Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BLANKONG PAPEL

ni: Jerwin Villamor

Sa isang Blankong Papel

Mula sa simula

Hanggang sa katapusan

Maihahalintulad ko ang aking laban

Sa isang Blankong Papel...

Espasyo, Puting espasyo, Yan ang nakikita ko!

Sa simula ng aking kwento, inaamin ko sa sarili ko

Nagsimula akong hindi buo, kulang, hindi kumpleto

Sa bawat paglakad ng mga galamay ng relo

Mas lalong pinamumukha sa akin ng tadhana kung ano ang totoo

Na sa buhay ay kailangan ko ng maging seryoso

Dahil hindi biro, kapag ang pinag usapan na ay ang buhay sa kolehiyo

Ang puso kong hindi pa desidido

Humihingi ng tawad dahil hindi ko din naman gusto na pilitin ang sarili ko

Huli sa uso, oo.

Pero alam ko sa sarili kong mas mabuti pang huwag na lang kaysa magsisi ako sa dulo.

Ano man ang kahinatnan nito, ang kailngan ko lang ay magtiwala sa proseso

Unti- unting lagyan ng guhit, isulat ang gusto


Sundin ang puso, maging inhinyero

Pagsumikapan mo

Pagtrabahuhan mo

Simulan mo na

At lagyan ng laman...

ang Blankong Papel

Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan

Kalimitan ay kailangan mong makipagsapalaran

Karapat- dapat ba o hindi, dito mo malalaman

Itaas mo lang sa kanya, di ka nya pababayaan

Maging bukas ka rin sa posibilidad na di para sayo ang lahat

Kung si King Badger nga, may Jelai Andres na iba pa rin ang hinanap

May mga bagay naman talagang hindi nararapat

Basta ang tandaan mo, wag kang pumili ng sa pananaw mo ay salungat

Kung di ka man palarin sa ginawa mong desisyon

Wag mong isiping nabigo ka na sa laban

Kunin mo ang iyong panulat

At gumawa ka ng sarili mong alamat

Wag mong hayaan, na sa puso mo'y lumaki ang lamat

Wag mong hayaan, na maapektuhan nito ang lahat

Wag mong hayaan, na isuko mo ang pangarap mong iyong buhat- buhat

Tandaan mo, pupunuan mo pa


Ang blankong Papel

Magusot man ang papel, mapunit man ang mga pahina

Liparin man ang hangin, mabasa man ng ulan

Patuloy kong patutunayan na ng blankong papel na ito ay hindi lamang kalat

Dahil patuloy kong isusulat

Patuloy akong gagawa ng makukulay na larawan

Hanggang sa maubos ang tinta

Hanggang sa maubos ang mga pahina

Ang mahalaga,

Napuno ng mga masasayang alaala

At kailanman ay hindi na

magiging... Blanko ang Papel

You might also like