Professional Documents
Culture Documents
Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
Rasyonal ng Proyekto
Sa paglipas ng panahon ay mas dumami ang bilang ng mga mag-aaral na hindi
komportableng manatili ng matagal sa loob ng Youth Development Center (YDC). Kakulangan ng
bintilador ang pangunahing dahilan kung bakit nag-aatubili ang mga mag-aaral na pumasok at
matagalan dito lalo na sa mataas na bahagi ng Youth Development Center kung saan masyadong
marami ang tao na kadalasan at hindi na naiiwasang magkaroon ng problema gaya na lamang ng
mga insidente ng pagkahilo dahil sa sobrang init. Layunin ng proyektong ito ang mga sumusunod:
1. Maging mas komportable ang mga mag-aaral sa tuwing may mga aktibidad o programa
na idaraos sa Youth Development Center (YDC).
2. Maiiwasan ang mga insidente na naglalagay sa panganib sa mga mag-aaral pati narin sa
mga guro.
Deskripsyon ng Proyekto
Ang proyektong ito ay nagsisilbing pintuan o gabay sa mga estudyante ng Santo
Columbano upang mas mawili ang mga mag-aaral na manood at makilahok sa mga programa o
aktibidad na karaniwang idinaraos sa Youth Development Center. Dahil din dito ay mas
komportable na ang mga mag-aaral dahil mababawasan ang init ng YDC at makakaiwas din tayo
sa mga posibleng aksidente na magaganap. Ang panukalang proyekto na ito ay isasagawa sa ika-
18 ng Enero, ganap 9:00 AM hanggang 5:00 PM sa Youth Development Center.
Kinakailangang Badyet sa Proyekto PHP 21,000.00
Bilang ng Pagsasalarawan ng Presyo ng Bawat Presyong Pangkalahatan
Aytem Aytem Aytem (PHP) (PHP)
10 piraso Bintilador 1,500 15,000
4 Kahoy 250 1000
10 piraso Cemento 200 2,000
4 Tao Bayad para sa mga 450 1,800
manggagawa
1 Kilo Pako 60 60
3 Litro Pintura 130 390
Kabuuang Gastusin 20,250
January 18, 2019
Mahal na ginang/ginoo,
Panagdait!
Kami po ay mga estudyante ng nasabing istitusyon na nasa sa ika-labing dawalang baitang. Nais po na
naming idulog ang aming nakitang problema sa ating Youth Development Center (YDC), tuwing may
programa o aktibidad na ginaganap rito tanging ang mga nakaupo sa mismong ground ang naookupahan
ng malaking bintilador at ang nasa itaas at nakaupo sa mga bleacher ay pawang naiinitan.
Nais po sana naming biyang solusyon ang problemang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng dagdag na
bintilador sa itaas na malapit sa mga bleacher. Sana poy mabigyang diin ang aming nais na masolusyonan
na problema at ito na rin para sa ikabubuti ng lahat.
Lubos na sumasainyo,
Mga mag-aaral:
Basadre Endonto
Baluca Saavedra
Mondarte Sabado
Declaro
SHS PRINCIPAL
DSA
PRESIDENT