Novel Analysis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

BUHAY NG ISANG REPORTER/JOURNALIST SA LIKOD NG CAMERA:

KABABALAGHAN O KATOTOHANAN

Isang Pagsusuri sa Nobela ni Eros Atalia


Tatlong Gabi Tatlong Araw

Inihahandog kay
Bb. Chairmine Manalo
Santa Maria Academy
Santa Maria, Laguna

Isang Requirment sa asignatura na


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

ni
Aguado, Mark Kristian Assumption B.
Bautista, Kristine Loi A.

Grade 11 – Bishop Alfredo Verzosa


March 2019
PANIMULA
Ang nobelang “Tatlong Gabi Tatlong Araw” ay isa sa mga obra maestro ni Eros Atalia.

Pumapatungkol ito sa isang journalist na si Raymond o Mong na may trabahong mag cover ng

balita tungkol sa parating na bagyo na dadaan sa Brgy. Magapok, kung saan siya nakatira dati.

Mga Tanong

1. Bakit ang pamagat ng nobela ni Atalia’y “Tatlong Gabi, Tatlong Araw”?

2. Paanong namuhay si Mong (bilang reporter) sa isang tagong barangay tulad ng

Magapok?

3. Ano ang mga kababalaghang ang nangyayari sa Magapok?

4. Natapos ba ni Mong ang lahat ng tungkulin niya sa Magapok sa loob ng tatlong gabi at

tatlong araw?

Pahayag na Posisyon

Bilang isang reporter tungkulin ni Mong na halughugin at ihayag ang katotohanan gaano

man ito kasilamuot o kalala/ mapanganib.

Teorya

Modernismo/Modernism – ayon kay Kuiper (2019), ay ang mga akdang pampanitikan na

isinulat sa kasulukuyang panahon (kalimititang pagkatapos ng Unang Digmaang

Pandaigidigan). Ang tema ng mga panitikan dito ay madalas hindi maunawaan, hiwaga o

misteryo, at minsan walang kabuluhan.

PAGSUSURI

May Akda

Si Eros S. Atalia (Good Reads, n.d.) ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong

1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas


Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang

“Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa

Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995.

Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU)

mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon

sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang

gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa

Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa

Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas

sa Wika).

Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian

Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang

Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo

ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior

Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Mga Kasagutan sa Tanong

Bakit ang pamagat ng nobela ni Atalia’y “Tatlong Gabi, Tatlong Araw”?

Nasasabi sa buong konsepto ng nobela na ang buong trabaho ni Mong ay mag-cover ng

balita patungkol sa parating na Super Typhoon sa Magapok at ang pag-sasaboy ng abo ng

kanyang ina sa may kapilya doon. Bahagi nito, tatlong gabi at tatlong araw siyang nanirahan doon

dahil ang bilin ng kanyang ina sa pag-sasaboy ng abo niya ay pag sapit ng pista nila na sa

ikalawang araw ginanap.


Paanong namuhay si Mong (bilang reporter) sa isang tagong barangay tulad ng

Magapok?

Noong pag dating niya noong unang gabi, tila ramdam na niya ng kaunti ang pag sapit ng

bagyo kaya nag-interview na siya mula sa mga driver ng habal-habal hanggang sa kapitan ng

Magapok. Noong unang gabi din kinuwento ng kapitan ang tungkol sa nagsiswalaang hayop na

naisipan ni Mong na isama sa report niya na maaring mag pasikat sa pangalan niya. Nabanggit

sa nobela, na madami pang kababalaghan ang tinatago ng nobela na nagdagdag din ng

palaisipan sa panunuluyan ni Mong.

Ano ang mga kababalaghang ang nangyayari sa Magapok?

