Nakipagkalas Si Leonor Rivera

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Nakipagkalas si Leonor Rivera.

Sa paglitaw sa eksena ni Kipping, nakita ng ina ni Leonor na mas bagay siya sa kanyang anak
kaysa sa isang filibusterong si Rizal, kaya sinuhulan ang kawani sa tanggapan ng liham na harangan
lahat ng sulat ng magkasintahan, kapwa sila kung gayon nagkaroon ng impresyon na nagkalimutan na
ang isa’t isa. Matagal na nangumbinsi nang husto ang ina nag Leonor na magpakasal siya kay Kipping,
hanggang sa bumigay na rin si Leonor , hindi alam ang iisipin tungkol kay Rizal at nagdurusa na sa
kakulitan ng ina.

Sa wakas binasag ni Leonor Rivera ang kanyang pananahimik ngunit para lang makipagkalas at
ibalita ang napipintong kasal niya sa isang Ingles na si Henry Kipping, isang engineer. Isang kaibigan na
kasama ni Rizal ang nagsabing humagulgol itong parang bata nang buksan at basahin nito ang liham.
Napakatindi ng damdaming pinukaw sa kanya ng anumang pagkaalala kay Leonor kaya apat na buwan
bago niya nakuhang sabihin ang nangyari kay Blumentritt.

“Huwag kang magtaka na pinili ng isang Pilipina ang ngalang Kinping kaysa ngalang Rizal. Hindi,
huwag kang magtaka. Malayang tao ang isang Ingles, ako hindi.”

Hidwaan sa Pilipinong komunidad sa Madrid at tunggalian ng mga puwersa nina Rizal at Del Pilar.

Nakawasiwas na mismo sa mukha ni Del Pilar ang tuksong nagtutulak para manibugho kay Rizal,
ang kinikilalang pinuno at pangulo ng kilusan. Alam ni Rizal ito. Umurong siya nang husto. Subsob sa
kanyang nobela halos hindi na siya nagsulat sa La Solidaridad, at hindi nakialam man lang tungkol sa
direksyon nito. Labis siyang nagtimpi dahil napakarami niyang lubos na di-sinang-ayunan sa
komunidad ng Madrid. Ang pasusugal at pagwawaldas na binanggit niya kay Del Pilar ngunit wala
itong ginawa.

May mga masisinsing tao naman sa Pilipinong komunidad at naniniwalang kailangang suriin muli
ang programa at gawing mas ispesifik at mas radikal ang mga layunin ng kilusan. Sa kanilang opinyon,
lumuluwag ang hawak ni Del Pilar sa pagpapatnugot ng La Solidaridad. Nakakalusot ang mga sulating
may taglay na opinyong taliwas sa mga pampulitikong pananaw ni Rizal, na siya ring pananaw ng
Propaganda sa Maynila kung saan nanggagaling ang karamihan sa mga pera.

Nagkaroon ng halalan para sa pagbuo ng isang komite na mamamahala para sa pagkakampanya


sa Pilipinas. Komiteng bubuuin ng isang Responsable at dalawang tagapayo. Ang Responsable bilang
opisyal na may huling sabi sa kung ano ang direksyon ng La Solidaridad. Agarang tumutol si Del Pilar
rito dahil dapat pa ring isiping pribadong empress ang La Solidaridad.

Naghati ang suporta sa dalawang kampo. Ang isa na sumusuporta kay Rizal at ang isa kay Del
Pilar na ginagamit ng isang komunidad na nagkatagpo ng tagapagsalita sa kanyang katauhan. Sa
simula si Rizal na ang nananalo sa halalan ngunit hindi makakuha ng sapat na boto para sa
kailangang dalawang-katlo. Sa ikatlong araw, bunga ng bigay-todong punyagi nina Mariano Ponce at
iba pa, nakuha ni Rizal ang kailangang boto at siyang hinirang. Ngunit sumulat siya ng kalatas na
tumatanggi rito.

