Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

IBA'T IBANG KATANGIAN NG MAHUSAY NA GURO AYON SA ABM MATIPID

NG VALENCIA NATIONAL HIGH SCHOOL

INTRODUKSIYON

Paunang Kaalaman
Ang katangian ay isang espisyal na binigay ng diyos para sa isang tao. Lahat ng

tao ay mayroong iba't-ibang katangian na bigay ng diyos at ito ang dahilan kaya tayo

naging espesyal dahil may taglay tayong iba't-ibang katangian. Ang katangian din ay

isang dahilan kaya tayo nakahanap ng mga kaibigan at kaya tayo mahal ng ating kapwa

ay dahil na rin sa taglay nating katangian.

Ang pag-aaral na ito ay ginawa ng mga mananaliksik upang makuha ang mga suhisyon

ng mga estudyante sa iba't-ibang katangian ng kanilang mga guro. Ito ay pinag-aralan at

ginawa din ng mga mananaliksik upang malaman nila ang mga dapat at hindi dapat

gawin sa iba't-ibang katangian ng kanilang mga guro para magkaroon rin ang mga mag

aaral ng ideya kung saan sila pwedeng sumangguni kung may kailangan sila.

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa paaralan ng valencia national highschool sa loob

ng silid aralan ng grade 11 abm 2 matipid kung saan ang mga estudyante dito ang sasagot

sa mga katanungan.
Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel

Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na aming isinagawa ay upang malaman kung sinu-

sinong mga guro ang may mga katangian kagaya ng sumusunod; masipag, maalalahanin,

bukas ang isip, mapagbigay, masigasig, pinakamatiisin, masigasig, masayahin,

maunawain at madaling malapitan.

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat

ito ay makakatulong sa mga mag aaral para magkaroon sila ng kaalaman sa kung ano ang

iba't ibang katangian ng kanilang mga guro. Dahil din sa pag-aaral na ito, magkakaroon

ng gabay ang mga mag-aaral sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa iba't ibang

katangian ng mga guro. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon tayo ng

kaalaman kung ano nga ba ang mga katangian ng iba't ibang guro base sa mga sagot ng

mga mag-aaral.
Saklaw at Delimitasyon ng Papel
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ibat ibang katangian o ugali ng mga guro.

Saklaw ng pag aaral na ito ang mga napiling guro sa baitang na 11 sa Valencia National

High School na may bilang sa 5 respondante. Ang mga mag aaral sa abm 2 matipid ang

siyang makapagbigay pansin sapagkat sila ang makapag bigay opinuon ukol sa pag aaral

na gagawin at dahil sila lang ang nakakapagsabi kung ano ang kanilang saloobin sa

nasabing usapin na ibat ibang katangian ng mga guro. Ang pag aaral na ito ay hindi

tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondante o mga guro sa buong paaralan sa

loob ng bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga napiling mag aaral

sa paaralan ng Valencia National High School. Ngunit anuman ang magiging kalalabasan

ng nasabing pag aaral ay hindi malayo sa mga saloobin ng mga mag aaral sa ibat ibang

paaralan sa ating bansa.

Depenisyon
Ang pagiging maalahanin ay katangian ng isang tao na nagpapahiwatig ng pag-

aalala at nagpapakita ng may pakialam sa kanyang kapwa tao.

Ang pagiging mabait ay ang pinakamagandang katangian ng isang tao dahil sila ang tipo

ng tao na kahit na nasasaktan na ay mabuti parin ang kanilang pakikitungo at sila rin ang

dapat na pakitaan mo ng iyong kabutihan.


Ang katangian na pagiging masipag ay ang gustong-gusto ng lahat dahil sila ang mga

taong maasahan mo talaga sa lahat ng bagay at sila nag mga taong alam mong hindi ka

talaga bibiguin.

Ang pagiging bukas ng kaisipan ay ang katangian ng isang tao na alam ang lahat ng

bahay tulad ng mabuti at masama at ito rin ang katangian ng tao na dapat alam mo para

alam mo rin kung ano ang mga masasama o malalaswang bagay na sinasabi ng iba.

Ang katangian na mapagbigay ay mabuti dahil ika nga nila "its better to give than to

receive" pero ang kabutihan ding ito ay nakasasama dahil minsan ito ang hihila sayo

pababa.

Ang katangian na patient ay maganda, mabuti at masaya dahil kahit gaano sila katagal

maghintay ay hindi parin sila nagagalit at handa pang maghintay ulit at sila rin ang uri ng

tao na kahit na nasasaktan na ay pinipigalan parin ang galit

Ang pagiging masayahin ay napakabuti sa ating kalusugan dahil kapag palagi kang

masaya ay matagal kang tatanda at marami rin ang taong gustong-gusto ngganitong uri

ng katangian.

