Filipino 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

FILIPINO 10

EL FILIBUSTERISMO

I. KABANATA 1 -SA IBABAW NG KUBYERTA

• Ang Bapor Tabo (isang pabilog na barko) ay mabagal, sira-sira at marumi ngunit laging may bagong pintura, 2
palapag; at ito ay ang Daong ng Pamahalaan

• Talasalitaan
- akitin = tuksuhin; engganyuhin - lulan = sakay
- Artilyero = taong gumagawa ng sandatang - maigaod = maialis sa pagkakasadsad
pandigma
- matuligsa = malabanan
- Banayad = dahan-dahan
- Bapor = malaking sasakyang pantubig - matutulin = mabibilis
- beterano = taong mahaba o matagal na sa - mariner = nagtatrabaho sa bapor
serbisyo, dalubhasa na sa kaniyang larangan - nababalaho = napapasadsad sa putik kaya di makaalis
- gugol = gastos - napabaling = napalingon
- hinambalos = hinampas - nagpapanggap = nagkukunwari
- hudyat = babala; senyas - nagtina = nagkulay
- ikinayayamot = ikinaiinis - nakisabad = sumingit sa usapan
- kabalbalan = kasinungalian - paghuhuntahan = pagkukuwentuhan
- kapritso = wala sa lugar ang pagbabago ng isip o - pagsalunga = di ayon sa takbo o agos
damdamin
- karihan = kainan gaya sa karinderya - pakimi = kunwari’y nahihiya (PABEBE!!!!!)
- kasko = uri ng bangka - pumanaog = bumaba
- kolorete = pangkulay o pampaganda (makeup) - pilibustero = kalaban ng simbahan/prayle
- kubyeta = palapag ng barko - pinipintasan = sinisiraan
- kumatig = kumampi; pumanig - salambaw = tikwas;panghuli ng isda
- lona = tolda na nagsisilbing bubong - silyon = silyang may patungan ng braso
- tinitingala = iginagalang - tabo = pangkuha ng tubig
- uldog = katulong ng pari - tikin = panulak para umusad ang bapor
• Tauhan - timon = manibela sa bapor
- Donya Victorina: Hinahanap si Don Tiburcio at
naiinis dahil hindi siya pinapansin
- Don Custodio: Siya ang political advisor ng mga nasa gobyerno
- Ben Zayb: Isang mamamahayag at mayabang
- Padre Irene: Gwapong pari at maganda ang katangian
- Simoun: Si Crisostomo Ibarra, Amerikanong Moreno at mangaalahas
- Padre Camorra: Batang pari, mukhang mandirigma o artilyero
- Padre Sibyla: Ginagalang, ikalawang rekto ng UST at siya ay makisig

• Mga Pangyayari
- Victorina vs. Bapor Tabo at Ilog Pasig: mabagal at pabangga bangga ang bapor tabo - sinisisi ang mga indiyo
na nagpapaandar sa bapor at ang kapitan ng bapor ay dumating at sinagot ang inis at mga tanong ng donya
- Ben Zayb vs. Padre Camorra: ipinatahimik ni Padre Salvi at dahil pinagyayabang ni Ben Zayb ng magaling
siya sa agham ay tinanong siya ni Padre Salvi kung bakit matibay pa ang tulay kung sabi ng agham ay masisira
na ito
- Simoun vs. Don Custodio, Padre Salvi at Padre Sibyla: maghuhukay ng kanal patunggo sa Maynila Kanal →
Bayan (kulang pera) → mga nasa bilangguan (kulang tao) → taongbayan (magsikap at gumawa para sa
kanila)
- Don Custodio vs. Donya Victorina: panukala ay magalaga ng mga pato para sila ang maghuhukay ng lupa
ngunit ayaw ni Donya Victorina dahil nadidiri siya
• Mga Simbolismo
- Mabagal na takbo ng bapor = mabagal ang pagunlad ng Pilipinas
- Bagong pintura = sa likod ng kagandahan ay may kabastusan at kasamaan
- Dalawang palapag = sa taas ay ang mga mayayaman o kastila at sa ibaba ay ang mga mahihirap o Indiyo
- Makinera = pamahalaan; umaandar dahil sa pamahalaan at pag ito ay bumangga, ito ay gagamitan ng tikin
- Tikin = ang simbahan
- Tabo = paikot-ikot lang ang direksyon ng kastila sa ating bansa

• Buod
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben
Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig.
Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng
tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng
ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.

• Mga Tulong Sa Pag-aaral


1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.
2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang
Fili ay may 13 taong nakapagitan.
3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang
mamahayag.
4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas,
kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay
may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.

• Usaping Panlipunan
- Pinapakita ang DISKRIMINASYON sa mga mahirap (Indio at Intsik)
- Marahas na solusyon
- Edukasyon (AWK)
- Tubig VS Alkohol (rebolusyon)

II. KABANATA 2 - SA ILALIM NG KUBYERTA

• Talasalitaan
- apyan = opyo
- nakamata = nakatingin
- bokasyon = hilig; trabaho; tungkulin
- daungan = pier - nakikihalubilo = nakikisama; nakikipagugnayan
- delubyo = pagbaha; pagkagunaw; pagdagsa - namalikmata = biglang may nakita
- ipikurero = maluho o mapili sa pagkain - nasaling = nasagi
- karibal = kaagaw; kalaban - pagkasuklam = pagkamuhi
- magaambag = magbibigay - paham = matalino
- maghihitso = magnganganga - pahintulot = permiso
- mariwasa = mayaman
- panlilibak = panlalait
- masinsinan = seryoso
- matikas = magandang tinig - piho = sigurado
- matipuno = gwapo - pondo = perang nakalaan
- naghahamon = nais makipagtunggalian ng galling o - silbato = tunog na nagbababala
lakas - singaw = amoy
- nahihibang = nawawala sa sarili - tampipi = lalagyan ng gamit
- naghuhuntahan = nagkwekwentuhan
- udyok = nais ipagawa
- tukayo = kapareho ng pangalan
- trangkilidad = kapayapaan
• Tauhan
- Basilio: Magiging manggamot, Itim na itim ang kasuotan, Nagaaral ng medisina
- Isagani: Nagaaral sa Ateneo, Matipuno (gwapo) at matangkad, Makata, Walang kibo palagi (tahimik)
• Ilalim ng Kubyerta
- Mabaho dahil sa singaw ng tao at langis
- Mainit dahil sa makena
- Maingay
- Ang mga tao dito ay ang mga intsik, mga dalaga at binata, at mga magaaral na Pilipino na nakasuot ng puti.
Ang mga babae ay may dalang abaniko na gamit sa pagtakpan ng kanilang mukha parang kinikilig
- Kung saan nakalagay ang mga maleta, baul, basket at tampipi

• Mga Pangyayari
- Papunta sa San Diego ang bapor
- Upang di mainip ang mga tao, ang ilan ay nakatingin sa tanawin, nagkwekwentuhan, naglalaro ng baraha,
natutulog o nagpipilit matulog
- Naguusap sina Kapitan Baisilio, Basilio at Isagani tungkol kay Kapitan Tiyago. Sabi ni Basilio, wala daw
pagbabago kay Kapitan Tiyago: Ayaw niya magpagamot kaya pinapauwi siya ni Padre Irene sa San Diego
para maipatigil niya siya mula sa paghithit ng Apyan (salot ng makabagong panahon at ginagamit noong araw)
- Pinagusapan rin nila ang pagpapalago ng Akademya ng Wikang Kastila
- Hindi sumangayon si Kabitan Basilio sa pagpapalago ng Akademya ng Wikang Kastila
1. Hindi pabor si Padre Sibyla
2. Walang guro ang magtuturo
3. Walang perang gagamitin para maipatayo ito
4. Walang gusali para dito
- Sumangayon sina Isagani at Basilio sa pagpapalago ng Akademya ng Wikang Kastila at tumutol kay Kapitan
Basilio
1. Si Padre Irene ang bahala at siya ang kakausap sa Heneral
2. May 2 guro na silang nakuha (½ Pilipino at ½ Kastila)
3. Magaambag ang mga estudyante ng apat na piso
4. Si Makaraig ay nag-alok ng kanyang bahay
- Umalis si Kapitan Basilio at sabi nila Isagani at Basilio na ang tanging nakikita ng mga matatanda ay ang mga
hadlang at hindi ang mga kabutihan
- Tinanong ni Basilio si Isagani kung ano ang sabi ng tiyo nito tungkol kay Paulita (namula si Isagani)
1. Sabi daw ng tiyo na pumili ng wastong mapapangasawa
2. Sabi ni Isagani na si Paulita ay walang katulad ng ganda, may pinagaralan at ulila
3. Sabi ni Basilio na si Paulita ay mayaman, maalaga at mahusay magsalita
4. Ang tanging mapipintas ay ang tiyahin ni Paulita na si Donya Victorina
- Dumating si Simoun. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun ang kaibigang si Isagani. Tinanong ni Simoun kay
Isagani kung totoo ba na ang mga tao sa kanilang lalawigan (San Diego) ay hindi makabili ng alahas dahil sa
karalitaan
1. Isagani: “Hindi po kami bumibili ng mga alahas sapagkat hindi naman yan kailangan”
2. Inalok ni Simoun na uminom ng serbesa sina Basilio at Isagani ngunit ito ay kanilang tinangihan
3. Lumisan si Simoun, samantala sina Isagani at Basilio ay nagusap. Pinupuri lamang ni Isagani si Simoun
kapag nakaharap at kapag nakatalikod ay minumura.
4. Tula ni Isagani tungkol sa apoy at tubig
> Tubig - Sinisimbolo nito ang mga Pilipino dahil sa oras na magkaisa ang mga Pilipino, mawawasak ang mga
Kastila
> Apoy - Sinisimbolo nito ang mga Kastila
> Dapat mag tulungan ang mga tubig at apoy para umunlad ang bayan. Ngunit, pag nagsama ang apoy at tubig,
isa sa kanila ang mamamatay
- Padre Florentino
1. Pilipinong pari
2. Malumay magsalita
3. Ang pamangkin niya ay si Isagani
4. Nagtatago mula kay Donya Victorina sapagkat nasa bahay ni Padre Florentino ang asawa ni Donya Victorina
na si Don Tiburcio de Espadana
5. Nagtatanggal ng sombrero ang mga dumadaan bilang paggalang dahil siya ay may edad na
6. Iba siya sa mga paring Indio
7. Ayaw niyang magpari noon ngunit dahil malapit ang kaniyang ina sa arsobispo, naging pari siya noong siya’y
25 na edad gulang

• Usaping Panlipunan
- Pinapakita ang DISKRIMINASYON sa mga mahirap (Indio at Intsik)
- Marahas na solusyon
- Edukasyon (AWK)
- Tubig VS Alkohol (rebolusyon)

III. KABANATA 3- MGA ALAMAT

• Talasalitaan
- bangkete = handaan
- gulilat = nagulat - paguusisa = pagtatanong ng sunod sunod
- hinaing = reklamo - paguyam = pagmamaliit
- ipain = gamiting patibong - pinagkakagastahan = pinagkakagastusan
- makamkam = kunin ng walang bayad o paalam - sagrado = banal
- masisiba = matatakaw - sumungaw = ilabas ang ulo
- naghihingalo = malapit ng mamatay
- tampalasanin = bastusin
• Mga Pangyayari - tumugis = humabol
- Umakyat si Padre Florentino at wala na ang init ng
kaniyang ulo
- Sabi ni Padre Irene na malaki ang kita nila mula HK ngunit sabi ni Padre Sibyla na may mga tumututol na
- Pinatigil sila ni Padre Camorra
> Ang mga Indio ay unti-unting tumatawad

• Alamat ng Malapad na Bato


- Isinalaysay ni Don Custodio
- Bago dumating ang mga Kastila, ang Ilog Pasig ay nagkaroon ng malaking bato.
- Ang bato ay pinapaniwalaang may espiritu sa loob. Itinuring sagrado ang batong ito
- Nawala ang pamahiin ng pumasok ang mga tulisan (rebel) sa loob at pinaniwalaan na umalis ang mga espiritu.
Kinakatakutan ang mga tulisan
- Pagkakahawig ng Alamat ng Malapad na Bato sa kasaysayan ng Pilipinas – sagrado ang Pilipinas noon. Nang
dumating ang mga Kastila, nawala ang ating pagkatao, pagkakilanlan, yaman, kultura at karapatan.

