Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

Ang salawikain ay mga kasabihan

na nagmula sa mga pahayag at payo


ng mga matatanda ayon sa kanilang
mga karanasan sa buhay o sa isinalin
sa kanila ng kanilang mga ninuno.
Ang ibang salawikain ay
napapalooban ng mga pahayag sa
kagandahang asal kaya ang mga ito
ay nagsisilbing parang “code of
conduct.”
Malaki ang impluwensya ng salawikain
sa kultura ng mga Filipino dahil sa
bisa nito sa pagpapahiwatig ng
pakikipagkapwa-tao, sa ugnayan ng
tao sa Diyos, sa pagbibigay galang at
puri sa mga magulang at sa
pamumuhay.

Unang Markahan
Linggo 1
1. Matibayt ang walis, palibhasa’y
magkabigkis.
(A broom is sturdy because its strands are
tightly bound.)

2. Hangga’t makitid ang kumot, matutong


mamaluktot.
(While the blanket is short, learn how to bend.)

3. Mahirap gisingin ang nagtutulog-


tulogan.
(It is hard to wake up someone who is
pretending to be asleep.)
4. Pag may tiyaga, may nilaga.
(If you persevere, you will reap the fruits of your
labor.)

5. Bagong hari, bagong ugali.


(New king, new character.)

Linggo 2
6. Kung may tinanim, may aanihin.
(If you plant, you harvest.)

7. Mahirap mamatay ang masamang


damo.
(Weeds are difficult to kill.)

8. Huwag kang magtiwala sa di mo


kilala.
(Don’t trust strangers.)

9. Walang naninira sa bakal kundi


sariling kalawang.
(Nothing destroys iron but its own
corrosion.)
10. Pagkahaba- haba man daw ng
prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
(Even though the procession is long, it will
still end up in church.)

Linggo 3
11. Magsisi ka man at huli wala nang
mangyayari.
(There is no need to cry over spilt milk.)

12. Ang pagkakataon sa buhay ay


madalang dumating. Kapag narito na,
ating samantalahin.
(Opportunity only knocks once. Grab it or
you’ll lose it.)

13. Ang kita sa bula, sa bula rin


mawawala.
(What comes from bubbles will disappear in
bubbles.)

14. Daig ng maagap ang masipag.


(The early comer is better than the hard
worker.)

15. Batong pagulong- gulong, di


kakapitan ng lumot.
(A rolling stone gathers no moss.)

Linggo 4
16. Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang
iganti mo.
(If someone throws stones at you, throw back
bread.)

17. Huwag magbilang ng sisiw hanggang


di napipisa ang itlog.
(Don’t count chicks until the eggs are
hatched.)

18. Batu- bato sa langit, tamaan huwag


magagalit.
(If a stone thrown upward hits you, don’t
take offense.)

19. Ang magnanakaw ay galit sa kapwa


magnanakaw.
(A thief hates a fellow thief.)

20. Anuman ang gagawin, pitong beses


iisipin.
(Whatever you do, think about it seven
times.)

Linggo 5
21. Ang hindi lumingon sa pinaggagalingan,
hindi makakarating sa paroroonan.
(A person who does not remember where he
came from will never reach his destination.)

22. Ang kalusugan ay kayamanan.


(Health is wealth.)

23. Ang buhay ay parang gulong, minsang


nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
(Life is like a wheels, sometimes you’re up, and
sometimes you’re down.)

24. Ang hindi marunong magmahal sa


sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho
at malansang isda.
(He who does not love his mother tongue is
worse than a rotten fish.)
25. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa
pagtatagumpay.
(Poverty is not a hindrance to success.)

Linggo 6
26.Ang palay ay parisan, habang
nagkakalaman ay lalong
nagpupugay.
(Imitate the rice stalks, the more grains
it bears, the lower it bows.)

27. Ang umaayaw ay di nagwawagi,


ang nagwawagi ay di umaayaw.
(A quitter never wins, a winner never
quits.)

28. Bihirang masilayan, agad


nakakalimutan.
(Seldom seen, soon forgotten.)

29.Walang tiyaga, walang nilaga.


(No pain, no gain.)

30. Wala kang masasabunot sa


kalbo.
(You cannot pull hair from the bald.)

Linggo 7
31. Kahoy mang babad sa tubig, kapag
nadarang sa apoy sapilitang
magdirikit.
(Even a long soaked in water will burn if it is
placed near a fire.)

32. Masakit ang katotohanan.


(The truth hurts.)

33. Magsama- sama at malakas,


magwatak- watak at babagsak.
(United, we stand; divided, we fall.)

