Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 2:

Sa Ilalim ng Kubyerta
(Ang Buod ng “El Filibusterismo”)
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon
ang dalawang estudyate na pinakukundanganan ng iba - si Basilio na nag-aaral ng medisina at
mahusay nang manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si
Isagani. Kausap sila Kapitan Basilio. Napag-usapan si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na
naging tagapayo ng Kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak
ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay
Kapitan Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang
matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng
ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap
ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino,
amain ng binata, nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ang magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si
Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang
lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isaganiat anya: Hindi
kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang
dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi
ni Padre Camorrana kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng
serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom
ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag
ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay
sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya
pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan
magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa
sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay
ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig
sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina
ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang
pamangkin. Nguni’t nakita ng Kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa
ibabaw ng kubyerta

You might also like