Nagsimulang banggitin ang mga kababalaghan noong unang gabi, nabanggit nila Kapitan

ang tungkol sa pagkawala ng mga alagang hayop ng ilang mamayan. Ikalawang araw, madaming

narining na pag-sabog sa may bundok malapit sa Magapok. Ikalawang gabi natuklasan nila sa

may gubat ang dahilan ng pagkawala ng mga alagang hayop, tila hinihila sila ng mga misteryosng

kamay sa ilalim ng lupa. Ikatlong umaga, araw mismo ng pista, bigla-biglang nabalitaan nila Mon

gang pag kamatay ng tao sa Magapok at tila ang pag-balik sa oras (time travel) nila Mong at

Lumen noong umakyat sila ng bundok upang pumunta sa bayan. At ang pinaka huling

kababalaghan ay ang misteryosong pagkawala nila Mong at Lumen.

Natapos ba ni Mong ang lahat ng tungkulin niya sa Magapok sa loob ng tatlong gabi at

tatlong araw?

Kung susurrin mabuti ang nobela, ang kasagutan ay hindi. Walang natapos na gawain si

Mong. Sa katunayan, yung pinaka tungkulin ni Mong bilang reporter hindi natapos dahil hindi na

nabanggit sa dulo ng kabanata. At ang tungkulin naman ni Mong sa kanyang ina’y hindi rin

natapos dahil hindi siya makabalik sa kapilya gawa ng mga kababalaghan doon. Kaya walang
natapos si Mong na gawain o tungkulin niya doon sa Magapok sa loob ng tatlong gabi at tatlong

araw.

Tauhan

1. Raymond o Mong

“Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas ng ayaw mo.”

Nabanggit ni Schenider (2016) na sa buhay ng isang tao madaming bagay, gawain, o

pangyayari maaring delikado o buwis-buhay pero ginusto nila ito para sa kanila at kanilang

pamilya. Tulad ng mga magulang na nagbubuwis-buhay man o hindi sa trabaho nila na para sa

pamilya nila mismo.

Sa kanta ni Bruno Mars (2010) na “Grenade” nabanggit niya sa mga linya na kaya niyang

sumalo ng granada (para sa kanya). Ang ibig sabihin lamang nito, ang tao kaya mismong gawin

ang lahat para sa minamahal nila kahit gaano man ito kahirap.

2. Lumen

“Kung hindi ko alam, kayong taga-Maynila kung magpalit ng girlfriend, ganun-ganun lang.”

Nabanggit ni Weiss (2013) ang karaniwang dahilan ng pangangabit ng isang lalaki ay mas

malala pa sa pangangabit ng babae. Sa katunayan, ang dahilan ng pangangabit ng lalaki ay para

lang ma-“satisfy”, masiyahan, o mapawi ang pangangailangan sa pamamagitan ng pagkikilala sa

bagong kasama.

Sinabi rin ni Foster (n.d.), sa mag-asawa karaniwang hindi sila nagtatagal dahil sa

pangangabit ng lalaki. May mga kaso na naging dahilan ng pangangabit ay dahil hindi na

napapawi ang pangangailangan ng lalaki sa sex o pakikipag-talik. Sa modernong panahon, ang


karaniwang dahilan na ng pangangabit ng lalaki ay may nakikitang mas kaaya-aya o mas

maganda pa kaysa sa huli nila o yung kasalukuyang kasama nila.

Hindi dapat sinusoportahan ang ganitong gawain dahil ang pangangabit ay kasalanang

mortal at pagtatakwil sa ika-9 na utos ng Diyos na: “Huwag kang magnanasa ng hindi mo pag-

aari.” (Fr. Wilson, 2013)

3. Nana Etang

“Ay matitigas ang buto at galugod ng taga-Maynila, pero nagiging lampa dito sa Magapok, pero

mukhang hindi magtatagal lilibag din sa’yo ang alikabok ng Magapok.”

Mahahalintulad ito sa nabanggit ni Darmody (2018), kadalasan isang malaking adjustment

o pagbabago ang nangyayari sa tao kapag ito ay lilipat ng bahay o lugar. May mga nabanggit

siyang paraan sa pag-adjust sa bagong lugar tulad ng: pakikipag-kaibigan sa mga taong nasa

paligid, alamin ang mga magagandang side (good side) ng bagong lugar, at i-explore ang bagong

lugar.

