Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paano naipakita sa pelikula ang papel ng pagkasumasakatawang-diwa ng tao sa gawain

ng pamimilosopiya?

Ang pagsasakatawan ng suheto (subject) ay mailalarawan bilang isang kabalintunaan. Sa isang


banda, akin ang aking katawan kagaya ng pag-aari ko sa aking aso. Ngunit may napakatalik akong
relasyon sa aking katawan, kung kaya’t mas mainam na sabihing ako ang aking katawan. Subalit
ganunpaman, lumalampas pa rin ako sa aking katawan. Ito ang esensyal na kahulugan ng suheto
bilang sumasakatawang-diwa.

Pagkasumasakatawang-diwa:
 From akin ang aking katawan  ako ang aking katawan (but doen’t mean ako ang katawan
na bagay), but dikit na walang pumapagitan  transcend beyond my body
o Isang katawan  unang pagmumuni
o Ako ang aking katawan  pangalawang pagmumuni
 Bumalik at iugat ang ating pagmumuni sa kongkretong karanasan ng aking
katawan
 Ikaw ay bukod-tangi, iba rin ang iyong pagtingin at pagdanas
 Sa pagbabaik sa kongkretong karanasan ng katawan at pagbalik sa ating
pagdanas, makikita nating isa itong misteryong walang 100% certainty
 Mayroon tayong mga blind spot, no 360 degrees view
 Patuloy alang ang pagquestion  philosophizing
o Sa pagmamalay mo, hindi mo sigurado kung saan ka pupunta
o Ang sarili aay hindi inaalam lamang pero dinaranas
o Sa pagtatagpo, makikita natin ang katawawan bilang
namamagitan – tulay at sagabal
o Philosophos – di nagsasawang umibig  binabago ng
pagmamahal
o *aminin mo na may lagi kang hinahanap
o pagiging bukas sa pangangalabit - ewan
161157 PH 101 – I
LEYBLE, Ma. Victoria Danicita A. Leyble Unang Mahabang Pagsusulit

The Motorcycle Diaries: Ang Pagnanasang Humigit Pa

Naipakita sa pelikulang Motorcycle Diaries ang pagkasumasakatawang-tao sa gawain ng


pilosopiya sa pamamagitan ng mga naging karanasan ni Ernesto Guevara sa kanyang paglalakbay—
ang kanyang mga naunawaan at ang mga katanungan niyang walang tiyak na sagot habang
dinaranas niya ang isang mundong bago lang sa kanya.
Ayon kay Marcel, “ang [ating] buhay-sa-daigdig ay hindi buhay-katawan lamang o buhay-
diwa lamang ngunit buhay ng sumasakatawang diwa.”1 Mula rito, babalikan natin ang misteryosong
kabalintunaan ng pagpapasakatawan ng suheto. Nangangahulugan lamang ito na: una, akin ang
aking katawan. Ibig sabihin nito ay pagmamay-ari ko ang katawang ito, at ako ang nakapagsasabi at
nakapagdedesisyon kung ano ang gagawin sa katawan kong ito. Kung dadako tayo sa pelikula,
maisasalamin natin ang pahayag na ito sa katawan ni Ernesto, at ang katawan niyang ito ay sa
kanya—isang katawang nagkakasakit, mahina ang baga, maganda ang hitsura, at marami pang iba.
Subalit hindi iyon dito nagtatapos.
Pangalawa, ako ang aking katawan. Ang ibig sabihin nito’y hindi maipaghihiwalay ang
katawan at ang sarili. Nararanasan natin ang ating pagiging-tayo sa pamamagitan ng ating katawan.
Mayroong isang bahagi ng pelikula kung saan iniabot niya ang kanyang kamay na walang gloves kay
Papa Carlito, ang pinuno ng komunidad ng mga ketongin, upang makipagkamay. Sa bahagi ng
pelikulang ito, masasabi nating si Ernesto ang kanyang katawan sapagkat nang iabot niya ang
kanyag kamay, siya mismo ang nais makipagkamay at hindi ang kanyang kamay lamang. Nang
magulat si Papa Carlito sa kilos na iyon, hindi naman siya nagulat sa kamay ni Ernestong walang
gloves, kung hindi kay Ernesto mismo na siyang nagpumilit na hindi magsuot ng gloves.
Pangatlo, lumalagpas ako sa aking katawan. Sinasabi nito na kaya kong higitan ang mga
hadlang na maaaring naidudulot ng aking katawan. Kung pag-uusapan ang pangatlong pahayag na
ito, makikita na mayroong mga pagkakataong lumagpas si Ernesto sa kanyang katawan gaya ng
bahagi kung saan tinawid niya ang tubig noong gabing iyon. Isa itong pagpapakita ng paglagpas
sapagkat bilang isang taong mayroong mahinang baga at karaniwang hinihika, nakayanan niyang
languyin ang malamig na tubig na iyon, at posible’y wala pa siya masyadong nakikita sapagkat