Ang pagiging madaling lapitan ay mabuti naman pero kapag ito ay oras-oras at araw-

araw mong ginagawa ay nakakainis din minsan.


Ang katangian na pagiging masigasig ay ang katangian na nagpapakita ng interes sa isang

bagay, at ang katangian na madaling magkaroon ng maraming kaibigan.

Ang pagiging mapag-unawa ay isang katangian ng isang guro at ito ay

dumidepende sa kanyang posisyon tulad ng guro at ina at pwede ring guro lang dahil sila

an gating pangalawang mga magulang, guro ang pinakamabisang halimbawa ng mapag

unawang dahil sila lamang ang may kakayahang konsiderahin ang kanilang mga

estudyante at sila lang din ang may kakayahang magpasunod sa mga ito.
TEORITIKAL NA GABAY

Rebyu at Kaugnay na Literatura


Ilalahad sa kabanatang ito na ipaliwanag at bigyang linaw ang ibat-ibang

katangian ng mga guro.

Pinakamasigasig
Ayon kay Kaufman (2017) ang pagiging masigasig ay nagreresulta sa
pagkakaroon ng positibong relasyon, mas kaunting negatibong emosyon, pagtanggap sa
sarili, personal na paglago, at pagkakaroon ng layunin sa buhay. Ang mga taong
masigasig ay may gawi na masaya at palakaibigan.
   Ayon kay Sarnoff (2018) ang pagiging masigasig ay pinakamahalagang bagay sa
mundo na natatalo nito ang pera at kapangyarihang impluwensiya. Ang mga taong
masigasig ay nangungumbinsi at nangingibabaw. Ang pagiging masigasig ay
lumalaganap at nakakaimpluwensiya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
  

Pinakabukas Ang Isip


Ayon naman kay Kettering (2004) ng mga tao ay bukas ang pag-iisip tungkol sa
mga bagong bagay hangga't eksakto sila tulad ng mga matatanda
Ayon kay Bertrand (2005), ang bukas-isip ay katanggap-tanggap sa mga bagong
ideya. Ang bukas na pag-iisip ay may kaugnayan sa paraan kung saan ang mga tao ay
lumalapit sa mga pananaw at kaalaman ng iba, at "isama ang mga paniniwala na ang
ibang tao ay dapat maging malaya upang ipahayag ang kanilang mga pananaw at dapat na
makilala ang halaga ng kaalaman ng iba.

Pinakamasipag
Ayon kay Dr. Orlando (2013), ang isang tao ay dapat na masipag sa paghahanap
ng paraan upang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanyang mga mag-aaral.
Ayon kay Rawalpindi (2012), ang isang guro ay masipag at magaling sa
pagkonekta ng mga konsepto sa kanyang itinuturo na aralin upang malinang ang interes
ng bawat mag-aaral.
Ayon kay Smith (2018), ang pagiging masipag ay ang paggawa ng tama dahil
alam niya kung ano man ang kanyang ginagawa ay siyang magpapakita sa kung anong
klaseng tao siya.

Pinakamatiisin

   Ayon kay Duckworth (2013) ang pagtitiyaga ng guro sa kanyang mga estudyante
ay isang pinaka epektibong paraan sapagkat tinitiis niya ang lahat ng bagaya makapag
turo lang sya sa kanyang mga estudyante.
   Ayon kay Faust (2003) Ang pagtitiyaga ay makikita sa mga taong patuloy pa rin
sa paggawa kahit sa mahirap na kalagayan, mga taong hindi sumusuko kahit sabihin pa
ng iba na: Hindi magagawa ito.” Halimbawa nito ay kahit nahihirapan na ang mga guro
sa pagtuturo at pagbibigay payo sa atin atsaka gabay ay hindi sila susuko sapagkat
pursigido silang mapabuti ka.

Pinakamasayahin
  Ayon kay Favila (2018), ang epektibong guro ay masiyahin pala tawa. Ang
pagiging masiyahin na guro ay masigla, hindi nakakaantok at kawili-wili, at laging
mayroon bagong gawain. Hindi lamang ito ang magpunla at magkintal ng impormasyon
oprinsipyo ant opinion ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan
ang mga mag-aaral namapabuti ang buhay.Nasusukat ang pagiging epektibong isang guro
sa gawain, at sa kaasalan na paging masayahin para hindi mayayamot ang mga estudyate.
Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga guro sa pagpapaunlad ng kaisipan at
kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang kanyang impluwensiya sa pagtutro at sa
paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi lamang matatawaran kailanman.
  
