Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Kulang sa Dilig

Amado V. Hernandez

Naratnan niya ang isang kagandahang natutulog. Sa isang luklukang yantok ay napahilig at
nawalan ng malay si Didang, at sakaniyang kandungan ay nabitiwan ang isang aklat na binasa
hanggang hatinggabi. Hindi na kaila kay Alfredo ang mga bakas ng natuyong luha sa kaniyang
mga pisngi. Marahang lumapit si Alfredo at ang asawang naiidlip ay hinagkan, pinupog ng halik
sa mga labit pisngi, hanggang sa pupungas-pungas na magising. Inilingap ni Didang ang kaniyang
paningin sa isang orasang naroroon, at nakitang nooy mahigit nang ikadalawa ng madaling araw.
Ngayong ka lamang ang sabiniya. Oo, ngayon lamang natapos ang peryodiko. Ang mag-asaway
lumabas sa komedor. Nagsalin ng mainit na kape si Didang,at silay nagsalo sa alanganing
agahang inihahanda ng babae tuwing madaling-araw pagkapanggaling sa pasulatan ni Alfredo.
Umiyak ka na naman, ang batini Alfredo sa asawa. Hindi, bakit ako iiyak? at pilit na pinasaya ni
Didang ang kaniyang maamong mukha. Si Didang ay lipos ng pag-aalinlangan.Noong mga unang
araw ng kanilang pagsasama ay naaaring makauwi nang maaga si Alfredo, bukod pa ang
kaniyang paghahapunan sa bahay ng mga unang oras kung gabi. Ngunit nang may pitong buwan
na silang kasal at sa kaniyang puso ay nararamdaman na niya ang mga unang pintig ng isang
bagong buhay, saka naman nabawasan ang panahong iniuukol ni Alfredo sa tahanang sarili. Ang
patong-patong na Gawain sa pasulatan ang lagi nang idinadahilan ng lalaki. Isang peryodista si
Alfredo, at ang kanilang pahayagan ay lumalabas tuwing umaga,kaya gabi kung siyaytumupad sa
kaniyang mga gawain. Si Didang ay hindi nasisiyahan sa mga paliwanag ng asawa. Noong dalaga
pa man siya ay nagkaroon na ng masamang pagkakilala sa mamamahayag, at nitong
mamamahayag ang kaniyang maging kapalaran ay tila pinatutunayan ng mga pangyayari ang
gayong pahilaw na pagkakilala. Hindi nga lubusang makapaniwala si Didang na ang mahahabang
oras sapol sa ikatlo ng hapon hanggang ikadalawa ng madaling-araw kinabukasan ay buong-
buong iniuukol ni Alfredo sa kaniyang mga gawain sa pasulatan ng pahayagan. Hindi naman siya
lamang ang naghahandang mag-isa ng peryodiko ay bakit kakailanganin ang gayon niyang
katakot-takot na paglilingkod? At lalong kumalat ang kamandag ng pagaalinlangan sa kaniyang
isip, nang isang gabi ay hindi niya makausap si Alfredo sa pamamagitan ng telepono. Ang sagot
sa kaniya ng isang kung sino sa teleponong tinawagan ay umuwi na si Alfredo. Nooy wala pang
ikalabindalawa ng hatinggabi. Wala na si Alfredo sapasulatan, ngunit hindi naman dumarating ng
bahay. At gaya rin ng dati, ikadalawa na ng madaling-araw nang sumipot ang masipag na
peryodista. Kay-agang pagtataksil! ang nooy naisaloob ng nagdadalamhating si Didang. Sa
kanyang guniguni ay kung ano-ano nang pangit at nakatatakot na larawan ng mga hinala ang
hali-haliling humarap na waring nagpapagalit. Si Alfredo ay hindi nagtatapat sa iyo. Dinaraya ka
niya! ang tila sumbat ng isang mapanuksong tinig na parang kumukulong apoy kang pumasok sa
kaniyang tainga. At siyay susubsob na lamang sa unan at luluha nang luluha hanggang sa talunin
ng hapo at antok. Sa gayon anyo siya malimit datnan ng asawang hinihintay. Si Alfredo palay
dapat maging doktor.

