012, february 14). Retrieved from Language Connections:


http://www.languageconnections.com/blog/the-influence-of-english-
on-other-languages-and-visa-versa/

Cook, V. (. (2003). Retrieved from Max Planck Institute for Physcolinguistics:


http://www.mpi.nl/q-a/questions-and-answers/8-16-is-it-unavoidable-
that-regularly-using-a-foreign-language-will-influence-our-native-
language

Donna. (2014 , March 23). Kontribusyon ng mga Wikang Dayuhan sa


Pagpapaunlad at Paggamit ng Wikang Filipino. Retrieved from
Liwanag at Dilim:
https://uclaliwanagatdilim2014.wordpress.com/2014/03/23/kontribusy
on-ng-mga-wikang-dayuhan-sa-pagpapaunlad-at-paggamit-ng-
wikang-pilipino/

Fulgencio, E. (2017, June 23). Retrieved from ABS-CBN News:


http://news.abs-cbn.com/news/06/23/17/wikang-korean-ituturo-na-rin-
sa-ilang-pampublikong-paaralan

Jeffrey, D. M. (1992). Retrieved from Opinions on the Social and Cultural


Impact of English as an International Language:
http://www.nuis.ac.jp/~hadley/publication/jeffrey/Jeffrey-EIL.htm

46
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Sanchez, K. (2008, january 9). Retrieved from PhilStar:


http://www.philstar.com/opinyon/37693/teach-or-not-teach-sa-wikang-
ingles

Weiler, N. (2015, March 17). American Association for the Advancement of


Science. Retrieved from
http://www.sciencemag.org/news/2015/03/speaking-second-
language-may-change-how-you-see-world

(Batnag, Kasaysayan ng Wikang Filipino, 2001)

(Acelajado, 2007)

(Nocum, 2015)

(Barker, 1993)

(Carroll, 2007 - 1964)

(JIMENEZ, 2014)

(Diama, 2015)

47
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

DOKUMENTASYON

48
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

APENDIKS A

LIHAM NG PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSASARBEY

Ika-15 ng Setyembre, 2017

Sa aming mga kapwa mag-aaral,

Isang mapagpalang araw sa inyong mabubuting mag-aaral ng


AMACavite Campus!

Kami po ay mag-aaral ng ikaw-12 baitang ng STEM-AM na


nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang “Impluwensya ng
Banyagang Wika sa Pagpapalawig ng Sarili nating Wika”.

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa panahong inyong ginugol. Ang


inyong mga impormasyong inilahad ay lubos na makatutulong sa aming pag-
aaral.

Kalakip nito ang mga katanungan sa sarbey.

Nawa’y makamit namin ang inyong pagsang-ayon.

Maraming salamat po!

Lubos na sumasainyo,

Easmael M. Tilao
Lider ng Pangkat

Binigyang pansin ni,

Bb. Jansen Amor

Jonna Lynne B. Diaz


SHS – Coordinator

49
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

APENDIKS B

SARBEY-KWESTYONER

Pangalan (Optional): __________________ Kasarian:


Baitang /Seksyon/ Strand: _____________ Edad:

Impluwensya ng Banyagang Wika sa Pagpapalawig ng Sarili nating


Wika

Layunin :

1. Ipaalam sa mga mambabasa na mas importante ang ating wika

kaysa sa banyagang wika.

2. Patunayan kung nabibigyang pansin ang pagpapaunlad ng ating

sariling dayalekto.

3. Maaring mabigyang pansinang inpluwensya ng banyagang wika sa

sarili nating wika.

50
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Interbyu Kwestyoneyr

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na


katanungan.

1. Ano ang wikang ginagamit mo sa pakikipagsalamuha o sa pakikipag


usap mo sa iyong kapwa?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________________________

2. Ano ang mga epekto ng banyagang wika sa pagpapalawig ng


pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________________________

3. Ano ang mga benepisyo na iyong makukuha sa paggamit ng


banyagang wika sa pakikipagkomunikasyon?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________________________

4. Ano ang mga sanhi ng pag tangkilik ng mga FIlipino sa mga


banyagang wika?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________________________

5. Ano ang pwedeng maging resulta ng pag tatangkilik ng mga Pilipino


sa banyagang wika?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________________________

51
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

Sarbey Kwestyoneyr
Panuto: Lagyan ng Tsek sa loob ng kahon ayon sa iyong sagot sa bawat
katanunga. Oo kung ikaw ay sang-ayon at Hindi kung ikaw naman ay hindi
sang-ayon.

Tanong Oo Hindi

1. Mabuti ba ang naging dulot ng banyagang wika sa


ating lipunan?

2. Ang pag-aaral ng banyagang wika ay nakatulong


sa pakikipag kapwa.

3. Mabuti ba ang dulot ng wikang banyaga sa sarili


nating wika?

4. Napanatili ba ang tradisyunal na wikang Filipino


sa panahon ngayon?

5. Mas malimit bang gamitin ang Filipino kaysa sa


banyagang wika sa aspetong pagtuturo sa mga
unibersidad?

6. Mas napapaunlad ng banyagang wika ang sarili


nating wika.

52
AMA Computer College-Cavite
Senior High School Department

7. Epektibo ba ang wikang Filipino bilang wikang


panturo sa bawat asignatura? ( agham, matematika,
asignaturang ukol sa teknolohiya atbp.)

8. Banyagang wika ba ang dahilan ng pag-usbong


ng makabagong terminolohiya?

9. Nakakataas ba ng tiwala sa sarili ang paggamit


ng wikang banyaga?

10. Nagiging balakid ba ang pagkatuto ng dalawa o


higit pang wika sa pagkatuto ng mga mag aaral?

53

You might also like