Professional Documents
Culture Documents
Isang Pagsusuri Sa Persepsyon at Sa Aktwal Na Kahusayang Pampagtuturo NG Guro
Isang Pagsusuri Sa Persepsyon at Sa Aktwal Na Kahusayang Pampagtuturo NG Guro
Isang Pagsusuri Sa Persepsyon at Sa Aktwal Na Kahusayang Pampagtuturo NG Guro
Guro
Maria Fe Gannaban-Hicana
Abstrak
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang persepsyon ng mga guro, mag-aaral at
tagapamahala tungkol sa mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino.
Panimula
may apat na guro, apat na tagapamahala at isang daan at animnapu’t tatlong (163) mag-aaral
mula sa dalawang paaralang publiko at dalawang pribadong paaralan ang kalahok sa pag-aaral
pinili gamit ang purposive sampling gamit ang tatlong instrumento: a) talatanungan, b)
obserbasyon, c) interbyu
nagkaroon ng dalawang set ng talatanungan: a) pagtataya sa kahusayan sa pagtuturo ng Filipino,
at b) listahan ng mga katangian ng mahusay na guro
Mga Saklaw ng Kahusayan sa Pagtuturo (mula sa limang batayan ng kahusayang pampagtuturo ng mga
guro sa wika ayon sa SLATE Secondary Language Teachers sa PNU noong 1987)
1. Kahusayang Pangwika
2. Kaalaman sa Nilalaman
3. Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo
4. Estratehiya sa Pagtuturo
5. Kaalaman sa Pagtataya/Pagsusulit
Resulta ng pag-aaral:
lumitaw sa pag-aaral na mahusay ang persepsyon ng mga guro at mag-aaral sa lahat ng saklaw
maliban sa Kahusayan sa Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo (mahusay para sa
mag-aaral at guro, samantalang napakahusay sa tagapamahala)
ayon sa mga mag-aaral ang kagamitang panturo ay hindi nakapag-aambag sa kahusayan ng isang
guro taliwas naman sa pahayag ng mga guro at tagapamahala
hindi rin nakitaan ang kahusayan ng guro sa aktwal na pagtuturo ang Kahusayan sa
Pagtataya/Pagsusulit
Rekomendasyon
para sa mga susunod na mananaliksik, maging kasangkot sa pagpili ng mahusay na gurong
kalahok
magkaroon ng biglaang obserbasyon
magkaroon ang mga guro ng sariling repleksyon sa kanilang pagtuturo
pagkakaroon ng seminar at pagsasanay sa mga guro
pagbibigay ng magaan na trabaho at sapat na oras ng pagtuturo