Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

1Kontraktuwalisasyon

A worker's son join the march with a call to end 'endo'. (Manila Today/Joolia
Demigillo)
Pinakamahalagang ipinangako ng Pangulo sa usaping ito ang mismong pagwawakas
ng kontraktuwalisasyon sa loob ng isang taon. Sinabi ng administrasyon na magiging
regular na ang kalahati sa kasalukuyang mga kontraktwal na manggagawa sa
pagtatapos ng taong ito, tapos wala nang kontraktwal pagdating ng 2017.

Nagpanukala naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ‘win-


win’ solution, na tila mapapawi lang ang pagiging kontraktwal sa pangalan. Laman ng
sinasabing ‘win-win’ solution na bigyan ng mga benepisyo na mayroon ang mga
regular na manggagawa gaya ng leave credits, 13th month pay, SSS, Philhealth, at iba
pa. Kasama rin dito na maaaring maililipat ang mga manggagawa batay sa
pangangailangan. Hindi na rin daw gagamitin ang agency, pero papayagan ang mga
kumpanya na kumuha ng mga manggagawa o mag-outsource ng seasonal kung
ganoon ang panangailangan. Ang mga mawawalan ng trabaho ay kailangan hanapan
ng trabaho sa loob ng tatlong buwan o kung umayaw na maghintay ang manggagawa
ay bibigyan siya ng separation pay at wala nang obligasyon sa kanya ang kumpanya.
Magkakaroon daw ng mga mahigpit na patakaran sa mga kumpanya gaya ng hindi
pagpayag na magkaroon ng subcontractor ang mga contractor sa construction,
pagkakaroon ng sapat na kapital ng mga kumpanya na kayang pasahurin at bigyan ng
mga benepisyo ang mga manggagawa nito. Nakabalangkas na ang panukalang ito
bilang Department Order (DO) 30, na sinasabi nila DOLE Secretary Silvestre Bello
III na papalit sa DO 18-A na nagliligalisa sa kontraktuwalisasyon at lumampas sa mga
probisyon ng mga batas sa paggawa sa bansa.

Tinawag itong ‘lose-lose solution’ ng mga grupo ng manggagawa, kabilang ang


Kilusang Mayo Uno, Trade Union Congress of the Philippines, Nagkaisa, Partido
Manggagawa, at iba pa. Panawagan ng mga manggagawa pigilan ang DO 30 at sa
halip ay totohanin ng gobyerno na wakasan ang lahat ng porma ng
kontraktuwalisasyon.
2Trapik sa Metro Manila

Imahe mula sa sulit.ph


Bata, kabataan, matanda, guro, estudyante, doktor, call center agent, kung ikaw ay
taga-Metro Manila, apektado ka sa malalang pagsisikip ng trapik sa Metro Manila.
Mayroong mahigit 520,000 na sasakyan ang bumabyahe sa EDSA sa parehong
direksyon araw-araw. Oras at milyong pera ang nasasayang araw araw sa paghihintay
na makarating sa kani-kanilang mga destinasyon ang mga mamamayang naiipit sa
trapik. Bukod rito maraming mga kaguluhan tulad ng mga pag-aaway at aksidente ang
dulot ng ng trapik. Lalong malala ang trapik sa pagdaan nitong panahon ng
Kapaskuhan.

Para namang na-déjà vu ang mga mamamayan sa binitiwang pahayag ni Department


of Transportation Secretary Arthur Tugade na isa lamang itong ‘state of mind’ ng mga
Pilipino.
Nakabinbin halos mula sa pagbubukas muli ng Kongreso ang hinihinging emergency
powers para sa pangulo para tugunan ang trapik. Bahagi ng mga panukala na
paggagamitan ng emergency power ang mga proyekto sa kalsada, tren at
transportasyong panghimpapawid. Sa kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid
transit line at mga integrated terminal. Sa tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite,
ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag, at ang PNR sa Pampanga at Laguna gayundin ang
pagtatayo ng 5 pang linya ng tren. Sa pamamahala naman, nais na ireorganisa ng
pangulo ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA).