• Alamat ni Donya Geronima


- Isinalaysay ni Padre Florentino
- Si Donya Geronima ay kasintahan ng isang binatang nagpari at nangakong pakakasalan ang dalaga
- Nabalitaan ng dalaga na isang Arsobispo na ang mag-aaral sa Maynila kaya nagdamit siya bilang isang lalaki.
Ang arsobispo ay nagpagawa ng kuweba para sa dalaga
- Itinago ng lalaki ang babae sa kuweba at ditto tumanda at namatay si Geronima dahil hindi na bumalik ang
lalaki
- Patama ito para kay Padre Salvi sapagkat kahawig nito ang kwento ni Maria Clara
- Sabi ng na ang dalaga ay isang Enkangtadang sumasalo sa mga pilak
- Nais naman manirahan ni Donya Victorina sa kweba

• Alamat ng Milagro ni San Nicolas


- Isinalaysay ni Padre Salvi
- Isang Instik na hindi bininyagan ang tinangkang kainin ng isang buwaya sapagkat hindi lahat ng instik ay
katoliko
- Humingi ng tulong ang Instik kay San Nicolas at naging bato ang buwaya dahil sa himala ni San Nicolas
- Pinaniniwalaan na iniligtas ang Instik dahil sa kayang paniniwala sa Diyos
---Pagpapatuloy ng mga pangyayari---
- Pumasok sa lawa ang bapor at humanga ang lahat
1. Parang may Esmeralda at sapiro sa gitna
2. Sa kanan, may kulay berdeng pasigan at malabong bundok na sugay
3. Sa harap, may magilas na makiling na napupuntungan ng baha-bahagyang ulap
4. Sa kaliwa, may pulo ng talim at ang susong dalaga
- Itinanong ni Ben Zayb kung saan napatay si Guevarra, Navarra o Ibarra
- Hindi tumingin si Simoun sa kapitan ng magkwento ito malalim ang iniisip

• Alamat ni Ibarra
- Malapit na mahuli si Ibarra ng mga gwardia sibil kaya naman tumalon siya ng bangka at sumisid ng 2 milya.
Siya’y tinamaan ng mga bala pag siya’y umaangat para sa hangin. Dugo nalang ang nakita at 13 taon na ang
nakalipas
- Ang bangkay daw ni Ibarra ay kasama na ng kaniyang ama
- Tinanong ni Ben Zayb si Simoun kung bakit ganun ang kaniyang itsura. Sabi ni Simoun na nahihilo lang siya
ngunit katunayan ay namutla siya dahil ang alamat na iyon ay kanyang kwento talaga

• Mga Mahalagang Detalye


- May mga prayle na mayroong babae pero tinatago nila
- May mga espiritu sa bato
- Pinakamataas ang Christiano sa mga relihiyon

IV. KABANATA 4 - SI KABESANG TALES

• Tauhan
- Juli: Sobrang ganda, Mapagmahal, Masipag, Matalino, Dalagang
Pilipina, Masyadong relihiyosa
- Tata Selo: Matanda, Paggawa ng walis nalang ang aliwan niya,
Maputi ang buhok, Malusog at buhay na buhay pa din
- Tales: Yumayaman dahil sa tiyaga at tulong ng pamilya

• Mga Pangyayari
- Inampon ni Tata Selo si Basilio
- Nang makaipon ang pamilya ni Kabesang Tales, sila ay nagpunta
sa dulo ng bayan.
> Inakalang walang nagmamayari ng lupang kanilang nakita kaya
dito nilang piniling manirahan
> Inayusan nila ang lupa at pinagtuunan ng oras
> Nagtulung-tulungan upang maisayos ang bahay
> Nagkasakit silang lahat at namatay ang asawa at anak na panganay na si Lucia
- Dumating ang mga Prayle at sinabi nnila na sa kanila daw ang lupain na iyon
- Pumayag si Tales na magbayad ng buwis na P20- P30
- Unang payo ng ama: “Ituring na lamang na natalo ka sa sugal o kaya nahulog sa ilog ang P30 ay kinain ng
buwaya”
> Buwaya = mga Kastila
> Lumago pa rin ang lupa ni Kabesang Tales sa Sapang, sa Bayan ng Tiani at katabi ng Sa Diego
- Pagkatapos ng 1 taon, masagana pa rin ang lupa ngunit tinaasan ng mga prayle ang buwis at naging P50.
- Pinayo ni Tata Selo na “Magtimpi, isipin mo nalang na lumaki ang buwaya”
- Pinangarap niyang pagaralin si Julu upang maging kapantay nito ang kasintahang si Basilio ngunit hindi ito
nangyari dahil tumaas ang buwis
> Naging Cabeza de Barangay si Tales kaya siya’y naging si Kabesang Tales (ang nangongolekta ng buwis)
> Siya ang nag-aabono kapag di nagbayad ang mga tao kaya naan unti-unting naaubos ang pera ni Tales
> Sinabi ni Tata Selo “Magtimpi, isipin mo na lamang na nagsidating ang mga kamag-anak ng buwaya”
> Ginawang P200 ang buwis
- Tumangging magbayad si Tales at sinabi ng tagapangasiwa na kung hindi siya magbabayad, iba nalang ang
kukuha sa lupain.
- Napunta sa korte ang problema dahil walang patunay ang mga prayle ukol sa lupain
> Nauubos ang pera ni Tales sa pagbayad sa abogado, eskribyente at iba pa
- Binantayan niya ang kanyang lupain na may dalang baril
- Nagkawal si Tano
> Wala na siyang maibibigay kay Tano
> Sabi ng ilan, pagkatapos ng anim na buwan, siya’y naging guardia sibil
- Pinagbawal ang baril at itak kaya ang ginamit nalang ni Tales ay ang palakol
- Kinuha si Tales ng mga tulisan at ipinatubos ng P500 o pupugutan siya ng ulo
- Sabi ni Hermana Bali kay Juli na ibenta ang kanyang mga alahas
- Ibinenta ni Juli ang lahat ng kanyang mga alahas ngunit sa kanyang locket at nakakuha ng P250
> Laket: Kapitan Tiyago - Maria Clara - Ketongin - Basilio - Juli
- Ang kulang na P250 ay nakuha siya kapalit ng paglilingkod bilang katulong ni Hermana Penchang
- Umalis si Juli ng bahay at nagtampo si Tata Selo kasi siya nalang ang naiwan

• Mga Mahalagang Detalye


- Si Cabesang Tales ay may panindigan
- Si Tata Selo ay mapagtimpi
- Si Huli ay handing mapagsakripisyo
- Donya Victorina: mapagsamantala
• Usaping Panlipunan
- Pangangamkam/Kasakiman (greed)
- Kawalan ng hustisya
- Pananamantala sa kahinaan ng iba
- Diskriminasyon (sa Korte)

V. KABANATA 5 - NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

• Tauhan
- Basilio: Malalim magisip, Magaling na mangagamot, Mapagmasid (observant)
- Kutsero Sinong: Makakalimutin, Kaawa-awa, Hindi maipaglaban ang sarili

• Mga Pangyayari
- Pinigilan ang kutserong sinasakyan ni Basilio dahil makalimutan ng kutserong si Sinong ang kaniyang cedula
at siya’y binugbog ng mga gwardia sibil
- Dumating si Basilio sa San Diego at pinarada ang iba't ibang mga imahe
- Imahe ng Matusalem
> Pinakamatandang lalaki ma buhay na may mahabang balbas na may dalang kalan, palayok, at pandikdik
- Imahe ng tatlong mago
> Nakasakay sa mga kabayong sumasayaw lalo na sa itim na Haring Melchor na nais sagasaan ang mga
puting hari: gaspar at baltazar
- Imahe ng San Jose
> Malungkot ang mga mga mukha ngmga tao - mukhang pinilit lamang silang sumali
> May nagdadasal ng rosario habang ang iba ay may parol
> Ang mukha ng santo ag malungkot at ang tungkod nito ay may bulaklak ng Azucena
- Ang huli sa prosisyon ay ang birhen na nakasuot ng pastora at sombrero may perdioyos
- Napansin ng mga gwardia sibil na hindi nakasindi ang ilaw sa karitela ni Sinong kaya binugbog ulit siya
- Napansin ni Basilio na ang bahay lang ni Kapitan Basilio ang masigla
> Nagluluto ng manok na naririnig at naamoy sa daan
> Nakita ni Basilio sina Kapitan, ang kura, ang alperes, at si Simoun
> Nagbilin ang alperes ng kairel ng relo at ang kura naman ng isang pares ng hikaw
- Pumasok si Basilio sa bahay ni Kapitan Basilio
- Nalaman ni Basilio ang tungkol sa pagkamatay ng matandang nagtatanod sa gubat at ang pagkadukot ng
mga tulisan kay Kabesang Tales

• Usaping Panlipunan
- Pang-aabuso ng mga gwardiya sibil
- Gumagawa ng masama ang mga prayle sa babae

VI. KABANATA 6 - SI BASILIO

• Tauhan
- Basilio: Nagtangkang magpakamatay
- Kapitan Tiyago: Ama amahin ni Basilio

