Professional Documents
Culture Documents
All Rights Reserved. No Part of This Story May Be Reproduced, Distributed, or
All Rights Reserved. No Part of This Story May Be Reproduced, Distributed, or
Introduction:
----
Work of Fiction:
Plagiarism is a Crime.
-----
Prologue:
-Autumn-
“It’s for your own good” maikli nitong sabi, nagpantig ang tenga ko sa sinabi
niya, gusto kong maiyak pero hindi ko gagawin, not when I know na yun ang
gustong makita ng ama ko
“We all know you hate me, yes, you didn’t say you hate me but you let me
feel it all these years I’m living in this world but I didn’t expect that you
hate me this much na umabot pa sa ganito na ipapatapon mo ko sa isang
paaralang hindi ko alam kung saan” mapakla kong sabi
“Autumn, it’s not that. We have no choice, it’s the rule. None of us should
against it. You need to go there for everyone’s sake and for your safety”
my older brother, Rain said
“For everyone’s sake? Of course for everyone not for me” sarkastikong
sabi ko
“Arkeind Academy is hereby announce to you that you are one of 2 lucky girls
we want in our academy and you can’t say NO because that’s the rule
Yours truly,
Founder/s”
“Come on Autumn you can’t give us a cold shoulder you know” naiinis na
sabi ni Wind, siya pa ang may ganang mainis? How nice. I rolled my eyes.
“I can and I will. Don’t talk to me Wind, may kasalanan pa kayo sakin at
hindi ko pa kayo napapatawad” tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa
sasakyan na maghahatid sa akin sa Arkeind Academy ngunit napatigil din ako
ng makita kong hindi namin sasakyan iyon.
“Be careful in that Academy, just stay out of range and be contented on
what you know, don’t ask question and don’t seek for an answer, don’t
put a stupid stunt and make a stupid decision” makahulugang bilin ni Rain,
bago pa ako makasagot ay isinara na nya ang pinto ng kotse. Napasandal ako
sa upuan ko at napabuntong hininga, ilang minuto pa ay pumasok ang driver
at pinaandar na ang kotse.
Isang oras. Isang oras na pero hindi pa rin kami nakakarating sa Arkeind
Academy. Umuunti na rin ang mga building at mga puno na ang karamihan.
Sa isang di gaanong kitang paliko, lumiko ang sinasakyan ko. W-what?
Madilim ang dinadaanan namin, walang ilaw, napalunok ako. Lumipas pa ang
Labinlimang minuto ng huminto kami. Nakita ko ang isang napakalaking gate
na unti-unting bumubukas para bigyan kami ng daan, nang tuluyang
bumukas ang gate ay pinaandar ulit ni Manong Driver yung sasakyan at
pinasok sa loob, at katulad kanina ay nasa isang tuwid na daan na naman
kami ngunit may mga ilaw na ang mga puno dito na nakahilera sa kalsada.
Namangha ako dahil napakaganda ng tanawin, hindi katulad kanina na wala
akong makita kundi dilim ngayon ay kitang kita ko ang isang Fountain sa
kaliwang bahagi ng kalsada at mga bulaklak na nakapalibot at dalawang daan
papunta doon.
“Woah”
Sa sobrang pagkamangha ay hindi ko na napansin na huminto na pala ang
sinasakyan ko at nasa labas na si Manong Driver na kasalukuyang ibinababa
ang mga gamit ko. Dali-dali akong bumaba at inilibot ang paningin ko, nasa
tapat kami ng Limang palapag na gusali na kulay Sky Blue, actually anim na
limang palapag na gusali ang nakapalibot sa akin. Wow. Sky Blue, Blue,
Yellow, Green, Red and Black.
“uhh?” di ko sigurado kung ano ang sasabihin ko, not when I sense something
is off
“err hello” sagot ko at kinuha ang kamay niyang nakalahad upang makipag-
kamay
“Pakikuha ang mga gamit niya at dalhin sa dormitoryo nya” utos niya dun
sa dalawa nyang kasamang lalaki na agad namang sumunod, ni hindi ko na
nga napansin na wala si Manong Driver at yung sasakyan na sinakyan ko.
Napakurap ako ng walang sabi-sabing umalis siya sa harap ko, lumingon ako
para tingnan ang dinaanan niya pero nakakapagtakang wala na akong nakita,
napakabilis naman niya kung ganun.
Nagmadali akong pumasok sa dorm ko at nilock agad ang pinto, hawak ang
dibdib na napasandal ako paupo sa pinto. What was that? Sino siya? Anong
kailangan niya? And more importantly anong pumasok sa isip ng tatay at mga
kapatid ko at napagdesisyunan nilang itapon ako dito.
