Hap On Edited

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Sta. Mesa, Manila

Panitikang Pilipino

Panitikan sa Pilipinas noong Panahon

ng Kastila

Submitted by:

Abejuela, Marlou H.
Andrada, Maureen Joy
Ceredon, Elijah Deuel S.
Cruz, Andrea Rae O.
Petilla, Macy B.

BSMA 1-5

Submitted to:
Ms. Aldhessa Joyce A. Morillo

April 24, 2019


Dalawang Bahagi sa Panahon ng Kastila

1. Pagdating ng Kastila
2. Propaganda at Himagsikan

PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO AT PANAHON NG MGA KASTILA

PANAHON NG KATUTUBO PANAHON NG KASTILA


Paraan ng Pagsalin  Pasalin-dila  Pasalin-sulat
Sistema ng Pagsulat  Baybayin o alibata  Alpabetong romano
Uri ng Panitikan  Bulong, kwentong  Awit, pasyon, kurido,
bayan, alamat, epiko, moro-moro, senakulo,
awiting bayan, at sarsuwela, duplo,
karunungang bayan karagatan, kantahing
bayan
Karaniwang paksa  Paraan ng pamumuhay,  Panrelihiyon
kaugalian, paniniwala o
prinsipyo ng mga
Sinaunang Pilipino, at
kalikasan.
Layunin  Magbigay-aral  Magpalaganap ng relihiyon
at kultura
PAGDATING NG MGA KASTILA

Layunin

 Pagpapalaganap ng Relihiyong Katolika Apostolika Romano


 Palawakin ang Nasasakupan at Magpasa ng Karunungan
Dahil sa layunin nila na pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sinunog nila ang mga nakasulat na
panitikan ng mga katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng demonyo. Pinalaganap nila
ang tungkol sa pananampalataya nila. Nag-aral ang mga prayle ng mga wika sa kapuluan at
sumulat sila ng mga gramtika at diksiyunaryo. Isa sa mahalagang pagpapalit na nagawa ay ang
romanisasyon ng alibata. Mga titik na ang ginamit ngunit mapapansin sa lumang mga kasulatan
na ang f ay siyang s at ang v ay siyang w. Tulad ng santiffimo at tavo.

Uri ng Panitikan

A. PASYON – inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni Kristo.

B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng


pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.

C. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.

D. DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.

E. KARAGATAN – isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog
sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig
ng dalaga.

F. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.

G. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng
isang kumot na puti na may ilaw.
H. SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.

I. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.

J. SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
(3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.

K. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay “kasalukuyang


pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat na walong (8) pantig at
pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.

L. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga pangyayaring
hango sa tunay na buhay.

M. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao sa matuwid


na landas ng buhay.

N. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang


pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.

O. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop
ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi
o katutubo.

Mga Unang Aklat sa Panahon ng Kastila

1. Doctrina Cristiana - kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Isinulat ito sa
Tagalog at Kastila nina padre Juan de Placencia at padre Domingi Nieva. Naglalaman ito ng mga
dasal, Sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo,
at may 87 pahina lamang.

2. Nuestra Señora del Rosario - ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1602. Ito ay akda
ni padre Blancas de San Jose inilimbag sa Pamantasan ng Santo Tomas sa tulong ni Juan de Vera.
Naglalaman ito ng mga ttalambuhay ng mga santo, nobena at mga sagot at mga tanong sa
relihoyon.

3. Barlaan at Josaphat -ikatlong aklat at kauna-unahang nobelang nailimbag sa Pilipinas. Nagmula


sa wikang Griyego.

4. Pasyon - aklat sa buhay at pagpapasakit ni Kristo at may apat na bersyon: Version de Pilapil na
akda ni Padre Mariano Pilapil; Version de Belen na akda ni Gaspar Aquino de Belen; Version dela
Merced na akda ni Aniceto dela Merced; at ang Version de Guia na akda ni Luis de Guia.

5. Urbana at Felisa -aklat ni Modesto de Castro na Ama ng Klasikong Tuluyan Tagalog.


Naglalaman ng mga kabutihang asal na nakaimpluwensiya sa kaugaliang panlipunan ng mga
Pilipino.

PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Panimula

Dahil sa di makataong pagtrato ng mga Kastila at ang pagpatay ng walang matibay na kadahilanan
sa paring GomBurZa nagising ang kaisipan ng mga Pilipino at natuto silang lumaban gamit ang
panitikan. Lalo itong nagsikab ng maging Gobernador Heneral si Carlos Maria dela Torre at
maging liberal ang kaisipan ng mga Pilipino sa kalakalan.

Layunin

Ang naging layunin ng panahong ito ay ang pagmulat sa mga Pilipino ng katotohanan at
nagkikintal ng pagkamakabayan. Nais ng mga Pilipino ng reporma sa ilalim ng pamamalakad ng
mga Kastila sa pagiging isang probinsya ng Espanya ang Pilipinas, karapatan para sa mga Pilipino
na tinatamasa ng Espanyol sa Espanya, Pilipinasyon ng mga parokya at pagkakaroon ng
kinatawang Pilipino sa Cortes sa Espanya. Ang kalayaan na dapat nilang natatamo at
pagpapahalaga sa mga kapwa Indio o Pilipino ang ninanais nilang makamit.

Mga Haligi ng Kilusang Propaganda

 Dr. Jose Rizal (Laong Laan- La Solidaridad; Dimasalang- Amor Patrio/Pagmamahal sa


Bayan)
 Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat-Caiigat Cayo; Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel- La
Solidaridad)
 Graciano Lopez-Jaena (Diego Laura)

Uri ng Panitikan

 Nobela
o Ninay ni Pedro Paterno. Unang nobelang panlipunan.
o Noli Me Tangere. Akdang nagbigay daan sa himagsikan laban sa Espanya;
inilantada ang kasamaang naghahari sa pamamahala ng Kastila at El
Filibusterismo. Akdang nagsisiwalat ng mga kabulukan ng pamahalaang umiiral.
ni Dr. Jose Rizal
o Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas Pagatapos ng 100 Taon) ni Dr. Jose
Rizal. Tungkol sa mga hula ni Rizal sa kahihinatnan ng Pilipinas.
o Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggi sa Katamaran ng mga Pilipino) ni
Rizal. Sinupalpal nya ang mga buladas ng mga Kastila na diumano’y tamad ang
mga Pilipino.
 Sanaysay
o Mga Kababayang Dalaga sa Malolos ni Rizal. Isang liham na nagbibigay-
inspirasyon at papuri sa mga kababaihan ng Malolos, Bulacan na ninanais nyang
magtayo ng paraalang pambabae sa kanilang bayan.
 Parodiya
o Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar. Mga dasal at katesismo na pinarodiya
 Tula
o Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenigildo Flores(1888). Pagtuligsa sa
pang-aabuso ng mga prayle at Kastila sa mga Pilipino. Sagot ng Espanya sa Hibik
ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar (1889). Kalungkutan ng isang ina sa sinsapit
ng Pilipinas mula sa mga Prayle.
 Pahayagan
o Diaryong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar. Unang pahayagang Tagalog.
o La Soledaridad ni Graciano Lopez-Jaena at Marcelo H. del Pilar.
 Iba pang Panitikan
o La Lobra Negra (Ang Babaeng Lobong tim) ni Padre Jose Burgos.
Naimpluwensyahan si Dr. Jose Rizal kaya’t sa tatlong pari niya inihandog ang “El
Filibusterismo”.
o Fray Botod ni Graciano Lopez-Jaena. Isang maikling kwento patungkol sa
masasamang katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon.

Kalakasan ng Panitikan

Panulat ang kanilang naging sandata upang maimulat ang mata at isipan ng kanilang mga
kababayan sa katotohanan.

HIMAGSIKAN 1896

Kaligirang Kasaysayan

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit
pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

Ang panitikan ay:

a. Nananawagan ng Himagsikan

b. Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)

c. Nagpapahayag ng pagkamakabayan

d. Pawang pagtutuligsa sa pamahalaan at simbahan

e. Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na
kalayaan
Mga Manunulat sa Panahon ng Himagsikan:

1. ANDRES BONIFACIO - kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO”


at “AMA NG KATIPUNAN.”

- hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang


kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan.”

- umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA.

- lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat.

2. EMILIO JACINTO - isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre


15,1875.

- gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW.”

- kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN.”

- siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio.

- katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN.

- naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN.

3. APOLINARIO MABINI - nagmula sa maralitang angkan.

- isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas.

- nagtapos ng pagka-manananggol.

- tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN.”

- ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa


bandilang Amerikano.

- namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera.

4. JOSE PALMA - isinilang noong ika-6 ng Hunyo1876 sa Tondo.

- nag-aral sa Ateneo de Manila.


- lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang
“MELANCOLICAS” ( Mga Panimdim).

- pinakadakilang ambag ay ang pagkakalapat ng titik sa tugtuging pambansa na


pinamagatang “FILIPINAS.”

5. JULIAN FELIPE - ang may-akda ng Pambansang Awit.

- kinikilala bilang “AMA NG MARCHA NACIONAL.”

- isinilang noong Enero 28,1861, Kabite.

Mga Tula

- Katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andres Bonifacio (Pagbaklas ng Pilipinas sa Inang Espanya)

Tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy


sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG
PILIPINAS.

- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

- Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal

- Filipinas ni Jose Palma

Mga Sanaysay

- Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto

Ito ay patungkol sa masamang dulot ng pag-ibig sa kayamanan.

- Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio

Ito ay panawagan sa mga Pilipino. Mula sa Kolonyalismo ang kanilang paghihirap.

- El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) ni Apolinario Mabini

Na pumapatungkol sa bayan at kapwa.

- Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto


Dito sinasalaysay ang mga tuntuning dapat sundin ng mga Katipunero.

- Ordenanzas dela Revolucion at Programa Constitucional dela Republica Filipina ni Apolinario


Mabini

Dito nakapaloob ang mga patakaran ng gobyernong rebolusyonaro ng mga Pilipino.

Mga Pahayagan

a. KALAYAAN - ang pahayagan ng Katipunan

b. HERALDO DELA REVOLUCION - pahayagan ng Republikang Pilipino

c. LA INDEPENDENCIA - ni Heneral Antonio Luna

Mga Pahayagan sa Panahon ng Himagsikan

1. HERALDO DELA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang


mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming
makabayan

2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng


Pilipinas

3. LA REPUBLICA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898

4. LA LIBERTAD – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta

5. UNANG GASETILYA – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES
bagamat isang polyeto ay ipinalalagay na kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas

6. DEL SUPERIOR GOBIERNO – kauna-unahang pahayagang regular na inilathala sa


Pilipinas.Ang naging unang editor ay si Manuel Fernandez del Folgueras

7. LA ESPERANZA – kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe


Lacorte at Evaristo Calderon

8. DIARIO DE MANILA – unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan

9. EL RESUMEN – magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes at Baldomero Hazanas.


Kauna-unahang pahayagang lantad sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino
10. ANG KALAYAAN – ang opisyal na pahayagan ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan
ni E. Jacinto

Iba pang mga Panitikan:

Mga Akda ni Andres Bonifacio

- KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa


Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito.

- HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios.”

Mga Akda ni Emilio Jacinto

- LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng
pag-ibig sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala

- A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina

- A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra

Mga Akda ni Apolinario Mabini

- ANG HIMAGSIKANG PILIPINO –isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng


mga Pilipino sa pakikipaglaban

- SA BAYANG PILIPINO –isang tulang handog sa bayan

- ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto

- EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA-Ang Pagtaas at Pagbagsak


ng Republikang Pilipino

- PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO


Sanggunian:

https://prezi.com/ytdf5fgnpdkc/panitikan-sa-pilipinas-panahon-ng-kastila/

http://onceinabluemuon.pbworks.com/f/Tatlong+Tula+sa+Hibik+ng+Pilipinas+Fil+Prese
ntation.ppsx

https://www.scribd.com/doc/38997278/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-Himagsikan

https://www.scribd.com/doc/294618601/Panitikan-Sa-Panahon-Ng-Propaganda-at-
Himagsikan

https://prezi.com/m/ytdf5fgnpdkc/panitikan-sa-pilipinas-panahon-ng-kastila/

You might also like