Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 9

Pangalan:_________________________ Baitang at Seksiyon:_____________________

I – Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.2

_____1. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.


A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
_____2. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan.
A. Malapit na ang taglamig. C. Mainit na ang panahon.
B. Nalanta na ang Cherry Blossoms. D. Paglipas ng panahon
_____3. Ang paraan at estilo ng pagsulat ng Haiku.
A. 5 – 5 – 7 B. 7 – 7 – 5 C. 5 – 5 – 5 D. 7 – 7 – 7
_____4. Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Ang tawag
dito o sa Ingles ay cutting?
A. Haiku B. Kireji C. Kiru D. Tanaga
_____5. Salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong
parirala ng bawat berso.
A. Haiku B. Kireji C. Kiru D. Tanka
_____6. Tinatawag na ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.”
A. Kana B. Manyoshu C. Shigure D. Tanaga
_____7. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa
pangungusap?
A. /tu.bo/ B. /TU.bo/ C. /tu.bo?/ D. /tu.BO/
_____8. Ang estilo at paraan ng pagsulat Tanka.
A. 5 – 5 – 7 – 7 – 5 B. 7 – 7 – 5 – 5 – 5 C. 5 – 5 – 5 – 7 – 7 D. 7 – 7 – 7 – 5 – 5
_____9. Tulang nagmula sa Japan na binubuo ng tatlong taludtod na may labimpitong pantig?
A. Haiku B. Saknong C. Tanaga D. Tanka
_____10. Bahagi ito ng mga unang tulang Pilipino na binubuo ng apat na taludtod na may 28 pantig?
A. Pabula B. Saknong C. Tanaga D. Tanka
_____ 11. “Ang puno ng lasones ay hitik ng bunga, kaya ito ay napakasuwerte”.Sa paanong paraan binibigkas ang
salitang may salungguhit.
A. /pu.no/ B. /PU.no/ C. /pu.no?/ D. /pu.NO/
_____ 12. “Kahapon siya ay dumating sa bayan ng Santa Cruz”. Ang pangungusap ay nagpapahayag ng pag -
aalinlangan,ano ang wastong tono ng salitang “kahapon”.
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
_____ 13. Ang pangungusap na “Hindi/ ako si Joshua ay isang halimbawa ng.
A. Antala B. Diin C. Intonasyon D. Tono
_____ 14. “Kanina ang mga mag - aaral ay nanguna sa paligsahan”. Ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pagpapatibay, ano ang wastong tono ng salitang may salungguhit.
A. 123 B. 231 C. 312 D. 213
_____ 15. “Ang saka ng aking kapatid ay malawak”. Sa anong paraan ng pagbigkas ang salitang “saka” sa
pangungusap.
A. /SA.ka/ B. /sa.KA/ C. /sa.ka?/ D. /sa.ka/
_____ 16. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din itong malapandiwa.
A. Aspekto B. Modal C. Pangatnig D. Pawatas
_____ 17. Paano ginagamit ang modal sa pangungusap na “Ibig ng mga tutubi na ipaghiganti ang kanilang
prinsesa.”
A. Malapandiwa B. Pandiwa C. Panuring D. Pawatas
_____ 18. Ama ng maikling kuwento: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: ______________
A. Aesop B. Asope C. Basho D. Nukada
_____ 19. Isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig.
A. Dula B. Pabula C. Talumpati D. Tula
_____ 20. Ayon sa kasaysayan ng pabula ng Korea ang tinaguriang “Diyos ng kalangitan ay”.
A. Aesop B. Hwanin C. Jesus D. San Pedro
_____ 21.”Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula”. Ang pangungusap ay nagpapahayag ng.
A. Hinihinging mangyari C. Nagsasaad ng pagnanasa
B. Nagsasaad ng posibilidad D. Sapilitang mangyari
_____ 22. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
A. Dula B. Maikling Kuwento C. Pabula D. Sanaysay
_____ 23. Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang nasa anyong pawatas.
A. Modal B. Pandiwa C. Pang – abay D. Pang - uri
Para sa aytem bilang 24 - 30. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot na nagpapahayag sa bawat
pangungusap.
A. Hinihinging Mangyari C. Nagsasaad ng Posibilidad

B. Nagsasaad ng Pagnanasa D. Sapilitang Mangyari


______ 24. Gusto kong mamitas ng bayabas.
______ 25. Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.
______ 26. Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.
______ 27. Kailangan mong magpursigi sa iyong pag - aaral.
______ 28. Maaari ka bang makausap mamaya?
______ 29. Puwede kang umasenso sa buhay.
______ 30. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula.
______ 31. Isang sining ng pasalitang pahayag na ang layunin ay makaakit at makahikayat sa mga nakikinig.
A. Dula B. Maikling Kuwento C. Pabula D. Talumpati
______ 32. Sa pagtatalumpati ang isa na dapat isaalang habang nasa intablado.
A. Galaw B. Kamay C. Mukha D. Ulo
______ 33. Sa pagbigkas ng talumpati , ito ay ginagamit upang magbigay diin sa ipinapahayag.
A. Galaw B. Kumpas C. Tindig D. Tinig
______ 34. Iba’t ibang pagpapakahulugan ang maibibigay ng pag – iiba – iba ng bigkas, diin, intonasyon at hinto.
A. Galaw B. Kumpas C. Tindig D. Tinig
_____ 35. Biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng
biglaang talumpati.
A. Extempore B. Impromptu C. Isinaulong Talumpati D.Kumperensya
_____ 36. May maayos na balangkas na nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan.
A. Dula B. Pabula C. Sanaysay D. Talumpati
_____ 37. Namamalas ang pambungad at ang paksa ng sanaysay.
A. Gitna B. Simula C. Unahan D. Wakas
_____ 38. Makikita sa maikling kuwento kung saan nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
A. Kasukdulan B. Panimula C. Suliranin D. Tunggalian
_____ 39. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
A. Kasukdulan B. Saglit na kasiglahan C. Suliranin D. Tunggalian
_____ 40. Problemang haharapin ng tauhan.
A. Kasukdulan B. Panimula C. Suliranin D. Tunggalian
_____ 41. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran.
A. Kasukdulan B. Panimula C. Suliranin D. Tunggalian
_____ 42. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
A. Kuwento ng Kababalaghan C. Kuwento ng Katatakutan
B. Kuwento ng Katutubong Kulay D. Kuwento ng Pangyayari
_____ 43. Naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
A. Kuwento ng Kababalaghan C. Kuwento ng Katatakutan
B. Kuwento ng Katutubong Kulay D. Kuwento ng Pangyayari
_____ 44. Pinakakaluluwa ng isang dula
A. Aktor B. Direktor C. Iskrip D. Tanghalan
_____ 45. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan.
A. Anapora B. Katapora C. Kohesiyong gramatikal D. Narrativ
_____ 46. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan.
A. Anapora B. Katapora C. Kohesiyong gramatikal D. Narrativ
_____ 47. Mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit – ulit ang mga salita.
A. Anapora B. Katapora C. Kohesiyong gramatikal D. Narrativ
Para sa aytem bilang 48 - 50. Isulat ang A kung ang pangungusap ay Anapora at K naman kung ang pangungusap ay
Katapora. Isulat ang tamang sagot sa unahan ng bilang.
_____ 48. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 49. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.
_____ 50. Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao.

You might also like