>>Arkeind Academy<<
-Autumn-
pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya, nakatali ang paa ko,
Nasaan ako?
Nasilaw ako ng bumukas ang isang pinto na nagbigay ng liwanag upang makita
ko ang kalagayan ko,
Natatakot ako pero hindi para sa sarili ko, para sa maiiwan ko,
Para sa “kanya”
“T-tulong”
Napabalikwas ako sa higaan ko, panaginip, napaka-masamang
panaginip, ramdam ko ang pawis na nasa noo ko, pati ang mabilis na pagtibok
ng puso ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon. Napalingon ako sa wall
clock at nakita kong mag a-ala sais pa lang ng umaga. Bumangon ako at agad
na nagtungo sa kusina para uminom ng tubig, uhaw na uhaw ako sa hindi ko
malamang dahilan hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng
puso ko. Mariin kong pinikit ang mata ko at umiling para maalis yun sa utak
ko, kinalma ko rin ang sarili ko. Nang bumalik na sa normal ang tibok ng puso
ko ay nag-asikaso na ako para pumunta na sa Arkeind Academy. Matapos
kong mag-ayos ay kinuha ko ang bag ko at inilagay doon ang sobre at lumabas
na.
“Sobre mo?” tanong nung guard, nakangiti siya so far ang ngiti pa lang niya
ang nakikita kong totoo.
Kinuha ko ang sobre na nasa bag ko at ipinakita ito kay manong guard na
nawala bigla ang ngiti at napalitan ng pagkabigla, makikitaan rin ang mga
mata niya ng pag-aalala. Tinanggap niya yun at tiningnan pagkatapos ay
ibinalik niya sa akin iyon pagkatapos ay binuksan ang gate at ibinigay sa akin
ang isang school map pero bago pa ako makapasok ay hinawakan nya ang
braso ko at tumingin sa mga mata ko
Nagpasalamat ako sa waiter ng ilapag nya ang order ko sa tapat ko, libre pala
ang pagkain dito kasama daw sa binayaran. Magsisimula na sana akong
kumain kung hindi lang talaga sa mga taong ito na nakatitig pa rin sa akin.
Fact about me: Ayoko talaga sa lahat ng may nakatingin sa akin pag kumakain
ako
“Mind your own business students” sabi ng isang lalaki na nasa pintuan,
nakasuot ito ng school uniform pero naiiba ang kulay nito, kung sa iba ay blue
ang jeans at collar ng suot nitong uniform sa kanya ay black ang kulay, may
hawak siyang isang black notebook sa kanang kamay. Mas lalong tumahimik
at bumigat ang paligid, walang nagtangkang gumalaw, waring mga takot silang
mapansin ng lalaking ito na ngayon ay naglalakad sa gitna ng cafeteria, lahat
ng mata ay nakatingin sa kanya. Ramdam ko rin ang kakaibang takot, yung
takot na mas malala pa sa takot na naramdaman ko kagabi. Sino siya?
“He’s the only person that can make everyone shiver in fears only by
standing in front” sabi nito na naging dahilan ng biglaan kong pagtingin sa
kanya pero wrong move kasi nasa harapan ko mismo ang mukha niya, ilang
inches lang ang layo sa mukha ko, naiilang pa ako sa paraan ng pagtingin niya
sa mata ko, lalayo na sana ako ngunit hinawakan nya ang mukha ko upang
pigilan ako sa tangka ko. Napalunok ako, alam kong maraming nakatingin sa
amin ngayon ramdam ko iyon.
“Sa tingin mo? Ikaw na kaya ang hinihintay ng lahat? Ikaw na kaya ang
maglalabas sa amin sa impyernong ito” sabi nito sa akin. Pwersahang inalis
ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at lumayo.
Naguguluhang tiningnan ko siya
“By the way, I’m Zero Alleire” pakilala niya, inilahad niya ang kamay nya,
tinanggap ko naman iyon
“Autumn Charize Montclair” sabi ulit ni Zero at shinake ang kamay namin
“H-how did you even know my whole name?” confuse kong sabi
“Everyone knows it” yun lang ang sinabi niya. Tumayo siya kaya naman
tiningnan ko siya
“Thank you for the breakfast, I really enjoy it” sabi nito at kumakaway na
umalis, lumapit siya dun sa lalaki kanina, nag-usap sila at sabay na tumingin
sa akin pagkatapos ay umalis na silang dalawa. Weird
“h-hello” sabi ko na lang, tumango sila at pinauna ako, nasa kaliwa ko si Red
at sa kanan naman ay isang tahimik na lalaki, medyo magulo ang buhok nito,
hindi rin nakaayos ang neck tie nito at bukas rin ang unang tatlong butones
ng uniform niya, habang nasa likod ko naman ay isang lalaking may lollipop sa
bibig na kanina pa niya sinisipsip. Habang naglalakad kami ay napagtanto
kong wala pa sa sampung babae ang nakikita ko dito.
