Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa Maling Pag-ibig

“kung kailan ka magmahal,doon ka pa masasaktan’’

Isang kwentong karanasan sa pag-ibig na naranasan sa totoong buhay. Ito ay kwento ko, at ito
ay naranasan ko ngayon. Gusto ko lang isulat ito dahil wala akong mapagsabihan
dahil ang mga magulang ko ay hindi kami gaanong magkasundo. Puwera nalang sa kapatid ko na
babae. Iyon nga lang hindi din kami gaanong magkasundo. Pero may pagkakataon na
magkausap kami kapag may kailangan siya o di kaya’y ako, magtutulungan lang kami
kung ano ang mayroon ako na wala siya, at kung mayroon siya na wala ako. Magbibigayan
nalang kami.

Nagsimula ang lahat sa barkada at kaibigan ng kapatid ko,pinakilala niya ako sa isa sa mga
kaibigan niyang lalaki.doon kami nagkakakilala,humingi siya ng number ko, nagttxt,
natatawagan at nag-uusap sa personal, dahil iisa lang naman ang aming paaralang pinapasukan.
At nagiging kami, dahil sabi ng kapatid ko mabait daw siya at seryosong magmahal. Ayon
sinagot ko siya dahil nga ang kapatid ko na nagsasabi sa akin kung ano siya. Hindi pa umaabot
ng isang linggo an aming relasyon. Kahit na ganun, minahal ko na siya agad, hindi ko alam kung
bakit? Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit. Baka natamaan ako ni kupido. Pero
kahapon ko lang nalaman ang lahat tungkol sa taong mahal na mahal ko. Iyong taong mahal ko
ay may mahal pala ng iba, ang sakit…..sakit talaga, kahit ilang araw lang kami magkasintahan ay
minahal ko na siya higit pa sa buhay ko. Akala ko iba siya sa lahat ng mga lalaki, pero katulad
din pala. Kaya nalaman ang lahat, tumawag siya sa akin, at nagtaka ako kung bakit bigla siyang
tumawag sa akin. Iyon pala ang babae, kaya hindi siya nagsalita sa akin. Kahapon sa alas 5
ng hapon, may tumawag sa akin na number na hindi ko apamilyar, tapos sinagot ko,
hindi siya sumagot. Hindi ko alam na ang babae pa iyon, di ko alam kung bakit may number siya
sa akin. Sabi pa ng babae “iting babaeng ito, para namang sinong maganda.” Pagkatapos, binaba
na niya ang telepono. Ka gabi, nagtetext kami ng babae lahat ng masasakit na salita ay sinabi
niya sa akin. Sabi niya pinaasa lang daw ako sa tao, at bakit raw ako pumatol sa taong may
mahal ng iba. Ang sakit talaga talaga sa pakiramdam, at galit na galit ako sa sa sarili ko kung
bakit nangyari ito sa akin, at galit na galit din ang babae sa akin. Sinabihan ko ang kapatid ko sa
lahat ng nangyari, ayon nagalit siya dahil siya raw ang dahilan kung bakit naging kami ng
kaibigan niya. Kaninang madaling araw, nagtext yong babae sa akin humingi ng tawad sa mga
masasakit na salita na binitawan niya sa akin at sana raw maintindihan ko siya, dahil ayaw raw
niya mawala ang taong mahal na mahal niya. Sinabihan ko siya na naitindihan ko kung ano
ang pakiramdam kapag nangyari sa akin ang ganyang setwasyon. Lalo na kapag ang taong
mahal na mahal mo na ayaw mong mawala, dahil nga sa pagmamahal mo sa kanya kaya mo
nagawa iyon. Kung ako, ganun din ang gagawin ko kapag nangyari iyon sa akin. Malay ko kasi
na may syota pala siya at kinakasama pala niya ito, ang mas malala pa don ay kakilala at
kapitbahay ko pa…kaya humingi din ako ng tawad sa kanya, dahil nagmahal lang naman ako
at masama bang magmahal ng isang tao? Hindi naman talaga ako o siya ang may kasalanan,
biktima lang kaming dalawa at nangako ako sa kanya na ako nalang ang lalayo para wala ng gulo
at ayaw ko ng masaktan ng pauli-ulit…Mapaglaro talaga ang mundo sa akin, bakit sa akin pa ito
nangyari. Kung kalian tayo magmahal, doon pa sa taong hindi karapat dapat na mahalin at hindi
puweding maging akin dahil pag-aari ng iba. Parang isang bagay na akala mo sayo na, hindi
pala, dahil ito ay may nakalaan na.

You might also like