• Mga Pangyayari
- Ang mga kampanya para sa Misa de Gallo ay tumunog na kaya nagtungo si Basilio sa kagubatan ng mga
Ibarra
- Pumunta si Basilio sa lugar kung saan nakalibing si Sisa. Siya'y umupo sa buto at siya’y nagmunimuni tungkol
sa mga nangyari noon
> Sinundan niya ang baliw niyang ina sa gubat na iyun. Ang ina niya ay namatay doon.
> Isang lalaki (Elias) ang nakakita sa kanya doon at inutos na sunugin ang kanyang bangkay kasama ng
bangkay ng ina ni Basilio. Sinabi ni Elias na pag walang dumating, hukayin ang nakatagong kayamanan ng
mga Ibarra
> May isang lalaking dumating at binigyan si Basilio ng pera kaya hindi niya nakuha ang kayamanan ng mga
Ibarra.
> Pumunta siya sa Maynila
> Naging mas mahirap ang buhay niya
> Dahil sa gutom, pagkalungkot at pagkawalan ng pagasa, nais na niyang magpasagasa sa mga karwahe
ngunit nakita niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel
> Humingi siya ng tulong at siya'y nagging utusan na walang bayad at pinag aral siya sa San Juan Letran
> Naging utusan siya na walang bayad
- Sa unang taon
> Umiwas ang mga tao sa kanya dahil hindi maganda ang kanyang porma ng pananamit
> Pinupuntahan niya ang puntod ni Sisa para magsumbong
> Ika walong buwan: ang tanging nabibogkay ay ang kaniyang pangalan lamang at "adsum" O "narito po"
- Sa ikalawang taon
> Bumili si Kapitan Tiyago ng sapatos para kay Basilop
> Naging mas maayos ang buhay niya
- Sa pangatlong taon
> Isang mayamang Dominikanong mahilig magpatawa ay naging propesor ni Basilio. Hindi natawa si Basilio
sa kanyang biro
> Ipinagplanuhan ng propesor na ipahiya si Basilio
> Nasagot ni Basilio ang lahat ng tanong ng propesor
- Sa ikaapat na taon
> Gusto niya tumigil ng kolehiyo
> Dahil sa isang magaling na propesor, hindi siya tumigil
> Nakakuha si Basilio ng medal
> Sa ikalimang taon
> Pinalipat siya ni Kap. Tiyago sa Ateneo
> Tinapos niya ang kursong Bachilles en Artes
> Pinili niyang tumuloy sa Medisina
> Nagtapos siya pagkatapos ng dalawang buwan
> Magpapakasal na siya kay Juli

• Usaping Panlipunan
- Maling pagtuturo
- Diskriminasyon sa eskwelahan

VII. KABANATA 7 - SI SIMOUN

• Tauhan
- Basilio: Halimbawa ng batang inapi ng mga Kastila
- Simoun: Palaging gustong maghiganti; May sariling paniniwala kung paano mapapabuti ang buhay ng mga
Pilipino

• Mga Pangyayari
- Pauwi na sana si Basilio nang nakarinig siya ng mga yabag at nakakita ng anino
- May napansin si Basilio na lalaking naghuhukay gamit ang isang asarol. Nakilala niya ito bilang si Simoun
> Sa simula, natakot si Basilio kasi akala niya ang naghuhukay ay iang multo
> Namukhaan siya ni Basilio, ito ang taong tumulong sa kanya labing tatlong taon ng nakalipas sa paglibing
at pagsunog ng bangkay ni Sisa at Elias. Siya ay may edad na lamang ngayon-puti ang buhok, may bigote,
kunot ang noo, malungkot ang mata
- Hinuhukay ni Simoun ang kayamanan na gagamitin niya sa paghihimagsik
- Lumapit si Basilio kay Simoun at inalok ang kaniyang tulong at tinutukan ni Simoun si Basilio ng baril
- Sinabihan ni Simoun si Basilio na ito ay isang lihim na maaring maging dahilan ng kasawian
> Nais na sanang patayin si Basilio ngunit pinabayaan na lamg itong mabuhay dahil pareho silang may dapat
na singilin sa lipunan
- Inamin ni Simoun na siya’y si Ibarra at isinalaysay niya ang kanyang paglayag upang maging mayaman
> Nagbalik upang wasakin ang pamahalaan para gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik
- Nais gamitin ni Simoun si Basilio sapagkat siya ay maimpluwensya at edukado
- Nais ni Simoun na maghimagsik subalit hindi sang ayon si Basilio
- Gusto ni Basilio ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit ayaw naman ni Simoun dahil baka mamatay ang
wikang Filipino, ang wikang Kastila ay hindi magiging wikang pangkalahatan at iilan lamang ang
nakakapagsalita nito
> Ayaw ni Simoun ang pagpapatayo ng Akademya Ng Wikang Kastila sapagkat ito ay magiging sanhi ng
walang kalayaan at pagkalimot sa sariling wika
> Ngunit para kay Basilio, ang pagkaalam ng wikang Kastila ay isang paraan upang mapalapit sa pamahalaan
> Sabi ni Simoun na ito ay isang kamalian sapagkat ito'y hindi magiging wikang pangkalahatan
- Sinabi ni Basilio na gusto niya maging mangagamot para sa kanyang bayan
- Sinabi ni Simoun kay Basilio na gusto niyang magpunyago (struggle) ang mga tao lalo na ang kabataan.
Gustuhin rin dapat nila umasenso sa kanilang buhay at hindi lamang kumita para sa kanilang araw araw na
pangangailangan
- Sinabi niya kay Basilio na pag may kailangan siya, puntahan siya sa kanyang tanggapan sa Escolta
- Napaisip si Simoun kung nahikayat niya si Basilio na sumama sa rebolusyon
- Gusto ni Simoun na gisingin ang bayan, ng makita nila na inaapi na sila ng mga Kastila para magalit ang mga
Pilipino at magreresulta ito sa isang rebolusyon
- Basilio: Ayaw sumali sa mga rebelde kasi di naman daw babalik sina Sisa at Crispin

• Ibang Mahalagang mga Detalye


1. Bakit hindi pinatay ni Ibarra si Basilio?
- Dahil pareho silang hindi nabigyan ng katarungan
- Pareho silang may naranansan na masama
2. Ano ang gusto ni Ibarra/Simoun?
- Gusto siyang humiganti para magkaroon lamang ng pantay na karapatan ang bayan
3. Usaping Panlipunan
- Pagtuligsa sa AWK ni Simoun na pinaplano ng mag mag-aaral (kolonyal na mentalidad)
- Planong paghihiganti ni Simoun (Rebolusyon, Marahas
na Pamamaraan)
4. Dalawang liham na natuklasan ni Basilio “Ang hindi marunong magmahal sa
- Si Simoun at Ibarra ay isa sariling wika ay higit pa sa mabahano at
- Buhay ni Ibarra malansang isda” – Jose Rizal
VIII. KABANATA 8-MALIGAYANG PASKO

• Tagpuan: Bahay ni Kabesang Tales Kapitan Tiyago  Maria Clara  Ketongin  Basilio  Juli

• Tauhan
- Juli: Relihiyosa, Mapagmahal sa kanyang ama at sa lolo, Malungkot dahil sa sakripisyo niya para kanyang
ama at lolo
- Tata Selo: Sobrang matamlay, mahina at malungkot dahil si Juli ay nagpakaalipin at natalo ang kaso ni
Kabesang, Maraming problema, Walang mga regalo, handa at disenyo para sa mga bisita
- Tales: Naging pipi

• Mga Pangyayari
- Nagising si Juli ng madaling araw sa araw ng Pasko. Nanalangin siya at matahimik na lumabas sa batalan
- Inisip niya na baka may 250 na sa ilalim ng imahe ng Birhen ngunit ang liham lang ng tatay niya na humihingi
ng 500 piso ang nanoon
- Mahinahon pa ang pakiramdam niya kaya ay nakagawa pa siya ng almusal, akala niya ay hindi pa gising ang
lolo niya
- Hinalikan ang relikaryo ngunit pinunasan agad dahil natakot mahawa sa ketongin
> Ang relikaryo ay puno ng esperalda at diyamente
> Magiging katapusan ng kanyang pangarap kapag nahawa siya sa ketongin
- Nakatingin ang nuno sa bawat kilos ni Juli at nagmano siya sa kanya
- Tinanong niya ang sarili niya kung bakit pa siya nagaalala kung hindi naman malayo ang pupuntahan niya.
Pwede naman siyang bumisita tuwing pangalawang araw at alam naman ni Basilio ang nangyayari sa kaso
ng tatay niya
- Umalis si Juli na walang sinabi kay Tata Selo, maski pa ang Maligayang Pasko
- Sinubukan ni Tata Selo na batiin ang kanyang mga kamaganak ngunit sa gulat nalang niyang malaman na
hindi na siya nakakasalita. Siya ay naging pipi na pala

• Usaping Panlipunan
- Maling paniniwala sa relihiyon/ pananampalataya
> Nagdasal na sana may pera sa paa ng Birhen
> Naging pipi (mute) si Tata Selo
- Pinapakita ang kahiraphan

IX. KABANATA 9: SI PILATO


• Tauhan
- Kabesang Tales: Anak ni Tata Selo na naghahangad ng karapatan sa sag-ari sa lupang sinasaka na inaangkin
ng mga prayle. Magaling sa paggamit ng baril. Naging malungkot sapagkat nawala sa kanya ang mga
minamahal niya sa buhay
- Juli: Anak ni Kabesang Tales, Kasintahan ni Basili, Hindi siya marunong magdasal
- Hermana Penchang: Bagong amo ni Juli, Gustong turuan si Juli ng tamang paraan ng pagdasal
- Tenyente ng Guardiya Sibil: Maraming nangaakala na may kasalanan sa pagkuha kay Tales pero wala
naming kasalanan
- Tata Selo: Ama ni Kabesang Tales

• Mga Pangyayari
- Pinaguusapan ng lahat ang tungkol sa nangyari sa pamilya ni Tata Selo
- Inutusan ang guardia sibil na kunin ang mga sandata, hindi upang bigyang pagkakataon na madukot si
Kabesang Tales ng mga tulisan. Hindi daw niya kasalanan ang nangyari kay Tales
- Wala daw kasalanan ang tagapanasiwa ng mga prayle
> Kailang niya at ni Padre Clemente maginat at hindi niya gusto ang mga tingin ni Tales
> Hindi daw niya tungkulin ang paguusig dahil tungkulin ito ng guwardia sibil
> Kung nanatili si Tales sa loob ng bahay, hindi siya makukuha nga mga tulisan
- Sabi ni Hermana Penchang na ipinapatikim ng Diyos ang parusa dahil tayo ay makasalanan ay maysala ang
mag-anak
> Hindi pa daw marunong magdasal si Juli kaya nakakahiya siya
> Hindi daw alam ni Juli ang tamang pagbigkas ng ama naming
> Hindi din daw alam ang pangkaraniwang dasal at kapag nagsasalita ng Latin ay may halong Tagalog
> Nagpasalamat na nakuha si Tales upang maturuan niya si Juli
- Hindi pinauwi ni Hermana Penchang si Juli sa kaniyang bahay at ikinulong ito sa kanyang bahay dahil
kailangan niyang matuto
> Sulit daw ito sa 250 pesos na ibabayad
> Nang marinig tungkol kay Basilio, sinabi niya na isa itong demonyo
> Pinagbasa ng polyeto si Tandang Basyo tungkol sa relihiyon
- Nakauwi na si Tales dahil sa 500 pesos na naipon ni Juli mula sa mga alahas at kay Hermana Penchang
> Nalaman ni Tales na iba na ang may ari ng kaniyang lupain, naging alipin si Juli at napipi ang kanyang ama
> Pinapaalis na siya sa kanyang bahay sa tatlong araw

• Usaping Panlipunan
- Maling pagtuturo sa simbahan
- Pang-aabuso sa kapangyarihan
- Diskriminasyon

X. KABANATA 10 - KAYAMANAN AT KARALITAN (poverty)

• Tauhan
- Kabesang Tales: Tatay ni Juli, Nawalan ng lupa, May galit sa
kumuha ng kaniyang lupa mayama
- Simoun: Nausisa, Naalala pa rin ang dati niyang mahal n
- Pamilya ni Kapitan Basilio: Kayang gumastos ng sobra-sobra
mahihirap
- Hermana Penchang: Mayaman, Relihiyosa