“Uhh red ilan ang populasyon ng babae dito?” tanong ko upang basagin ang
katahimikan sa aming apat. Nagtatakang lumingon sa akin si Red
“10 lang pero ngayon 12 na kasama ka at yung isa pang dumating na
newbie” sagot nito, napamaang ako sa sinabi niya, What the? Anong klaseng
paaralan ito?
“B-bakit?” tanong ko kaya naman tumingin ulit sa akin si Red, ramdam ko rin
ang tingin nung dalawa. O-kay maybe I should stop asking na
“We really need and demand for you to stop asking questions and seek for
an answer, its better if you don’t know anything that might put you in a
danger . This is an Academy and you need to study that’s all” mahinang
sabi ni red pero sapat na para marinig ko. T-teka parang narinig ko na
somewhere yan, iba man ang pagkakasabi pero parehas lang ng ipinaparating
“Be careful in that Academy, just stay out of range and be contented on what
you know, don’t ask question and don’t seek for an answer, don’t put a stupid
stunt and make a stupid decision” –Rain
“Thank you” sabi ko dun sa tatlo nang nasa harap na kami ng A Room, I
guess.
Ngumiti sila
“Just be careful” sabi ni red at bahagyang ginulo ang buhok ko. Why
everyone says I need to be careful. With a thoughts, binuksan ko ang pintuan
ng A Room, lumingon sa akin ang mga nandun, 16 kami na nandun at oo nga,
dalawa lang kaming babae, katabi ko siya ngayon at patingin-tingin sa palagid.
“Hey are you okay?” tanong ko, lumingon siya sa akin at bahagyang
tumango, napatango na rin ako. Natahimik kami ng umakyat si Head Mistress
sa platform at lumapit sa may podium, kinuha niya ang mic, katulad kagabi
nakangiti na naman siya pero nakakatakot ang presensya niya.
“Good morning my lovable new students” panimula nito, binati rin namin
siya
“Autumn Charize Montclair” sabi ko, tumayo ako kaya naman tumayo rin
siya
“Hindi ko alam maybe maglilibot-libot” sagot ko, tumango siya kaya naman
nginitian ko siya
“Una na ako sa iyo” paalam ko, tumango siya sakin at ngumiti, kumaway ako
sa kanya at ganun din siya. Nag-unat ako ng katawan ng makalabas ako sa A
Room
“Kung hindi niya pinatay yung lalaki ay malamang ikaw ngayon ang nasa
kalagayan niya” sabi ng isang boses, tumingin ako sa paligid ko at nakita
kong nakasanday sa isang puno si Zero at nakatingin sa akin. Tinangka kong
magsalita pero walang boses na lumalabas sa bibig ko, ramdam ko ang
panginginig ng buong katawan ko, ramdam ko rin ang pagkahilo ko at unti-
unting pagdilim ng paningin ko, bago pa ako tuluyang bumagsak sa lupa ay
may braso ng humaklit sa bewang ko at sinalo ako pagkatapos nun ay tuluyan
na akong nawalan ng malay
KABANATA 2
>>Questions<<
-Autumn-
“T-tulong”
“T-TULONG”
mabilis na lumapit sa akin ang lalaki na hindi ko makilala dahil Malabo ang
mukha niya
nanghilakbot ang buo kong pagkatao ng may isa pang lalaki ang lumitaw at
naglabas ng baril
At nakatingin sa akin na para bang handa niya akong tuklawin kung sakali
mang magtangka akong tumakas
Lumingon sa akin ang lalaki at tinangkang lumapit sa akin ng makita niya ang
takot sa mata ko dahil sa ahas na ito
“Pull that damn trigger if you really want to kill me” hamon ng lalaki at nag-
umpisang humakbang palapit sa akin
“no”
“NO”
“Gising ka na pala” sabi nito, agad siyang lumapit sa akin, inilapag nya ang
tray sa lamesa sa tabi ko at naupo sa bed ko
“Okay lang sayo? Hindi normal ang paaralang ito. May napatay pero wala
man lang pulis na dumating?” does killing is legal in this damn school?
“Actually, hindi lang naman ikaw yung pinagtangkaan kanina, maski ako
buti na lang kasama ko yung tatlong lalaki at iniligtas ako” so pati siya?