1
Eduardo Jose Calasanz, Ang Aking Katawan, n.d.
madilim ang kanyang kapaligiran habang lumalangoy. Mahalagang alalahanin na ang tatlong
nabanggit ay sabay na nangyayari at walang nakahihigit o “mas totoo” kumpara sa iba.
Sa pagsumasakatawang-diwa na ito, masasabi nating dumaan sa una at pangalawang
pagmumuni si Ernesto at ang kasamahan niyang si Granado. Bilang estudyante ng medisina at
biochemist, inaasahan nating ang kanilang pananaw ay nakabase sa obhektibo—sa kung ano ang
lohikal, ano ang siyentipiko, at patuloy ang pagtukoy at paghahanap sa katiyakan. Subalit habang
palalim nang palalim at palawak nang palawak ang naaabot ng kanilang paglalakbay, nakaabot na
rin sila sa pangalawang pagmumuni kung saan “ita[ta]guyod muli ang nilansag na kabuuang ito”2.
Isang halimbawa ay ang karanasan nila kasama ang mag-asawang komunista. Gamit ang unang
pagmumuni, maaaring nakita lamang nila ang mag-asawa bilang mga katawang, gaya nila,
naghahanap rin ng mga pagkain at matitirhan. Pare-pareho lang silang naglalakbay—pareho ng
katawan, ng dinadaanan, ng mga pangangailangan. Subalit noong ginamitan na nila ng pangalawang
pagmumuni at bumalik sila sa kanilang personal na karanasan kasama ang mag-asawa, napagtanto
ni Erensto na kahit na pareho silang manlalakbay na naghahanap lang ng mga bagay na
susustinihan sila, magkaiba pa rin ang kanilang karansan dahil magkaiba sila. Kahit hindi sinasadya,
dahil sa kanilang pagtatagpo, naramdaman niyang mas naging malapit siya sa sangkatauhan—isang
damdaming hindi niya maintindihan noong panahong iyon.
Matapos nilang makilala ang mag-asawa at dumaan sa mga bulubundukin, mas marami
silang nalaman tungkol sa mga katutubong hindi nila alam kung hindi nila nagawang kitain sila.
Gaya nga ng sabi ni Ferriols, “Lundagin mo beybe!”3 Sa pelikula, makikita ang paglundag nina
Ernesto sa realidad na kanilang hinaharap. Hindi lamang niya inalam ang mga suliraning hinaharap
ng buhay ng iba’t ibang mga tao, kung hindi kinilala niya ang mga ito. At sa kaniyang pagkilala at
pagdanas, lumitaw ang kanyang mga tanong na walang tiyak na sagot: “Was our vision too narrow?
Too partial? Too rushed? Were our conclusions too rigid? Maybe…”4 At sa kanyang patuloy na pagtatanong
na ito nagsimula ang kanyang pamimilosopiya.
Ang Griyegong salita sa isang namimilosopo ay philosophos na nangangahulugang
mangingibig ng karunungan (lover of wisdom).5 Kapag ang isang tao ay umiibig, hindi siya
nagsasawang mamangha sa tao o bagay na kanyang iniibig, at patuloy niyang kinikilala ang lalim
nito. Sa hindi pagtigil, maaaring unti-unti siyang binabago ng pagmamahal na ito. Ito ang naging
karanasan ni Erensto Guevara sa kanyang paglalakbay. Sa simula ng pelikula sinabi niyang ang

