Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang umaga, Mayo ng taong 2017 nang napagdesisyunan ng mga

magkakaibigang Lorna, Kelly, Jason, Ben at Joyce na ipagdiwang ang kaarawan ng


kanilang kaibigang si Odette sa isang beach resort. Nais nilang magdiwang sa isang
pribadong resort na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan na si Ben. Bagamat
aprobado silang lahat sa pinaplanong paliligo sa dagat, hindi naman pumayag ang
kani kanilang magulang dahil malayo ang tinutukoy na resort.
Ngunit bago pa lamang sumikat ang araw ng kinabukasan, kaniya-kaniya
silang plano kung paano makakaalis ng kani-kanilang bahay nang di nalalaman ng
kanilang mga magulang. Pasado alas nuebe nang makarating sila sa resort na
pagmamay-ari nila Ben. Kaniya kaniyang tampisaw ang ginawa ng magkakaibigan.
Naroon ding may kumukuha ng litrato, may nagkakatuwaan at kung ano ano pa.

Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon habang abala ang lahat na kumain
sa isang kubo, di nila namalayan na umalis pala si Kelly para magtampisaw at
kumuha ng mga kabibe na maaaring gamitin niyang pasalubong. Ngunit sa di
inaasahan, humampas bigla ang isang alon na nagtulak kay Kelly papalayo sa
pampang kung kaya’y nahirapan siyang makanbalik sa mas mababaw. Ilang
Segundo pa ang lumopas ay mas lalo pa syang napalayo sa pampang.
Samantala, habang nagkakainan ang lahat, napansin nila na wala ang
kaibigang si Kelly kung kaya’t hinanap nila ito sa paligid. Mayroon nagpunta sa
banyo, sa batuhan at sumilip sa dagat. Doon akita ni Jason ang dalagang si Kelly
na ultimo naluliunod kung kaya’t dali dali nyang tinawag ang iba pa nilang
kaibigan para tumulong sa pagsagip sa kaibigang nalulunod.
Swerte nalang at marunong lumangoy sina Jason at Ben kung kaya’t nasagip
nnila ang kaibigan. Nagsisi ang magkakaibigan na tinuloy pa nila ang kanilang
awting nang hindi pumapayag ang kanilang mga magulang. Doon nila napagtanto
na dapat palang sundin ang magulang kesa ipilit ang sariling nais.

You might also like