Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talumpati Para sa Kahirapan

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano
ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw?
Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang
pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit
kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na
problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng
kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na
hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa
ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding
krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo
ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating
bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng
gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa
ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga
opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang
kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas
ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang
mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang
tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali
nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap
ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano
nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga
oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat
nilang pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari
kong ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng
paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo
makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng
ating buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking
makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura
lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap
makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang
kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan
ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit
sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan
na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa
upang umunlad ang ating buhay!

You might also like