2
Gabriel Marcel, Ang Bulagang “Heto Ako!”, n.d.
3
Roque Ferrios, SJ, Sapagkat ang Pilosopiya’y Ginagawa
4
Walter Salles, The Motorcycle Diaries, DVD repr., FilmFour, BD Cine, Wildwood Enterprises,
Inc, 2004.
5
Karl Jaspers, What is Philosphy?, 1957
kanyang mga katangian: pagkabagabag (restlessness), nangangarap na diwa (dreaming spirit), at
hindi napapagod na pagmamahal sa daraanan (untiring love for the route). Nang mas napalalim
niya ang kanyang pagdanas sa ruta—sa kanyang paglalakbay—nasabi niya sa sarili niya na
naramdaman niyang nagbabago na ang realidad…o baka siya mismo ang nagbabago.
Sa kanilang naging karanasan ng pagkasumasakatawang-diwa, makikita rin natin ang naging
tungkulin ng katawan bilang namamagitan—bilang isang tulay at bilang isang sagabal.6 Kung
babalikan natin ang naging karanasan ni Ernesto habang siya’y nasa isla ng mga ketongin, makikita
rito na ang katawan niya ay nagsilbing tulay sapagkat sa pamamagitan ng kanyang katawan,
naipakita niya ang kanyang habag sa pamamagitan ng pagyakap, pagalik, at paghipo sa mga taong
may ketong. Subalit nagsilbi rin itong sagabal (at naunawan niya ito) nang makita niyang kahit
anong samahan pa ang mabubuo niya sa kanila, hindi pa rin siya sila. Nakita niya ang mundong
hindi-siya—na siya ay isang taong walang ketong at sila ang meron, na siya ay nasa isla ng mga
“normal” na tao at sila’y nasa kabilang isla.
At dahil sa kanyang pagmumuni, pag-iisip, at pamimilosopiya, napagtanto niyang hindi
lamang ang dagat at ang pisikal na katawan ng tao ang namamagitan sa kanya pati sa mga tao sa
kabilang isla, kung hindi ang kalooban mismo ng tao. Naunawan niya na ang mismong pag-iisip
na dapat hiwalayin ang mga “normal” sa mga may sakit ang nagiging sagabal sa kanyang
pakikipagkapwa. Nakaranas siya ng isang katiwalian sa pagpunta sa isang lugar na mayroong mga
gawaing hindi niya sinasang-ayunan. Dahil sa katiwaliang ito hindi niya lalo naintinidhan ang sarili
niya—kung ano ba siya, ano ang kaya niyang gawin, at ano ang gusto niyang maging. Dahil dito,
siya ay lumangayon. Sa kanyang paglangoy sa dagat, ipinapakita ritong hindi niya lamang
nalagpasan ang kakayahan ng kanyang pisikal na katawang hinihika, kung hindi nalagpasan niya na
rin ang nararamdaman niyang pagkawalang-magawa (helplessness) na siya mismo ang dumaranas
at hindi lamang ang kanyang katawan.
Paminsa’y sa kanyang pagtatanong, naiiwan lamang siya sa sagot na “ewan” at sa
pagmamalay na ito, hindi siya sigurado kung saan siya mapupunta. Subalit sa pag-eewan na ito, sa
paminsang kawalan ng katiyakan, nagiging bukas tayo sa pangangalabit. Si Ernesto ay naging bukas
sa pangangalabit na ito at marami pa siyang nais matutunan at mahalin, kaya sa huli, pinili niyang
manatili at hindi sumama kay Granado sa ospital. Pinili niyang magpaiwan sa walang katiyakan at
sikaping matutuo at tumulong sa kung saan sa tingin niya’y siya’y kinakailangan. Dahil sa kanyang
naging karanasan, nakita niya ang pagmamay-ari niya ng kanyang katawan, ang pagiging-siya at
hindi-siya sa kanyang katawan, at nakita niyang kaya niya pala itong higitan.

6
Eduardo Jose Calasanz, Ang Aking Katawan, n.d.

You might also like