Judicial Affidavit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Third Judicial Region


REGIONAL TRIAL COURT
Branch ____
_______________

________________________,
Petitioner,
CIVIL CASE NO. _________
-versus- FOR: Declaration of Nullity of
Marriage
_________________________,
Respondent.
x- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x

JUDICIAL AFFIDAVIT

I, ____________________, of legal age, married, Filipino and with residence


at Brgy. Victoria, ________________, after having been duly sworn to in
accordance with the law do hereby depose and state:

PRELIMINARY STATEMENT

The person interrogating me is Atty. ______________ with office address at


_________________________. The interrogation is being held at the same address.
I am answering his questions fully conscious that I do so under oath and I may face
criminal liability for false testimony.

PURPOSE OF TESTIMONY

The testimony of ____________________ is formally offered for the


following purposes:
1. To prove that she is the sister of the petitioner;
2. She will testify on the material and factual allegations in the petition;
3. She will identify his Judicial Affidavit which will serve as her direct testimony
in open Court;
4. She will testify on other related matters.

QUESTIONS AND ANSWERS

1) Tanong: Sa anong lengguahe o wika po ninyo nais gawin ang salaysay na ito?
Sagot: Sa Tagalog po, dahil ito po ang wika na ako ay bihasa at aking lubos
na nauunawaan, Sir;

2) T: Bakit po kayo naririto sa aking opisina ngayon?


S: Upang magbigay po ng salaysay tungkol sa petisyong isinampa ng aking
kapatid, Sir;

Page | 1
3) T: Sino po ang inyong kapatid at ano ang kanyang isinampang petisyon?
S: Si _________________ po. Ang kanya pong petisyon ay tungkol sa
pagpapawalang-bisa ng kasal, Sir;

4) T: Laban kanino po niya isinampa ang kanyang petisyon?


S: Laban po sa kanyang asawang si _____________________, Sir;

5) T: Nagsasama pa rin po ba sina ________________ ngayon?


S: Hindi na po. Matagal na po silang hiwalay, simula pa po noong taong 2012,
Sir;

6) T: Ilan po ba kayong magkakapatid?


S: Tatlo (3) po kaming magkakapatid. Pangalawa po ako at ako lamang po
ang nag-iisang babae sa amin, Sir;

7) T: Si ________ po, pang-ilan siya sa inyong magkakapatid?


S: Bunso po namin, Sir;

8) T: Sino po ang inyong mga magulang?


S: Sila po ay sina _________________, Sir;

9) T: Nasaan po ang inyong mga magulang?


S: Ang amin pong ama ay pumanaw na. Ang aking ina na isang retiradong
Guro ay nagta-trabaho po sa ibang bansa ngayon, Sir;

10) T: Kumusta naman po ang pagpapalaki ng inyong mga magulang sa inyong


magkakapatid?
S: Ang amin pong mga magulang ay parehong naghahanap-buhay noong
kami ay lumalaki. Ang amin pong ama, dating Mixer-Operator/Driver at ang
aming ina, retiradong guro sa ___________________, ay palaging
pumapasok sa kani-kanilang mga trabaho kaya lagi po silang wala sa bahay.
Sobrang istrikto po ng aming ama, namamalo at siya po ay tuwing hapon
noong nabubuhay pa ay palaging umiinom ng alak. Dahil po may kabagsikan
ang aking ama, ang aking ina naman po ay may maluwag at sinusunod ang
lahat ng aming gusto, Sir;

11) T: Kumusta naman po si ____________ noong siya ay bata pa?


S: Matigas po ang ulo niya. Palagi niya pong pinipilit ang gusto niya. Dahil
siya po ang bunso, pinagbibigyan na lamang po namin po siya at nasusunod
po lahat ng gusto niya lalo na pagdating kay nanay, Sir;

12) T: Ano pa po ang alam ninyo tungkol kay __________, kung mayroon man?
S: Mabisyo po si ________. High School pa lamang po ay umiinom,
mabarkada at nadadawit na mga gulo. Kabi-kabila po ang naging girlfriend
niya bago siya nag-asawa. Nahilig din po sa sugal, Sir;

13) T: Ano pa po ang inyong masasabi tungkol kay _________, kung mayroon
man?

Page | 2
S: Dependent po siya. Laging nakahingi kay Nanay. Kahit noong nag-asawa
na ay palagi pa rin kay nanay, humihingi ng pera. Hindi makapag-desisyon
ng hindi nagtatanong kay nanay. Palibhasa ay bunso, Sir;

14) T: Ano pa po ang inyong masasabi, kung mayroon man?


S: Ang alam ko po ay nambabae rin ang aking kapatid. Lalo na noong si
_________ay nasa abroad. Nababalitaan kop o na kung sinu-sino ang
binababae niya at madalas po siyang mag-beerhouse kasama ang kanyang
mga barkada, Sir;

15) T: Bakit po ninyo alam ang mga bagay na ito?


S: Dahil maliit lang po ang aming barangay at mabilis po kumalat ang balita,
Sir;

16) T: Kailan po ninyo nakilala si Mariet?


S: Magkaka-barangay po kami kaya mula ng pagkabata ay kilala ko na siya
pero hindi po kami ganoon ka-close, Sir;

17) T: Ano ang iyong pagkakakilala kay _________?


