Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay sa Pagtuturo sa Filipino 7

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 30 minutong klase, ang mga mag-aaral ay inaaasahang:
A. Matukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap.
B. Maipaliwanag ang sanhi at bunga sa mabubuong sitwasyon.
C. Mailarawan ang kaugnayan ng sanhi at bunga.
D. Makapagbigay ng halimbawa ng sanhi at bunga.

II. Nilalaman
A. Paksa: Sanhi at Bunga
B. Sanggunian: Makabagong Balarila sa Filipino, pahina 92-94
C. Kagamitang Panturo: Powerpoint, marker, popsicle sticks, laptop
D. Pagpapahalaga: Matukoy ang mga maling gawain na nagdudulot ng
pinsala sa kalikasan at gumawa ng tamang aksyon para maiwasan ito.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Lumiban
4. Pagganyak na Gawain
May ipapakitang dalawang larawan sa monitor ang guro. Itaas ang
dalawang hinlalaki kapag magkaugnay o konektado and dalawang
larawan. Itaas naman ang dalawang hugis puso gamit ang daliri
kapag hindi magkaugnay o konektado.

B. Paglalahad
1. Presentasyon
Ipapakitang muli ng guro ang mga larawan na magkaugnay o
konektado.

2. Pagtalakay sa Aralin
a. Ano ang kahulugan ng sanhi?
b. Ano ang mga hudyat nag nagapahayag ng sanhi?
c. Magbibigay ng halimbawa ng sanhi.
d. Ano ang kahulugan ng bunga?
e. Ano ang mga hudyat nag nagapahayag ng bunga?
f. Magbibigay ng halimbawa ng bunga.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbubuod
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin
ng sanhi at bunga base sa diskusyon na kanilang napakinggan.
Magbigay ng halimbawa na may kinalaman sa kalikasan.
2. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng sanhi at bunga?

3. Pagpapahalaga
Ano ang mga maling gawain ng tao na nakasisira sa kalikasan?
Paano ito mapangangalagaang mabuti ang kalikasan?

3. Paglalapat
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para buoin ang isang parirala
upang maging isang pangungusap at tukuyin kung alin ang sanhi at
bunga sa nabuong pangungusap.

IV. Pagtataya
Magbibigay ang guro ng isang pagsasanay.
Panuto: Isulat sa patlang ang S kung ang may salangguhit ay tumutukoy sa
sanhi. Isulat naman ang titik B kung ito ay tumutukoy sa bunga.

V. Takdang Aralin
Sa pahina 97, gumuhit ng larawan sa ibinigay na kahon kung paano niyo
mapangangalagaan ang kalikasan.

Maghanda sa isang pagsusulit.

You might also like