34. Huli man daw at magaling,


naihahabol din.
(Better late than never.)
35. Ang tulog na hipon, tinatangay ng
agos.
(A sleeping shrimp is carried away by the
current.)

Linggo 8
36. Ang pag- aasawa ay hindi biro, ‘di
tulad ng kanin, iluluwa kung
mapapaso.
(Marriage is not a joke. It is not like food that
you can spit out when it is too hot to chew.)

37. Ang matapat na kaibigan, tunay na


maaasahan.
(You will know a true friend in time of need.)

38. Kapag ang dagat ay tahimik, asahan


mo at malalim.
(Still waters run deep.)

39. Pulutin ang mabuti, ang masama ay


iwaksi.
(Emulate what is good; ignore what is bad.)
40. Walang lumura sa langit na di sa
kanyang mukha nagbalik.
(Nobody who spits upward does not spit on
his face.)
away.

Linggo 9
41. Aanhin pa ang damo kung patay na
ang kabayo.
(Of what use is the grass when the horse is
already dead.)

42. Maraming salita, kulang sa gawa.


(A man that talks too much accomplishes
little.)

43. Walang palayok na walang kasukat


na tungtong.
(Every pot has a matching lid.)

44. Madaling sabihin, mahirap gawain.


(Easier said than done.)

45. Ubos- ubos biyaya, pagkatapos


nakatunganga.
(Spend lavishly and you end up with
nothing.)
Ikalawang Markahan
Linggo 1
1. Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin
ko kung sino ikaw.
(Tell me who your friends are, and I tell you
who you are.)

2. Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong


gawin nila sa iyo.
(Do unto others what you want others do unto
you.)

3. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa


kagipitan.
(A friend indeed is a friend in need.)

4. Ang tunay na paanyaya, dinadamayan


ng hila.
(A sincere invitation is augmented by a pull.)

5. Nagpapakain ma’t masama sa loob, ang


pinakakain hindi nabubusog.
Linggo 2
6. Kung di ukol, di bubukol.
(If it isn’t related to the matter at hand, it’s
irrelevant.)

7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang


gawa.
(God helps those who help themselves.)

8. Kung walang tiyaga, walang nilaga.


(Without perseverance, there is no reward.)

9. Kapag apaw na ang takalan,


kailangan kalusan.
(When the pot runs over, you need to level
off the water.)

10. Kung may isinuksok, may


madudukot.
(If you stash away something, you’ll have
something to take out.)
Linggo 5
21. Ang taong nagigipit, sa
patalim kumakapit.
22. Kahit saang gubat, ay
mayroong ahas.
23. Kung ano ang itinanim, siya
rin ang aanihin.
24. Kung ano ang puno, siya rin
ang bunga.
25. Kung sino ang pumutak, siya
ang nanganak.
Linggo 6
26. Ang paala- ala ay mabisang
gamot sa taong nakakalimot.
27. Magsisi ka man at huli wala
nang magyayari.
28. Matalino man ang matsing,
napaglalamangan din
29. Batang puso madaling
marahuyo.
30. Tikatik man kung panay ang
ulan, malalim mang ilog ay
mapapaapaw.
Linggo 3
11. Habang may buhay, may pag- asa.
(While there is life, there is hope.)

12. Ang mabigat ay gumagaan, kung


pinagtutulungan.
(Anything that is heavy can be light if we
put our resources together.)

13. Ang lalagyang walang laman ay


maingay.
(An empty container makes a lot of noise.)

14. Lahat ng gubat ay may ahas.


(In every forest, there is a snake.)

15. Bago ka bumati ng ibang uling,


uling mo muna ang iyong pahirin.
(Before you point out other people’s
shortcomings, correct your own first.)
Linggo 4
16. Naghangad ng kagitna, isang salop
ang nawala.
(He who takes a lot of risks loses more than
he can gain.)

17. Ang lakas ay daig ng paraan.


(Strength is defeated by strategy.)

18. Walang salang hindi


pinagbabayaran.
(No crime is left unpunished.)

19. Pananalita’y pilak, ngunit ang


katahimika’y ginto.
(Speech is silver but silence is golden.)

