Piliin Ang Titik NG Tamang Sagot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.

Para sa bilang 1 – 5, piliin ang pinakaangkop na sagot sa mga sumusunod na tanong kaugnay ng paksang “Kompyuter
at Pag – aaral”.
_______1. Alin ang pinakaangkop na paksang pangungngusap dito?
A. Magagamit ang kompyuter upang hindi maiinip sa pag – aaral
B. Magagamit nang epektiboang kompyuter kung pahahalagahan ang katuturan nito sa pag – aaral
C. Matutulungan ng kaalaman sa kompyuter ang mga mag – aaral, pamilya, komunidad at bansa.
D. Mauunawaan ang pangunahing gamit ng kompyuter sa paaralan.
_______2. Anong pamagat ang maaring gamitin para sa naturang paksa?
A. Tara ng Magkompyuter nang sipaging mag – aral
B. Ang Kompyuter sa Nagbabagong Mundo ng Teknolohiya
C. Kompyuter: Makabagong Paraan, Bagong Kaalaman
D. Kompyuter: Susi sa Tagumpay
_______3. Ano ang angkop na pagkukunang datos para sa naturang paksa?
A. Interbyu at Sarbey B.Mga Dokumento
C. Eksperimento sa Laboratoryo D.Testimonya
_______4. Ano ang higit na makatutulong para pangatuwiranan ang paksa?
A. Malaki ang tulong ng Kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang mag –aaral
B. Kompyuter ang sagot sa kakulangan ng libro sa aklatan
C. Malaking tulong ang Kompyuter sa pagdag dag ng kaalaman at kasanayan ng mag – aaral
D. Wala sa nabanggit
_______5. Ano ang epektibong wakas kung susulatin ang paksa?
A. Tunay na malaking tulong ang Kompyuter sa pag harap ng mag – aaral sa hamon ng globalisasyon
B. Teknolohiya ang sagot sa problema sa edukasyon
C. Malaking tulong sa pag – aaral ang kaalaman at kasanayang ibinibigay ng kompyuter
D. Malaki ang tulong ng kompyuter para masanay sa bagong teknolohiya ang mag - aaral pagtuklas
_______6. Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa konsepto o katuwiran.
A. Perspektiba B.Balangkas ng kaisipan C.Tono D.Layunin
_______7. Binibigyan pagkakataon dito ng sumulat na ipokus ang atensyon ng mambabasa sa ispesipikong direksyon o anggulo
hanggang sa umabot sa kongklusyon
A. Perspektiba B.Balangkas ng kaisipan C.Layunin D. Introduksyon
_______8. Ito ang pinakatesis o pokus ng pag – aaral o paksa.
A. Introduksyon B. Perspektiba C. Tono D. Layunin
Bilang 9 – 12 Sa mga sumusunod na halimbawa tukuyin kung anong pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag – aaral. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
A. Solusyon at Patakaran C. Sanhi at Bunga
B. Fact o Opinyon D. Halaga

_______9. Sa Halip na K – 12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan ng gobyerno.
_______10. Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata.
_______11. Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.
_______12. Ang global warming ay penomenong pang – Asya.
_______13. Ayon sa kanya ang etika ay tumutugon sa mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at
masama, pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di pagtanggap.
A. Salvador P. Lopez B. Crisanta Nelmida Flores C. Galileo S. Zafra D. Chris Newton

Bilang 14 – 15, Tukuyin kung ano isyu, o paglabag kaugnay ng etika ang mga sumusunod na bilang. Piliin ang titik na sagot sa
loob ng kahon.
A. Copyright C. Plagiarism

B. Paghuhuwad ng datos D. Fact o Opinyon


_______14. Hindi pagbanggit sa may akda ng bahaging sinipi.
_______15. Osama Bin laden, ikinalat sa publiko ang kaniyang mga video ng mga tula pagkatapos ng 9/11
Bilang 16 – 18, Tukuyin kung anong paraan ng pagbubuod ang mga teksto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A. Buod C. Lagom o Sinopsis


B. Hawig D. Presi

_______16. “Kausap mo ang matandang lalaking magulang ng iyong nililiyag upang makuha ang pahintulot niya na makaisang
dibdib moa ng kaniyang anak. Ngunit nauumid ka at hindi makapagsalita habang patuloy itong nagtutumba – tumba. Gusto mo
nang sumuko ngunit ayaw mong mapares sa matanda na tumandang nag – iisa sa kaniyang tumba – tumba.”
_______17. “Sa pag – aaral ni Acuña (1977), lumalabas na mas nagiging malikhain at tutulong sa kognitibong pag – unlad ng bata
ang paggamit ng katutubong wika sa Kaniyang pag – aaral kaysa banyagang wika.”
_______18. “Mahalagang masuri at mapag – aralan na Pilipino ang mga katawagang astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na
ang iba’y ginagamit pa sa kasalukuyan. Mula rito, mababago ang paraan ng pamumuhay noong unang panahon.”
Bilang 19 – 22, Tukuyin kung anong mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay – Sanaysay sa mga sumusunod na
impormasyon

A. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista


B. Sumulat sa unang panauhan
C. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay – sanaysay
D. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay

_______19. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. Gumamit ng akmang salita
batay sa himig ng lakbay – sanaysay.
_______20. Mahalagang nakabatay sa human interest ang susulating lakbay – sanaysay.
_______21. Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay – sanaysay, dapat isaisip ng taong naglalakbay na siya
ay tutungo sa isang lugar hindi bilangisang turista kundi isang manlalakbay.
_______22. Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue.
A. Pictorial essay B. lakbay – sanaysay C. posisyong papel D. sinopsis
_______23. Ayon sa kanya ang sanaylakbay ay binubuo ng tatlong konsepto: sanay, sanay, at lakbay.
A. Nonon Garcia B. J. Irwin Miller C. Nonon Carandang D. Mary Anne S. Sandoval
_______24. Ayon sa kanya may apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay – sanaysay.
A. Mary Anne S. Sandoval B. J. Irwin Miller C. Gerard P. Concepcion D. Dr. Lilia Antonio
_______25. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay.
A. Nonon Carandang B. J. Irwin Miller C. Nonon Garcia D. Mary Anne S. Sandoval
_______26. Ayon sa kanya” Ang pundamental na konsepto ng Agham Panlipunan ay KAPANGYARIHAN na pareho na esensya ng
ENERHIYA na pundamental na konsepto ng pisika.”
A. Bertrand Russel B. Nicholas A. Christakis C. Thomas Moore D. Geroge Buchanan
_______27. Ang Agham Panlipunan ay nagbibigay ng pangakong kalagayan ng tao; ang buhay natin ay lubhang mapapaunlad ng
mas malalim na pag – unawa sa indibidwal at sa kolektibong asal at kilos.
A. Bertrand Russel B. Nicholas A. Christakis C. Thomas Moore D. Geroge Buchanan
_______28. Pag – aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan, pag –unlad, at pagkabuo ng mga samahan
at institusyong panlipunan.
A. Antropolohiya B. Heograpiya C. Sosyolohiya D. Arkeolohiya
_______29. Ginagamit dito ang participant – observation o ekspirensyal na imersiyon sa pananaliksik.
A. Antropolohiya B. Arkeolohiya C. Heograpiya D. Ekonomiks
_______30. Ginagamit ang lapit – naratibo upang mailahad ang mga pangyayari.
A. Relihiyon B. Area Studies C. Kasaysayan D. Arkeolohiya

You might also like