Ayon kay Malinao (2018), ang epektibong guro ay masiyahin at malikhain. Ang kanyang
klase ay masigla, kawili-wili, atlaging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla
at magkintal ng impormasyon oprinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais
ay matulungan ang mag-aaral na napaabuti ang buhay Richard (1992) Nasusukat ang
pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang tinuturuan.
Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.

Ayon kay Gonzales (2017), bilang guro na ang passion ay ang pagbibigay
kaalaman sa mga estudyante ay kaligayahan umano nila ang pamamahagi ng kanilang
kaalaman, kahit na kakarampot lamang ang sahodd at maraming mahihirap na gawain
ang kinailangan gawin sa araw araw. Kung iisipin talaga labor of love ang nangingibabaw
sa mga guro, hindi na bale umano ang mahirap basta makatulong mabigyan ng kaalaman,
at mabigyan ng pagmamahal bilang pangalawang magulang ang kani-kaniyang nagiging
mag-aaral ay masaya na rin umano sila noon.
 
Pinakamabait
Ayon kay De Castro (2001), ang pagiging mabait ay isang sentral na konsepto sa
wikang etika ng Pilipinas. Ito ang karaniwang itinuturing na isang pangunahing bahagi ng
karapatdapat na pag-uugali sa moralidad. Kaya ang kagandahang loob ay maaaring isalin
bilang kagandahan sa loob.
Ayon kay Resurreccion (2007), ang pagiging mabait ay isang mahalagang
konsepto sa kulturang Pilipino. Madalas itong gingamit upang ilarawan ang isang taong
nagpapakita ng kabutohan sa kapwa ngunit wala pa raw itong malinaw na depinisyon.
Ayon kay Hall (2017), ang kabaitan raw ay kalidad ng pagiging mapagkaibigan at
mapagbigay. Ang pagmamahal, kahinahunan, pag-aalala, at pangangalaga ay mga salita
na nauugnay sa kabaitan. Bagaman ang kabaitan ay may kahulugan ng isang tao na
walang muwang o mahina. Ang pagiging mabait ay nangangailangan ng lakas ng at ang
kabaitan ay isang kasanayan sa pakikisalamuha sa iba.
Pinakamadaling Malapitan
Ayon kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni Laurante na ang pagiging
madaling lapitan na tao ay nakakaimpluwensya sa pag- unawa ng estudyante ang paraang
gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid, nakasalalay sa asal at
estratehiyang gagamitin ng guro kung makamtan ang nais niyang maunawaan ng
estudyante.

Ayon kay Hendricks (1998) ang madaling lapitan na guro ay pagkakaroon nang
magandang saloobin, gawain at asal sa kanyang mga estudyante. Ito din ang mga guro na
nagbibigay payo sa mga estudyante.

Pinakamapagbigay
Ayon kay Tan (2015) ang ibig sabihin ng mapagbigay ay kung ang isang tao ay
nagtitira ng tiyak na halaga kada sweldo upang makatulong sa mga taong nagsisilbi sa
Diyos gaya ng mga misyonero at manggagawa sa simbahan.
Ayon kay Carter (2017) ang mapagbigay ay hindi isang pakiramdam lamang o
simpleng pagbigay sa isang tao ito ay isang pamumuhay.
Ayon kay Kelly (2017) ang ibig sabihin ng mapagbigay ay unang-una ay isang
kaugalian ito ay daan sa mundo at pangako na dapat sundin para sa ating pagnanasa na
magbigay bahagi sa iba

Pinakamaalalahanin
Ayon kay Tasic (2016) ang gurong maalalahanin ay tunay na kinnalulugdan.
Humahanap siya ng pagkakataon upang mabisita ang mga-aaral na nagkaksakit.
Binibigyan niya ng tugon ang mga mga-aaral na nahihirapan sa klase at buong puso
niyang pinagkakalooban ng pansin. Marunong siyang dumamay sa mga pagkakataong
nanlulumo ang mag-aaral.
Ayon kay De Vera (2017) Ang maaalahanin na guro ay nakikipag usap sa
magulang ng mga estudyante o nagpapatawag ng pulong para mai ulat ng guro kung may
problema sa kanilang estudyante.

