Pangako NG Samahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGAKO NG SAMAHAN

Kaming mga kasapi ng DAMAYAN____ ay buong


pusong nangangako na tutupad sa lahat ng
alituntunin,patakaran at obligasyon ng isang mabuting
kasapi ng samahan.
Kami ay magtutulungan at kailan ma'y di mag-
iiwanan upang sama-samang lutasin ang anumang
problema at suliraning darating sa aming samahan.
Tulungan nawa at patnubayan kami ng Panginoong
Diyos.
KAY TATAG NG BUKAS SA CARD MRI
Kasaysayan ng card ay may kasimplehan,
integridad, kakayaha't kahusayan,
Diwa ng pamilya kababaang loob
isinasapusong tunay.
Kasapi at pamilya'y nakaseguro,sa ipon
kami ay umasenso
Programang kalusugan,edukasyon at
kabuhayan serbisyong alay sa amin ng
CARD MRI.
KORO:
Ang CARD MRI ay susulong pa kaakibat ay
laksa laksang mamamayan.
Liwanag sa hinaharap buhay ay maunlad,

O kay tatag ng bukas sa CARD MRI

O kay tatag ng bukas sa CARD MRI.


SAMPUNG DESISYON

1. Kami ay maagap na dadalo sa lahat ng takdang


araw at oras ng lingguhang pagpupulong,hindi
lamang magbabayad at magdedeposito kundi
aktibong makikiisa sa gawaing pangsamahan.
2.Kami ay magdedeposito ng limampu(50) o higit
pa kada linggo upang makaipon ng sariling pondo.
3.Kami ay uutang ayon lamang sa aming kakayahan
at huhulugan lingo-lingo.
4.Kami ay nakahanda sa patuloy na pag-aaral at
pagsasanay sa ikauunlad ng samahan.
5.Aming paiiralin ang tunay na pagmamahal at pag-
uunawaan at sama-samang lulutasin ang anumang
problemang darating sa aming samahan.
6.Aming huhubugin sa wastong pag-uugali ang aming
mga anak at sisikaping mabigyan ng wastong
edukasyon upang sila ay maging mabuting
mamamayan.
7.Kami ay patuloy na magtatanim ng mga gulay,
puno at halamang gamot bilang pagkalinga sa
aming pamilya at kapaligiran.
8.Kami ay tulong-tulong na magtatayo ng bahay
pulungan upang maging silungan sa anumang uri
ng pagpupulong at gawaing pangsamahan.
9.Kami ay iiwas sa anumang bisyo gaya ng
pagsusugal,pag-inom ng alak at paninigarilyo.
10.Aming pananatilihin ang kalinisan at kaayusan ng
aming sarili,tahanan at kapaligiran.

You might also like