• Mga Pangyayari
- Pumunta si Simoun sa bahay ni Tales upang magbenta ng alahas
> Kasama ang dalawang utusan na may dalang malalaking baul ng alahas
- Ipinagmalaki ni Simoun ang kaniyang rebolber
> Binaril ang punong may bunga na 2 m ang layo
- Tinanong ni Simoun si Tales tungkol sa kanyang rebolber at sa pagtatanggol sa sarili laban sa mga tulisan
- Humanga ang mga tao sa alahas. Nagpigil si Tales dahil naisip niya na makakapagbago ng kanyang buhay
ang isang alahas lamang
- Bumili si Hermana Penchang ng nga diyamenteng singsing
- Nang makita ni Simoun ang laket ni Maria Clara, sinabi niya kay Tales na ipagpapalit niya ang kahit anumang
alahas para rito
- Humingi ng pahintulot si Tales kay Juli bago ibenta ang laket
- Habang papunta kay Juli, nakita ni Tales ang mga bagong taong nangngangasiwa sa kanyang bahay
- Kinuha ni Tales ng walang paalam ang rebolber ni Simoun at kapalit nito ay iniwan niya ang laket na hinihingi
ni Simoun
- Nagiwan rin siya ng liham na humihingi ng patawad sa kanyang nagawa
- Sa susunod na araw ay tatlong patay ang nabalitaan: Ang administrator na prayle, ang lalaking gumawa ng
lupa at asawa nito

• Usaping Panlipunan
- Walang malakasit
- Pagiging makasarili
- Pagiging magastos ng mga Pilipino
- Kawalan ng hustisya
- Marahas na paraan

XI. KABANATA XI-LOS BANOS

• Tauhan
- Kapitan Heneral: Nagangaso ng hayop, Pinipilit na gawin ang kanyang mga trabaho habang naglalaro ng
baraha, Hindi buong binigyan ng pain ang kanyang trabaho, Hindi ganoong pinagiisipan ang mga desisyon
na ginawa
- Simoun: Hindi sumasangayon sa pangbabawal ng mga sandata, Sumali sa laro ng baraha
- Padre Irene: Naglalaro ng baraga kasama si Padre Sibyla at ang Kapitan Heneral at nagpatalo
- Padre Sibyla: Naglalaro ng baraha kasama si Padre Irene at ang Kapitan Heneral at nagpatalo
- Padre Camorra: Sinabi na ang mga Indio ay di dapat matuto ng Wikang Kastila at dapat sumunod na lamang
at magbayad ng buwis, Mainitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang mga kalaro
- Guro sa Tiyani: Nagrereklamo at humihingi ng mas maayos na paaralan
- Padre Fernandez: Matalino at iniisip ang makakabuti para sa nakararami
- Don Custodio: Ipinayo na ilipat ang paaralan sa Sabungan

• Mga Pangyayari
- Pumunta ang Kapitan Heneral sa Bosoboso upang mangaso
> Walang nahuli o nabaril dahil sa ingay ng banda
> Pagbalik sa Los Banos, ikinwento niya ang kanyang karanasan
- Habang hinihintay ang hapunan, ang mga opisyales at mga prayle at naglalaro ng baraha sa bahay ng kapitan
sa Los Banos
> Mga naglalaro: Padre Irene, Padre Sibyla, Padre Camorra at Kapitan Heneral
> Palaging nananalo ang Kapitan ngunit hindi niya alam na sadya siyang pinapanalo nina Padre Irene at
Padre Sibyla upang makuha ang loob nito para maupbrahan ang Akademya ng Wikang Kastila
> Umalis si Padre Camorra dahilis siya’y nainis
- Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra
> Siya’y naglalaro ng bilyards kasama si Ben Zayb bago siya yinaya ng Kapitan
> Sinabi ng mga manlalaro na ang brilyantes ang kanyang dapat itaya at pumayag naman si Simoun ngunit
sa isang kondisyon
> Mga gawa ng kabutihan at kagandahang asal ang itaya naman ng mga Pari at ng Heneral
- Dahil sa mga kondisyong ito, napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang mga mataas na kawani
> Tinanong si Simoun kung ano ang mapapala sa mga kondisyong ito
> Sabi ni simoun na ito ay para luminis ang bayan at maialis ang lahat ng mga masasamang damo
- “Tama na ang mga laro at biruan; magtrabaho na tayo. Pag-usapan natin ang higit na mga seryosong bagay”
isa-isa pinagusapan ng mga matataas na opisyales ang mga problema:
> Ang ukol sa mahihinang kalibreng sandata → gawin legal ang pagbibili ng mga sandatang walang anim na
milimetro kalibre (sabi to ni simoun)
> Ang guro sa tiani na humihiling ng isang maayos na paaralan → mungkahi ni don custodio na gamitin ang
sabungan bilang paaralan ngunit ayaw nito ni padre Irene sapagkat ito daw ay imoral. may mga plano daw
ang kapitan heneral para sa problemang ito.
> Akademya ng wikang kastila → tinawag nito ni Padre sibyla ng isang tahimik na paghihimagsik. hindi
naresolbahan ang problema sapagkat dahil sa lahat ng magkakasalungat na opinyon, nagkagalitan ang lahat
- Tumayo ang kapitan heneral at tumigil ang pagtatalo. Handa na raw ang hapunan
- Sabi ng kawani na dumating nanaman ang anak na babae ni kabesang tales ang hinihiling na palayain si tata
selo.

• Usaping Panlipunan
- Maling pagiging pinuno o lider
- Kawalan ng hustisya
- Marahas na paraan
- Diskriminasyon

XII. KABANATA 12- SI PLACIDO PENITENTE

• Tauhan
- Placido Penitente: Tahimik na nagdurusa: Mag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas nasa ikaapat na taon ng
bachiller en artes, Isa sa pinakamagaling na iskolar sa Latin at lohisiko, Sa kanyang bayan sa Batangas (o
Placido: kalmante o mapayapa, o Penitente: nagdurusa)
- Juanito Pelaez: Malakas at maligaya, Paborito ng mga prayle, Anak ng mestisong Kastila at mayamang
mangangalakal
- Isagani: Makatang kasintahan ni Paulita Gomez
- Paulita Gomez: Kasintahan ni Isagani
- Tadeo: Pumasok para lamang alamin kung mayroong klase, Kung mayroon ay aalis at magdadahilang may
sakit, Ngunit nakapapasa at paborito ng propesor

• Mga Pangyayari
- Malungkot si Placido Penitente papunta sa pamantasan ng Sto. Tomas
> Ibig na kasi niyang tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho nalang
> Tutol ang kanyang ina dito
> Pinakiusapan siya ng kanyang nanay na tapusin ang bachiller en artes sapagkat maraming gastos at
sakripisyo ang masasayang
> Siya rin ay ang pinakamatalino sa paaralan
- Siya’y naglalakad sa Tulay ng Espanya. Ito ang tawag sa tulay dahil ang mga pako na ginamit ay galing sa
ibang bansa.
> Mga heswita vs mga dominiko vs mga taga paaralang municipal vs mga magaaral sa pilipinas
> Mga heswita - naka-suot europeo, mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno, mukhang iniisip
ang kanilang leksiyon
> Mga dominiko - nakasuot ng lalawiganin, iilan ang may dalang aklat
> Mga mag-aaral sa pilipinas – hindi maloloko o mayayabang, mukhang laging nag-aalala at walang
magandang pag-asa sa hinaharap
> Mga taga paaralang municipal - makukulay ang mga damit, may lasa sa mga balikat at may aklat na kipkip
sa braso, hindi nakikipagbiro, tahimik at masunurin
- Siya ay nagulat ng kamustahin siya ng isang lalaking nagnanalang Juanito Pelaez
> Kinamusta nila ang isa’t isa at pinagusapan nila ang bakasyon
> Ibinalita ang pagbabakasyon niya sa tiyani kasama si Padre Camorra
1. Nangharana raw sila sa mga babae
2. Lahat ng bahay ay kanilang napanhik
3. Hangal daw si Basilio sa pagkakaroon ng katipan tulad ni Juli
- Nagpatulong si Juanito sa mga leksiyon sapagkat noon lamang siya papasok. Liban siya ng limang araw
> Ang leksiyon nila ay tungkol sa mga salamin
- Niyaya ni Juanito Pelaez na maglakwatsa sila ni Penitente pero tumutol ito
> Nanghingi rin siya ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko at nagbigay ng apat na piso si
Penitente para tumigil na siya
- Malapit sa pasukan, maraming mga mag- aaral na naghihintay para sa kanilang mga propesor. Para libangin
ang kanilang mga sarili, pinagmasdan nila ang mga babaeng pumapasok malapit sa simbahan
> Nakita ni Penitente si Donya Victorina kasama ang kanyang katipan, si Paulita Gomez
- May tumawag kay Placido at pinapirma siya pero sa tingin niya, niloloko lang siya (ito ay isang protesto laban
sa pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila). Naalala niya ang tagapangulo sa kanyang bansa na pumirma
at hindi binasa ang dokumento kaya nasa bilangguan na siya. Hindi na siya pumirma.
> Dahil dito, nalate siya sa klase at pumasok siya sa klase niya ngunit sabi ng guro niya na wala siyang galang

• Usaping Panlipunan
- Iba’t-ibang estudyante sa iba’t-ibang eskwelahan
- Hindi matatapos ang Edukasyon
- Maling pagtuturo
XIII. KABANATA 13-ANG KLASE SA PISIKA

• Tauhan
- Placido Penitente: Mag-aaral sa Uniberdidad ng Santo Tomas at ang kurso na kanyang kinukuha ay Bachiller
en
- Artes: Inaantok habang nagtuturo si Padre Millon, Umalis ng silid-aralan dahil nainis kay Padre Millon
- Juanito Pelaez: Anak ng mestisong Kastila at mayamang mangangalakal, Kaklase ni Placido na kanyang
katabi (silang dalawa ay nagtulungan para sagutin ang mga tanong ni Padre Millon)
- Padre Millon: Batang paring Dominikano na nagtuturo ng pisika at kimika sa UST