Pinakamaunawain
Ayon kay Sallan (2016) bilang isang guro ay dapat maintindihan mo ang bawat
tao, marunong umintindi sa kanyang mga estudyante, lalong lalo na sa pagpapasa ng
kanilang mga homeworks at proyekto.
Ayon kay Zarkzewski (2012) Aktibong makinig sa mga estudyante. Ang isang
guro na aktibong nakikinig sa mga estudyante ay nakikinig para sa kahulugan sa likod ng
sinasabi ng mga mag-aaral, at pagkatapos ay sinusuri ang mga ito upang matiyak na
naunawaan nila nang maayos. Pinatutunayan nito ang karangalan ng mga estudyante at
tumutulong na bumuo ng isang mapagkakatiwalaang relasyon sa pagitan ng mga guro at
mag-aaral. Kung ang kaguluhan ng silid-aralan ay hindi nagpapahintulot sa iyo na
magbigay ng ganitong uri ng nakatuon sa pakikinig sa isang mag-aaral na talagang
nangangailangan nito, pagkatapos ay magtakda ng isang oras upang makipag-usap kapag
may mas kaunting mga distractions.
Ayon kay Nubla (2017) Ang mga guro na isinasaalang-alang ang lahat ng
posibleng dahilan kung bakit ang isang estudyante ay hindi makakasakay.

Konseptwal na balangkas
Sa pag-aaral na ito aalamin kung sinu-sino ang mga gurong masigasig,

mapagbigay, maunawain, bukas ang kaisipan, masayahin, matiisin, maaalahanin,

masipag, at madaling lapitan, ang mga estudyante sa grade 11 ABM Matipid ang kalahok

sa gagawing pag-aaral. Sinasakop ng pag-aaral na ito ang lahat ng klase ng kasarian,

babae man o lalake.


Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey upang masuri kung sinu-sino ang mga

guro na nabibilang sa pinakamasigasig, mapagbigay, maunawain, bukas ang kaisipan,

masayahin, maunawain, matiisin, maaalahanin, masipag at madaling lapitan.

Ang resulta na makalap ay kokompyotin sa pamamagitan ng pormula ng

porsiyento at irarango batay sa nakalap na mga datos galing sa mga estudyante. Matapos

ang pagrarango ay bibigyan ito ng maikling deskripsyon na maglalarawan sa naging

resulta.

Sa pag-aaral na ito malalaman kung sinu-sino sa mga guro ang may malaking

porsiyento sa pagiging masigasig, mapagbigay, maunawain, bukas ang kaisipan,

masayahin, maunawain, bukas ang kaisipan, maunawain, matiisin, maaalahanin, masipag

at madaling lapitan.
METODOLOHIYA

Desinyo ng Pananaliksik
Ang napiling desinyo ng pananalilsik ay “Descriptive Survey Research Design"

na gumagamit ng talatanungan. Ayon sa mananaliksik mas madali itong makalikom ng

datos mula sa respondents. Hindi lamang nakadepende sa dami ng sumasagot sa mga

talatanungan ang desinyong ito, kundi maaaring makikipanayam o obserba ang mga

mananaliksik upang mas makahagilap ng karagdagang impormasyon. Napili ang

desinyong kwantitatibo sapagkat mas mabisa ito sa pag aaral upang makadagdag ng

pagkuha ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik

Lokal ng Pananaliksik
Ginanap ng mga mananaliksik ang pag aaral sa paaralang Valencia National High

School; SHS Building; Strand ABM; Section Matipid, na may 52 na respondents.


Populasyon ng Pananaliksik

Ang serbey na nilahukan ng mga respondente ay nagmula sa ABM 2 Matipid na

sangay ng senior high school, ang mga kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng 52 na

respondente. Sila ay aming napili na kalahok sa pananaliksik na bilang mga respondente

sapagkat iisa lamang ang aming guro atsaka kilala nila ang bawat katangiang taglay ng

mga guro naming na siyang pinag aaralan namin.

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang pangkat ng mga mananaliksik sa ABM 2 Matipid ay nagkasundo sa kung

anong kasangkapan ang aming gagamitin sa pananaliksik na aming gagawin at kami ay

nagkasundo na gumamit na lamang ng talasagutan upang malikom ang mga

impormasyon o datos na aming kinakailangan. Atsaka madali rin siyang ianalisa.Sa pag

gamit ng talasagutan mas mapapadali ang aming pananaliksik. Mas mapapadali na rin

para sa aming mga napiling tagasagot o respondente dahil magsasagot na lamang sila at

hindi namin sila kailangang interbyuhin.Sa kasangkapang ito mas mapapadali ang

trabaho ng bawat isa at hindi na masyadong maabala pa ang mga respondente. Sa


kasangkapang ito medyo komplikado nga lang pero madali lang siyang gamitin.

Kailangang maging maingat sa mga datos o impormasyon na iyong nalikom.

