Big Book

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Ang

Panaginip
ni Kiko
Si Kiko ay isang batang makalat.
Saanman siya makarating,
Saanman siya naroroon,
Laging kalat ang makikita mo sa paligid niya.

1
Isang gabi, maliwanag ang buwan.
Si Kiko’y mahimbing na nakatulog.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog,
Siya’y nagising sa ingay, Ingay na may pinagtatalunan.

2
Si Kiko’y bumangon upang tignan ito.
Siya’y nagulat sa kanyang nakita.
Nakita niya ang mga basura.
Basurang naipon dahil sa kanyang kagagawan.

3
Ang mga basurang ito ay may Pinuno.
At ito’y nagngangalang Plastiko.
Pinahinto ni Plastiko ang mga kasama niya,
At siya’y nagsalita “Magandang gabi, Kiko!”

4
Si Kiko’y hindi nakapag salita agad.
“Baaakit kayooo nandito, totoo ba to?” tanong ni Kiko
“HaaHaaHaa!, Kami’y nandito dahil sayo” sagot ni Plastiko
“Anong paka’y nyo sa akin” sabi ni Kiko

5
“Kailangan ka namin upang patulo’y na dumami,
para maghari sa mundo n’yo”, sabi ni Plastiko
Nangamba si Kiko sa kanyang narinig.
Nakiusap siya na bumalik sila kung saanman sila galing.

6
Nguni’t hindi sila nakinig sa pakiusap ni Kiko.
Patulo’y pa rin ang pagdami nila,
Sa loob ng isang linggo ay unti-unti nang
Nasakop ang buong barangay nila ng kalat.

7
Muli nakiusap ulit si Kiko kay Plastiko,
Nagmaka - awang umalis na sila
Nangakong hindi na siya magkakalat kailanman
At sisiguraduhin niyang nasa tamang lalagyan ito.

8
Nakumbinsi ni Kiko si Plastiko
At tuluyan ng umalis ang mga ito.
Umiyak sa tuwa si Kiko, at biglang nagliwanag ang paligid.
Nang napagtanto ni Kiko na ito’y panaginip lamang.

9
Tinupad ni Kiko ang pangako niya.
Kahit ito’y panaginip lamang
Naging masinop at maayos na si Kiko.
Alam na niya ang tama at wastong pagtapon ng basura.

10
Ang Aral:​ Matutong maging masinop at maayos sa
pagtapon ng mga basura o kalat natin para ang kaligtasan
at kagandahan ng ating bayan ay maging kaaya-aya sa
paningin natin at sa paningin ng Diyos.

11

You might also like