• Mga Pangyayari
- Ang silid aralan sa UST
> Maluwang na palahaba at presko dahil sa hangin galing sa malaking bintana
> May tatlong malalaking haligi
> Kulang ang kagamitang panturo
> Walang palamuti o kahit anong sulat sa dingding
> Mayroong mga kagamitan para sa pisika
1. Ngunit ito’y nakasusi sa isang aparador
2. Ipapakita lamang mula sa malayo kapag gagamitin
3. Ipinapakita lamang sa mga dayuhan upang di masabi na sila ay nahuhuli kumpara sa ibang bansa
- May isang matabang mag-aaral na mukhang inaantok na, at malakas ang kayang paghikab. Nakatawag ito
ng pansin ni Padre Million. Nang sabihin ng pari na siguro hindi alam ng mag-aaral ang paksa, binigkas ng
mag-aaral ang kanyang isinaulo. May tinanong ng pari, ngunit hindi ‘to masagot ng mag-aaral. May binulong
na sagot si Juanito Pelaez at nahuli ‘to ng pari.
> Pinagsikapan niya sagutin ito, at humingi ng tulong kay Placido
> Nang hindi tumitingin si padre million, inapakan ni Juanito ang kanyang kamag- aral
> Si Placido naman ang kailangan sumagot ng tanong ng pari ngunit hindi niya ito maintindihan din
> Nanghindi masagot ni placido ang tanong, inakusahan siya ng propesor na hindi niya nauunawaan ang
leksyon
1. Binigkas ng pari ang mga pangalan ng mga mag-aaral, huminto siya sa Penitente at sinabi na siya’y
mayroong
labinlimang liban sa klase (minamarka niya limang beses ang isang liban dahil minsan lang siya magtsek)
2. Sabi rin ni Padre Millon na “pag lumiban ka sa klase, hindi ka rin makaalam ng aralin”
- Hindi na niya natimpi ang kanyang sarili, kaya nagalit si Placido sa kanyang propesor. Sinabi niya na walang
karapatan lumait ng kapwa Nang matapos siya magsalita, lumabas siya.
- Nagbigay ng sermon si Padre Millon tungkol sa kawalan ng pitagan ng mga mag-aaral at nagsimula siyang
nagmura dahil naiinis na
- Naglabasan na ang mga estudyanteng pumasok ng walang nalalaman at lumabas rin sa gayon ding
kalagayan

• Usaping Panlipunan
- Maling pagtuturo ng guro
- Mababang uri ng Edukasyon/ bulok na sistema ng Edukasyon

XIV. KABANATA 14-ANG TIRAHAN NG MAG-AARAL

• Tauhan
- Sandoval: Mabuting Kastila, Hindi madaling masiraan ng loob (palaasa sa Mabuti), Naniniwala siya sa
kabutihan ng gobyerno, Laging nagpapasikat
- Pecson: Mabata, natatakot, Pesimista
- Makaraig: Mayaman, Nag-aaral para sa titulo lamang, Masipag, Mabait
- Juanito Pelaez: Magalang, Gusto niya ng dakilang karangalan
- Isagani: Naniniwala kay Sandoval, Tapat, Mababang-loob

• Mga Pangyayari
- Inilarawan ang bahay ni Makaraig
> Umaga: paaralan
> Walang katulad sa kaguluhan lalo na tuwing nagiging ikasampu (10pm)
> Mag-aaral: naglalaro, nag-aaral, nagtutugtog ng instrumento (piyano, gitara, biyolin)
> Nawawala ang pag-iingay at sigawan sa pagdating ni Makaraig upang malaman ang tungkol sa pag-uunlad
ng mga balak para sa Akademya ng wikang Kastila
- Dahil wala pa si Makaraig, naguusap ang mga mag-aaral
> Nanghuhula sa mga tanong na masasagot lamang ni Makaraig
- Isagani at Sandoval: umaasa na magtatagumpay sila
- Ngunit si Pecson ay hindi umaasa: hindi raw kinunsulta ang mga kilala at mga maimpluwensiyang tao
- Natakot si Juanito Pelaez: wag na raw siya isali sa kanilang plano
- Dahil dito, nagalit si Sandoval: mababaw na palagay ukol sa heneral- kahit malapit siya sa mga prayle, hindi
niya hahayaang pamahalaan siya ng mga ito
- Pecson: isip ng heneral ay ayon sa nais ipaisip sa kanya
- Sandoval: naniniwala siya pa rin sa layunin nila
- Pecson: patuloy ang pag-aalinlangan
- Nahikayat ni Sandoval ang ibang mag-aaral
- Juanito: Itala siya sa mga nagpanukula nito
- Dumating si Makaraig.
> May mabuting balita, "mabuhay ang wikang Kastila!"
> Nakita niya raw si Padre Irene
- Padre Irene: ang nagpapatanggol sa kanilang adhikain laban kay Padre Salvi, ang heneral, Simoun
- Iba pang taong laban sa Akademya: sektortagapagpaganap, gobernador sibil ng Maynila, Quiroga
- Dapat daw sumangayon si Don Custodio, isang kaanib ng Komiteng Tagapagpanagap ng Edukasyong
Primarya
- Nakapagmungkahi si Padre Irene ng dalawang paraan upang gawin ito o Pepay: magandang mananayaw,
kaibigan ni Custodio (Para akitin si Don Custodio) o Lapitan si G. Pasta: Pilipinong tagapayo ukol sa batas ni
Custodio (Kalaban ni Padre Florentino)
- Pinili ang marangal na paraan: kausapin ni Isagani si G. Pasta sa araw rin iyon

• Usaping Panlipunan
- Diskriminasyon sa mga Instik
- Iba’t-ibang uri ng pag-iisip
- Mayroong mabubuting Kastilla
- Pagpapatay ng kulturang Pilipino

XV. KABANATA 15 -SI GINOONG PASTA

• Tauhan
- Ginoong Pasta: Patas, Walang bias, Magaling magsalita, Tagapayo ni Don Custodio
- Isagani: Porsigido: May pasensya, Magaling makinig

• Mga Pangyayari
- Pumunta si Isagani sa tanggapan ni G. Pasta para humingi ng payo tungkol sa itatayo niyang paaralan na
magtuturo ng wikang Kastila.
- Kilala si G. Pasta bilang isa sa pinakamagaling na abogado sa Maynila at ang mga prayle ay laging
pumupunta sa kanya.
- Habang nakikinig si G. Pasta, napagpasiya niya na ayaw niyang may kinalaman siya sa mga plano ni Isagani.
Gusto sana ni Isagani na suportahan sila ni G. Pasta para maengaño ang Kapitan Heneral na suportahan
din ang proyekto. Pero iniisip ni Pasta, magagalit ang mga prayle kapag ginawa niya ito.
- Sinubukan ni G. Pasta na gumamit ng mabulaklaking salita para malito si Isagani. Pero
- naintindihan kaagad ni Isagani na ayaw tumulong ni G. Pasta.
- Sabi ni G. Pasta na huwag humingi ng tulong sa pamahalaan dahil ayaw nilang palabasin na hindi nila
ginagawa ang kanilang trabaho. Sabi ni Isagani na para gawin ang kanilang trabaho, dapat alam ng gobyerno
ang mga pangangailangan ng mga tao.
- Dahil ayaw na ni G. Pasta makipag-diskusyon, sabi niya na nakalimutan na niya ang kanyang ibig sabihin.
Pinayuhan nalang ni G. Pasta si Isagani na mas mabuting mamuhay nang ligtas o mabuhay ng karaniwang
tao:
1. Ipakasal sa isang babaeng mayaman
2. Maging isang mabuting doctor
3. Magsimba at mangumpisal
4. At huwag nang isipin ang problema ng bayan
- Ang sagot ni Isagani ay ikahihiya niya kung tumanda sa ganyang klaseng pamumuhay, at umalis siya.
- “Kawawang binata.”: Naaawa si G. Pasta kay Isagani na mahihirapan siya sa kanyang mga pangarap.

XVI. KABANATA 16- MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INTSIK

• Tauhan
- Quiroga: Intsik na mangangalakal, Naghanda ng hapunan sa kanyang Bahay, Ginagamit pa rin ang kanyang
kultura sa pangaraw araw na buhay, Mataas ang tingin kay Simoun, Laging iniisip ang tungkol sa kanyang
negosyo at sa pagkikita ng pera
- Simoun: Mapagmanipula
- Ben Zayb: Mapagmataas
- Padre Camorra: Tradisyonal ang pagiisip
- Don Timoteo: Ama ni Juanito Pelaez, Palaban, May karunungan

• Mga Pangyayari
- Naghanda si Quiroga ng isang hapunan sa kanyang bahay
- Madaming mga bisitang dumalo. Ngunit ang mga iba ay pumunta lamang para sa pagkain
- Naguusap sina Simoun & Don Timoteo ukol sa kalagayan ng kalakalan, pagunlad ng bansa
- Nagkita si Simoun at si Quiroga.
- Tatlong pulseras = 3-4 na libo kada pulseras
- Compromiso ni Simoun: 7 na libo na lang para sa malayang pagpasok ng baril
- Pumayag si Quiroga.
- Mga pinuno ng pamahalaan & mga Kaginingan & Don Custodio: ‘komisyon na ipadala sa India upang pag-
aralan ang paggawa ng mga bota ng mga guardia civil’
- Ben Zayb & mga padre & Juanito: salamin, espinghe
- Nagtungo sila papuntang Quiapo.

• Usaping Panlipunan
- Diskriminasyon sa mga Intsik

XVII. KABANATA 17- ANG PERYA SA QUIAPO

- Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa
kubol ni Mr. Leeds.
- Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si
Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina.
- Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa
namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga
guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba. Pinagtawanan din nila ito.
- May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre
Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds.
- Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita
ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.

• Usaping Panlipunan
- Pagiging bastos ng prayle (P. Camorra)
- Makasarili (P. Gomez)
- Diskriminasyon sa mga Pilipino
- Ang katotohan ng mga prayle ng Pilipino
- Ang pagpapasulat ni Ben Zayb

XVIII. KABANATA 18 - MGA KARAYAAN

• Mga Pangyayari
- Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si
Ben Zayb upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita.
- Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik.
- Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan
ng pagbigkas ng unang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo
- at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.
- Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi
sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.
- Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay.
Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang
espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
- Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds,
nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.
• Usaping Panlipunan
- Alisan ng takip sa mukha ang nagbabanal-banalan
- Makapangyarihan ang hawak ng Edukasyon pero ayaw matuto ang bayan

XIX. KABANATA 19 - ANG MITSA

• Mga Pangyayari
- Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang
gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti.
- Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang
habulin ang kura at ihagis sa ilog.
- Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig paguundayan ng
suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito.
Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.
- Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag- aral.
- Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Sinabi ni Placido
na di na siya magaaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina.
- Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit
na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.
Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis.
- Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang
mga prayle.
- Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang
pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha.
- Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba
sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido.
Kinainisan sina Simoun at Isagani.
- Nagtuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan
ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.
- Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang
Tales.
- Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling
siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan
ang mabuti. Nilalagnat noon si simoun.
- Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito.
Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na
naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

• Usaping Panlipunan
- Pagbabago ng isang tao (Placido)
- Pagiging Makasarili (Simoun = rebolusyon  Maria Clara)
- Pagpapatulak ng isang ina para gumawa ang kanyang anak ang gusto niya

XX. KABANATA 20 - ANG TAGAPAGMUNGKAHI

• Mga Pangyayari
- Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang
pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
- Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay kilalang tanyag sa bahagi ng lipunan sa
Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng
yaman ng asawa, naka pagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan
siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
- Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya
walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid.
- Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at
ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang
lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.
- Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong
ipaalam sa lahat.
-
• Usaping Panlipunan
- Maling pamumuno

XXI. KABANATA 21 - MGA ANYO NG TAGA-MAYNILA

• Mga Pangyayari
- Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog
na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.
- Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o
palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t
hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa
ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
- Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad
nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino,
ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan.
- Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga
prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil
ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.
- May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani
Camarroncocido.
- Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may
hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay
naiiwan. At yayaman
- Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t
di totoo. Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na
nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don
Custodio.
- Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa
apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio.