Paraan ng Paglikom ng Datos


Ang paraang ginamit ng mga mananaliksik sa paglikom ng mga datos ay sarbey o

paggawa ng katanungan. Inalam ng mga mananaliksik kung sino para sa kanila ang

pinaka-mabait, maalalahanin, masigasig, masipag, mapagkonsidera, bukas ang kaisipan,

mapagbigay, pasensyoso, masayahin at madaling lapitan.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos


Ang paraan sa pagkuha ng mga datos sa iba't ibang katangian ng mga guro ay

pagsasarbey. Ang bawat grupo ay nagbigay ng mga sagutang papel sa mga mag-aaral na

siyang sasagot sa mga sarbey upangn mas mapadalii nila ang pagkuha sa mga sagot na

cyang bubuo sa kanilang mga datos, dahil nangangailangan ito ng sapat na ebedencya at

aktwal na mga datos para mas mapatunayan kaagad kung sino guro ang may pinaka

mataas na boto sa bawat katangian na mayroon ang mga guro.


PRESENTASYON, ANALISA AT INTERPRETASYON
Sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay natuklasan ng mga mananaliksik:

Talahanayan 2: Guro na Bukas ang Kaisipan


Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser J.P 19 36.5%

Titser M.B 11 21.2%

Titser M.S 8 15.4%

Titser M.C.S.A 5 9.6%

Titser E.T 3 5.8%

Titser R.J 2 3.8%

Titser A.D 2 3.8%

Titser K.M 1 1.9%

Titser D.Y 1 1.9%

Kabuhuan 52 100%

Ayon sa aming mga nakalap na datos na inyong nakikita sa talahanayan ang


nangungunang guro sa pagiging bukas ang kaisipan ay si Titser J.P na may 19 (36.5%)
pinapangalawahan ni Titser M.B na may 11 (21.2%), na sinundan ni Titser M.S na may 8
(15.4%), sumusunod sa kanya ay si Titser M.C.S.A na may 5(9.6%), sumusunod naman
sa kanila ay si Titser E.T na may 3 (5.8%), sinundan din ito nina Titser R.J at Titser A.D
na may 2 (3.8%), at ang panghuli ay sina Titser K.M at Titser D.Y na may 1 (1.9%)
Talahanayan 2: Pinakamaunawain na Guro

Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 6 11%

Titser M.S 6 11%

Titser A.D 4 8%

Titser R.J 5 10%

Titser K.M 3 6%

Titser J.P 1 2%

Titser M.C.S.A 5 10%

Titser E.T 21 40%

Titser D.Y 1 2%

Kabuuan 52 100%

Ayon sa talahayanan 1 sa datos na aming nakolekta ay si Titser E.T ang nakakuha


ng pinakamalaking prekwinsi na 21 (40%). Sina Titser M.B at Titser M.S naman ang
pumapangalawa sa datos dahil silang dalawa ang nakakuha ng prekwinsi na 6 (11%).
Sina Titser M.C.S.A at pati narin si Titser R.J naman ang pangatlo sa datos dahil sila ang
nakakuha ng prekwensi na 5 (10%). Si Titser A.D lang naman ang pang-apat sa datos
dahil siya lang ang nakakuha ng prekwinsi na 4 (8%). si Titser K.M ang ikaapat na datos
na nang-iisang nakakuha ng prekwinsi na 3(6%). Ang panghuling datos naman ay sina
Titser J.P at Titser D.Y ang dalawang guro na nakakuha ng pinakamababang prekwinsi na
2 (4%). At ang kabuuan ng estudyanteng aming sinurbey ay may prekwinsi na 52
(100%).
Talahanayan 3: Pinakamaalalahanin na Guro
Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 33 63%

Titser M.S 12 23%

Titser R.J 3 6%

Titser D.Y 1 2%

Titser D.A 1 2%

Titser M.C.S.A 1 2%

Titser E.T 1 2%

Titser J.P 0 0%

Titser K.M 0 0%

Kabuuan 52 100%

Ayon sa aming nakalap na datos ang maalalahanin na guro ay pinangungunahan


ni Titser M.B 33 (63%) at pinangalawahan ni Titser M.S 12 (23%) at pinapangatlohan ni
Titser R.J 3 (6%) at sinusundan nina Titser A.D 1 (2%), Titser M.C.S.A 1 (2%), Titser
E.T 1(2%), Titser D.Y 1 (2%) at ang panghuli ay sina Titser K.M (0%) at Titser P.J (0%).
Talahanayan 4: Pinakamadaling Malapitan na Guro
Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 42 80%