II

Si Didang ay isang nars noong siyay dalaga. Noon pa mang araw na nakakatulong siya
ng punong nars sa pagtatanod kung gabi, napagpakuan na ng kaniyang tingin si Alfredo kung itoy
kumukuha ng balita sa ospital. Ang tagakuhang-balita naman ay madalas na nagpapalumagak sa
impormasyon kahit hindi na kailangan, upang magnakaw ng tingin sa nars na kaniyang
kinagigiliwan. Ang pagkilala nilay nagging matalik nang si Didang ay manungkulang pangulo ng
lupon sa paglalathala ng mga kasayahang idaraos sa kaarawan ng mga pagamutan. Sino pa ang
maaaring katulungin ni Didang sa gayong gawain kundi ang kaniyang peryodista? Si Alfredo nga.
Ang dalaga ay sinamahan ni Alfedo sa ibat ibang pasulatan at siya na rin ang naghanda ng mga
write-up tungkol sa mga pagdiriwang na gagawin. Noon pa lamang ay nakarinig na si Didang ng
ilang maaanghang na biro ng mga kaiigan ni Alfredo. Dili ang hindi niya naipangagat-labi an
napakinggang mga palipad-hangin: Bagay na bagay. Mahusay pipili si Alfredo. Masama ang tama
ni Alfredo, ngyunit bahala siyang pagalingin ng kaniyang tagapag-alaga. Ang gayong pagsasadya
sa pasulatan ay sinundan ng pagliliwaliw sa Luneta, ng pagpasok sa sine, ng pagkain ng sorbetes
sa Legaspi Garden. Kung si Alfredo ay nagtutungo sa ospital ay hindi na upang kumuha ng balita
lamang, kundi upang dukutin ang puso ng magandang mutyang yaon. Hindi ako naniniwala sa
inyo, kayong mga peryodista ay sinungaling, anag pabalat-bunga ni Didang minsang hinihingi ni
Alfredo ang kaniyang tapat na kasagutan. Sinungaling nga ako, sapagkat sa aking bibig ay
naririnig ang mga katotohanang hindi karaniwan. Ipinangangako ko sa iyo… Huwag kang
mangako, ang putok ng dalaga. at nang wala kang pangakong sirain. Didang, kay-lupit mo! ang
himutok ni Alfredo. Samantalang ang ibang maysakit ay iyong inaalagaan upang gumaling, ako
naman ay lalo mong pinaluluha at ayaw mong lunasan. Ngunit akoy natatakot. Hindi ka dapat
matakot sa aking pag-ibig Nasisindak ako, Alfredo, sapagka ang iyong diwa ay malikot, ang iyong
puso ay lagalag. Balang araw ay paluluhain mo ako. Didang! Ang mga panimdim at agam-agam
ng magandang nars ay pinawing lubos ng matatamis na pangako ni Alfredo. At isang araw ay
nalungkot ang lahat ng maysakit sa ospital, sapagkat si Didang ay sumama na kay Alfredo.
Iniwan niya ang pagka-nars upang maging asawa ng isang peryodista. Isang malamig na umaga
ng Disyempre ay napakasal sila sa katedral at inihatid sa Baguio n isang automobile na halos
lumilipad. Doon sila pagparaan ng isang linggong pulut-gata. Ngunit ang kaligayahan ni Didang
ay tila hindi panghabang panahon. Dumating sa kaniya ang pinangangambahan noong siyay
dalaga pa na makailang winika kay Alfredo na baling-araw ay paluluhain mo ako. Ang mga
gawain ng peryodista ay nagging sagwil sa kanilang matahimik na pagsasama. Si Alfredo ay
umaalis bago mag-ikatatlo ng hapon at darating ng ikadalawa ng madaling-araw. Pagkagising ay
maliligo, magbabasa, magsusulat-sulat at papasok n naman pagkapananghali pa lamang halos.
Wala nang panahong naiuukol sa kaniya. Wala na siyang giliw na tinatanggap, hindi na siya
makapaglambing, hindi na siya makapagsabi ng kaniyang mga dinaramdam. Samantalang siyay
hindi lamang nagging nars sa bagong tahanan, kundi isang tunay na alilia. Nakatira sila sa isang
bahay na karaniwan ang laki na kanilang inuupahan lamang. May binabayaran silang ilaw, gaas,
tubig, telepono buwan-buwan. May hinuhulugan silang radyo. Si Alfredo ay maraming utang sa
mga aklat. Kaya ang dalawang daang pisong sinasahod ng kaniyang peryodista ay hindi na niya
minabuting ikuha ng alila, pagkat siya na rin ang namimilit nagluluto. Ang paglalaba lamang ang
hindi niya ginagawa at sadyang itoy hindinaman ipinahihintulot sa kaniya ni Alfredo. Ang
pagkaharap sa santalaksang gawain sa santalaksang gawain sa pamamahay ay hindi ikalulungkot
ni Didang. Siyay isang babaeng nakakikilala ng kaniyang tungkulin. Alam niyang si Alfredo ay
hindi isang mayaman. Alam na lama niyang ang kinikita ni Alfredo ay hindi nila maaaring
ipagbulagsak, kundi kailangang tipirin, unti-untiin, at pagkasiyahin sa maraming
pangangailangan. Wala siyang tutol. Sa kaniyang mga labi ay hindi nakapansin si Alfredo ng isang
himutok man lamang na parang daing sa kanilang mga kahirapan. Ang kaniyang lihim na
tinututulan ay ang labis na oras sa paggawa ng kaniyang asawa. Sa palagay niya ay hindi na pulos
sa paggawa buong-buong nauukol ang panahong nasabi. Siyay nag-aalinlangan, nababalisa,
naninibugho.

III

Humantong sa sukdulan ang pagdadalamhati ni Didang nang lalong tinanghali ng uwi si


Alfredo isang araw. Dumating noon ang peryodista nang ikaapat na ng umaga. Hindi na
nakuhang siyay kausapin o inmin ang mainit na kapeng kaniyang inihanda, spagkat pabagsak na
inilupasay ang katawan sa higaan, pagkahubad ng damit na panlakad, at ilang sandal lamang ay
narinig niyang naghihilik na. Ang kasuutang hinubad ni Alfredo ay maingat na inayos ni Didang.
Inalis ang mga laman sa bulsa. Datapwat sadya yatang siyay tinitiki9s ng pagkakataon o talagang
ibig nang mabunyag sa kaniya ang mga kataksilan ni Alfredo. Nakakuha siya ng isang kaputol na
papel na kinasusulatan ng sumusunod:

NORA CLARIN

Dormitoryo ng San Juan

11 p.m.
Hindi man maliwanag ang talang nabasa niya sa kaputol na papel na kaniyang
natuklasan sa bulsa ng amerikana ni Alfredo, parang may malaking daliri na nagtuturo sa kaniya
ng mga kataksilan ng asawang nooy natutuog. Ibig niyang gisingin si Alfredo at ipamukha ang
natamong katibayan ng katampalasanan. Nora Clarin pala ang pangalan ng isang babaeng
makiri. ang sa sariliy kaniyang nawika. Nakatira sa dormitory ng San Juan, at silay nagtipan
kagabing ikalabing-isa. Kaa ang magaling na peryodista ko ay tanghali na nang umuwi, at patay
na patay ang katawan sa pagod. Nagpakalasing na mabuti sa kaligayahan ang mga taksil! Ang
luha ni Didang ay hindi napigilan. Sa palagay niyay aping-apisiya at ang kaniyang asawa ang
walang pusong nagdulot ng gayong mga kaapihan. Siya pa naming wala nang sukat takbuhang
magulang, kapatid o kamag-anak sa Maynila, ang daranas ng napakalupit na paglimot ni Alfredo,
dahil lamang sa isang talipandas na babaeng mang-aagaw ng asawa ng may asawa! Sana siya
maaaring dumulog kung iwan siya ni Aflredo, kundi sa ospital ding pinagkunan sa kaniya? Noon
pa naming siyay halos naka-talaga ng Diyos. Nang magising ang mamamahayag, kinatanghalian
ng araw na yaon ay wala si Didang. Tinawag niya ay walang sumasagot. Hinahanap niya sa lahat
ng sulok ng bahay ay hindi natagpuan. Nakita niyang sa komedor ay maayos na nakahanda ang
kaniyang pagkain. Nakita rin niya ang isang maikling sulat na may lagda ng kaniyang asawa.
Ganito ang sabi sa kaniya ni Didang: Alfredo: Akoy aalis upang maisauli ang iyong kalayaan. Di
sasalang mahigit kaysa sa akin ang iyong dormitoryanang si Nora Clarin.