Kaming dalawang newbie? Pero bakit? Anong nagawa namin?
“What the hell at okay lang sayo yun?” hindi ko makapaniwalang sabi,
nagkibit-balikat siya
“Wala naman na tayong magagawa, sabi ni Red, once you enter in this
academy wala na rin pwedeng lumabas”
“Bakit daw?”
“Ewan ko pero sabi ni red its better kung wala na tayong alam”
“Yeah right! Sinong nagdala pala sa akin dito at bakit ikaw yung kasama
ko?”
“Sa tingin ko si Zero ang nagdala sayo dito, siya rin kasi yung nagsabi
kela red ng nangyari sayo at tsaka sabi rin ni Zero na its better daw kung
magkasama tayo hanggang hindi pa nagagawa yung test”
“test?”
“Hindi ko alam but may binanggit sila about being the Eve, you know the
Eve of Adam”
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Test for knowing if you are the Eve? For
what? Too many questions and it looks like they already decide to hide the
answers. If Alyssa is contented on what she already know well not me. Hindi
ako mapapanatag hangga’t hindi ko nalalaman ang lahat. This Academy is not
normal, napakaraming misteryo sa Academy na ito, maraming
kasinungalingan at mga itinatagong sikreto na kailan kong malaman.
“Kain ka muna”
Tumango ako at kinain ang inihanda niya, nang matapos akong kumain ay
nagpalit ako ng damit. Nakaupo pa rin si Alyssa sa bed ko ng
“ako na” presinta niya tsaka lumabas. Sumunod naman ako sa kanya
“Kayo pala, pasok kayo” rinig kong sabi ni Alyssa at pinapasok kung sino
man yung mga kumatok
“Upo muna kayo, drinks?” sabi ni Alyssa, tumango sila at naupo sa couch
Naputol ang pag-iisip ko ng dumating si Alyssa dala ang mga juice namin,
agad naman niyang inilagay yun sa coffee table. Umupo siya sa couch na nasa
tabi ng inuupuan ko. Huminga ako ng malalim at binitawan ang tanong na
kanina ko pa gustong tanungin.
Lumingon sila sa gawi ko. Nabitawan pa ni Matteo ang lollipop na hawak niya
habang si erol ay agad na naibaba ang hawak nyang cellphone at lumingon din
sa akin. Tumingin ako sa mata ni Zero. They are hiding something. Alam ko
yun.
“It’s the test that will determine if one of you is the Eve that we all
waiting for, if that happens, all the student in this Academy will all be free
and can now go back to their lives outside and far away from this hell and
that said Eve will stay here and be the sacrificed to complete the formula”
sabi ni Zero na naging dahilan ng mahabang katahimikan sa amin. Walang
nagtangkang magsalita, lahat tinitimbang ang sinabi ni Zero, gulat naman na
nakatingin kami ni Alyssa sa kanilang apat
“sa tingin mo i-isa sa atin ang eve na sinasabi nila?” tanong ni Alyssa, hindi
ko siya sinagot dahil kahit ako ay hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong
ko.
Something is missing, may kulang sa kwento nila. Bakit kailangang gawin ito?
Ano yung formula? Bakit hindi man lang magawa ng mga parents namin na
pigilan ito kung gayong alam nila ang magiging kapalit nito, alam nga ba nila o
hindi? At ano yung ibig sabihin ni Rain na “It’s the rule. And no one should
against it?”
Unti-unti niyang binitawan ang braso ko na hawak niya. Ngumiti ako at tsaka
mahinanag tinapik ang balikat niya. Sa panahon ngayon, alam kong kailangan
naming mag-ingat ni Alyssa. Lumabas ako at nagtungo sa rooftop ng dorm na
ito. Naupo ako sa isa sa mga upuan kitang kita ang kabuuan ng DormPlace sa
rooftop, bumuntong hininga ako, hawak ko ng mahigpit sa kamay ko ang
cellphone ko na hanggang ngayon ay wala pa ring signal. Napapikit ako at
hinayaang maglandas sa pisngi ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kung
ganun, talagang galit sa akin si daddy at nagawa niyang ipadala ako sa
impyernong ito at wala man lang nagawa ang dalawa kong kapatid. I don’t even
know why kung bakit galit sa akin ang ama ko simula pa lang nung bata ako
hindi nila ako hinayaang makipaglaro sa iba o di kaya lumabas man lang ng
bahay. Para bang ikinahihiya nila na anak nila ako at kung lumabas man ako
ay nakatakip ang buo kong mukha at may kasama akong bodyguard, nitong
nag-18 lang ako naglakas loob na suwayin sila at alisin ang balabal ko tuwing
lalabas ako and that leads to my mother’s death.