Madami pang uri ng change o pagbabago ang nabanggit ni Goldsmith (2016) sa pag-

aadjust sa bagong lugar. Karaniwang mga pagbabagong emosyonal ang nagiging dahilan ng

mahirap na pag-adjust sa bagong lugar. Upang maagapan ito, binanggit din ni Goldsmith na ang

pinaka-magaling at effective na paraan ng pag-aadjust ay pagkakaroon ng kaibigan sa paligid.

Teorya

Upang patunayan na ang nobelang “Tatlong Gabi Tatlong Araw” ni Eros Atalia’y

nagpapakita ng teoryang Modernismo o Modernism, ang linya ni Lumen: “Kung hindi ko alam,

kayong taga-Maynila kung magpalit ng girlfriend, ganun-ganun lang.” ay isang patunay dahil base

muna sa depenisyon o kahulugan ng teorya, mga akdang nasulat matapos ang ikalawang

digmaang pandaigdigan, ang mga pangyayari at panahon na sinulat ang nobela ay nangyari at
tungkol na pagkatapos ng digmaan. Pangalawa, base sa linya ni Lumen, hindi pa napag-

kakaalaman ang pangangabit o paghahanap ng iba kundi naging kilala lang sa Modernong

panahon, at dito nagpapatunay na ito ay isang nobelang may teoryang Modernismo.

KONGKLUSYON

Katapusan ng Tauhan

Dahil hindi nabanggit sa nobela kung paano nagtapos sina Mong at Lumen, narito ang

alternatibo o pwede ring kaaya-ayang pagtatapos sa kanila. Matapos ang kadiliman natagpuan

ng kapitan at ni Nana Etang sina Mong at Lumen na patay dahil natabunan sila ng lupa at bato.

Inilibing sila sa libingan ng Magapok. Lahat ng mga natirang mamayan ng Barangay ay nag-

sipaglibing. Matapos ang libing, natagpuan sa mga lupa ang isang video camera at isang

cellphone na pagmamay-ari ni Mong. Hindi nasira parehas ngunit walang charge ang video

camera. Minadaling dinala ng mga nag huhukay kay Kapitan ang dalwang gadgets. Hinanap ng

Kapitan ang mga charger sa naiwang gamit ni Mong. Matapos ang pag-charge, pinanood nila

kapitan ang video natuklasan nila ang isang kababalaghan, hindi sila makapaniwala sa

napapanood nila na hindi namatay sina Mong at Lumen ng natabunan ng lupa kundi binaril sila.

Hindi nila makita kung sinong bumaril dahil hindi nahagip ng camera ang lalaki. Naisip nila na

kaya sila natagpuan na natabunan ay dahil matapos silang mabaril nagkataong nagka-landslide

sa bundok.

Bumalik sila sa pinagtabunan ng lupa, wala nang bakas ng dinaan ng bumaril doon kaya

nahirapan silang tukuyin kung saan ito pumunta. Ngunit sa pag-iikot nila sa bundok may

natagpuan silang kweba. Mariing pinasok nila kapitan ang kweba, sa paglalakbay nila doon,

natagpuan nila ang isang grupo ng mga tao. Hindi nila matukoy kung ito’y grupo ng terorista o

militar. Tulog sila sa lamesa, lasing. Naisipan nila kapitan na bumalik sa labas upang hindi nila

ito magising, pero naisip niya na kuhanan ito ng video upang malaman ng lahat ang sikreto. Hindi
nagtagal, tumunog ang cellphone ni Mong, dahil nasa bundok sila, mas naka-sagap itong balita.

Nagmadali silang lumabas upang hindi magising ang mga tao sa kweba. Sinagot ng kapitan ang

telepono, ang tumatawag ay si Dex, ang kasama ni Mong. Nag-usap ang dalawa at ibinalita ng

kapitan ang tungkol sa nangyari kay Mong. Sinabi ni Dex na pupunta ang unit nila doon sa lalo’t

madaling panahon upang malaman ang kwento.

Makalipas ang mahigit na tatlong oras, nakadating na ang unit nila Dex sa barangay hall,

ikunuwento lahat ng Kapitan ang nangyari at hindi nagtagal dumeretso na sila sa bundok. At

ibinalita lahat ng pangyayari at lah at ng may kinalaman sa grupo.

