Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa ay “mapagmahal o

magiliw”. Ang sikat na sayaw na ito ay nanggaling sa Espanya.


Nagsimula ang sayaw na Cariñosa sa Isla ng Panay at ipinakilala
ng mga Espanyol noong kanilang kapanahunan at kolonisasyon sa
Pilipinas. Ang panyo at abaniko ang syang pangunahing elemento
ng sayaw kung saan ang lalake at babaeng mananayaw ay nasa
sitwasyon ng pagliligawan o nasa romantikong eksena at kanilang
itinitago ang nararamdaman sa pamamagitang ng panyo at abaniko.
Ang panyo ay hawak ng lalaki at abaniko naman ang hawak ng
babaeng mananayaw sa sayaw na parang nagtataguan ang mga kilos
habang sumasayaw sa indayog ng mabilis na musika ng Cariñosa.
Tinaguriang sayaw ng pagliligawan, kadalasan ay dalawang
mananayaw lamang – isang babae at isang lalaki ang gumaganap
nito, ngunit maari ring maramihan na magkapareha. Walang
hawakan ng kamay ngunit makikita ang kanilang gusto at interes
sa isa’t isa. Pilit na hahabulin ng lalaki ang babae sa
pamamagitan ng sayaw, at ang babae naman ay may pagkamahiyain
at nagpapahabol sa kanyang kapareha. Ang sayaw na ito ay sikat
sa buong bansa at palaging isinasayaw sa mga piyesta at kung
ano ano pang kultural na mga okasyon sa buong bansa. Iba’t
ibang bersyon ng Cariñosa ang matatagpuan sa Pilipinas ngunit
ang pinaka elemento ng sayaw ay ang parang pagtataguan at
paghahabulan ng mananayaw

You might also like