• Usaping Panlipunan
- May mga Kastila na ang buhay nila ay hindi maganda
- Kawalan ng pakialam
- Tigasulo ang mga Pilipino
- Pagiging hipokrito ng mga tao
> ayaw/binawal ang palabas

XXII. KABANATA 22- ANG PALABAS Palabas = ang mga tao ay binibigay ng
• Mga Pangyayari gulo, kinunuhang atensyon at drama
- Hindi kinikibo ni Don Custodio si Pepay
- Sinisiraan ni Ben Zayb ang mga artista
- Macaraig at si Pepay ay magkatabi
- Nahihirapan si Sandoval intindihin ang dula habang si Tadeo ay kunwaring naiintindihan at nagsasabi ng mga
negatibo ukol sa dula (comments niya)
- Nagseselos si Isagani dahil kasama ni Paulita ang kanyang karibal
- Tuwang tuwa si Donya Victorina dahil mukhang nakakaintindi si Juanito Pelaez at dahil hindi tumitingin si
Paulita kay Isagani
- Nakakita si Tadeo ng isang lalaki at iyo ay si Padre Irene. (siguro espiya daw siya ng simbahan)
- Linapitan ng Serpelotte (si Lily) si Padre Irene at binate siya. “Lily, huwag dito, pari ako sa baying ito.” --
pekeng
- pari si Padre Irene at nagpapanggap lamang siya
- Pumunta sila macaraig kanila Sandoval at may pasiya daw si Don Custodio: ang academia ay iilalim sa UST
at sa mga Dominikano

• Usaping Panlipunan
- Espesyal na ginagawa para sa makapangyarihan
- Pagseselos dahil sa pag-ibig
- Kagustuhan sa mga taong mas mabata sa ‘yo

XXIII. KABANATA 23- ISANG BANGKAY Bangkay = “casket”

• Talasalitaan
- balaan = bigyan ng paunang paalala - lubay = tigil
- baliho = laban sa katwiran - naguulol = nababaliw
- bugnutin = bigla o madaling magalit - nagpalahaw = umatungal sa iyak
- dalisay = walang dungis
- dinaluhong = sinugod
- nagugulumihanan = naguguluhan
- humimlay = matulog - nakabubulahaw = nakaiistorbong ingay
- nangatal = nanginig
- kabig = kakampi
- kahindik-hindik = katakot takot - pagpapaunak = napasunod
- lipos = puno - sinisikil = iniipit
- sulak = agos
• Mga Pangyayari - talamak = marami
- Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at
dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong
kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta.
Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.
- Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti
ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong nagging mahirao pakiba-gayan.
- Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa
paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay
walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.
- Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila
nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa
katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.
- Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi
sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula
sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.
- Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang
makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre
Irene na siyang nagpabasa nA-yon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria
Clara.
- Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa
isip ay ang kahabaghabag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.

XXIV. KABANATA 24 - MGA PANGARAP

• Mga Pangyayari
- Si Isagani ay patungo ng Luneta para makipagkita kay Paulita Gomez
- Papunta roon ay nakita si Ben Zayb (2 balita)
> Tinanong siya ukol kay Simoun na nagkasakit. Ayaw niya tumanggap ng mga bisita pati ayudante ng
heneral.
> May mga sugatang kawal, iba ay namatay na galing sa digma
> Mas pinansin ng mga tao ang pagkasakip ni Simoun
- Mas gusto ni Isagani na mamtay siya sa isang digmaan
> Para siya ay maging kilala
> Hindi lamang para sa Pilipinas kundi sa Espanya rin
> “A ibig kong mamatat na may maiiwan na isang pangalan na ballot ng karangalan, mamatay ng dahil sa
kanya, sa
pagtatanggol sa paglusob ng mga dayuhan at pagkatapos ay sikatan ng araw ang aking mga labi na parang
tanod sa walang tinag ng talampas ng dagat”
- Nakipagkita si Paulita at Isagani dahil sila ay nagtampuhan sa dulaan
- Tinanong ni Donya Victorina si Isagani
> Kung nasaan ang pinapahanap niya, ang kanyang asawa na si Don Tiburcio
> Nasa bahay nila ni Padre Florentino
> Kailangan niya Makita ito patay o buhay dahil nais niyang mag-asawa muli
> Kasama ni Juanito Pelaez
- Umalis si Donya Victorina para makapagusap ang magkasintahan
- Nagaminan ang dalawa
> Paulita: nagseselos dahil hindi man lang siya tininggnan ni Isagani sa dulaan.
> Isagani: kasama ni Paulita si Juanito
> Nagpatawad ang dalawa
- Nagpalitan ang dalawa ng pagtanaw ng kinabukasan
> Isagani
1. Tumira sa nayon, ang pinakaiibig niyang bayan
2. Kulang na lang roon si Paulita
> Paulita
1. Ayaw niya kasi baka makagat siya ng mga lamok
2. Gusto niya sa may mga tren
3. Sinabi na parang Indio ang mga pangarap ni Isagani
- Naniniwala si Isagani na uunlad pa an gating bayan at matutulad tayo sa mga Inglatera
> Paulita: “Pangarap, mga pangarap! Maraming kayong kaaway. Ayon kay Tia Torina, ang byang ito ay
mananatiling
busabos”
> Isagani: “…kami ay may mga kalaban. Ngunit matagumpay naman kami….”
> Isagani: “Paulita kung alam mo lamang kung gaano kita kamahal! Dahil sa paninging ito’y nakasisinag ako
ng mangingning napag-ibig…kung kami ay mabigo gunitain ko lamang ang iyong pag-ibig at ako ay
maligayang mamamatay at sana ipagmamalaki mo ako”
- Umalis na ang lahat

XXV. KABANATA 25 - TAWANAN AT IYAKAN

• Mga Pangyayari
- Karugtong ng Kabanata 22
- Nasa Panciteria Macanista de Buen Gusto
> Dahil sa desisyon ni Don Custodio na ipatuloy ang Akademya, pero sa ilalim ng UST
- May isang babala at ito ay pinagtawanan ni Sandoval dahil ka kakulangan ng sukat ng pantig
- Dumating si Isagani. Ani ni Tadeo n asana makarating si Basillo
> Para malasing ito at magpakatotoo tungkol sa nawawalang bata at sa isang mongha
- Kumakain na
> Don Custodio
1. Inihalintuad sa pansit langlang
2. Daming sahog – gulo gulo ang desisyon
> Padre Irene
1. Lunpiang Intsik
2. Parang madaming laman pero hindi –peke
> Mga Prayle
1. Tortang alimango/alimasag
2. Isip talangka
> Pamahalaan ng bayan
1. Pansit guisado
> Pilipinas
1. Pansit
2. Hindi alam kung saan nagmula
3. Walang nakaalam na may tinatago ito
4. Ialay sa 4 na makapangyarihan (Kapitan heneral, Simoun, Mga kura, Quiroga)
- Bakit sinabi ni Pecson na ang buhay ng Pilipino
noon ay nagsisimula at nagwawakas sa prayle? > Nangungumpisal tayo sa prayle
> Ipinanganak tayo, prayle
> Bininyagan, prayle > Kasal, prayle
> Kumpil, prayle > Kahit tayo ay patay na nandoon parin ang prayle
> Una at huling guro, prayle
- Hindi sangayon si Pecson sa pagkakaroon ng
prayle sa Pilipinas. Ang kanyang mga sinasabi
ay patuya lamang
> Hindi ito nangangawit sa pagbuti at pagpaparami ng ating lahi
> Tayong Pilipino na kinaiinggitan sa isa’t isa ay binibigkis ng kalupitan ng mga kura
> Dahil lagi nagpapatawa lang mawawala ang liberto ukol sa relihiyon
> Mawawalan ng libangang korea at eskapullaryo ang mga babae at sila’y magiging kuripot
> Alisin ang prusisyon, parusa, at pasiyam at kakulangin ang baraha at lugal (Makikita na imporatante ang
pagsugal sa Pilipino)
> Mangungulimlim ang kabayanihan kung walang prayle
> Mabuti pa na may prayle kay sa sa mapunta tayo sa Intsik
- Makikita rito na kahit hindi pumapasok si Tadeo at katutubong katalinuhan siya
- Bise-rektor – Padre Sibyla
- Panginoon ng Heneral – Simoun

XXVI. KABANATA 26 - MGA PASKIN


Paskil = Posters

• Mga Pangyayari
- Si Basillo ay gumising ng maaga para pumunta sa ospital
- Pagkatapos ay gusto niya pakialaman ang kanyang lisensiyatura sa Unibersidad.
- Uutang siya kay Makaraig ng pernag gulgulin dahil ang pera niya ay naipanubos para kay Juli
- Habang naglalakad papunta kay Makaraig, nakasalubong niya ang
> Isang katedratiko
1. Tinanong kung kasama pa siya sa paghihimagsik ng mga estudyante
2. Mabuti at hindi na
3. Pinayo si Basillo na sunugin at sirain lahat ng papel na kaugnay rito
4. Nabanggit ni Basillo si Simoun at sabi ng katedratiko na walang kinalaman siya dito
5. Nakatagpo raw anf unibersidad ng mga paskin na mapanghimagsik
> Isa pang katedratiko
“Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre”
> Karagdagang balita
Maraming estudyante at papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral
> Sandoval
Tinawag pero nagbibingi-bingihan
> Juanito Pelaez
1. Parang baliw
2. Paulit ulit na sinasabi na “wala- wala akong kinalaman…”
3. Quijoterias lang ang lahat
> Isagani
1. Namumutla
2. “Kung saan ang himagsikan naroon ako”
3. Gusto ng karangalan
> Macaraig
1. “Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiiwas kayo sa amin…”
2. Nalilito so Basillo dahil alam niya na mangungutang lamang siya
3. Dumating 2 gwardiya sibil at kinulong silang dalawa
- Bakit hindi na lang nangutang kay Kapitan Tiyago?
> Nahihiya na siya
- Maaga palang ay ipinababa na ni Padre Sibyla ang mga paskin at ipinadala sa pamahalaan
- Napapadalas ang pagbisita ni Padre Irene at Simoun
> Simoun: dahil ama-amahan niya siya at maha niya siya
- Sino ang may kagagawan ng mga paskin
> Mga kura

XXVII. KABANATA 27 - ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE

• Mga Pangyayari
- Tinawag ni Padre Fernandez si Isagani
> May 2,000 estudyante ang naturuan niya o sinikap turuan at walang makapagsalita nang tapatan o harapan
> Isagani: hindi poi yon kasalanan ng mga estudyante
- Isagani: kaya kami ganito dahil sa inyo
> Hindi matalino ang pagkaturo
> Bigyan mo kami ng pagkakataon na magaral
> Inihalintulad sa bilangguan
> Kalayaan ay katambal ng tao, gayundin ang talino ay katumbal ng karunungan
> PF: ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang
- Tamad dati ang mga Pilipino, kapag nahihirapan ay suko na kaagad kaya “What is the use?”
> Ang baying inaalipin ay natututong magkunwari; ang di pinakikilala sa katotohanan ay nagiging sinungaling;
ang paghahatiharian ay lumikha ng mga alipin
1. Ang mga estudyante ay mga walang dakilang asal at katibayan ng loob
2. Marumi ang putik
- Kahit magturo kung talgaang walang alam ay hindi matututo
- Isagani: kaya dapat magsikap kayo sa pagturo
- Isagani: “Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na
linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y hinahadlangan. Ang bumubuhay
sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang makatulong sa bansa”
- Padre Fernandez at Isagani
> PF: natatakot kasi baka hindi maniwala ang ibang guro na may estudyante tulad ni Isagani
> I: natatakot kasi baka hindi maniwala ang mga estudyante na may guro tulad ni Padre Fernandez
- Umalis si Isagani at sabi ni Padre Fernandez “kawawang bata”
> Tulad ni G. Pasta
> Inggit sa mga heswita dahil sa pagkatao ni Isagani
> Pero baka hindi dila ang may gawa baka ang Diyos
- Vox populi Vox dei
> Ang tinig ng bayan, tinig ng Diyos

