Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

FILIPINO 123

Masapol, Pamela P. BSED – II

I. LAYUNIN:
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa
paghahambing. F7WG-IIc-d-8

KBI:
Magamit ang wastong paghahambing para sa mabisang
pakikipagtalakayan.

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Mga pahayag sa paghahambing


SANGGUNIAN: Gabay ng Kurikulum, Ikalawang Markahan
KAGAMITAN: Learning Materials, charts, mga larawan,
powerpoint presentations

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Balik-aral
ALITUNTUNIN:

1. Makinig nang mabuti


2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi
3. Marunong rumespeto

B. Pangganyak:

Pagbabalik-aral

Magpapakita ng mga balbal at kolokyal na salita sa pisara.


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng bawat salita.

NAGLAYAS MATANDA NA

HINTAY KA WIKA MO

WIKA KO PULIS

Gurang
Parak
Kako
Istokwa
Kamo
Teyka

Ano ang tawag sa mga salitang na sa harap?

Ang mga salitang iyon ay napag-aralan natin nung nakaraan.


Tama ba?

Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng


balbal at kolokyal.
C. Pankatang Gawain

Hahatiin ang klase sa 5 pangkat.

PANUTO:

“Magkakaroon ng gawaing pinamagatang “Petmalung


Paghahambing”. Bubuo ng 5 pahayag na paghahambing ang
bawat pangkat mula sa ipapakitang mga larawan sa pisara”.

Papalakpak nang tatlong beses ang pangkat kung ito’y


tapos na. Ang huling pangkat na matatapos ay ang unang
maglalahad ng kanilang gawain. Lahat ng miyembro ng grupo
ay magtutulungan sa paglalahad ng kanilang awtput. Maaari
silang pumili kung patula o pa-awit ba ang magiging tema nila
sa pag-uulat.
Mayroon lamang 3 minutong ibibgay sa paggawa ng
gawain at 2 minuto sa paglalahad.

Paglalahad ng awtput.

D. Pagsusuri

1. Sinu-sino o anu-ano ang maaaring ilarawan o hambingin?


2. Maaari bang makapaghambing kahit na isa lamang ang
diwa o kaisipan?
3. Paano ninyo masasabi na kayo ay nagpapahayag ng
paghahambing?
4. Pansinin ang ginawa ninyong paghahambing. Paano
mapapatunayan na maayos na napaghahambing ang
dalawang magkaibang bagay?
5. Naranasan nyu na bang ihambing o ikumpara kayo sa ibang
tao?
6. Sa palagay ninyo, ano kaya ang paksa natin ngayong araw?
Paglalahad ng layunin.

E. Pagtatalakay

Sa sarili ninyong pag-unawa at batay na rin sa inyong ginawang


aktibiti. Ano kaya ang paghahambing?

 PAGHAHAMBING
Ang tawag sa pang-uri kung ito’y naghahambing o
nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

Mayroong dalawang uri ang kaantasang pahambing;

1. Paghahambing na magkatulad
2. Paghahambing na di-magkatulad

Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing
ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping kasing, sing, magkasing o kaya ay ng mga
salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.

Halimbawa:

1. Magkasingganda kami ni Catriona Gray.


2. Kapwa sila matatangkad.

Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamitan ito kung ang pinaghahambing ay may
magkaibang katangian.
Mayroon itong dalawang uri:

 Pasahol
 Palamang

Pasahol
Kung ang hinahambing ay mas maliit,
gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-
gaano, di-totoo, di-lubha o di-gaasino.

Halimbawa:

1. Lalo siyang tumangkad ng uminom siya ng vitamin,


kaysa sa hindi pa siya umiinom.

Palamang
Kung ang hinahambing ay mas malaki o
nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng
mga salitang higit, labis at di-hamak.

Halimbawa:

1. Di- hamak na mapuputi ang Singaporean sa mga


Hindu.

F. Paglalahat

Kakayahan:
Naisasabi kung ang paghahambing sa
pangungusap ay palamang o pasahol.
PANUTO:
Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing
sa pangungusap ay palamang. Isulat ang titik S kung ito ay
pasahol.

1) _______ Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa


panahon sa Disyembre.

2) ______ Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng


presyo nito noong isang buwan.

3) ______ Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa


biyahe sa barko.

4) ______ Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa


pelikulang Insidious.

5) ______ Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya


ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya.

6) ______ Di-gasinong mapagbigay si Lilia na tulad ni Rose.

7) ______ Ang pook na ito ay lubhang mapanganib kaysa


bayan ng sto. Tomas.

8) ______ Para kay Perry, di-gaanong mahirap ang asignaturang


Filipino kung ihahambing ito sa Matematika.

9) ______ Mas marami ang kinakain ko sa agahan kaysa sa


hapunan.

10)______ Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na


tulad kagabi.
G. Paglalahat

Ano ang inyong natutunan tungkol sa paksa ngayong araw?

May dalawang kaantasan ang paghahambing. Ano nga ba


ang dalawang kaantasang ito?

Sino ngayon ang makapagbibigay ng halimbawa sa pasahol at


palamang?

Gaano kahalaga ang wastong paghahambing para sa


mabisang pakikipagtalakayan?

H. Pagtataya

Hahatiin ang klase sa 4 na pangkat. Magpapalabunutan kung


ano ang magiging konsepto nila sa pag-uulat.

o News casting
o Hugot
o Pageant
o Musical

PANUTO:

Gagawa ang bawat pangkat ng pahayag na ginagamitan


ng paghahambing.

(2) paghahambing na magkatulad

(3) pasahol

(3) palamang
Papalakpak ang pangkat ng 4 na beses kung ito’y tapos na.
Bigyan lamang ng tatlong minuto sa paggawa ng gawain at
tatlong minuto para sa pag-uulat.

RUBRIKS:

BATAYAN

 Nilalaman 5 puntos
 Kaisahan ng
Pangkat 5 puntos
 Presentasyon 5 puntos
 Kaangkupan
ng impormasyon 5 puntos
KABUUAN 20 PUNTOS

IV. TAKDANG – GAWAIN

PANUTO:
Magbigay ng 5 halimbawa sa Anaporik at 5
halimbawa sa Kataporik. Isulat sa kalahating papel.

You might also like