PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA 2019 Mekanis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PATIMPALAK SA BUWAN NG WIKA 2019

PAGSASALING WIKA SA FILIPINO AT BAYBAYIN

MGA PANUNTUNAN NG KOMPETISYON

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat pampubliko at pribadong paaralang


sekundarya sa Los Baños. Ang bawat pangkat na lalahok ay binubuo ng
tatlong (3) kasapi. Ang mga nagnanais lumahok ay maaaring
magsadya sa Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Pambayang
Turismo sa ikalawang palapag ng Lumang Munisipyo, Brgy.
Baybayin, Los Baños, Laguna hanggang Hulyo 12, 2019, 5:00 ng
hapon upang magpatala. Ang paligsahan ay gaganapin sa Agosto
9, 2019 (Biyernes) sa ganap na ika-9 ng umaga sa Multi-Purpose
Hall sa Baging Gusaling Bayan ng Los Baños.

2. Ang paligsahan ay hahatiin sa apat na saklaw: Madali (Easy),


Katampatan (Average), Mahirap (Difficult) at Kampeonato
(Championship)

a. Sa unang saklaw, magbibigay ang kuwismaster ng sampung salitang


Ingles na isasalin sa Filipino. Maglalaan ang komite ng mga
kagamitan sa pagsusulat para sa mga kalahok. Bibigyan ang bawat
pangkat ng 60 segundo upang maisulat ang tamang sagot at
ipapakita sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang mga papel.

b. Sa ikalawang saklaw, magbibigay ang kuwismaster labinlimang


salitang Ingles na isasalin sa Filipino at Baybayin. Maglalaan ang
komite ng mga kagamitan sa pagsusulat para sa mga kalahok.
Bibigyan ang bawat pangkat ng 90 segundo upang maisulat ang
tamang sagot at ipapakita sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang
mga papel.

c. Sa ikatlong saklaw, magbibigay ang kuwismaster ng limang


pangungusap ng Ingles na isasalin sa wikang Filipino. Maglalaan ang
komite ng mga kagamitan sa pagsusulat para sa mga kalahok.
Bibigyan ang bawat pangkat ng 90 segundo upang maisulat ang
tamang sagot at ipapakita sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang
mga papel.

d. Sa kampeonato, ang tatlong pangkat na maghaharap ay bibigyan ng


isang tulang Ingles na kanilang isasalin sa wikang Filipino. Ang
pamagat ng tula ay kailangan maisulat sa wikang Filipino at
Baybayin. Bibigyan ang dalawang pangkat ng 45 minuto upang ipasa
ang kanilang papel sa mga hurado.

3. Pamamaraan sa Pagbibigay ng Puntos:

a. Sa unang saklaw, ang unang makakapagbigay ng tamang sagot ay


makakakuha ng limang (5) puntos; tatlong (3) puntos para sa
pangalawa; at dalawang (2) puntos para sa pangatlo. Ang lahat ng
pangkat na may tamang sagot ngunit hindi napabilang sa unang tatlo
ay mabibigyan ng tig-isang (1) puntos.
b. Sa ikalawang saklaw, ang unang makakapagbigay ng tamang sagot ay
makakakuha ng sampung (10) puntos; anim (6) na puntos para sa
pangalawa; at tatlong (3) puntos para sa pangatlo. Ang lahat ng
pangkat na may tamang sagot ngunit hindi napabilang sa unang tatlo
ay mabibigyan ng tig-isang (1) puntos.

c. Sa ikatlong saklaw, ang unang makakapagbigay ng tamang sagot ay


makakakuha ng labinlimang (15) puntos; sampung (10) puntos para
sa pangalawa; at limang (5) puntos para sa pangatlo. Ang lahat ng
pangkat na may tamang sagot ngunit hindi napabilang sa unang tatlo
ay mabibigyan ng tig-dalawang (2) puntos.

d. Ang tatlong pangkat na magkakamit ng pinakamataas na puntos sa


tatlong saklaw ang siyang maglalaban para sa kampeonato. Sila ay
mabibigyan ng puntos sa pamamagitan ng mga susumusunod na
pamantayan. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi maaaring
pasubalian.

Kawastuhan at Kaangkupang-salin - 40%


Katapatan, Kaayusan at Kalinawang-salin - 30%
Pagkakaugnay ng Diwa - 30%
Kabuuan - 100%

e. Ang pangkat na makakalikom ng pinakamataas ng puntos mula sa


pinagsamang apat na saklaw ang siyang tatanghaling kampeon ng
paligsahan.

4. Ang mga magwawagi ng Una hanggang Ikatlong Gantimpala ay


tatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala at Medalya. Makakatanggap din ang
lahat ng kasali ng Sertipiko ng Pakikilahok.

5. Para sa mga karagdagang katanungang hinggil sa kompetisyon, maaari


kayong magtungo sa Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Pambayang
Turismo sa ikalawang palapag ng Lumang Munisipyo, Brgy. Baybayin,
Los Baños, Laguna o tumawag sa numerong 539-4589.

You might also like