20. Ang sakit ng kalingkingan, sakit ng


buong katawan.
(The pain of the little finger is felt by the
whole body.)
Linggo 7
31. Kung binigyan ng buhay,
bibigyan din ng
ikabubuhay.
32. Ang iyong kakainin, sa
iyong pawis manggagaling.
33. Buhay alamang, paglukso
ay patay.
34. Buntot mo, hila mo.
35. Kung nasaan ang asukal,
naruon ang langgam.
Linggo 8
36. Walang mapait na tutong
sa taong nagugutom.
37. Ang anumang kasulatan
ay dapat lalagdaan.
38. Nasa taong matapat ang
huling halakhak.
39. Ang tunay mong
pagkatao, nakikilala sa
gawa mo.
40. Ang tao pag mayaman
marami ang kaibigan.
Linggo 9
41. Nakikita ang butas ng karayom,
hindi makita ang butas ng
palakol.
42. Kung gaano kataas ang lipad
gayon din ang lagapak pag
bagsak.
43. Hampas sa kalabaw, sa kabayo
ang latay.
44. Kapag ang ilog ay matahimik,
asahan mo at malalim. Kapag
ang ilog ay maingay, asahan mo
at mababaw.
45. Ang lumakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw. Ang
lumakad nang matulin, kung
matinik ay malalim.
Ikatlong
Markahan
Linggo 1
1. Ako ang nagtanim, ang
nagbayo at nagsaing, saka
nang maluto’y iba ang kumain.
2. Magkupkop ka ng kaawa-
awa, langit ang iyong
gantimpala.
3. Ang mabuting gawa
kinalulugdan ng madla.
4. Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.
5. Ang butong tinangay ng aso,
walang salang nalawayan ito.
Linggo 2
6. Ang utang ay utang, hindi
dapat kalimutan.
7. Ang iyong hiniram, isauli o
palitan. Upang sa susunod,
hindi ka makadalaan.
8. Ang bungang hinog sa sanga,
matamis ang lasa. Ang
bungang hinog sa pilit kung
kainin ay mapait.
9. Walang humawak ng lutuan
na hindi naulingan.
10. Ang mabigat ay gumagaan
kapag pinagtulung-
tulungan.
Linggo 3
11. Madaling pumitas ng
bunga, kung dadaan ka
sa sanga.
12. Ibong sa awla’y ikinulong
nang mahigpit, kapag
nakawala’y hindi na
babalik.
13. Nawawala ang ari, ngunit
ang uri ay hindi.
14.Sa larangan ng digmaan,
nakikilala ang matapang.
15.Ang pag- ilag sa kaaway
ang tunay na
katapangan.
Linggo 4
16. Kung may hirap ay may
ginhawa.
17. Walang pagod magtipon,
walang hinayang
magtapon.
18. Ano man ang tibay ng
piling abaka, ay wala ring
silbi kapag nag- iisa.
19. Ang gawa sa
pagkabata, dala
hanggang sa
pagkamatanda.
20. Ang taong mainggitin,
lumigaya man ay sawi rin.
Linggo 5
21. Walang matiyagang
lalake sa pihikang
babae.
22. Ang bayaning
nasugatan, nag- iibayo
ang tapang.
23. Kung takot sa ahas,
iwasan mo ang gubat.
24. Matutyo na ang sapa
ngunit hindi ang balita.
25. Pagkapawi ng ulap,
lumilitaw ang liwanag.
Linggo 6
26. Sa maliit na dampa,
nagmumula ang dakila.
27.Ang mabuting halimbawa, ay
higit na mabisa kaysa sa
pahayag na dakila.
28.Huwag mahiyang humingi ng
tulong. Ang nakakahiya ay
ang taong hindi marunong
tumulong.
29. Ang respeto ay binabahagi
sa kahit sino hindi dahil sa
kanyang estado ngunit dahil
siya ay tao tulad mo.
30. Walang binhing masama sa
likas na mabuting lupa.
Linggo 7
31. Huwag kumalimot ng kapwa,
hindi mo alam kung kelan sa
hinaharap sila sa iyo’y biyaya.
32. Walang taong masama kundi
taong may pinagdaraanan kung
kaya’t ipagliban ang paghusga at
pairalin ang pag- unawa.
33. Pag ang punla ay hangin, bagyo
ang aanihin.
34. Ang maikli ay dugtungan, ang
mahaba ay bawasan.
35. Munting sirang di lagyan ng
tagpi, paglaon ay magiging
malaking gisi.
Linggo 8
36.Ang pangako pag kakaligtaan
ay may dahilan, pag
gagampanan ay may paraan.
37. Ang taong labis ang bait ay
umiiwas lang magkaroon ng