Titser M.S 3 6%

Titser M.C.S.A 3 6%

Titser A.D 2 4%

Titser E.T 1 2%

Titser K.M 1 2%

Titser J.P 0 0

Titser D.Y 0 0

Titser R.J 0 0

Kabuuan 52 100%

Ayon sa aming pananaw at nakalap na datos na inyong nakikita sa talahayan ang


nangungunang guro sa pagiging Most Approachable o medaling lapitan ay si Titser M.B
na may 42 (80%) na pinangangalawan nina Titser M.S at Titser M.C.S.A na may 3 (6%)
na sinundan naman ni Titser A.D na may 2 (4%) at sinundan nila Titser E.T at Titser K.M
na may 1 (2%) at ang mga napanghuli ay sina Titser D.Y, Titser R.J at Titser J.P na
nakakuha ng 0
Talahanayan 5: Pinakamapagbigay na Guro
Pangalan ng guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 18 34%

Titser M.S 7 13%

Titser R.J 6 12%

Titser K.M 5 9%

Titser J.P 4 8%

Titser A.D 4 8%

Titser M.C.S.A 3 6%

Titser E.T 3 6%

Titser D.Y 2 4%

Kabuuan 52 100%

Ayon sa aming nakalap na mga datos na inyong nakikita sa talahanayan ang


nangungunang guro sa pagiging mapagbigay ay si Titser M.B na may 18 (34%)
pumapangalawa sa kanya ay si Titser M.S na may 7 (13%) na sinusundan ni Titser R.J na
may 6 (12%) sumusunod sa kanya ay si Titser K.M na may 5 (9%) pumapanglima naman
sina Titser J.P at Titser A.D na may 4 (8%) sumusunod sa kanila ay sina Titser M.C.S.A
at titser E.T na may 3 (6%) at ang pumapanghuli ay si Titser D.Y na may 2 (4%).
Talahanayan 6: Pinakamasigasig na Guro

Pangalan ng Guro Prekwinsi Baghagdan

Titser M.B 2 4%

Titser M.S 3 6%

Titser A.D 4 8%

Titser R.J 2 4%

Titser K.M 2 4%

Titser J.P 35 66%

Titser M.C.S.A 2 4%

Titser E.T 1 2%

Titser D.Y 1 2%

Kabuuan 52 100%

Ayon sa mga datos na aming nakalap ang nangungunang guro sa pagiging


masigasig ay si Titser J.P na may 35 (66%), pinapangalawahan ni Titser A.D na may 4
(8%), pumapangatlo si Titser M.S na may 3 (6%), sinundan naman nina TItser M.B, R.J
at K.M na may 2 (4%) at ang pumapanghuli sa datos ay sina Titser D.Y at E.T na may 1
(2%).

Talahanayan 7: Pinakamatiisin na Guro


Pangalan ng guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B. 32 62%

Titser E.T. 15 29%

Titser M.S. 3 5%

Titser K.M. 2 4%

Titser J.P. 0 0%

Titser D.Y. 0 0%

Titser M.C.S.A. 0 0%

Titser A.D. 0 0%

Titser R.J. 0 0%

Kabuuan 52 100%

Ayon sa talahanayan 1 sa datos na aming nakolekta ay si Titser M.B.ang nakakuha


ng pinakamalaking prekwinsi na 32 (62%). Si Titser E.T. ang pumapangalawa sa datos na
nakakuha ng prekwinsi na 15 (29%). Si Titser M.S. ang pumapangatlo sa datos na
nakakuha ng prekwinsi na 3 (5%). Si Titser K.M. ang pumapang apat na nakakuha ng
prekwinsi na 2 (4%). At ang panghuli naman ay sina Titser J. P, Titser D.Y, Titser M. C.S.
A, Titser A.D. at Titser R.J. ang nakakuha ng prekwinsi na 0 (0%).

Talahanayan 8: Pinakamasayahin na Guro


Pangalan ng mga Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 2 4%

Titser A.D 1 2%

Titser M.S 1 2%

Titser M.A 0 0

Titser D.Y 1 2%

Titser R.J 0 0

Titser K.M 0 0

Titser J.P 48 90%

Titsesr E.T 0 0

Kabuuan 52 100%

Ayon sa aming mga nakalap na datos na inyong nakikita sa talahanayan 1 si titser


J.P ang nakakuha ng pinakamalaking prekwinsi na 48 (90%). Pumapangalawa si titser
M.B sa datos na nakakuha ng prekwinsi na 2 (4%) at ang pumapangatlo ay si titser AD at
titser M.S na nakakuha ng prekwinsi na 1 (4%). At si titser M.A titser R.J titser KM at
titser E.T ang mga guro na walang nakuhang boto bilang pinakamasayahin na guro.