S: Siya po ay bunso at problema din ng magulang. High School pa lamang po
ay mabarkada na at umiiinom na rin. Kahit po noong nagsasama sila ng aking
aking kapatid ay patuloy po siya sa pakikipagbarkada at pakikipag-inuman.
Sinasabayan rin po niya ang bisyo ng aking kapatid. Palibhasa bunso at
nakikita ng kanyang mga magulang ang ginagawa ng aking kapatid kaya po
siguro hinayaan na lang siya, Sir;

18) T: Paano po ninyo nalaman ang mga bagay na ito?


S: Dahil maliit lamang po ang aming barangay kaya mabilis po kumalat ang
balita. Ang iba naman po ay base sa kwento ng aking kapatid na si _______,
Sir;

19) T: Tungkol po sa pagsasama nina _________ bilang mag-asawa, ano po ang


inyong masasabi, kung mayroon man?
S: Madalas po silang mag-away noong sila ay nagsasama pa. Mabisyo at
mabarkada pa rin po kasi ang aking kapatid. Laging umuuwing lasing galing
sa pamamasada, nambabae pa. Ang alam ko po ay napagbubuhatan din niya
ng kamay ang kanyang asawa. Ito naman pong si _______ ay matapang din,
hindi nagpapatalo kay _______ kaya po lagi silang nagbabangayan, Sir;

20) T: Ano pa po ang inyong masasabi, kung mayroon pa man?


S: Pinagsasabihan po naming si _______ na dapat niyang gampanan ang
kanyang tungkulin sa kanyang pamilya dahil ito ay obligasyon niya. Pero
aayon lamang po pero patuloy pa rin sa kanyang gawain. Para wala ng gulo,
dahil sumasagot po siya sa amin ay hinahayaan na lang namin. Hindi naman
po namin mapagsabihan si _______ dahil hindi naman po madalas dumalaw
sa amin, Sir;

21) T: Ano naman ang reaksyon ni _______ kung inyong napagsa-sabihan?

Page | 3
S: Sumasagot po siya at ipinagtatanggol ang kanyang sarili. Nagdadabog din
po. Kesyo siya daw ang lalaki kaya dapat siya ang masunod. At wag na daw
siyang pakialaman dahil matanda na siya at alam na niya ang kanyang
ginagawa, Sir;

22) T: Tungkol po sa pagsasama nilang mag-asawa, ang sabi po ninyo ay matagal


na silang hiwalay. Kailan pa po sila hiwalay?
S: Noon pong mga taong 2012. Umuwi na po si _______ sa aming bahay at
iniwan ang kanyang mga anak sa kanyang biyenan, Sir;

23) T: Nalaman po ba ninyo ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?


S: Opo Sir. Ayon po sa kwento sa amin ni _______ ay parang may karelasyon
na raw si _______ sa ibang bansa dahil hindi na sinasagot ang kanyang tawag
at text. Pero alam ko din po na may problema din sa aking kapatid. Lagi pong
nagbi-beerhouse at inuubos sa bisyo ang padala ni _______, Sir;

24) T: Naka-usap po ba ninyo si _______ tungkol sa bagay na ito?


S: Hindi po dahil siya po ay nasa abroad at hindi ko po nakaka-usap. At saka
mataray po siya, ayaw din pong napapakialaman at napagsasabihan, Sir;

25) T: Naalala po ba ninyo ang interview sa inyo ng isang psychologist tungkol


sa kasong ito?
S: Opo, sa _______City po, Sir;

26) T: Kilala po ba ninyo ang psychologist na nag-interview sa inyo?


S: Opo, Sir, si _______po;

27) T: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin?


S: Wala na po, Sir. At kung mayroon man po aking nais idagdag o
nakalimutang banggitin ay sa hukuman ko na lamang po ipaliliwanag.

SA KATOTOHANAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda ngayong ika-


11 ng Marso, 2019 dito sa Lungsod ng _______.

_______
Affiant
SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 11th day of _______
hereat _______.

Doc. No._____ Until December 31, 2020


Page No._____
Book No._____
Series of 2019

Page | 4
The Branch Clerk of Court
Regional Trial Court Branch ___
_____________________

Greetings!

Kindly submit the foregoing Judicial Affidavit of ____________ for the


kind consideration of the Honorable Court immediately upon receipt hereof.

___________________

Copy Furnished:

_________________
_________________

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL


134 Amorsolo St., Legaspi Village
Makati City, Philippines

OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR


Justice Hall Compound, Maharlika Hiway
______________________

EXPLANATION

Pursuant to Sec. 11, Rule 13 of the 1997 Rules of Civil Procedure,


undersigned counsel informs the Honorable Court that personal service of the
Judicial Affidavit to the adverse party cannot be done due to distance of places and
lack of messengerial personnel.

_______________________

Page | 5
ATTESTATION

I, ATTY. __________________, with office address at


_______________________________, attest under oath as follows:

1. I personally conducted the interrogation of __________________, the one


who executed the foregoing Judicial Affidavit;

2. I faithfully recorded the questions I asked her and the corresponding


answers she gave me; and

3. Neither I nor any other person then present coached her regarding her
answers.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this _____


day of November, 2018, hereat ________________.

ATTY. _________________________
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ day of November, 2018


hereat ______________. Affiant exhibited to me his IBP Identification Card with
Roll No. _____________.

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of 2018.

Page | 6

You might also like