Dumarami pa rin ang mga sasakyan at taong dumadagsa sa Kamaynilaan. Sapat na


nga kaya ang mga proyektong ito para tugunan ang masahol na karanasan sa trapik sa
araw-araw? Made-decongest ba ang trapik sa Metro Manila kung nananatiling narito
lang konsentrado ang “kaunlaran” at sa iilang urban area sa bansa?
3Mass Transport System

photo from empowered-pinoy.com


Matatandaang binanggit ni Pangulong Duterte na isa ang mass transport system mga
prayoridad na proyekto ng kanyang administrasyon. Tila nakatali pa sa emergency
power sa trapik ang pagtugon sa inaasam na mass transport system sa bansa.

Habang wala pa ito, ilan sa mga naunang solusyon ng Department of Transportation


ang Communication na point-to-point bus at express connect. Nariyan din ang bus
rapid transit project at modernisasyon ng mga jeep. Ngunit wala pa ring nagagawa sa
pagpapabuti ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 na tinatangkilik ng mahigit 1.3 milyong
pasahero kada araw. Dagdag pa sa pangit na serbisyo ng tren ay patuloy na
lumalalang pagsikip ng trapik sa bansa, kaya naman hindi maiwan-iwan ng mga
pasahero ng tren sa kabila ng bulok nitong sistema. Lalo sa pagdating nitong panahon
ng Kapaskuhan, lumala ang trapik, lumala ang surge ng Uber at Grab habang hindi
sapat at regular ang mga byahe pa-probinsya, na nagdulot din ng pasakit sa libu-
libong naghintay sa istasyon ng mga bus, na-stranded at hindi nakauwi sa oras para
makapagbakasyon o makapag-Pasko kasama ang mga pamilya.
Malaking bagay para sa mga mamamayang Pilipino na araw araw bumabyahe gamit
ang pampublikong sasakyan kung magkakaroon ng mas maayos na sistema sa mass
transport. Tutunguhin nga ba ng administrasyon ang paglulunsad ng episyenteng mass
transport system? Papatakbuhin na ba ng gobyerno ang sistema ng transportasyon sa
bansa sa halip na ipagpatuloy ang mga hindi pantay na kontrata sa mga private
maintenance contractors nito na malubha ang kalidad ang serbisyo?
4De-kalidad at makamasang edukasyon

Sa simula ng klase ay walang silya at silid-aralan ang mga Grade 7 na mag-aaral ng


Tondo High School. | Litrato ni Joolia Demigillo
Unang taon ito ng pagpapatupad ng Senior High School (SHS) sa programang K to 12
na ipinatupad mula pa sa nakaraang administrasyong Aquino. Tinatayang 400,000 ang
hindi nakapag-aral at aabot sa 200,000-400,000 muli ang hindi makaka-enrol sa
Hunyo 2017, kung saan mapupunuan na pareho ang Grade 11 at 12 ng SHS.

Nagpapatuloy pa rin ang mga neoliberal na polisiya sa edukasyon na naglalayong


lumikha ng laksa-laksang semi-skilled labor para sa mga lokal at internasyunal na
kumpanya at nagreresulta sa pagbabansot sa kinabukasan ng bansa at ng mga
kabataan. Bukod sa programang K to 12, nariyan ang academic calendar shift ng mga
unibersidad, ang napipintong GE reform sa University of the Philippines at higit sa
lahat, ang patuloy na pagsusulong ng libreng edukasyon.
Sa kabila ng napakaraming problemang ito, patuloy pa rin ang hanay ng mga
estudyante sa paggigiit ng kanilang karapatan sa abot-kaya at de-kalidad na
edukasyon. Sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre, isang magandang balita ang
bumungad sa mga estudyante nang maaprubahan ang P8 billion na pondo sa mga state
universities and colleges na nakalaan para sa libreng matrikula ng mga mag-aaral.
Naging maugong ang usap usapan tungkol sa libreng edukasyon para sa lahat ng
mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na pang-akademikong taon. Ngunit nilinaw na ito
ay para sa mahihirap na mag-aaral. Ang pondong nakalaan ay para rin lamang sa
iisang taon ng pag-aaral at hindi pa nakatitiyak sa mga susunod na taon o sa mga
susunod na administrasyon. Para sa mga grupo ng kabataan na matagal nang
nakikipaglaban para sa mas mataas na subsidyo sa edukasyon, isang indikasyon ito na
posible at kaya talagang laanan ng gobyerno ang libreng edukasyon.
5Pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal

Naging malaking usapin ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa loob ng


anim na buwan sa pwesto si Duterte, lalo na sa pagtatapos ng taon kung makailang
ulit na nangako si Duterte at mga opisyal ng administrasyon na palalayain ang mga
bilanggong pulitikal bago sa Human Rights Day, bago mag-Pasko, bago matapos ang
taon, at iba pa. Bago sana ang pangakong ito ng gobyerno, ngunit gaya ng maraming
pagkakataong pagbibigay-hustisya sa mamamayan ay napako ito.