IV

Sa mga hulingoras nang gabing yaon ay nagambala ang ilang manggagamot sa Ospital
Heneral. Isang lalaki ang idinating nang malubha dahil sa punglo ng rebolber na pumasok sa
kaniyang katawan. Sa bulwagan ng operasyon ay pabulong ang salitaan ng mga nars. Patiyad
kung maglabas-masok ang mga katulong. Ilang mahabang oras ang nagdaan. Pagkatapos ay
isang lalaking halos walang dugo sa mukha, nakapikit ang mga mata at ang paghingay waring
nagdaraan sa butas ng karayom ang ipinasok sa isang silid. Isang nars ang dooy naratnang
nananangis. Pinagmasdang mabuti ang lalaking maysugat, at hindi napigil na maibulalas ang
isang pangalan: Alfredo, asawa ko! at pahandusay na yumapos sa tabi ng higaan. Ang lalaking
napahamak ay si Alfedo at ang nars na umiiyak ay si Didang. Pagkaalis nang umagang
sindundand, si Didang ay nagtuloy sa ospital at namanhik sa punong manggagamot na siyay
doon na muna mamamalagi, kahit walang sahod, kung talagang walang maaaring iukol sa
kaniya. Hindi naman tinanggihan ang handog na paglilingkod ng dating nars, sapagkat siyay
lubhang kilala sa pagamutang nabanggit. Ang may-ari at tagapamahala ng pahayagang
pinaglilingkuran ni Alfredo ay magkasabay na dumating sa ospital, at sila ang nagsalaysay kay
Didang ng tunay na nangyari sa kapahamakang kinasuungan ng peryodista. Ang sabi ng
tagapamahala: Noong isang hatinggabi ay isang maganda at mayamang dalaga sa dormitory ng
San Juan ang dinukot ng ilang masasamang-loob. Ang dalagay nagngangalang Nora Clarin. Ang
layon ng mga salarin ay ipatubos si Nora sa halagang P50,000 sa mga magulang nitong nasa
lalawigan. Ang dukutang iyan ay nasubaybayan ni Alfredo. Natuklasan niya kung saan itinago ng
masasamang-loob ang dalagang tinangay. At kagabiy lihim siyang nagsadya sa tinurang pook.
Ngunit sa kasamaang-palad ay nasagupa niya ang mga salarin, at pinaputukan siya agad ng isa sa
kanila. Alam ninyo, siya ang pinakamabuti at masipag sa buong pasulatan naming, at lubos na
pinagtitiwalaan. Salamat na lamang at ligtas na sa panganib, ayon sa manggagamot. Ang bumaril
kay Alfredo ay nadakip na ng pulisya. Kinabukasan ay may kulay na ang mga labi ni Alfredo,
atnang marahang imulat ang kaniyang mga mata ay masayang kumislap sa liwanag ang bagong
pag-asa. Namataan at nakilala niya agad ang kaniyang asawa, na nooy nakasuot-nars at nasa
kaniyang ulunan. Masuyong hinaplos ni Didang ang isang kamay ni Alfredo. Saan ka naparoon
kahapon? ang tanong ng lalaki. Ang bibig ni Alfredo ay sinusian ng isang maapoy na halik ni
Didang, at sa tainga ng peryodista ay buong kaluwalhatiang ibinulong: Naririto ako upang
alagaan ka at upang huwag ka nang iwang kailanman.

You might also like