XXVIII. KABANATA 28 – PAGKATAKOT

- Ben Zayb
> El Grito
> Nakasasama sa Pilipinas ang pagtuturo sa kabataan
> Patunay ang mga paskin
> Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga Intsik
1. Nagbubukas ng tindahan pero nagsasara ng maaga
2. Nagtapon ng mga piso piso at akala na nagkakagulo ang tao kaya naglabas ng baril ang gwardiya sibil
3. Nagrorosaryo sa bawat bahay
- Quiroga
> Pumunta kay Simoun para tanungin kung pwede gamitin ang armas na nasa iba’tibang bahay
> Sabi ni Simoun na wag galawin
> Pumunta kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng Intsik ang sariling tahanan
> Ayaw rin tumanggap ni Don Custodio ng sinuman
> Pumunta kay Ben Zayb pero nang nakita ang rebolber sa ibabaw ng mga papel ay natakot at umuwi na
lamang
- Nagkakagulo na ang mga estudyante
> Sinimulan ni Padre Sibyla
> Estudyante vs padre Sibyla
- Mga bulong
> Mga estudyante ay sumama sa mga tulisan
> Katulong ng mga estudyante ang Aleman at may bapor pandirigma raw sa look
> Patay na si Tadeo
1. May utang na Malaki sa isang babe pero baka siya na daw susunod dahil may utang kaya tahimik na
lang siya
- Si Isagani ay nagpahuli sa mga gwardiya sibil
> Ano na mangyayari kay Paulita Gomez?
> Baka magpakasal sa ibang lalaki?
- Dahil wala parin si Simoun wala parin nangyayri sa kanyang plano
- Patay na si Kapitan Tiyago
> Sanhi si Padre Irene
> Binalitaan na…
1. Patay na si Maria Clara
2. Nasa bilangguan si Basillo
3. Naghalughog sa mga kasulatan ang binate
> Ang matanda ang nagulat at natakot
> Bumaggsak at bumubula ang bibig
> Walang ginawa si Irene pero nagkunwari na nagulat at tumakbo para hindi isipin na siya ang gumawa.
XXIX. KABANATA 29 - MGA HULING PATI UKOL KAY KAPITAN TIYAGO

• Mga Pangyayari
- Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng
testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa
mga orden.
- Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap- usapan ukol sa kanya. Iyon daw ang utang sa
maraming pamisang nagawa ni Kapitan.
- Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo.
- May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.

XXX. KABANATA 30 - SA HULI

• Talasalitaan
- bahid = bakas - nakakayamot = nakakainis
- bumalong = umagos - nananapatan = nanghaharana
- bungkos = tali - nanunudyo = nanunukso
- dinamdam = nalungkot - nasisindak = natatakot
- haka haka = sabi sabi
- padrino = maglalakad
- hatol = parusa
- ipinagpaparangya = ipinagmamalaki - pagaatubili = di agad pagpayag o pagsunod
- kaya = magagawa - pagkutya = paglait
- makalikom = makakolekta - paratang = akusasyon
- malay = ulirat; katinuan - saklaw = sakop
- mangatal = manginig - samo = pakiusap
- mapahinuhod = mapasunod
- sasawak = sasawsaw
- Nabalita sa San Diego ang pagkamatay - silo = tali
ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay - umuukilkil = pabalik balik
Basilio. Enero rin daw nang bitayin ang
tatlong martit sa Kabite. Mga pari na iyon,
nabitay pa.
- Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil
narurumihan sa tubig. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na
anak ng tulisang si Tales.
- Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa
kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli.
- Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Wala nang
tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio
- Naisip niyang tulungan si Basilio. P kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung
sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi ito ng “pagpapasakit” pa. Mula noo’y
iniwasan na ito ni Huli.
- Mula noo’y naging malungkutin si Huli.
- Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay.
- Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno.
- Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo
kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom.
- Sa wakas ay nagpayo ang hukom: Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra.
- Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento.
- Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento.
- Wika ng hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng
isang matanda.
- Nanaog ang dalawa. Nang nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre
Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama.
- Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa
kanya.
- Binangungot si Huli nang gabing iyon.
- Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya
ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-gabi’y
di siya pinatulog ng mga pangamba.
- Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng
lahat ang kasamahan.
- Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon.
- Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay
patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng
kumbento si Tandang Selo.
- Bakit tumungo pa rin si Huli: Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang
binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.
- Ang sinisimbolo ni Huli ay ang taglay na kalakasan ng isang babae at pagsasakripisyo

• Mga Tanong at Sagot


1. Bakit ayaw humingi ng tulog ni Juli kay Padre Camorra?
Alam niya ang masamang motibo at ugali ni Camorra at dahil sa ito natatakot siya.
2. Sino ang tumalon sa bintana ng kumbento at sino naman ang lumabas na parang baliw mula sa kumbento?
Si Huli ay babaeng tumalon at Hermana Bali ay lumabas
3. Bakit inilipat si Padre Camorra ng ibang parokya?
- iwas gulo, iwas skandalo
Baka meron siyang kaalaman sa pagkakamatay ng babae
4. Saan pupunta si Tata Selo?
Sa kasubatan para humanap si Tales

XXXI. KABANATA 31 - ANG MATAAS NA KAWANI

• Mga Pangyayari
- Ang lahat ng atensyon ay nasa balita tungkol sa isang pagpatay sa Europa kaya konti lang ang may alam
kung ano ang nangyari sa Tiani. Ang taong may tunay na alam ay si Padre Camorra, ngunit kailangan siyang
umalis.
- Nakalayas ang mga mag-aaral dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang. Ang unang nakalayas ay si
Makaraig, at ang huli naman ay si Isagani dahil kinailangan ni Padre Florentino ng isang linggo bago
makarating sa Maynila.
- Ang nag-iisang mag-aaral ay si Basilio. Hindi siya nakalayas kasi mayroon daw siyang ipinagbabawal na
aklat. Hindi alam kung ang tinutukoy ay ang Medicina Legal y Toxicologia o ang ilang polyetong natagpuan
sa kanyang silid na may kinalaman sa Pilipinas o lihim na nagbibili ng mga aklat na bawal.
- Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio: Mabuti daw siyang bata at mag-aaral ng medisina. Kung
mananatili siya sa bilangguan, masasayang ang isang taon. Ngayon pa naman ang huling taon niya. Ngunit,
lalong napahamak si Basilio.
- Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Mataas na
Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral at sinabi niya: “Ano ang ikatatakot
ko?”
- “Kapag tinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na
magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito”
- “Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo, alalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga pusong tumibok
nanag dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong mga karapatan!” sabi ng mataas na Kawani sa Indiong lacay na
nagbukas ng pintuan ng karwahe.
- Pagkatapos ng dalawang oras, nagharap ng pagbibitiw sa katungkulan ang mataas na kawani ang kanyang
pagbabalik sa Espanya sa susunod na pag-alis ng barkong pang-koreo
- “ngunit ang bayan?” -kawani
- “sumumpa kayo sa inyong tungkulin”, “may pananagutan din ako kaya magsasalita ako.” - kawani
- “ayokong marumihan ang Espanya.”
- “kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa espanya’y di nawalan ng mga pusong
tumitibok dahil sa inyo.”

• Usaping Panlipunan
- Kawalan ng katarungan
- Maling pamumuno
- May mga mabubuting tao sa pamahalan

XXXII. KABANATA 32 - ANG BUNGA NG MGA PASKIL


• Mga Pangyayari
- Maraming mga ina ay nagpauwi sa kanilang mga anak dahil sa pangyayari tungkol sa mga paskin.
- Marami din ang di nakapasa sa nagbigay na examen sa unibersidad. Ang ilan sa mga hindi nakapasa ay sina
Pecson, Tadeo, at Juanito Pelaez. Sinuspende sila sa unibersidad.
- Tadeo: Nagdiwang niya ang kanyang “walang katapusang bakasyon” sa pamamagitan ng pagsunog sa
kanyang mga aklat
- Juanito Pelaez- manananatili sa negosyo ng ama. Si Makaraig ay hindi nakapasa, at naglayag papuntang
Europa Si Isagani naman ay nakapasa sa kursong itinuturo ni P. Fernandez, pero hindi nakapasa sa iba
- Si Sandoval ay nakapasa dahil sa kahusayan niya sa pagtatalumpati
- Nasa bilangguan pa rin si Basilio.
- Palaging nagbabalita si Sinong, and kutserong naghatid kay Basilio noong Noche Buena, ng balita sa kanya.
- Nakatanggap ni Basilio ng balita tungkol sa pagkamatay ni Juli at ang pagkawala ni Tandang Selo.
- Samantala, gumaling na si Simoun ayon sa pahayagan.
- Madalas makikita si Simoun sa tindahan ni Ginoong Pelaez, ang ama ni Juanito Pelaez.
- Makaraan ng ilang linggo ay kumalat ang balita na ikakasal si Juanito kay Paulita Gomez.
- Totoong ikakasal si Paulita kay Juanito. Untingunti nawawala ang kanayng pag-ibig kay Isagani dahil sa mga
pangyayari tungkol sa mga paskin at ang pagkakabilanggo
- Mga isip ni Paulita: Si Juanito ay Kastila; si Isagani ay Indio lamang. May naganap na dimaipaliwanag na
kaguluhan sa mga artilyero noong pagdiriwang ng Mahal na Araw. Pumasyal si Simoun sa mga nawalan ng
Bahay dahil sa kaguluhan na ito
- Binalitang may pista na ibibigay ni Don Pelaez para sa kasal ng kanyang anak, at si Simoun ang mamamahala
ng pista.
- Magiging inaama ang Kapitan Heneral
- Lahat ay nangag-unahan sa pakikipagkaibigan kay Simoun at kay Don Timoteo Pelaez upang makatanggap
sila ng paanyaya sa magkakaroon ng pista.