Napagkasundaan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines


(NDFP) ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal bilang confidence building
measures sa pagsisimula ng usapan, lalo pa’t ang pag-aresto at pagkapiit sa mga ito ay
paglabag sa mga nalagdaang kasunduan sa peace talks gaya ng Comprehensive
Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law
(CARHRIHL) at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG). Isa
sa mga pangunahing agenda sa panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagkakamit
ng kapayapaan sa bansa.
Unang napalaya ang 19 NDFP peace consultants para makalahok sa unang round ng
peace talks noong Agosto sa Oslo, Norway. Matapos noon, nabinbin na ang
pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal na nilaman pa ng nilagdaang mga statement
at communique matapos ang una at pangalawang round ng peace talks at nang ilang
beses na pakikipag-usap ng mga kinatawan ng NDFP kay Duterte at pagsasabi ni
Duterte na mapapalaya ang mga bilanggong pulitikal.

Bago mag-Pasko, namatay sa kumplikasyon sa mga sakit at atake sa puso ang


bilanggong pulitikal na si Bernabe Ocasla, samantalang ilan pa ang napabalitang
isinugod sa ospital.

Kasalukuyang may 400 na bilanggong pulitikal kung saan 130 ang may sakit, 103 ang
nakakulong ng mahigit sampung taon, 37 ang matatanda at 33 ang kababaihan. Nasa
15 ang inaresto sa ilalim ng panunugkulan ng bagong pangulo.
6Tunay na reporma sa lupa

Pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng Department of


Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasakang benepisyaryo sa Cagayan Vallley
noong Disyembre 20, 2016. Litrato mula sa DAR
Isang positibong pag-usad sa usapin ng tunay na reporma sa lupa sa bansa ang
pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang Kalihim ng Kagawaran ng
Repormang Argraryo. Pinuri si Ka Paeng, gayundin ang kanyang boss sa sangay ng
ehekutibo si Duterte, sa pagbubukas ng opisina sa mga magsasaka. Gayundin,
nagpatupad siya ng moratorium sa tambyolo land reform sa Hacienda Luisita at
nagpamahagi ng lupa sa Camarines Norte, Cebu, at Cagayan Valley.

Hinaharap naman ni Ka Paeng at ng mga magsasaka ang nagpapatuloy na karahasan


at paggigiit mga panginoong maylupa, mga goons at iba pang napapatakbo ng
impluwens gaya sa pagsunog sa piket ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita at sa
pamamaril sa mga magsasaka ng Lapanday.
Patuloy na nararanasan ng mga magsasaka ang kagutuman. Sa isang bayang
agrikultural kung saan 75% ng populasyon ng bansa ay magsasaka at kung saan
konsentrado sa 1% ang 52% ng lupa, nananatiling isa sa pinakamalaking hamon ang
reporma sa lupa.
7Biktima ng Bagyong Yolanda

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng hagupitin ang bansa ng pinamalakas na


bagyong naitala sa kasaysayan. Mahigit anim na libo ang namatay at nasa milyon ang
ari-ariang nawala paglipas ng bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang trauma at hirap
na dinaranas ng mga naiwang biktima.

Sa kabila nito, tila mailap ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga
biktima. Maraming naging mga anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga
Pilipino mula sa ibang panig ng bansa maging ang mga tulong mula sa mga dayuhan.
Mula pa lamang sa paunang relief good hanggang sa mga proyektong pabahay ay
hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima.Pagdating ng administrasyong
Durterte, ayon sa Commission on Audit report noong Oktubre, nasa mahigit 30
porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30
porsyento rin ang malapit ng simulan at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok
ng ikaapat na taon matapos ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at
komprehensibong pagtugon sa rehabilitasyong kinakailangan ng mga biktima.
8Freedom of Information Bill

Mula pa 2010 hinihintay ang pagkakaroon ng batas sa kalayaan sa impormasyon.


