Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Sa pamamagitan ng Facebook, nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga mag-aaral na

hingin ang tulong ng kanilang guro sa mga pagkakataon na hindi nila masyadong maintindihan

ang paksang pinag-aaralan. Maaaring maka-chat o mag-PM o private message sa mga

pagkakataong nahihiyang kausapin nang harapan ang guro o kaya naman ay nag-aalinlangan na

pumunta sa oras ng konsultasyon sapagkat nakahihiyang may makakitang kaklase at

mabansagang mahina ang ulo. Kayat sa mga pagkakataon na naka-online status ang guro ay

maaaring samantalahin ito para magtanong o humingi ng tulong. Maaari kasing magbigay ng

mga website ang guro na makakatulong sa mga mag-aaral upang lubusan nilang maintindihan

ang mga paksa na mahirap unawain.

Natuklasan naman sa pag-aaral ni Kosik (2007) na ang Facebook ay kalimitang ginagamit

ng mga estudyante sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapwa kamag-aral upang mas

mapadali nilang mapag-usapan ang mga pangangailangan ng kurso, kagaya ng mga instruksyon

o paalala na ibinigay ng guro hinggil sa isang partikular na takdang aralin o proyekto. Mas gusto

nilang gamitin ang Facebook sapagkat mas mabilis ang koneksyon nito, kayat madali ang palitan

ng mga kuro-kuro kumpara sa software na dinisenyo sa kanilang pamantasan.

You might also like