Talahanayan 9: Pinakamasipag na Guro


Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan
Titser M.C.S.A 31 59%
Titser M.B 13 25%
Titser E.T 3 6%
Titser A.D 2 4%
Titser J.P 1 2%
Titser M.S 1 2%
Titser D.Y 1 2%
Titser R.J 0 0
Titser K.M 0 0
Kabuuan 52 100%

Ayon sa aming mga nakuhang mga datos na inyong makikita sa talahanayan ang
nangungunang guro sa pagiging pinakamasipag ay si Titser M.C.S.A na may 31 (59%) na
sinundan ni Titser M.B na may 13 (25%). Pumapangatlo naman si Titser E.T na nakakuha
ng 3 (6%) na sinundan naman ni Titser A.D na may 2 (4%). Ang panlimang posisyon
naman ay pinaghahatian nina Titser J.P, Titser M.S at Titser D.Y na nakakuha ng 1 (2%).
Sina Titser R.J at Titser K.M ay nasa panghuling posisyon sapagkat wala silang nakuhang
puntos.

Talahanayan 10: Pinakamabait na Guro


Pangalan ng Guro Prekwinsi Bahagdan

Titser M.B 41 79%

Titser M.S 3 5.8%

Titser E.T 3 5.8%

Titser D.Y 3 5.8%

Titser R.J 1 1.9%

Titser M.C.S.A 1 1.9%

Titser J.P 0 0

Titser A.D 0 0

Titser K.M 0 0

Kabuuan 52 100%

Ayon sa nakalap naming mga datos na inyong nakikita sa talahanayan, ang


nangungunang guro na may kabutihan-loob t ay si M.B na may 41 (79%).
Pinapangalawahan naman ng tatlo naming guro na sina M.S, D.Y at E.T na may 3 (5.8%)
na sinusundan naman nina R.J at S.A na may 1 (1.9%). At ang mga gurong nasa hulihan
ay sina J.P, K.M. at A.D. na walang nakuhang prekwensi
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom
Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na malaman

ang iba’t-ibang katangian o ugali ng mga guro ng ABM-2 Matipid. Nagsimula ang mga

mananaliksik sa pagsagawa ng sarbey. Pagkatapos ay binilang ito ng bawat grupo at

gumawa ng talahanayan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito. Dito na determina kung

sino ang mga gurong may magandang katangian na nagustohan ng mga mag-aaral. Sa

mga mananaliksik naman, nakuha nila ang kanilang mga ninais na kasagutan. Higit sa

lahat nakamit at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag- aaral na ito.

Konklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon:
Bukas ang kaisipan (Ginoong Pascua)
Mapagbigay (Ginang Bernas)
Masigasig (Ginoong Pascua)
Mabait (Ginang Bernas)
Masipag (Binibining Alpore)
Magpakonsideration (Ginoong Trases)
Masayahin (Ginoong Pascua)
Maalahanin (Ginang Bernas)
Malapitlapit (Ginang Bernas)
Mapagtiis ( Ginoong Trases)
Sa bawat araw na nakakasama at nasasalamuha natin ang ating mga guro nakikita rin
natin ang iba't ibang pagbabago ka sa kanilang ugali. Bigla nalang magagalit, bigla
nalang magpapatawa, minsan tayo ang napagbubuntangan. Ang mga guro ay tao rin, may
mga problema ring hinaharap. Sa bawat pagiiba ng kanilang ugali, sa bawat pag tawa
nila, sa bawat pangangaral na kanilang binibigay ito'y may kaibat na dahilan. Dahilan na
kaylangan rin nating intindihin at unawain, Kagaya ng pag intindi nila sa pa ibaiba rin
nating ugali.

Rekomendasyon
Ang mga mananaliksik ay nais na ibahagi ang kani-kanilang mga nakalap na

impormasyon mula sa iba’t-ibang boses at kagustohan ng mga estudyante.

Gumawa din ng sarbey sa mga guro patungkol sa paksa.

Gamitin ang mga makabagong teknolohiya katulad lamang ng paggawa ng sarbey sa

facebook upang maka likom ng mga impormasyon.

Intindihin ang katangian ng guro.

Pagbutihin ang pagsagawa ng sarbey.