Bahagi kasi ito ng mga ipinangako ni Noynoy Aquino sa pagtakbo sa pagkapangulo.
Pero nang unang umupo si Aquino, hindi man lang nabanggit ang Freedom of
Information (FOI) bill sa priority bills sa kahit anong State of the Nation Address ng
dating pangulo. Hanggang sa huli ay ipinasa na niya lamang sa Kongreso ang
responsibilidad. Sinabi pa ng pangulo na matapat naman ang kanyang administrasyon
kaya’t hindi nakikita ang pangangailangan ng FOI.Samantala, nang umupo si
Pangulong Duterte ay pinirmahan noong Hulyo ang isang executive order sa FOI.
Saklaw nito ang ehekutibong sangay at bukas ang lahat ng dokumentong ninanais ng
mga mamamayan na makita maliban lamang sa mga itatakda ng Department of
Justice. Inaasahan na mas mapalawig pa ang sakop FOI kung ito ay maisasabatas ng
Kongreso upang masusugan ang karapatan ng mamamayan sa kalayaan sa
impormasyon ayon sa Konstitusyon.
9Pagresolba sa problema sa droga

President Rodrigo Roa Duterte shows the list of government and police officials who
are allegedly involved in the illegal drug trade in his keynote speech during The
Outstanding Filipino (TOFIL) 2016 awarding ceremony at the Heroes Hall of
Malacañan Palace on December 12, 2016. KING RODRIGUEZ/Presidential Photo
“My God, I hate drugs.”

Wala ring nakalimot sa pagsambit ni Duterte nito. At ang pagsugpo sa droga rin ang
isa sa naging prayoridad niya, lalo pa’t nagbitaw siya ng salita na matatapos ang
problema sa droga sa loob ng unang tatlo hanggang anim na buwan ng kanyang
panunungkulan.

Pero na-extend na ang deadline ni Duterte sa pagsugpo sa problema sa droga. At sa


halip na inaasahang lahatang-panig na pagresolba sa problemang ito, ang tumambad
sa mamamayan ay libu-libong bangkay ng mga diumano’y sangkot sa droga o mga
nanlaban mula sa pagkaaresto.
Ayon sa ulat ng pulisya, 5,882 na pinatay mula sa pagkakaupo ni Pangulong Duterte
noong Hunyo 30. Nasa 2,041 ang suspek ng ipinagbabawal na gamot ang napatay
mula sa police operations, samantalang 3,841 ang bilang ng napatay ng mga hindi pa
nakikilalang suspek, mga riding-in-tandem o mga tinuturing na vigilante.

Nakakahindik isiping magpapatuloy ang patayan sa loob ng buong panunungkulan ni


Duterte, lalo’t hindi pa rin hinahayag sa mamamayan ang lahatang-panig o
pangmatagalang solusyon na pagresolba sa usapin ng droga: ang pagresolba sa
malalang kahirapan at kawalang-kaunlaran sa bansa. Kasama naman sa mga
pinapunukala sa pangulo na short-term na mga solusyon ang rehabilitasyon,
edukasyon at programang pangkabuhayan para sa mga nalulon sa droga. Dapat ding
panagutin ang mga malaking pusher at protektor ng droga, isang bagay din na hindi pa
nagagawa sa ngayon samantalang libu-libong maliliit na pusher o user ang hindi man
lang nililitis, pero agad na napapatay.
10Pagresolba sa kahirapan

Nanay Lolita 'Lita' Delfin, 61, lives alone in a simple home without electricity nor
proper sewage. She used to fish for a living but now resorts to collecting tulya after
her body grew frail due to aging. (Demie Dangla)
Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point economic
agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit tila hindi pa rin
nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng nasabing plano.

Nanatiling mahigit 70 porsyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line
ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung
saan nagtanong sila sa mahigit 1,500 na residente kung itinuturing ba nilang kabilang
sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino. Nakikitang rason dito ay ang
kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o
kulang ang kinikita at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa.
Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program sa ilalim ni Pangulong
Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social Work and Development
(DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi solusyon sa kahirapan. Sa direksyon
ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong
bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakakatanggap ng 4Ps at
ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng perang tulong sa mga benepisyaryo.

Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na


pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lalo na sa pagpapatupad ng mga polisiyang
tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng mga mamamayan. Bahagi ng mga
hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang panlipunan at
pang-ekonomya, kasama na ang pagresolba ng kahirapan at kawalan ng nakabubuhay
na trabaho sa pamamagitan ng reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon.

You might also like