Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Christienne Simone F.

De Jesus H11-04

Kahirapan
Ang mahirap ay patuloy na naghihirap at ang mayaman ay lalong yumayaman.
Ang mga katagang ito ay tunay naming tumatak hindi lamang sa aking isipan, maging sa
aking puso. Pero, bakit nga ba kahirapan ang isa sa pinakamalalang isyu ng lipunan sa
panahon ngayon at maging sa nagdaan na panahon? Tayo ay nahaharap ngayon sa
isang matinding krisis sapagkat madami sa mga Pilipino ang namumuhay ng salat sa
mga pangunahing pangangailangan upang sila ay makapamuhay ng matiwasay. At
kapansin-pansin na sa pagdaan ng panahon, lalong lumalala ang problema ng ating
bansa na hindi masolusyonan dala ng kahirapan.

Ngayon, isipin nyo, ano at sino nga ba ang dahilan ng kahirapang ito? Tayo nga
bang mga Pilipino o ang namamahala sa bansang ito? Kahirapan, napakaraming dahilan,
nakikita kung saan saan. Walang tao ang gustong maging mahirap, dahil mahirap maging
mahirap. kapag mahirap ka, wala kang karapatan. wala kang karapatang ipaglaban ang
katarungan. wala kang karapatang mag-reklamo. wala kang karapatan gumaling sa mga
sakit na iyong nararamdaman. wala kang karapatang makapag-aral at wala kang
karapatang mabuhay. bakit? dahil mahirap ka. ang tingin sa iyo ng bawat tao ay hindi mo
kaya, hindi mo kayang makapagtrabaho. Hindi mo kayang ipaglaban ang iyong
karapatan. bakit? dahil nasa laylayan ka ng lipunan at wala kang karapatang magreklamo
dahil ang sasabihin sayo ay palamunin ka lamang naman ng gobyerno. ngunit san nga
ba nanggaling ang pera ng gobyerno? di ba sa bulsa din naman ng mamamayang
Pilipino? Nakakababa. Nakakapanghina. Ngunit, papaano uunlad kung nawawalan ng
pag-asa? Kaya’t naisin nating maging matalino at lumaban para sa ating mga karapatan.

Bilang pagtatapos, Ako si Christienne Simone De Jesus at nawa’y maging


matalino tayo sa lahat ng ating gagawin sapagkat ang isang pagkakamali ay maaaring
maging dahilan sa paghihirap ng 1 milyong pamilya.

You might also like