Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

The Creation- Ang Paglikha- Ang Kasaysayan ng pag-likita

Unang Araw ( First Day)

Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa ang lupa ay wala pang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot .

Sinabi ng Diyos –“ Magkaroon ng liwanag!” at nagkaroon nga. Pinagbukod niya ang liwanag at dilim.
Ang liwanag ay tinawag niyang Araw at ang dilim naman ay tinawag niya Gabi.

Pangalawang Araw (Second Day)

“Magkaroon ng kalawakan at maghahati sa tubig upang ito’y magkahiwalay!”at nangyari ito.


Tinawag niya na langit ang kalawakan.

Pangatlong Araw (Third Day)

Sinabi ng Diyos- “ Magsama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ng lupa.” At ito’y
nagyari. Ang lupa ay tinawag niya Daigdig at Karagatan naman ang nasasamang tubig.
“Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng halamang namumunga at nagbubutil” At nangyari ito. Tumubo nga
sa lupa ang gayon halaman.

Pang-apat na Araw ( Fourth Day)

Sinabi ng Diyos “ Magkaroon ng tanglaw sa langit para mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging
batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. Mula sa langit,ang mga ito’y magsasabog ng liwanag
sa daigdig.” At ngayon nga ang nangyari. Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw
upang tumanglaw sa maghapon, at ang Buwan upang magbigay ng liwanag sa gabi.Nilikha niya rin ang
mga bituin. Inilay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magsabog ng liwanag sa daigdig.

Pang limang Araw- (Fifth day)

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon
sa himpapawid.” Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ang nabubuhay sa tubig at lahat
ng mga uri ng ibon. Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: “Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay
sa tubig at punuin ang karagatan; magkarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig.”

Pang-anim na Araw ( Sixth day)

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa-maamo, maiilap, malalaki at malilit.”
At ngayon nga ang nangyari.Pagkatapos likhain ang lahat ang mga ito sinabi ang Diyos “Ngayon lalangin
ang tao . Ating gagawin siyang kalarawan sa natin. Siya an gang mamamahala sa mga isda, mga ibon,at
lahat ng mga hayop, maging maamo,mailap, Malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa
kanyang larawan, Lumalang siya ng isang lalaki at babae at siya’y pinagpala “Magpakarami kayo at punuin
sa inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Bibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga
isda,sa mga ibon,at sa lahat ng maiilap na hayop, maging Malaki o maliit.Bibigyan rin kayo lahat ng uri ng
butyl at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halaman luntian ay ibibigay ko naman sa
maiilap na hayop, Malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon. “

Pangpitong Araw ( Seventh Day)

Gayon nilikha ng Diyos ang lupa,ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos
niya likhain ang lahat ng mga ito, at Siya’y nagpahinga sa ika-7 araw. Pinagpala niya ang ika -7 araw at
itinangi, sapagkat sa araw na ito siya ay nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Paglikha ng tao: (man)

Nilikha ng Diyos ang tao mula sa alikabok, hiningahan sa ilong at nagkaroon ng buhay.

Paglikha ng babae: (woman)

Pinatulog ni Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom
ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na ito ay ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ang
lalaki. “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, Laman ng aking laman, buto ng aking buto. Babae ang siyang
itatawag sa kaniya sapagkat sa lalaki nagmula siya.Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalali ang kanyang ama
at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging isa. Kapwat sila hubad, gayun’y hindi sila
nahihiya.

Gospel of John

Ang Salita

John 1:5 – 1 Sa simula pa’y naroon na ang Salita. 2 Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. 3 Sa Pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang
anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Mula sa kanya ang buhay ay siyang ilaw ng
sangkatauhan. 5 Nagliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi kalian man nagapi ng kadiliman.

Naging Tao ang Salita

John 14- Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang
kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan.Tinanggap niya mula sa Ama ang
kapangyarihan at kadakilaang bilang bugtong na Anak.

You might also like