Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Kabanata XXVI : ”Ang

Paskil”

Kabanata XXIII : ”Isang


Bangkay”

Kabanata VI : ”Si Simoun”

Kabanata VI : ”Si Basilio”

Kabanata XXXI : ”Ang


Mataas na Kawani”

Kabanata XXIII : ”Ang


Huling Matuwid”

Kabanata XXIV : ”Ang Kasal


ni Paulita”
BUOD

Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina


Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa
buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang
at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Naalala
niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo
sa daang Anloague. Naghinala si Basilio. Ang
bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.
Nahabag si Basilio kay Isagani. Hindi pa
nararanasan nito ang nangyari sa
kanya.Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang
kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli..
Nakita niyang dumating si Simoun. Sumunod
ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.
Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahay ni
Kapitan Tiyago..Ang mga dingding ng bahay
ay dinikitan ng magagarang papel ar
magagarang aranya at mga bulaklak ang
palamuti. Magarang- magara ang bahay na
iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang
pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa
mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan
ay sa asotea nakalagay. Naroon ang
pinakamasarap at pinakamamahaling alak.
Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang
ng Heneral na ibig nitong makain ng tao,
gagawin iyon ni Don Timoteo.
BUOD

Dumating si Basilio sa silid ni Simoun upang


sabihin na siya ay pumapayag sa paghihiganti
ni Simoun. Ipinaliwanag nya ang kanyang mga
plano. Ang granada ay isang payak na
dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng
mga api na siyang panglaban nila sa lakas at
dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si
Basilio. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang
masalimoot na kasangkapang inilagay sa
ilawan. Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay
gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20
minuto ang liwanag nito’y mangungulimlim at
kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang
Granada kasunod ang mga supot ng pulbura
sa kainan at walang makakaligtas sa mga
bisita ng kapistahan

BUOD
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si
Basilio. Mabait at mabuting bata raw si Basilio
at malapit ng matapos ang panggagamot.
Napahamak lalo si Basilio dahil lahat ng
sabihin ng Kawani ay kinokontra ng Heneral.
Kailangan daw may mga halimbawa na di dipat
tularan ang mga taong mahilig sa pagbabago.
Sinisi si Basilio ng Heneral na siya gumagamit
ng ipinagbabawal na aklat sa medisina. Sinabi
ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa
bayan. Natawa ang ang Heneral sa narinig niya
na wala raw siyang pakialam sa bayan dahil
naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya at
hindi ang bansang Pilipinas.

BUOD

Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin


ang kanyang mga pasyente, ayusin ang
kanyang lisensyatura sa Unibersidad at
puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San
Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa
pagkakadiskubre ng mga paskin sa
Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang
may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil
akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang
kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya
ito ngunit parang walang itong narinig, si
Tadeo naman nang kanyang makausap ay
masayang masaya dahil walang klase, si
Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at
walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig
rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa
kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari.
Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga
iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para
sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay
ni Makaraig ay may guwardiya sibil na
nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na
si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa
pagkakadakip sa kanya.

BUOD

Nang ikapito ng gabing iyon ay makalawang


umalis at dumating si Simoun sa bahay na may
iba’t ibang taong kasama. Pinag-aralang
mabuti ni Basilio ang pagpapagaling kay
Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging
mahirap pakibagayan.Si Simoun at si Padre
Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay
Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit,
pagtiisan ito sa pag-aalaga.Sa pagrerepaso ni
Basilio ay dumating si Simoun ng walang
salwal.Kinumusta ni Simoun ang maysakit..
Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan.
Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.Hinimok ni
Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan
laban sa pamahalaang Kastila dahil ang hindi
kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na
dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio
na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni
Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong
lungsod.Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa
namatay na si Maria Clara. Naroon siya sa
kumbento upang makibalita kaya niya nabatid.
Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na
padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na
siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na
nagpanangis nang mabatid na patay na si
Maria Clara.Litong-lito na patakbong nanaog
ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang
isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang
kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria
Clara.

BUOD

Si Basilio ay pauwi na sana nang may


narinig siyang yabag at may nakitang liwanag
na papalapit at kaagad naman siyang nangubli
sa puno ng balete. Nang tumigil ito ay
namukhaan ito ni Basilio, ito ay ang tumulong
sakanya sa paglibing ng kanyang ina,ito ay si
Ibarra. Umamin nga si Simoun na siya si Ibarra
at Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio
sapagkat nalaman nito ang kanyang tunay na
katauhan ngunit hindi ito natuloy at kinumbinsi
niya na lamang itong sumali sa kanyang
himagsikan ngunit tumanggi lamang ito at
tuluyan ng umalis.
BUOD

Palihim na nagtungo si basilio sa gubat at


pinuntahan ang libingan ng kanyang ina at
pagkatapos ay lumuwas siya ng Maynila kung
saan natagpuan niya si Kapitan Tiyago at siya
ay naninilbihan dito upang makapag-aral. Si
Basilio ay minamaliit dahil sa kanyang sira-
sirang kasuotan ngunit kahit ganun ay
pinagpatuloy parin niya ang kangyang pag-
aaral. Nang siya ay nakapagtapos ay
nagkaroon siya ng medalya. Pinalipat siya sa
Ateneo Municipal kung saan kumuha siya ng
medisina at siya’y naging masigasig sa pag-
aaral kaya kahit hindi pa siya nakapagtapos ay
nakapanggamot na siya.