Talasanggunian

Mapagbigay:

KELLY, M. (2017), 6 Ways to Be a More Generous Person. Nakuha 9 Oktubre galing sa

https://dynamiccatholic.com/everyday-life/6-ways-to-be-a-more-generous-person/

TAN, C. (2015), ANG MGA TAONG MAPAGBIGAY AY PINAGPAPALA. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing
sa

https://chinkeetan.com/2015/12/01/ang-mga-taong-mapagbigay-ay-pinagpapala-2/

CARTER, S. (2017), True Generosity: Characteristics of a Generous Person. Nakuha 9 Oktubre


2018 galing sa

http://blogs.southeastchristian.org/generous-living/2017/05/01/true-generosity-characteristics-
of-a-generous-person/

Masipag:

ORLANDO, M. (2013), Nine Characteristics of a Great Teacher. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://www.facultyfocus.com/articles/philosophy-of-teaching/nine-characteristics-of-a-great-
teacher/

RAWALPINDI, M.K.H.J (2014), Characteristics of the ideal teacher. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing
sa

https://www.dawn.com/news/601289

SMITH, V. (2018), Diligence. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

http://characterfirsteducation.com/c/curriculum-detail/2050435

Mabait:

RESURRECCION, R. (2007), Malasakit, Pakikipagkapwa, at Kalinisang Loob: Mga Pundasyon ng


Kagandahang Loob. Nakuha 9 Oktubre galing sa

https://ejournals.ph/article.php?id=7899

Hall, K. (2017), The Importance of Kindness. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa


https://www.psychologytoday.com/us/blog/pieces-mind/201712/the-importance-kindness

Masigasig:
KAUFMAN, B. (2017), THESE ARE THE FIVE PERSONALITY TRAITS YOU NEED TO BE HAPPY,
ACCORDING TO EXPERTS. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://www.independent.co.uk/life-style/health-and-families/high-well-being-five-personality-
traits-need-mental-health-psychologists-a7555516.html

SARNOFF, D. (2018), Enthusiasm: The Greatest Business Asset in the World. Nakuha 9 Oktubre
2018 galing sa

http://www.managetrainlearn.com/page/enthusiasm

Masayahin:

MALINAO, C. (2018), Mga Katangian Ng Guro. Nakuha 9 Oktubre 2018

https://www.scribd.com/doc/161623211/Mga-Katangian-Ng-Guro

FAVILA, R. (2018), Teacher Tamayo. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://teachertamayo.blogspot.com/2018/08/modelong-guro.html

GONZALES, M. (2017), BUHAY NG TEACHER. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

http://www.abante-tonite.com/buhay-ng-teacher.htm

Madaling lapitan:

HENDRICKS (1998) 4-H Life Skills Wheel. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://books.google.com.ph/books?id=sVv-
wkEEtpkC&pg=PA210&lpg=PA210&dq=Hendricks+(1998)+approachable&source=bl&ots=e3lBKz
w1Le&sig=0oOCrUsdi7ZpiTzZuafAbUBhegM&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiqopnh8_3dAhWKy7w
KHXKYCmwQ6AEwAHoECAkQAQ#v=onepage&q&f=falsehttps://natoreyes.wordpress.com/2007/
01/25/pagpupugay-kay-monico-atienza-kaibigan-at-dakilang-guro-ng-mga-kabataan/amp/

BUSTOS AT ESPIRITU (1985), Psychological anthropological, and sociological foundations of


education (foundations of education 1). Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://www.slideshare.net/
Maalalahanin:

DE VERA, L. (2017), PAANO MAGING ISANG EPEKTIBONG GURO. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing
sa

https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20170925/281608125620720

TASIC, J. (2016) Ang Guro ng Bagong Milenyo. Nakuha 9 October 2018 galing sa

http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=7207:ang-guro-ng-
bagong-milenyo-3467&catid=90&Itemid=1267

Maunawain:

SALLAN, J. (2016), BILANG ISANG GURO. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa


https://ust1e1.wordpress.com/2016/02/28/bilang-isang-guro/

ZARKZEWSKI, V. (2012), Four Ways Teachers Can Show They Care. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing
sa https://greatergood.berkeley.edu/article/item/caring_teacher_student_relationship

NUBLA, L. (2017), What kind of teacher do you appreciate? Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa

https://www.quora.com/What-kind-of-teacher-do-you-appreciate

Matiisin:

FAUST, J. (2003), PERSONAL NA PERA PARA MAGING SELF-RELIANT. Nakuha 9 Oktubre 2018
galing sa https://www.lds.org/bc/content/ldsorg/topics/self-
reliance/2017/personal_finances_tgl.pdf?lang=tgl

DUCKWORTH, A. (2013), True Grit: Trait-level Perseverance and Passion for Long-term Goals
Predicts Effectiveness and Retention among Novice Teachers. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4211426/

Bukas ang isipan:


KETTERING, C. (2004), A Quote of Charle Kettering. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa
https://www.authentichappiness.sas.upenn.edu/newsletters/authentichappinesscoaching/open
-mindedness

BERTRAND, R. (2005), Open-minded inquiry. Nakuha 9 Oktubre 2018 galing sa


https://www.criticalthinking.org/resources/articles/Open-minded-inquiry.shtml

You might also like