kagalit.
38. Ang taong bihasa sa
pakikisama, sa kanyang
pagtanda’y hindi mag- iisa.
39.Mabuti na ang laging handa
nang sa huli ay hindi
magmukhang kaawa- awa.
40. Ang sinimulan mong gawin ay
iyong tapusin, bago pa man
magbalak ng mga panibagong
adhikain.
Linggo 9
41. Bago punahin ang kapwa tao
ng talikuran, siguraduhing
walang bahid dungis ang iyong
sariling bakuran.
42.Ang batang magalang, ay
dangal ng magulang.
43.Walang malinis na balita mula
sa taong sanga- sangang dila.
44. Ang bahay mo man ay bato
kung ang nakatira ay kuwago,
mabuti pa ang isang kubo na
ang nakatira ay tao.
45.Ang taong walang kibo, nasa
loob ang kulo.
Ikaapat na Markahan
Linggo 1
1. Anak na di paluhain,
magulang ang paiiyakin.
2. Kung sino ang nangangako,
ay siyang napapako.
3. Hindi man magmana ng
salapi, magmana man lang
ng mabuting ugali.
4. Ang kagandahang asal, ay
kaban ng bayan.
5. Kapag tinawag na utang,
sapilitang babayaran.
Linggo 2
6. Magbiro ka na sa lasing,
wag lang sa bagong
gising.
7. Ang lihim ay hindi na
lihim, kapag may dalawa
o higit na nakakaalam.
8. Malakas ang bulong
kaysa hiyaw.
9. Sa taong may hiya, ang
salita ay sumpa.
10. Ang maniwala sa sabi-
sabi, walang bait sa sarili.
Linggo 3
11. Ang labis na
pagmamadali,
nagbubunga ng
pagkakamali.
12. Kung saan ang gasgas,
naroon ang landas.
13. Pag maaga ang lusong,
maaga rin ang ahon.
14. Walang matimtimang
birhen, sa matiyagang
manalangin.
15. Ang taong sa mabuti
nanggaling, sumama man
ay sadyang bubuti pa rin.
Linggo 4
16. Ang anak kayang tiisin
ang magulang, ngunit ang
magulang ay hindi kayang
tiisin ang anak.
17. Ang hiram na wika, ay
saksi sa hiram na kalayaan.
18. Ikinatatalo sa alinmang
digmaan, ay ang guni-
guning takot sa kalaban.
19. Sa mabait na bata,
marami ang natutuwa.
20. Lumipas ang
kagandahan, ngunit hindi
ang kabaitan.
Linggo 5
21. Mabuti pa ang nag- iisa,
kaysa may masamang
kasama.
22. Kung ibig ng karunungan,
habang bata ay mag- aral.
Kung tumanda, mag- aral
man, mahirap nang
makaalam.
23. Ang taong mapagtanong,
daig ang marunong.
24. Di man magsabi’t
magbadya, sa kilos
makikilala.
25. Bangko niya, buhat niya.
Linggo 6
26. Ang ibong
magkakabalahibo, ay sama-
samang magkakalaguyo.
27. Ang anumang agwat ay di
mararating, kung titingnan
lamang at di lalakarin.
28. Ang pinakamahusay na
bahagi ng alinmang gawain,
ay ang pagsisimula.
29. Sa lakad ng panahon, lahat
ay sumusulong.
30. Mabuti ang isang buhay na
pulubi, kaysa sa nakalibing
na hari.
Linggo 7
31. Sa payo ng nagigipit hindi
ka dapat manalig.
32. Ang hinahon ay malakas,
nang higit pa sa dahas.
33. Ang may mabuting
kalooban may
gantimpalang nakalaan.
34. Madaling tuwirin ang
kawayan kung mura pa at
di magulang.
35. Ang bibig ng ilog, iyong
masasarhan. Ang bibig ng
tao’y hindi matatakpan.
Linggo 8
36. Madali ang maging tao,
mahirap ang magpakatao.
37. Kung hindi pakikinggan,
hindi magkakaunawaan.
38. Ang magalang na sagot
ay nakakapawi ng poot.
39. Ang pagtulak sa
kapahamakan ng kapwa,
walang kakamting ligaya
at tuwa.
40. Ang gawa sa pagkabata,
dala hanggang sa
pagtanda.
Linggo 9
41. Walang paku-
pakundangan, sa tunay na
kaibigan.
42. Marami ang matapang sa
bilang, ngunit ang buong-
loob ay iilan.
43. Ang katotohana’y kahit na
ibaon, lilitaw pagdating ng
takdang panahon.
44. Kasama sa gayak, di
kasama sa lakad.
45. Gaano man ang iyong
lakas, daig ka ng munting
lagnat.
Mga Salawikain
(Proverbs)

You might also like