How much cost will I still need to pay for the death of my mother in front of my
very own eyes? How much suffer will I still need to feel? Ilang beses pa ako
iiyak dahil sa pangyayaring hindi ko naman ginusto? Hanggang kailan?
“W-wala lang”
“then stop crying, this academy is not for weak people, you need to be
strong kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito, this academy is a
big chess game, but not like in ordinary chess game, in this game the
queen needs to protected by her king and other official, because if the
queen gets caught by the manipulator the game is over”
Napalingon ako sa sinabi niya. What the hell does he meant by that?
“We’re only just a fucking piece of this chess game, pero may mga utak
tayo na kayang mag-isip at salungatin ang gustong ipagawa sa atin ng
manipulator, all we need is time. So Ms. Montclair just stay out of sight”
“then stop crying, this academy is not for weak people, you need to be strong
kung gusto mo pang makalabas ng buhay dito, this academy is a big chess
game, but not like in ordinary chess game, in this game the queen needs to
protected by her king and other official, because if the queen gets caught by the
manipulator the game is over”
Muling bumalik sa akin ang sinabi niya. Napailing ako habang nakatingin sa
pintong nilabasan niya.
“But you know the queen also must protect her king because if the king
died the queen will have no reason tolive in this cruel and unfair world”
bulong ko na parang sagot ko iyon sa sinabi niya kanina.
-Autumn-
“Morning” bati namin, ngumiti lang sila. Naglakad kami papunta sa Academy,
maraming estudyante na rin ang kasabay naming papasok. Ngumiti lang ako
sa kanila kahit pa iba ang pakiramdam ko ngayon.
“Any idea kung bakit at para saan ang pagpunta natin sa open space?”
tanong ko habang naglalakad, umiling si Alyssa habang hindi naman nagreact
yung dalawa.
Dumating kami sa open space kung saang maraming estudyante na rin ang
nag-aabang sa sinasabing announcement kuno. Maingay ang paligid, mga
nagtatanong kung bakit kami nandito ngayon. Lahat kami ay Natahimik at
napalingon kay King na ngayon ay naglalakad papunta sa gitna ng platform.
Wearing his cold emotionless terrifying expression. Mas madilim nga lang
ngayon ang anyo niya kaya walang nagtangkang gumalaw sa amin, diretsyo
lang siya at naupo sa isa sa mga upuan na nasa platform. Tumingin ako kay
Red at Matteo na madilim na rin ang anyo, diretso lang ang tingin nila sa
harapan. I wonder why?
“Nais kong ipakilala sa inyo ang mga opisyal ng Academy na ito” pagkasabi
ni Miss Claire nun ay may apat na magagarang kotse ang tumigil sa gilid ng
platform. Ramdam ko ang biglang pagbigat ng paligid, mas mabigat kesa
kanina. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa hindi
malamang dahilan. Kung tahimik kanina ay mas tahimik ngayon kahit
paghinga ay wala kang maririnig. Waring lahat kami ay pinipigilan ang hininga
namin. Napatingin ako kay Alyssa ng humawak siya sa braso ko, halata sa
mata niya ang takot, nginitian ko lang siya hoping that it would ease her fear a
little.
“And now let’s all welcome the HeadMistress of this Academy, Miss
Helena Enrile”
Bumukas ang pinto ng kulay pulang limousine, lumabas doon si Miss Helena,
nakangiti pa rin siya. Agad siyang nagpunta at naupo sa pinakagitnang upuan.
“The President of this school, Mr. David Flores” lumabas ang isang
matandang lalaki sa isa pang magarang sasakyan at naglakad patungo sa
upuan, naupo ito sa kaliwa ni Miss Helena at katabi nito si King, nagkamay
silang dalawa
“The Vice President, Miss Recy De Vera” isang magandang babae ang
bumaba sa isa pang sasakyan, kumaway ito sa amin at nagtungo sa unahan,
umupo ito sa kanan ni Miss Helena at nakipag-kamay din
“and last but definitely not the least, The Academy Student Council Adviser,
Miss Nathalie Mondragon” isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa
mid-20s pa lang niya ang bumaba sa pinakahuling sasakyan. Dumiretso lang
ito sa upuan at naupo sa tabi ni Miss Recy
“And oh please don’t forget the Academy Student Counci President, your
king, Mister Craige Laurent Lawrence” sabi ni Miss Claire at itinuro si King
na nakatingin lang sa harapan.