Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Kalabasa
Alamat NG Kalabasa
Alamat NG Kalabasa
CAST:
Noong unang panahon, may isang napakalaking gubat. Isang gubat na madilim at
maraming hayop. Ang gubat ay sobrang napa paligiran ng matataas at makakapal na
punong kahoy na minsan ay kahit hapon na hindi umaabot ang sikat ng araw kaya ang
buong paligid nito ay madilim at makulimlim.
Sa tuwing namimis ni Aling Cora ang kanyang anak ay pinupuntahan niya kagad ito
upang bisitahin. Minsan ay naalala niya ang kanyang anak at nag desisyon siya na
puntahan ito. Dala niya ang isang bag na may mga lamang damit para sa kaniyang mga
apo. Sinabi niya ito sa kaniyang kapitbahay at nakiusap sa kanila na bantayan muna ang
kaniyang bahay hanggang sa kaniyang pagbalik.
Ang matandang babae ay takot na takot sa Tigre subalit hindi niya ito pinahalata. Siya ay
matalinong sumagot.
ALING CORA: Kung ako ay iyong kakainin ngayon pano ba kita mapipigilan? Kung sa
bagay ako ay malapit ng mamatay dahil ako ay matanda na. Hindi ka masisiyahang
kainin ako.
TIGRE: Wag mo akong linalangin matandang babae. Ano ang ibig mong sabihin.
ALING CORA: Oh hindi, hindi. Bakit kita lilinlangin. Ang ibig kong sabihin na kung
kailangan mokong kainin ngayon ay ang makukuha mo lang ay puro buto at walang
laman. Papunta ko ngayon sa bahay ng aking anak. Doon marami akong makakain na
masasarap na pagkain, makakapagpahinga at madadagdagan ang aking timbang ng sa
gayon masisiyahan ka kung ako ay iyong kakainin.
Napaisip ang tigre at napagtanto niya na may punto ang matandang babae…
TIGRE: Sige matandang babae , pumunta ka sa tahanan ng iyong anak at huwag mong
kalimutan ang iyong pangako na babalik ka at kung hindi ay hahanapin kita.
LOBO: Mabuti at ikaw ay nandito matandang babae. Ikaw ang aking kakainin at
gagawing tanghalian.
ALING CORA: Kung ako ay iyong kakainin ngayon pano ba kita mapipigilan? Kung sa
bagay ako ay malapit ng mamatay dahil ako ay matanda na. Hindi ka masisiyahang
kainin ako. Papunta ko ngayon sa bahay ng aking anak. Doon marami akong makakain
na masasarap na pagkain, makakapagpahinga at madadagdagan ang aking timbang ng
sa gayon masisiyahan ka kung ako ay iyong kakainin sa aking pagbalik.
LOBO: Sige payag ako ikaw ay umalis na subalit siguraduhin mong ikaw ay babalik.
Aling Cora: Kailangan ko ng umuwi ngayon. Sobra kong nasiyahan sa aking pagtira ditto
ng ilang araw. Sana ay magkita tayong muli kung ako ay mabubuhay pa.
Naramdaman ni Maria na may itinatago at ito’y kaniyang tinanong kung ano ito.
Maria: Ina sabihin mo sakin kung ano ang gumugulo sa iyong isipan.
Muli ay naglakbay ang kaniyang ina sa gubat ng suot ang malaking kalabasa. Maya
maya pa ay nakita niya ang lobo na matiyagang nagiintay. Tinanong ng Lobo ang
kalabasa kung may nakita siyang matandang babae.
TIGRE: Ako ang unang nakakita sa kaniya kaya ako ang kakain ng ulo.
Nang hindi nila maayos ito ay nauwi sa isang labanan. Habang nagaaway ang dalwa, ang
matandang babae ay tahimik na pumasok sa loob ng kalabasa at nagumpisang tumakbo
palayo sa kanila. Doon ay nakaligtas ang matanda sa tiyak na kamatayan..
ARAL: