Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Casa del Niño Schools System, Inc.

Region 02
CASA DEL NIÑO MONTESSORI SCHOOL OF ILAGAN
Guinatan, City of Ilagan, Isabela
____________________________________________________
Narrative Report on Elijah Benjamin Y. Dasmariñas’ eye incident
Noong ika 17 ng Setyembre taong 2018 sa oras na 11:30 ng umaga,ako
po ay nasa pintuan upang iabot ang pagkain ng mga bata na iniwan ng mga
magulang sa mesa sa labas ng aming classroom,nang biglang may
nagsumbong sa akin na natusok ni Matteo ang mata ni Elijah. Agad kong
tiningnan ang mata ng bata. Wala namang bakas ng pagkatusok at hindi
naman umiyak si Elijah. Tinanong ko si Matteo kung totoo ang binibintang sa
kanya ni Elijah,ang sagot niya, “hindi po teacher nagkeep lang po ako ng
things ko sa bag.” Napag alamanan ko sa aking pag iimbestiga na habang
naglalagay si Matteo ng gamit niya sa bag siya ring pagtayo ni Elijah at
nahagip ang kanyang kanang mata. Kinausap ko ang dalawang bata at
pinagbati at humingi naman ng sorry si Matteo. Pagkatapos ay nagyakapan
silang dalawa.

Habang kumakain pinagmamasdan ko si Elijah. Wala naman akong


napansin na kakaiba sa mata ng bata. Nag nap sila ng 15 minuto. Pagkagising
sabay kusot ang mata kaya nilapitan at tiningnan ko ulit ngunit wala naman
akong nakitang sugat o bakas ng pagkatusok. Hindi naman namula kahit ang
paligid ng mata. Sinabihan kong huwag nyang hawakan o i-rub. Pumasok
naman si Teacher Myline sa room ko at aking nabanggit ang incident kaya
tiningnan niya rin ang mata ni Elijah. Sabi nya, “wala naman”. Limang minuto
bago mag PMC, naka pag sayaw at umawit pa kami kasama si Elijah.
Masayang masaya pa ang bata habang sumasayaw. Mga 1:00 pm sinundo na
ng mga PMC teachers ang mga bata na enrolled sa PMC.

Mga sampung minuto ang nakalipas biglang kumatok ang mama ni Elijah
sabay pasok na galit na galit. Hinanap si Matteo. Gusto niyang komprontahin si
Matteo, ngunit pinagsabihin ko siya na bawal komprontahin ang bata. Kaya
ako ang nagpaliwanag sa nangyari base sa salaysay ng mga bata. Kinausap
ko siya na mag usap usap nalang kami kasama ang guardian ni Matteo
pagkatapos ng klase. Pumayag at iniwan pa niya si Elijah at sinabihan niya na
magsulat muna ang anak.

Mga 1: 40 na ng hapon nang nagpauwi ako ng mga bata kaya nag usap
usap kami agad kasama na ang uncle ni Matteo, na guardian niya. Umalis ang
mag-ina upang ipacheck up ang mata. Makalipas ang ilang sandali,
tinawagan ko ang magulang ni Elijah upang kumustahin ang bata kung saan
sinabi sa akin na kailangang operahan ang mata. Ito ay labis kong ikinagulat.

September 18, 2018 araw ng Martes, nagkaroon kami ng meeting


kasama ang Presidente ng paaralan, lolo ni Elijah at papa ni Matteo. Tinanong
ng lolo ni Elijah kung ano talaga ang nangyari. Ipinaliwanag ko ang nangyari.
Ang sabi naman ng papa ni Matteo nang tinanong niya ang anak niya,kung
paano ang pangyayari ang sabi daw ng bata sa kanya ay, nikeep lang daw
niya ang things sa bag niya. Sabi ng lolo ni Elijah, wala ng silbi kahit pa
magsisihan hindi na maibabalik ang nangyari sabay binanggit niya na
nagkonsulta na sila ng abugado. Sinagot siya ng presidente “With or without
asking a lawyer the school is conscious of its duties and obligations under
Casa del Niño Schools System, Inc.
Region 02
CASA DEL NIÑO MONTESSORI SCHOOL OF ILAGAN
Guinatan, City of Ilagan, Isabela
____________________________________________________
existing laws. And that we are willing to extend assistance in any way possible.“
Sumang-ayon naman ang papa ni Matteo na kung ano lang ang kaya nilang
itulong sa bata ay syang itutulong. Pagkatapos ng usapan ay nanalangin kami
para kay Elijah.

September 19, 2018 araw ng Miyerkules, inutusan kami ng presidente ng


paaralan na bisitahin at alamin ang kalagayan ng bata. Dumalaw kami nina
Ma’am Lumie Gangan at Sir Christopher Roque sa ospital. Natuwa kaming
dinatnan na naglalaro si Elijah, na siya naming inireport kay Dr. Acierto.
Nakausap namin ang nanay ni Elijah at binanggit ang kalagayan ng bata pati
mga initial expenses sa ospital. Dahil wala pa naman exact amount, napag-
usapan namin na kapag may bill na sabihin nila sa amin. Maayos ang usapan
namin sa araw na yun. Nabanggit pa naming ang tungkol sa Red Cross
Insurance ng bata na pwede ring makatulong sa gastusan. Bago kami umuwi
ay sabay sabay pa kami nanalangin para kay Elijah.

Pagkauwi namin ay biglang tumawag ang papa ni Elijah na galit na galit


“pumunta lang ba kayo dun dahil inutusan kayo?” May kasamang pananakot
at text messages sa facebook. Nagtext din ang tatay ni Elijah kay Sir Chris ng di
kanais-nais.

Nang tumawag ang papa ni Elijah na ilalabas na sa ospital ay ipinadala


ni Ma’am Acierto kina Ma’am Lumie at Teacher Cora ang cash assistance na
Php 20,000. Lumabas ng ospital ang bata noong September 20, 2018.

Noong September 21, 2018 ng umaga dumating sa school sina Mr. and
Mrs. Dasmarinas kasama ang anak nilang si Elijah. Kinuha ang mga gamit ng
bata. Hiningi din ang mga lessons na namissed ng niya habang siya ay nasa
ospital.

Noong October 5, 2018 ay inimbitahan ni Dr. Acierto sina Mr. and Mrs.
Dasmarinas upang mag usap usap. Dumating naman po si Mr. Dasmarinas.
Mula noon wala na po akong narinig o nalaman tungkol sa kanila.

Inihanda ni:

ROSE ANN D. PARDO


Grade 1- Turquoise Teacher

You might also like