Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nasubukan mo na bang tumingin sa salamin at hindi magustuhan ang itsura hanggang sa

naisip mong gusto mong ibahin ito? Sa panahon ngayon kung saan laganap ang makabagong
teknolohiya, marami na ring tao ang nagiging CONSCIOUS sa kanilang mga itsura. Dahil sa
kagustuhang magmukhang perpekto o di kaya’y maging maganda, isa sa kanilang mga paraan
ay ang plastic surgery.

History

Ang plastic surgery, retoke sa madaling salita, ay tumutukoy sa pagpapaayos ng mukha o


iba pang bahagi ng katawan. Sinasabing ito ay nagmula sa sinaunang Ehipto at ginamit rin sa
India noong ika-600 hanggang 800 BC. Noong ika-16 na siglo, ito’y ginawang ilegal at ipinatigil
hanggang sa ika-19 na siglo. Gayunpaman, ito ay mas naIinang noong World War 1 na kung
saan ginamit ito upang magamot ang mga nasugatan sa laban tulad ng pagpapaayos ng tainga
(ear reconstructions) at rhinoplasty.

Difference

Madalas napagkakamalang parehas ang plastic surgery at cosmetic surgery. Ayon sa


American Board of Cosmetic Surgery, ang dalawang ito ay nagkakalapit ngunit hindi pareho.
Una, ang mga ito ay may magkaibang layunin. Ang cosmetic surgery ay ginagawa upang
mapahusay ang hitsura habang ang plastic surgery naman ay upang maiayos ang mga
kapintasan sa katawan. Panghuli, magkaiba ang mga ito ng pagsasanay at proseso ng
sertipikasyon.

Reasons

Ayon kay German (2005), ang plastic surgery ang pinakamainam na solusyon upang
maiayos ang mga pisikal na depekto mula nang maipanganak, mga paso at peklat. Isa pa sa mga
dahilan ay ang kagustuhang magmukhang mas bata kaysa sa edad na kung saan, hindi
maiiwasan ang pagkakaroon ng mga kulubot at pekas sa mukha. Ang plastic surgery rin ang isa
sa paraan ng mga may trabaho, tulad ng mga artista, upang maging kaakit-akit sa paningin ng
ibang tao at upang magkaroon din ng mas malakas na kompiyansa sa sarili.

Ano-ano ang epekto ng Plastic surgery?

Kaakibat ng magandang bunga ng plastic surgery, mapapaayos ang anumang di kanais-


nais sa katawan, ay ang mga negatibong epekto nito sa mga tao. Una, ang isang tao ay
maaaring maging adik dito hanggang sa paulit-ulit na nila itong ginagawa na parang normal na
lamang. Pangalawa, ang mga nerbiyo sa katawan nama’y maaaring maapektuhan at masira ng
tuluyan kung kaya’t makakaramdam sila ng pagkamanhid. Pangatlo, ang mga sumailalim sa
plastic surgery ay maaaring makaranas ng allergies at mga impeksiyon. Panghuli, dahil sa hindi
maayos na pag-oopera at mga ilegal na kagamitan, maaaring magsanhi ito ng kamatayan ng
pasyente.

You might also like