XXXIII. KABANATA 33 - ANG HULING MATUWID

• Mga Pangyayari
- Aabalang-abala si simoun sa pag-aayos ng kanyang mga gamit
- Sasabay siya si kapitan heneral na umalis
- Maraming chismis kung bakit daw siya abala:
1. takot daw si simoun na maiwan dahil wala na siyang mapupuntahan kung sakaling paghigantihan siya ng
mga kapuspalad na sinamantalahan niya
2. takot daw si simoun na abutan niya ang bagong ulirang kapitan heneral
3. tila parang lukton siya
4. siya’y diyablong ayaw humiwalay sa huli
- Nakulong si simoun sa kwarto at wala siyang ibang pinapasok kundi si basilio.
- Ibang-iba na ang itsura ni basilio, parang bangkay na binuhay:
1. payat na payat,
2. humpak ang pisngi
3. gusot ang damit
4. magulo ang buhok
- Nagsalita si basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid:” wala na akong gustong gawin kung hindi
maghiganti”
- Nagtungo sila sa laboratory: pinakita ni simoun ang isang lamparang hugis Granada at binubuhusan niya ang
ito ng isang likido. Napansin ni basilio ang nakasulat sa lalagyanan-nitro glycerine
- lampara: mayroong bilog na parang ulo ng tao, anyong granada, may palamuting bitak at buto, ang lalagyan
ng pinakabomba, mayroong lalagyanan ng totoo ng gaas at tatagal lamang ng 20 minute
- Plano: Ilalagay niya ang lampara sa gitna ng mesa na sinadya niya pa. Sa loob ng lampara nakalagay ang
nitro gylcerine. Ang bahay na gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para walang
maisasalba sa naturang pagsabog
- Sabi ni basilio na hindi naman pala siya kailangan sa plano. May ibang misyon si simoun para kay basilio. Sa
pagputok ng lampara, pupunta siya sa bodega ni quiroga at kukunin ang mga nakatagong armas. Ibibigay
ang mga baril sa mga tao
- Sinabi ni simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan, ang tatanggi ay papatayin. Tinukoy niya rin na sa
pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Hindi nagtagumpay ang
unang balak ng himagsikan, pero ngayon magtatagumpay daw ito.
- “mamatay ang dapat mamatay.”, “mamatay ang hindi maghahangad mabuhay.”, “gawa tayo ng bagong
lipunan.”

XXXIV - KABANATA 34- ANG KASAL NI PAULITA


• Mga Pangyayari
- Nabili na ni Don Timoteo ang bahay ni Kapitan Tiyago gamit ang utang na pera kay Simoun
- Huling lumabas ng kulungan si Basilio dahil wala siyang pera pero tinulungan siya ni Simoun (sinubukang
kumbinsihin si Basilio na sumali sa himagsikan)
- Nakumbinsi ni Simoun si Basilio kaya sinabi na ni Simoun ang kanyang mga plano: Papasabugin ang bahay
ni Kapitan Tiyago kung saan nagganap ang reception ng kasal ni Paulita Gomez
- nitroglycerin lampara galing sa Kapitan Heneral (aka Simoun)
- Papunta sana si Basilio sa bahay ni Isagani pero wala siya doon
- Nakita ni Basilio ang lampara at nagguniguni tungkol sa mga mangyayari na pagsabog
- Namataan ni Basilio sina Juanito at Paulita at naalala niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Isagani
- Patuloy ang pag-iisip isip ni Basilio: Na Kung Hindi siya nabilanggo, Baka siya ay ikakasal o may asawa na at
na siya ay magiging isang manggagamot na nagkilingkod sa mga may sakit
- Ang larawan ni Juli na nagkalasog-lasog sa pagkahulog ay sumagi sa kanyang isip.
- Nakita niya si Simoun na lumabas sa kanyang bahay, bitbit ang kahon ng lampara na nakabalot ng maigi.
- Sumakay si Simoun sa kanyang sasakyan at nakilala ni Basilio ang kutsero. Siya ay si Sinong, ang kutserong
nagdala sa kanya sa San Diego
- Napansin niya na lahat ay patungo sa dating bahay ni Kapitan Tiago
- Hindi pinaalam ni Simoun kay Basilio ang tungkol dito at ang tanging bilin niya lamang ay umiwas siya sa
kalye Anloague (kung saan magaganap ang piging).
- Masayang masaya si Don Timoteo; sa wakas ay naipakasal na ang kanyang anak sa nagiisang tagapagmana
ng mga Gomez.
- Ang ayos ng mga upuan at pagkain ay ipinapakita na masimportante para kay Don Timoteo ang mga bisita
o panauhin na mayayaman kaysa sa mga mahihirap.

XXXV. KABANATA 35 - ANG PIGING

• Mga Pangyayari
- Ika-pito ng gabi ay dumating na ang mga bisita, ang unang mga dumating ay mga taong hindi masyadong
importante
- Si Timoteo ang nagsalubong sa mga bisita at napagod na sa kakayuko para bumati
- Dumating na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina
- Patuloy na binabati ni Timoteo ang mga bisita at kinailangan na niyang pumunta sa palikuran (bathroom)
pero wala pa ang kapitan heneral kaya hindi siya makaalis sa kanyang pwesto
- May mga pumintas kay Timoteo at siya’y nagalit
- Dumating na ang Kapitan Heneral at nawala na ang galit ni Timoteo
- Pinapanood ni Basilio ang mga dumadating na bisita at siya ay naawa sa akala niyang mga mamamatay roon
(dahil sa plano na pagsabog) at inisip niya na bigyan sila ng babala pero dumating sina Padre Salvi at Padre
Irene at nagbago muli ang kanyang isip
- Nakita ni Basilio si Simoun na hawak na ang ilawan.
- Parang nagdalawang isip si Simoun na gawin ang kanyang plano pero pinagpatuloy parin niya ito
- Nakipag-usap si Simoun sa Kapitan Heneral at iba pang mga tao doon nang sandalian at nawala na siya sa
paningin ni Basilio
- Lumabas na ng bahay si Simoun
- Nakasalubong ni Basilio si Isagani sa labas ng bahay na tinitignan si Paulita mula sa bintana
- Sinabi ni Basilio kay Isagani na magkakaroon ng pagsasabog
- Sinubukang kumbinsihin ni Basilio si Isagani na umalis dahil sa ilang saglit ay sasabog na ang bomba pero
ayaw ni Isagani
- Dahil ayaw ni Isagani na umalis, iniwan nalang siya ni Basilio
- Pumasok na ng bahay si Isagani
- Sa silid kainan, may papel na maliit na pinagpapasahan nanakapirma “Juan Crisostomo Ibarra”
- Nagtaka si Don Custodio kung bakit at paano nakapirma ang pangalan ni Crisostomo Ibarra kung siya’y patay
na
- Namutla si Padre Salvi
- Sabi ni Don Custodio na mamamatay silang lahat sa gabing iyon at ang lahat ay natakot
- Sinindihan na ang lampara/ilawan at malapit na ito sumabog
- Parang kidlat, kinuha ni Isagani ang lampara at tumalon sa ilog
- “Mane Thacel Phares” ay ang nilalaman ng sulat: “hinukuman kayo, nagkasala kayo, kaya mamamatay kayo.”
- Si Padre Salvi ang nakakita sa sulat at Nakilala niya ang lagda o pirma ni Ibarra

• Usaping Panlipunan
- Diskriminasyon
XXXVI. KABANATA 36 - MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

• Mga Pangyayari
- Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin
ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre
Salvi.
- Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.
- Dumating ang balita: Nilusob dawn ng maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay
ng may dalawang libong piso.
- Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni
Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
- May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang
sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman.
- Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang.
Nagsiurong ang ilan at ang iba’y nagsibalik sa bundok.
- Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang
manloob.
- Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di
matagpuan sa bahay niya. Maraming bala at pulbura roon.
- Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas.
Marami ang di makapaniwala.

• Usaping Panlipunan
- Mayroong mga mamamahayag na sinungaling
- Pagnanakaw
- Pagsensura ng pamahalaan ang mga nagsusulat o nagbabalita ng mga mamamahayag

XXXVII. KABANATA 37 - ANG KAHIWAGAAN

• Mga Pangyayari
- Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura. Ito ang
naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw
para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita
niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.
- Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni
Juanito. Naroon sa Bahay ng mga platero si Isagani. Anang may- aring si Kapitan Loleng ay magtago si
Isagani.
- Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang
daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan
sa imbestigasyon.
- Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.
Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo
sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.
- Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng
magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon. kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin
ang gayon. (Parang nagsisi si Isagani)

XXXVIII. KABANATA 38- KASALIWAANG PALAD


Talasalitaan
- balisa = di mapalagay - kapasete = salakot
- humaginit = tunog ng lumilipad na punglo
- libis = gilid
- humihikbi-hikbi = umiiyak ng impit
- kaabog abog = ingay ingay - nagudyo = -nagtulak
- kadawagan = damuhan; kasukalan - nagkawatak watak = nagkahiwa
- nagsilikas = nagsialis hiwalay
- nakalalamang = nakahihigit - pagdarambong = pagnanakaw
- nananaghoy = tumatangis - pagkahapo = pagkapagod
- nangabakli = nangaputol
- pagtudla = pagbaril
- nangagkakanlong = nangagtatago
- nangunyapit = kumapit - pinaghinalaan = pinagdududahan
- nasusuklam = nagagalit - sapo = hawak
- natatanuran = nababantayan - silong = ilalim
- tatarakan = sasaksakin
- tinutugis = hinahabol
• Mga Pangyayari
- Pamilya ni Kabesang Tales
- Matanglawin - dahil asintado lagi at matalas ang mata
- Ang mga Gawrdiya sibil ay nasa bundok at may mga bihag na pinaparusahan
- Kabo: ang pinuno at ang tanging kastila
- Mautang: Pilipino at ang malupit sa mga bihag
- Carolina: Si Tano, binaril si Tandang Selo. “Kapwa Pilipino natin ang mga bihag, huwag mo na silang
parusahan. Palakarin mo sila ng Malaya!”
- Ang mga tulisan ay sumusugod sa mga probinsya
- Pinaptok at natamaan si Mautang (napatay)
- May tulisang kumakaway at sumisigaw kay Carolina ngunit nakatutok ang baril ng kabo at hindi claro ang
pagkita ni Carolina sa tulisan kaya’t binaril na lamang siya (ang nabaril ay si Kabesang Tales)
- Nakita ni Carolina ang matandang sugatan at napatay at nakapoint kay Kabesang Tales
- Ang nakapatay kay Kabesang Tales ay si Tano

XXXIX. KABANATA 39 - KATAPUSANG KABANATA

• Mga Pangyayari
- Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na
nag- akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siya’y
natunton na ni Donya Victorina.
- Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.
- Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may
dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari.
- Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de
Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.
- Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang
mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre
Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag.
- Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong
kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.
- Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang
tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang
pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao.
- Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang
walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun.
Nabaghan ang pari.
- Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni
Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang
makinig.
- Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan.
- Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.
Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.
- Mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa
kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong
ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti.
- Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng
tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos
Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot
ng pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan. Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga
dinumihan ng krimen at kasamaan. Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot; ang krimen ay mga
salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay
kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.
- Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. Ngunit naitanong niya ng
dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang
napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang
ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap. Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng
pari.
- Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at
paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang
isang Diyos na makatarungan. Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa
nating masama. Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di
natin dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at
karangalan ng tao…Gumawa tayo ng mabuti, tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.
- Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si
Simoun. Higit na mahabang katahimikan.
- Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino;

“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-
alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang
napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang
kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng
sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

- Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May
kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si
Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.
- Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang
bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman
ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang
kayamanang yaon.

• Usaping Panlipunan
- Mabait ang tao (P. Florentino)
Pera ang ugat ng kasa

You might also like