Paliwanag
Si Basilio ay lumuwas ng Maynila at doon
siya nakapag-aral dahil kay Kapitan Tiyago na
pinagsisilbihan niya

Paliwanag
Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa
paghihiganti. Nais nilang maipaghiganti ang
sariling kaapihan
Paliwanag
Nalaman ni Basilio na may mga paskil laban
sa pamahalaan

Paliwanag
Nalaman ni Simoun na hindi na nya
maitataks si Maria Clara sa Simbahan sapagkat
ito’y patay na

Paliwanag
Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay
Basilio ay isang pagpapatunay na may ilam
ding Kastilang may ugaling marangal

Paliwanag
Ang kasal ni Juanito at Paulita ay dinaluhan
ng mga taong tulad ng Heneral

Paliwanag
Inanyaya ni Simoun na sumali sa
himagsikan si Basilio sapagkat nalaman nito
ang kanyang sikreto na sya ay si Ibarra
Tagpuan
Maynila
Tagpuan
Sa may Puno
Tagpuan
Sa bahay ni Basilio
Tagpuan
Sa Unibersidad
Tagpuan
Sa silid ni Simoun
Tagpuan
Sa Bahay ni Kapitan Tiyago

Pahiwatig
Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-
aral ay nag-papakita ng pagpapahalaga ni Rizal
sa karunungan. Maging ano mang uri ng
Gawain basta’t marangal ay kailangang
pasukan upang makapagtapos ng pag-aaral.
Kailangan ng pagtitiis,pagtitiyaga at
pagsusumigasig upang makatapos.
Pahiwatig
Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang ito
ay mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong
diwa , kaisipan ,damdamin at mga mithiin ng
may akda para sa bayan

Pahiwatig
Ang pagbabalik at balak na agawin si Maria
Clara sa Kumbento ay nagpapatunay ng
kawagasan ng pag-ibig nito;at ang pagkamatay
ni Maria Clara ay nagpapahiwatig ng pananatili
ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa

Pahiwatig
Ang mga makapangyarihan ay nakakagawa
ng mga paraan upang masugpo ang anumang
kilusang labag sa kanilang kapakanan

Pahiwatig
Si Simoun ay may paniniwalang ang
nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa
pamamaraan , mabuti lamang ang layunin.
Nalimutan niyang ito’y labag sa alituntunin ng
kagandahang-asal
Aral
Ang pagkakaroon ng magarang kasal ay hindi
nagpapakita na maganda ang magiging buhay
ng mga ikakasal. Mali ang paghahanda ng
magara pagkatapos ay mangungutang lamang

ARAL
Ang magalit sa kapwa ay hindi mabuti dahil
nagdudulot ito ng kasawian at paghihiganti

Aral
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag,
tahanan, katarungan at kalayaan , ituturing ng
bayan na magnanakaw ang tumatanggi nito.

Aral
Ang paghahangad ng isang bagay ay hindi
dapat maging dahilan ng kapamahakan

Aral
Ang pagiging masikap at masigasig ay hindi
pa sapat upang magtagumpay
Aral
Ang paghihimagsik o paghihiganti ay
masama at ito lamang ay nagagawa dahil sa
matinding galit sa isang bagay.
Aral
Ang lahat ng nagtitiis ay nagtatagumpay

Tauhan
Simoun – ang mag-aalahas na maghihiganti
Basilio – Sumapi kay Simoun para maghiganti

TAUHAN
Basilio – Ang kasama ni Simoun sa
paghihiganti

Tauhan
Basilio – Ang dinakip na mag-aaral na
nakakulong
Kawani – nagtanggol kay Basilio

Tauhan
Basilio – Mag-aaral ng medisina
Simoun – Mag-aalahas; Si Ibarra
Tauhan
Basilio – mag-aaral
Isagani – mag-aaral
Pelaez – mag-aaral
Macaraig – Mag-aaral

Tauhan
Basilio - mag-aaral;kasintahan ni Huli/Juli
Simoun – mag-aalahas;Si Ibarra
Huli/Juli – kasintahan ni Basilio
Kapitan Tiyago – ang may sakit na nagpa-aral
kay Basilio

Tauhan
Basilio – mag-aaral ng medisina; naging
utusan at pinag-aaral ni Kapitan Tiyago
Kapitan Tiyago – nakatagpo kay Basilyo

You might also like