Ulayaw sa Biarritz

Mga pagkukulang bilang pinunong pang-organisasyon

Sa usaping politika at pamumuno mayroong malaking pagkakaiba si Rizal at Del Pilar. Si Rizal ay
isang malikahaing artist at palaisip. Pantaong-sining ang lapit niya sa mga bagay-bagay. Mahalaga sa
kanya ang pagkakaisa - kaisahan ng ideya at katuparan. Ang kakulangan sa kaisahan ay nakakaapekto
sa kanya tulad ng epekto ng kritisismo sa isang artist. Kung kaya’t kung wala nito, minamabuti niyang
mapag-isa na lamang. Katangiang hindi akma sa politika dahil walang kinabukasan ang politikong hindi
nagsusumamo , nagdadahilan, at nag-aalok ng mga pangako para mapabilang sa partido. Mahihinuha
na kulang si Rizal sa pakikitungong hinihingi ng pamumuno at ang mga extrim niyang pananaw ay
hindi angkop sa pamumunong organisasayonal kaiba sa mas pragmatik na lapit ni Del Pilar sa mga tao
at pangyayari.

Seryosong Panliligaw at Prospek ng Protestantismo at pagyaman

Nilisan ni Rizal ang magulong Madrid at pumasok sa isang tanawing kontrast na konstrast - sa
over sa palamuting dalampasigan ng Ikalawang Imperyo sa Biarritz. Doon isang buwan siyang
nanigilan bilang bisita ng pamilyang Boustead, pinahilom ang mga ‘kalmot ng kaibigan’, inayos ang
kanyang mga naiisip, nagpatuloy sa kanyang pagwawasto at Niligiwan si Nelly.

Tunay na hindi mapagpahiwatig ng anumang damdamin si Nelly. Walang imik ito ng


magsimulang mag-alay ng paghigugma si Rizal. Ngunit lumipas ang panahon at nagpursigi pa rin si
Rizal, may nagbago kay Nelly para sa kanya. Tunay na gustong-gusto niya naman si Rizal, subalit hindi
pa rin siya sigurado. Napakaseryosong ligawan iyon. Nakakausap niya si Nelly tungkol sa mga
seryosong paksa.

Bagamat heredera si Nelly, nilinaw naman ni Rizal ba hindi siya mag-aalok pakasal o pagiging
katipan hanggang wala siya sa posisyong kaya niya mismong pinansyal na sumuporta. Gayunpaman,
hindi pa rin sigurado si Nelly. Gusto niya na rin itong mapangasawa, ngunit ‘di pa rin tiyak sa motibo
nito, kaya nangako siyang maghihintay hanggang handa na si Rizal na hingin ang kamay niya mula sa
kanyang mga magulang pero sa isang kondisyon: ‘yakapin niya ang kristyanismo ayon sa aking
pagkaunawa at kung paano ito dapat maunawaan ng lahat ng hindi makagawa ng mabuti kung wala
ang kanyang tulong at sa grasya. Ito ang puntong narating nila nang nagpaalam siya sa Pamilya at
bumiyaheng pahilaga sa Paris.

Ngunit pagkaalis niya ng Biarritz, dinagil-dagil na siya ng mga pagdududa. Pinag-alinlangan niya
ang katapatan ng kanyang pangakong maghihintay ito, dahil sa ipinataw nito sa kanya. Nagpatuloy sila
sa pagsusulatan subalit ayaw bumigay ni Rizal. Mga katangiang hinangaan ni Rizal sa kababaihan ang
katatagan at katapatan - determinasyon. Ngunit gaya ng kanyang mga kapanalig, hindi siya taong
madaling magpadala sa determinasyon kung hindi ito kapareho ng kanyang direksyon.

El Filibusterismo, Pagpakapatalaga at Paglabas

Nagsasariling tagapagsalita ng mga adhikaing Pilipino

Simula ng lumabas ang Sucesos mahigit isang taon na, kapos na kapos na sa pera si Rizal,
nakaasa lang sa konting alawans mula sa Propaganda sa Maynila. Natuklasan niya kung paano
natutukso ang mga tao basta pera ang pinag-uusapan. Salamat sa masinop na si Basa kumita siya ng
bahagya sa Sucesos pero sa Noli, sa kabilang ng malaking tagumpay rito, wala.