Opinyon o Aral

Marahil hindi siya tulad ng nobela na isinulat nina Bob Ong o Lualhati Bautista dahil

kakaiba ang paraan ng pagkwento ni Atalia. Natuklasan namin sa nobela niyang ito ang pagiging

matapang ng isang reporter sa isang coverage tungkol sa super typhoon na tatama sa lugar na

icocover niya. Mas pumasok sa isip naming na ang tungkol sa nilalaman ng nobela na tungkol sa

kababalaghan. Marahil hindi nga nabanggit kung anong dahilan ng pangyayari sa huli lalo na ang

mga tauhan pero sa pangkalahatan kaaya-aya ang pangyayari sa bawat kabanata, hindi rin

masasabi kung bakit ganito ang tema o paraan ng pagsusulat ni Atalia pero sa kabuoan, maayos

ang istraktura ng kwento bukod na ang mga pangyayari na hindi nabanggit. Sa huli, bukod tanggi

ang nobela ni Atalia sa mga una niyang nasulat, dahil kadalasan ang kwento o paraan ng pag

kwento ni Atalia’y patungkol sa sexual relationship, pero dito, marahil may ilang bahagi na hindi.

- Mark Kristian Aguado

Tatlong Gabi Tatlong Araw ni Eros Atalia, nakakapagtaka kung tungkol saan ang

nobelang ito. Marahil nakakatakot, nakakakilig, at nakakamangha ang mga kuwento sa nobelang

ito. Isang sikat na awtor si Eros Atalia dahil sa mga nobelang kanyang nagawa o naisulat. Ang
nobelang ito ay patungkol sa isang reporter, mga kababalaghang pangyayari sa Brgy. Magapok

at isang malaking bagyo ang binabatayan sa lugar na ito.

Maganda at nakakamangha ang bawat kabanata sa nobelang ito, dahil sa mga kaabang-

abang na pangyayaring maaring maganap. Dahil sa mga magagandang interpretasyon ng mga

salita mas maiintindihan ang mga kabanatang ito. Nakakatakot at nakakakaba ngunit walang

maayos na katapusan ang mga tauhan sa nobelang ito. Maraming katanungan ang maaring

maisip dahil sa mga pangyayaring walang kasagutan.

- Kristine Loi Bautista


Bibliograpi o Sanggunian

Aklat

Atalia, E. (2013). Tatlong Gabi Tatlong Araw. Pasay City: Visprint Inc.

Online

Brown, C. (2010). Grenade [Recorded by B. Mars].

Darmody, J. (2018). How to adjust to your new home after relocating for work. Retrieved from

Silicon Republic: https://www.siliconrepublic.com/advice/relocating-how-to-adjust-tips

Foster, B. (n.d.). Why do Men Cheat? Retrieved from All Pro Dad:

https://www.allprodad.com/why-do-men-cheat/

Fr. Wilson, J. (2013). The Ninth Commandment. Retrieved from Ligonier Ministers:

https://www.ligonier.org/learn/articles/ninth-commandment/

Goldsmith, B. (2016). Adapting to Change. Retrieved from Psychology Today:

https://www.psychologytoday.com/us/blog/emotional-fitness/201603/adapting-change

Good Reads. (n.d.). Retrieved from https://www.goodreads.com/book/show/19546680-tatlong-

gabi-tatlong-araw

Kuiper, K. (2019, January 17). Modernism. Retrieved from Encyclopedia Brittanica:

https://www.britannica.com/art/Modernism-art

Schneider, M. (2016). What in your life is worth dying for? Retrieved from Star2.com:

https://www.star2.com/living/viewpoints/2016/10/24/what-is-worth-dying-for/

Weiss, R. (2013). 10 Reasons why Men Cheat. Retrieved from Psychology Today:

https://www.psychologytoday.com/us/blog/love-and-sex-in-the-digital-age/201310/the-10-

reasons-why-men-cheat

You might also like