Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nasa Huli Ang Pagsisisi

(Roselyn T. Abella)

Sa isang kilalang mataas na paaralan sa Maynila ay nag-aaral si Trexie. Si


Trexie ay mag-iisang binubuhay ng kanyang ina na si Aling Rosa, dahil iniwan siya
ng kanyang nobyo noong pinagbubuntis nya palang ang anak. Ang ama ni Trexie
ay isang Tsines, tutol ang mga mga ng kanyang nobyo sa kanilang
pagmamahalan. Balibhasay pareho pa silang nag-aaral noon kaya wala silang
nagawa. Dahil rin sa pangyayaring ‘yun ay magkasunod na namatay ang mga
magulang ni Aling Rosa.

Kaya mula nang ipinanganak si Trexie ay mag-isang nagsikap ang kanyang


ina upang maitaguyod at mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Samot saring
trabaho ang pinasok ng kanyang ina upang kumita. Iniiwan ni Aling Rosa ang anak
sa kapit-bahay kung papasok na ito sa trabaho at kukunin magkauwi. Lumaki si
Trexie na mabait at mapagmahal, nagtapos rin sa elementarya at sekondarya na
nanguna sa kanilang klase kaya hindi nakapagtatakang natanggap at naging
iskolar siya sa isang kilalang kolehiyo sa Maynila. Lingid sa kaalaman ni Trexie,
natanggap din ang kanyang ina sa paaralan bilang isang janitress. Pinili ni Aling
Rosa na doon magtrabho dahil gusto nyang bantayan ang kanyang anak dahil
ayaw nyang magaya sa kanya ito. Hindi nagtagal ay nalaman rin ni Trexie na doon
nagtratrabaho ang ang kanyang ina at ito’y nilihim nya sa mga bago nitong mga
kaibigan at nang minsang tanungin si Trexie kung anong trabaho ng kanyang ina
ay sinabi nitong isang business woman ang kanyang ina.

Halos lahat ng mga nag-aaral sa paaralan na iyon ay anak ng mga


negosyante at may ari ng mga malalaking kompanya. Hindi nga naglaon ay unti-
unti nang nagbabago ang ugali at kilos ni Trexie at kung ano-ano na ring mga
mamahaling gamit ang pinabibili sa ina. Dahil mahal ni Aling Rosa ang anak ay
ibinibigay nito lahat nang hilingin ng anak. Isang araw nagpaalam si Trexie sa
kanyang ina na sumama sa kanyang mga kaibigan isang party pero hindi siya
pinayagan ng kanyang ina. Ngunit sadyang naging matigas na ang ulo no Trexie
minsan ay hindi na nya sinusunod ang kanyang ina, tumakas siya nang makatulog
na ang kanyang ina. Nagising si Aling Rosa na wala si Trexie sa kanyang silid,
kayat hinanap niya ito at ipinagtanong at nalamang tumuloy ito sa sinasabing
party. Pinuntahan ni Aling Rosa ang kanyang anak upang iuwi na ngunit sa
tagpong ito iyon pala ang babago ng lahat.

“Trexie! Anak!” sigaw ni Aling Rosa na ikinagulat ni Trexie at pati nang


kanyang mga kaibigan. “Diba siya yong janitress sa school” “Ay oo nga, siya nga
iyong sinabuyan mo ng juice” sabi naman ng mga kaibigan ni Trexie. “Akala ba
naming isang business woman ang nanay mo, Trexie” sabat naman ng isa niya
pang kaibigan. Natulala at hindi nakapagsalita si Trexie, nagsimula na ring
magbulungan ang mga iba pang bisitang naroon.

Kayat tumakbo na lng ito palabras at hinila ang kanyang ina palayo. “Bakit
mo ako pinahiya sa harap ng mga kaibigan ko ma?” tanaong niya sa kanyang ina.
“Anak inilalayo lamang kita sa kapahamakana” “Ma hindi na ho ako bata, lagi niyo
na lang akong binabawalang lumabas” “Anak ayaw kong maranasan mo ang mga
lahat ng mga paghihirap na naranasan ko, anak ayaw kong mangyari sayo ang
nangyari sa akin dahil hindi ko sinunod ang mga payo ng lola’t lolo mo noon”,
mahabang paliwanag ng kanyang ina. “Malaki na po ako ma” sagot naman ni
Trexie. Hindi na niya hinintay ang sagot ng kanyang ina tumalikod na ito at
naglakad paalis. At hindi naman napansin ng kanyang ina ang sasakyan mabilis
ang takbo at pagiwang-giwang. Dahil sa lakas ng impak ay tumilapon si Aling Rosa
sa ginta ng kalsada. Nang lingonin ni Trexie ang ina ay duguan na ito
nakahandusay, patakbong niyang nilapitan ang ina.

“Ma, ma, gising ma, gising, ma sorry po, ma sorry, sorry po” mga salitang
namutawi sa kanyang bibig habang yakap-yakap ang ina at umiiyak.

You might also like