Tinutulong-tulungan siya nina Basa sa Hongkong at mga kaibigan sa Europa kung hindi
Dumarating ang alawans mula sa Maynila pero utang ang mga ito. Ilang araw matapos bumalik sa
Brussels, kung saan nagpasabi siya sa Propaganda ng kanyang pasyang bumalik sa Pilipinas, Hongkong
o Japan, humiling na ikansel na ang kanyang alawans at gamitin na lang sa mas mabuting layunin. Sa
hakbang na ito sa panahong nasa bingit siya sa pinansya, nagduda na siya sa pagtanggap pa ng tulong
mula sa Propaganda gayong hindi na siya nagkokontribyut sa La Solidaridad.

Bandang huliha ng Mayo natapos ang El Filibusterismo, at sa paghahanap ng mas murang


limbagan, lumipat siya sa midyival na lungsod ng Ghent, dito nakapisan niya si Jose Alejandrino.
Maagang Hulyo nang nakatanggap siya ng kalatas na nagsasaad na ikinuha na siya ng pasahe ng
matapat na si Basa bilang tugon sa kanyang sulat noong Abril 4 na humihiling sagutin ang isang
pasahen first class mula Europa hanggang Hongkong. Pero sa kabuuan, problemadong problemado
siya sa pera.
Nangako ang ibat ibang kaibigang maykaya na magbibigay ng paglilimbag sa aklat, subalit wala
man lang nagpadala ng ambag. Katangian ng mga Pilipino na kinaiinisan niya ng husto - huwad na
pangako- panting na panting ang tenga sa pagliham kay Basa, sinabi niyang itapon na lang ang
kanyang aklat.

Sa sandali noong unang linggo ng Agosto, mukhang matitigil ang pagpapalimbag. Ngunit
makumpyansa pa rin ang tagalimbag at patuloy na nagtrabaho. Sa gitanang Septyembre, nagpadala si
Valentin Ventura ng perang sapat upang mabayaran ang gastos. Pinadalhan niya ng kopya ang
kanyang mga kaibigan, kalakip ang babalang huwag muna ito ipamalita.

Rebolusyunaryong Ikalawang Nobela

Buong lipunan muli ang saklaw ng nobela, batbat ng panimdim, may kulimlim ng sikil sa
pagkamuhi. May sa demonyo si Simoun. Maraming sitwasyon ang katatawan, subalit malagim itong
nagpapatawa. Sa mambabasang Pilipino, kung mapuwersa ang Noli, napakabigat naman ng Fili.
Nobelang nanghahatak sa rebolusyon, ngunit walang ipinangako mula rito. Dalawang layunin ang
nakamit ng nobela. Panunulsol sa rebolusyon at isang mariing babala laban dito. Hindi panawagan ang
Fili. Isa itong moralidad, malalim na pagkalarawan ng mentaliti at klima ng pag-aalsa, kasama ang
kaigtingan ng mga pangangailangan ng nito at pagkukulang sa pagsasatupad. Isa itong pahayag ng
mga katunayan.

Paglipat ng sentro ng pakikibaka mula Europa tungong Asya

Talagang hinihila na siya pauwi, isang pagkahilang dala na rin marahil ng pagkadismaya sa ga
pangyayari sa Madrid. Naisip niyang kahit papaano nararapat ng ilapit sa bansa ang pakikibaka, o sa
bansa na mismo. Dagdag pa rito, at marahil ang pinakaimportante, naduduhagi na siya ng pagkaisip sa
pagdurusang dinulot niya sa kanyang pamilya. Lahat nagbabala laban sa pagbabalik niya sa Pilipinas.
Sa Paris, kinausap niya ang kanyang mga kaibigan kung ano ang mangyayari at nalimbag na ang Fili.

Nagsumamo si Blumentrirr na kalimutan na niya ang balak na pag-uwi ngunit kumbinsido na


siyang kailangan niyang umalis at hindi na siya matitinag.

“Kailangan kong bumalik sa Pilipinas. Naging pasanin na ang buhay. Kailangan kong ipakita ang
halimbawa, ang kawalang-takot sa kamatayan, nakakagimbal man ito.”

“Pero imposible na sa akin ang buhay rito sa Europa. Mabuti nang mamatay kaysa mamuhay
nang kahabag-habag”

You might also like